Matapos magpahayag ng pasasalamat, pumasok si Ivy sa dressing room upang magpalit ng damit at doon ay nakita niya si Andrea.Naalala ni Ivy ang sinabi ng mga staff kanina, kaya hindi niya maiwasang kausapin si Andrea. "Bakit hindi ka pa umuwi, Andrea?""Wala nang pampublikong transportasyon sa oras na ito." Ngumiti si Andrea nang malumanay. "Ivy, sa tingin ko mali ang pagkakakilala ko sayo. Ang sabi kasi ng mga kaklase ko sa'kin ay nakapasok ka lang raw sa internship program dahil sa mga koneksyon mo, at sa totoo lang, naniniwala talaga ako sakanila. Pero ngayon, pagkatapos kitang panuurin kanina, nabago na ang opinyon ko sa'yo."Kahit na hindi na masyadong ikinakabahala si Ivy sa magiging tingin sakanya ng iba, sobrang natuwa siya sa sinabi ni Andrea. "Ang galing mo rin, Andrea. Napanood ko yung show mo kanina.”"Hahaha. Hindi mo ba dapat binabasa ang script mo noong oras na yun? O hindi ka naman nag focus sa akin?" Asar ni Andrea."Maaga ako nakarating sa station kaya noong mag
"Hindi ko rin inaasahan 'yon, pareho lang tayong nagulat! Pagkatapos ng show mo, biglang bumaba sina Mommy at Daddy mula sa kuwarto nila para kumain ng dinner," sabi ni Robert. "Siguro, sobrang excited lang sila!""Internship lang 'yon, eh. Bakit kaya sila gano'n kaexcited?" tanong ni Ivy."Feeling ko, masaya lang sila na makita kang nagdadalaga na. Alam nilang kaya mong magtagumpay kahit wala ang suporta nila. Sobrang proud lang talaga sila sayo.," sagot ni Robert."Ahhh, ganun ba! Robert, matulog ka na nga! Itigil mo yang paglalaro sa phone mo," sabi ni Ivy sabay hila sa kamay ni Robert paakyat sa hagdan."Hindi ako naglalaro! Nagre-research ako tungkol sa mga sales position," ipinakita ni Robert ang screen ng kanyang phone. "Sabi kasi ni Daddy, magsisimula raw ako sa pinaka mababa para hindi ko siya mapahiya.""Bakit mo naman siya mapapahiya?" nagtatakang tanong ni Ivy. "Robert, sobrang galing mo kaya, kaya mo 'yan!""Salamat. Pero kumuha ako ng pekeng ID. Ayokong malaman ng
"Ivy, nakapag pahinga ka ba ng maayos? Kamusta ang pakiramdam mo? Pagod ka ba?" Sunod-sunod na tanongi ni Avery nang makita niya si Ivy, sabay hawak sa mga kamay nito. Hindi gusto ni Ivy na mag alala si Avery. "Okay naman po ako. Nagugutom lang po.”"Mukhang inaantok ka pa.. Kumain ka muna tapos bumalim ka nalang ulit sa tulog. Kailangan mo pang magtrabaho mamaya, at hindi naman makatwiran ang shift mo. Kahit mga doktor at nurse ay hindi nagtatrabaho ng magkakasunod na gabi," sabi ni Avery."Mommy, okay lang po ako. Isang araw na langpo akong papasok, tapos may dalawang araw akong pahinga!" Sabay na naglakad si Ivy at Avery papunta sa kusina. "Ano pong sabaw ito? Ang bango.""Chicken soup yan para maginhawaan ka. Sige na, kumain ka na," sabi ni Avery habang umupo sa tabi ni Ivy."Kumain na po ba kayo, Mommy? Nasaan po si Daddy?" Sobrang tahimik sa mansyon kahit tanghali na, at kadalasan ay nakapag lunch na ang kanyang mga magulang ng ganung oras. ."Pumasok ang daddy mo sa offic
