Muling nagsalita si Layla, “Kailangan kita sa tabi ko just in case sumakit ang ulo ko sa kalagitnaan ng gabi.”Naintindihan naman ni Eric ang katwiran ni Layla, kaya pinag isipan niya ito ng maigi at mga ilang segundo rin bago siya nakasagot, “Ikaw na sa kama, ako na sa sahig.”Pumasok si Layla sa loob ng kwarto ni Eric at isinara ang pintuan. “Ano pa bang inaarte mo jan? Kahit nga sina Mommy at Daddy, wala ng tutol sa atin. Ay mali! Lahat ng mga kamag anak ko! Darating rin naman talaga tayo sa punto na magtatabi tayo sa kama, diba? Pero wag kang mag alala, hindi naman kita pagsasamantalahan habang mahina ka pa.”Inilapag ni Layla ang unan niya sa tabi ng unan ni Eric. Hindi niya alam kung paano siya magrereact, pero tama naman si Layla. Mulanang ibinigay niya ang susi ng bahay niya kay Layla,hinanda niya na rin ang sarili niya na ito na talaga ang makakasama niya habambuhay. “Sasabihin ko sayo ang totoo.” Hinawi ni Layla ang kumot at humiga sa kama ni Eric. “Nahihirapan akong
Hindi inaasahan ni Ivy na tototohanin talaga ni Layla ang sinabi nito kagabi. Bago matapos ang tawag, tinanong ni Ivy, “Layla, bakit hindi ka pumasok ngayon? May nararamdaman ba si Eric?” Natawa si Layla. "Okay naman siya. Naglambing lang siya na gusto niya raw akong makasama dito sa bahay.”"Aba mukhang naging clingy na siya ah!" Natatawang sagot ni Ivy. "Sigurado akong masayang masaya ka diyan."“Hindi naman ganun yun! Satin-satin lang ‘to ah. Nabangga kasi ako ulot kagabi pero okay lang naman ako. Nag aalala lang talaga siya sa akin kaya sinabi niyang wag na muna akong lumabas ng bahay. HIndi niya man sabihin, pero nararamdaman ko.”Gulat na gulat si Ivy, “Okay ka lang ba talaga, Layla?”"Maliit na aksidente lang iyon. Kailangan lang ayusin ang sasakyan, pero okay naman ako. Huwag mong sabihin kay Mommy at Daddy," paliwanag ni Layla.“Sige. Wag ka na munang lumabas at magpahinga ka. Kapag may naramdaman kang kakaiba, pumunta ka kaagad sa ospital ah.”“Haha! Huwag kang mag
"Bakit hindi na lang tayo magpadala ng bodyguard kasama ni Ivy?" nag aalalang tanong ni Elliot.“Sa tingin mo ba papayag si Ivy? Namumuhay siya ngayon bilang isang ordinaryong estudyante kaya tahimik ang buhay niya.” Sagot ni Avery na abalang magpuno ng cupcake, chewing gum, at iba pang mga pagkain na makakatulong kay Ivy para hindi ito antukin. Alam ni Elliot na may punto si Avery, at wala siyang magagawa pagdating kay Ivy. Simula nang pumayag siyang hindi ipaalam ang pagkakakilanlan ni Ivy sa publiko, inihanda niya na ang sarili niya sa mga problemang pwede niyang kaharapin kapalit nito. "Kailangan ba natin siyang bigyan ng mga energy drink?" gusto ring tumulong ni Elliot.Alam niya na seryoso si Ivy pagdating sa internship na ito, kaya gusto niya ring suportahan ang anak dahil yun lang naman talaga ang pwede niyang gawin sa ngayon. “Yun nga rin ang iniisip ko pero wala pa akong nabibili.” Sagot ni Avery. “Lalabas nalang ako mamaya para bumili. “Tama, tapos umidlip din ta
"Okay lang 'yun, Mommy. Nakausap na ako ni Mr. Gardner tungkol doon, at ako rin naman ang nagdesisyon na magtrabaho sa araw na 'yun," kalmadong sagot ni Ivy "Ako ang pinakabata sa mga intern ngayong taon, at dapat ako ang mag-take ng shift na 'yun."Sa shift siya, dapat umalis siya ng 10 pm sa bahay nila, ibig sabihin, sasalubungin niya ang bagong taon sa TV stationIto ang unang Bagong Taon na hindi makakasama ni Ivy ang kanyang pamilya, at kahit si Avery na walang pakielam sa ibang bagay ay nahihirapang tanggapin na mag-isa ang kanyang anak sa New Year's Eve."Ayaw ni Hayden sa mga kumpanyang masyadong pinapahalagahan ang seniority." Alam ni Avery na hindi niya mababago ang desisyon ni Ivy pero gusto niya pa ring sabihin ang bagay na ito. "Kapag palagi kang nakikipag-compromise, minsan ginagamit yun ng iba bilang lisensya na ibully ka kaya nga yung iba ay mas pinipili nalang na maging demanding at selfish."Tumango si Ivy at kinonsidera ang payo ni Avery."Mommy, siguro nasanay
