Nakipagkita si Avery sa decorator ng simbahan at pagkalipas ng ilang oras,pumasok si Tammy kasama ang isang magandang dalaga."Avery. Hayden." BNakangiting bati ni Tammy at ipinakilala ang babaeng kasama niya. "Ito nga pala si Lina, anak ng kaibigan ko. Fourth year college na siya at gagraduate na siya sa susunod na summer. Nag-uumpisa na siyang mag-intern, kaya marami siyang libreng oras. Nakakita ako ng cafe papunta dito, kaya doon kayo pwedeng pumunta para makapag usap."Alam ni Tammy kung paano mag isip ang mga kabataan kaya wala siyang sinabi na kung anumang makakapag pa turn off kina Avery at Hayden. Tiningnan ni Avery mula ulo hanggang paa si Lina.Sobrang gandang bata talaga ni Lina at balingkinitan din ang katawan nito. Ngumiti si Avery at sinabi kay Hayden, "Magkape muna kayo ni Lina! Matagal na rin mula noong huli kong nakausap ang Auntie Tammy mo, kaya kailangan rin namin ng konting oras ng kami lang."Naunang maglakad palabas si Hayden at agad na sumunod si Lina.
Nakahinga ng maluwag si Hayden nang malaman niyang hindi magkamag anak si Lina at si Tammy. "Dapat ipagpatuloy mo ang career mo. Sigurado akong malayo ang mararating mo," sagot ni Hayden.Matalino si Lina at agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Hayden. "Hayden, hindi mo ba gusto ang itsura ko, o ang career ko? Hindi ko naman talaga kailangang maging dancer.." “Sa tingin ko, hindi magiging worth it ang pag iwan mo sa career mo para bumuo ng pamilya.” Maya-maya, dinala ng waiter ang kape na inorder nila, at matapos nilang ubusin ang kape, tumingin si Hayden sa kanyang relo at binayaran ang bill.Pagbalik nina Hayden at Lina sa simbahan, saktong nag uusap at nagtatawanan sina Avery at Tammy.At nang makita sila, biglang natigilan ang mga ito. "Bakit ang bilis nila? Hindi ba sila masaya sa naging date nila? Hindi ba natuwa si Lina kay Hayden, o baliktad?" nagtataka si Avery.Si Tammy, sa kabilang banda, ay sigurado na si Hayden ang hindi masaya sa match.Noong nasa byahe
Nagdala si Lilith ng babae.Nang malaman ni Lilith mula kay Elliot na naghahanap si Hayden ng girlfriend agad niyang dinala ang isang bagong model mula sakanyang firm. Panalo ang taste ni Lilith pagdating sa ganda, at ang babaeng dinala niya ay bata, balingkinitan ang katawan, at ubod ng ganda."Hayden, ito nga pala si Meryl, isa sa mga bago kong model. Mag nanineteen na siya ngayong taon," bati ni Lilith kay Hayden na may ngiti.Tinitigan ni Hayden si Meryl ng ilang sandali, bago siya tumingin kay Elliot, alam niya na may sinabi iyo kay Lilith."Kumusta, Meryl," bati ni Hayden. "Gutom na ako. Kain na tayo!"Napansin ni Elliot na hindi masyadong maganda ang mood ni hayden kaya iniisip niya na baka may hindi magandang nangyari rito at sa dalagang pinakilala ni Tammy. Kaya kinuha niya ang kanyang phone at nagtype, na pinakita niya kay Avery. Pinagmamasdan siya ni Avery mula noong naglabas siya ng phone at patagong nagtype sa ilalim ng lamesa. Nang makita niya ang tinype nito,
Agad nawalan ng gana si Ivy ma kumain nang makita niya ang higit sa dalawampung ulam sa mesa.Ito na siguro ang pinakabongga na handaan na napuntahan niya, lahat ng masasarap na pagkain na maisip niya ay nandito na.May mga ulam ngayon niya lang nakita, pero buti na lang, may mga kusinero na nakapalibot sakanila para magpaliwanag ng bawat recipe."Ivy, bakit hindi ka kumakain? Hindi mo ba gusto yung mga pagkain?" bulong ni Layla."Sobrang dami kasi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula." Nag-i-intern na si Ivy bilang broadcaster ngayon at hindi na siya makakain ng sobra-sobra kasi baka hindi maganda tignan sa camera."Tikman mo lang yung bawat isa. Itatabi natin yung masarap at icacancel yung mga hindi." Simulan na ni Layla na maglagay ng pagkain sa plato ni Ivy."Sige na nga."Pagkalipas ng ilang sandali, tumigil na rin si Lilith sa pagkain dahil hindi rin ito pwedeng magpataba para sa trabaho niya."Hayden, tayo-tayo lang naman ang nandito kaya sabihin mo na sa amin kung a