[Hindi ko sinabi sa kanya. Nagpapalakas pa siya, at ayoko na mag puyat siya], sabi ni Layla.[Ah, okay.] Sagot ni Robert.Biglang sumulpot si Hayden at sumali sa chat. [ Wag na kayong mag puyat next time. Pwede naman kayong maghintay sa recording ng show ni Ivy.][Ang sarap siguro maging ikaw, Hayden. Hindi mo na kailangang magpuyat para mapanood ang show ni Ivy], sagot ni Layla.[Nakita mo na ba yung poll para sa pinakasikat na intern broadcaster sa official website ng station?] tanong ni Hayden.[Poll? Hindi ko nakita! Wala akong narinig na sinabi si Ivy tungkol dito!] Sagot ni Layla.[Wala rin sinabi si Ivy sa akin!] pag’sang-ayon ni Robert.Ipinadala ni Hayden ang screenshot ng website. Hindi pa nagsisimula. Bukas pa lang ito mag uumpisang tumanggap ng mga boto.[Ah. Siguro magsisimula ito pagkatapos ng show ni Ivy ngayong gabi. Pero walang magpupuyat ng ganitong oras para lang mapanood si Ivy,] sabi ni Layla.[May mga recordings naman sa official na application ng TV sta
"Oh. Hindi ko pwede pala kaming mag suot ng relo!" nakangiting sagot ni Andrea."Pwede mo namang isuot ang kahit anong gusto mo kasi sasabihin naman namin sainyo kung hindi yun pwede," paliwanag ng staff. "Pwede kang maglagay ng hikaw, kuwintas, o mga ganung bagay basta hindi lang yung OA na"Tumango si Andrea at ibinalik ang atensiyon kay Ivy. "Ang mahal siguro ng relo niya.""Hindi ako sure, pero ang isang estudyante sa first year college ay hindi naman siguro kayang bumili ng mga mamahaling produkto galing sa mga kilalang brand," sabi ng staff."Bakapo siya walang pera, pero baka may ibang nagregalo sa kanya... Si Ivy kasi, sobrang sosyal," Walang prenong sabi ni Andrea. "Okay lang yun, gusto siya ng manager namin at sa totoo lang, lahat kami ay gusto siya. Patas naman ang pagtingin namin sa lahat ng interns. Magagaling kayong lanhat" "Mas magaling po si Ivy kaysa sa akin," nakangiting sagot ni Andrea,”Noong una po, may punto pa siya mag salita, pero tignan niyo naman po o
Matapos magpahayag ng pasasalamat, pumasok si Ivy sa dressing room upang magpalit ng damit at doon ay nakita niya si Andrea.Naalala ni Ivy ang sinabi ng mga staff kanina, kaya hindi niya maiwasang kausapin si Andrea. "Bakit hindi ka pa umuwi, Andrea?""Wala nang pampublikong transportasyon sa oras na ito." Ngumiti si Andrea nang malumanay. "Ivy, sa tingin ko mali ang pagkakakilala ko sayo. Ang sabi kasi ng mga kaklase ko sa'kin ay nakapasok ka lang raw sa internship program dahil sa mga koneksyon mo, at sa totoo lang, naniniwala talaga ako sakanila. Pero ngayon, pagkatapos kitang panuurin kanina, nabago na ang opinyon ko sa'yo."Kahit na hindi na masyadong ikinakabahala si Ivy sa magiging tingin sakanya ng iba, sobrang natuwa siya sa sinabi ni Andrea. "Ang galing mo rin, Andrea. Napanood ko yung show mo kanina.”"Hahaha. Hindi mo ba dapat binabasa ang script mo noong oras na yun? O hindi ka naman nag focus sa akin?" Asar ni Andrea."Maaga ako nakarating sa station kaya noong mag
"Hindi ko rin inaasahan 'yon, pareho lang tayong nagulat! Pagkatapos ng show mo, biglang bumaba sina Mommy at Daddy mula sa kuwarto nila para kumain ng dinner," sabi ni Robert. "Siguro, sobrang excited lang sila!""Internship lang 'yon, eh. Bakit kaya sila gano'n kaexcited?" tanong ni Ivy."Feeling ko, masaya lang sila na makita kang nagdadalaga na. Alam nilang kaya mong magtagumpay kahit wala ang suporta nila. Sobrang proud lang talaga sila sayo.," sagot ni Robert."Ahhh, ganun ba! Robert, matulog ka na nga! Itigil mo yang paglalaro sa phone mo," sabi ni Ivy sabay hila sa kamay ni Robert paakyat sa hagdan."Hindi ako naglalaro! Nagre-research ako tungkol sa mga sales position," ipinakita ni Robert ang screen ng kanyang phone. "Sabi kasi ni Daddy, magsisimula raw ako sa pinaka mababa para hindi ko siya mapahiya.""Bakit mo naman siya mapapahiya?" nagtatakang tanong ni Ivy. "Robert, sobrang galing mo kaya, kaya mo 'yan!""Salamat. Pero kumuha ako ng pekeng ID. Ayokong malaman ng