Pagkatapos mag seatbelt ni Ivy, pinagmasdan niya si Hayden at medyo nag alangang nagsalita, "Hayden, gusto lang nina Auntie Lilith at Momy na makatulong. 'Wag kang magalit."Biglang narelax ang mukha ni Hayden. "Hindi naman ako galit.""Mabuti naman kung ganun." Medyo gumaan ang pakiramdam ni Ivy. "Mukha namang maganda yung kasama ni Auntie Lilith, ha. Malakas yung fashion sense niya.""Wala kaming mapag uusapan." Walang pagdadalawang isip na magsabi ni Hayden na magsabi sa kapatid niya. "Hayden, ikaw nga yung hindi kumakausap sakanya!" Dahil dun, biglang naalala ni Ivy si Lucas.Tahimik si Lucas noong unang araw na na assign siya doon. Parang si Hayden, si Lucas ay isang lone wolf pero may mabuting puso."Hayden, may kakilala ako dati na ayaw ding makipag usap sa mga stranger katulad mo. Wala rin kaming magkaparehong interes, pero nagkaroon ng isang pagkakataon kinailangan naming mag usap…Unti-unti, nagka-sundo kami." Gusto ni Ivy na tulungan si Hayden na malampasan ang mga ka
Naisip niya na parang masyadong cheesy ang ideya na yun, pero masyado ng nagiging moderno ang mga kasal. Noong nagpakasal sina Avery at Elliot, hindi sila masyadong nag plano para sa mga regalo ng mga bisita nila dahil wala naman silang natanggap na tulong mula sa mga pamilya nila. "Avery, kung okay ka na sa plano na yan, magoorder na ako." Sa tingin ni Elliot, maganda ang plano dahil gusto niyang maging malaki ang kasal para maipakita niya sa lahat kung gaano ka-importante si Layla sa pamilya nila.Biglang nahimasmasan si Avery at sumagot, "Okay. Sigurado na ako."Kinagabihan, bumalik sila sa hotel para tumikim ng isa pang batch ng mga pagkain. Sa pagkakataong yun, sinama nina Shea at Tammy ang kani-kanilang mga pamilya, kaya mas marami sila ngayon kumpara kaninang tanghali. Tatlong lamesa ang napuno nila. "Wow! Parang kasal na mismo ang dinner na ‘to ha," sabi ni Tammy.“Kasi sobrang dami anting mga anak. Hindi gaya noon na iilan lang tayo.” Sagot ni Jun.“Totoo ba ‘to? I
Parehong masaya sina Elliot at Avery na maganda ang relasyon ng kanilang mga anak."Mommy, Daddy, bakit hindi kayo nagsasalita?!" Nagulat si Layla sa ideya pero alam niyang hindi niya kayang kumbinsihin ang kanyang kapatid."Ano ba ang dapat naming sabihin? Kung gusto ng kapatid mo na gawin yun, hayaan mo siya! Ang pera naman ay dapat ginagastos kung saan ka masaya.”"Tama ang sinasabi ng Mommy mo. Di ba sinabi mo naman na kumapal na ang mukha mo? Hindi ka ba natutuwa sa ginagawa ng kapatid mo para sayo?"Wala nang magawa si Layla. "Pero sobra na ito! Kasal ang inoorganize ko, hindi charity fair—""Layla, isa ka sa mga prinsesa sa pamilya natin, at itama lang ang nangyayari! Kung kumikita ako ng gaya ni Hayden, gagawin ko rin naman yang sinabi niya," sabi ni Robert.Sobrang nakakagaan ng pakiramdam ang sinabi ni Robert. "Layla, kapatid mo si Hayden, kaya hayaan mo siyal. Ito na ang pagkakataon mo na gastusin ang pera niya bago pa ma-control ng kanyang future wife ang lahat ng m
"Hayden, naaalala ko na malakas kang uminom! Tara, inom tayo!" Excited si Ben at umupo sa tabi ni Hayden.Hindi makatanggi si Hayden at pumayag na lang."Kung hindi nag-undergo ng surgery si Eric, kasama natin siya ngayon mag inom." Pulang-pula na ang mukha ni Ben, pero nakayanan niyang magbiro pa rin. "Kaya ikaw na lang ang sumama sa akin.""Uncle Ben, hanggang dalawang baso lang ang iinumin ko. Diba may fatty liver ka?""Bakit ang galing ng memory mo? Hindi ako pinapainom ng asawa ko... kaya madalas hindi ako umiinom... Pero may okasyon naman ngayon, tama ba?" Nakipag cheers si Ben kay Hayden. "Okay lang naman uminom paminsan-minsan. Alam ko naman ang limit ko.""Isang baso lang ang inumin niyo." Pinatigil sila ni Avery. "Hindi pa naman araw ng kasal ni Layla! Dahan-dahan, Ben! Mahalaga ang kalusugan mo.""Hay nako! Tignan mo ‘tong lasenggero na ‘to! Nakahanap nanaman ng dahilan para uminom.” Naiinis na sabi ni Lilith. "Sinabi niya na walang saysay ang buhay niya kung hindi siy