"Hindi 'yun posible!" Natatawa si Ivy habang nagbiblush. "Para sa akin, pareho kayo ni Layla, ang pinakamagagandang mga babae!""Haha, kayong dalawa ni Layla ay mga anak ko, kaya pareho kayong maganda," sabi ni Avery. "Sigurado ka bang okay lang sa'yo ang mga problema na maaaring dala ng kasikatan? Ayaw na ayaw namin ng asawa mo na maging sentro ng atensyon.""Hindi rin ako gusto niyan, pero masaya ako na alam kong gusto ako ng lahat." Hindi man lang naisip ni Ivy na magiging sikat siya pagkatapos ng kanyang unang araw sa telebisyon."Kayang asikasuhin ni Daddy mo 'yan para sa'yo. Kung hindi ka naman magsisikap na maging artista, hindi rin makakatulong sa'yo ang social media." Ayaw ni Avery na masalubong ng anak ang mga opinyon ng ibang tao."Kaya ba 'yun ni Dad?" Hindi rin naman gustong maging aktibo sa social media ni Ivy."Oo." Nag-scroll si Avery sa kanyang cellphone para ipadala ang text kay Elliot. "Papagawa ko sa kanya 'yan agad.""Okay." Tumayo si Ivy para kunin ang isang
Klinick niya ang poll at nakita niya na nasa ikalawang puwesto siya.Habang binobrowse ang kanyang cellphone, sunod-sunod ang mga message ng mga kaklase niya. [Ivy, grabe sikat ka na! Sobrang saya ko para sa'yo! Ang daming bumoto sayo, at tignan mo, mas dumadami pa! Siguradong ako na ikaw ang magiging reyna ng popularity poll! Nakakainggit ka naman, Ivy!] isinulat ni Meredith.Nagmessage din sakanya si ni Andrea. [Bago pa man magsimula ang poll, marami ka nang tagahanga! Nakakainggit ka!][Ivy, napanood ko ang replay ng show mo, at sobrang laki ng improvement mo. Nagbunga na ang kasipagan mo at sana ay maging inspirasyon ito sa'yo na magpatuloy sa pagpupursige sa hinaharap!] ang message mula sa kanyang professor.Siyempre, may text din galing kay Harry. [Magpahinga ka ng mabuti, Ivy. Sa tingin ko maraming manonood sa'yo ngayong gabi! Good luck!]Isa-isang nireplyan ni Ivy ang mga ito bago niya ilapag ang kanyang phone at pilitin ang sarili niya na matulog. ...Hindi nagustuha
"Pasensya na pero nilagay ko muna yung bouquet mo sa isang kabinet sa lounge kasi ang tapang ng amoy, allergic kasi ako sa bulaklak," sabi ni Andrea. "May card yun na kasama, pero hindi ko na tiningnan. Baka pwede mo ng kunin kasi magta-taxi din naman ako mamaya.”Inisip ni Ivy kung sino kaya ang pwedeng magbigay sakanya ng bulaklak. Sinilip niya ang oras at napansin niya na ilang minuto nalang ay maguumpisa na rin ang show niya. Nasa labas lang naman ang lounge, kaya lang minuto lang sana ang aabutin kung kukunin niya yung bouquet."Salamat! Wal akong kaalam-alam!" sabi ni Ivy.“Baka may gustong mag surprise sayo!” Sabi ni Andrea habang nagtatanggal ng jacket. Nakasuot siya ng puting t-shirt sa ilalim kasi uuwi na rin siya ng diretso. “Sinabi ko sa mga magulang ko na binigyan ka ng mga magulang mo ng pera pang taxi kaya binigyan din nila ako!” Tinanggal ni Andrea ang wig na suot niya at nagpatuloy, “Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos sa lounge. Ang baho!” "Ahh, ganun pala
Binuklat ni Ivy hanggang sa huling page bago siya muling tumingin sa camera at nagpatuloy.Walang mga salita sa teleprompter at sinasalaysay na lang niya ang script nang buong puso.Pagkatapos niyang maibahagi ang ikatlong balita, nagpalit din ang broadcast sa video na konekato sa susunod na balita, at doon na nga sinabi ni Ivy sa direktor ang problema niya, “Napalitan po yung script ko.” Hindi inaasahan ni Ivy na may ganung klase ng aksidente na mangyayari sakanya sa pamgalawang araw niya ng trabaho.Naisaulo niya ang bawat salita ng kanyang script pero sobrang nagulat talaga siya sa nangyari. Natural, nagpanic siya. "Wag mag-panic. Pagkatapos ng video, magpapasok ako ng isang advertisement," pampalubag loob sakanya ng direktor. "Ibibigay ko kaagad sa iyo ang isa pang kopya ng script mo.""Okay po. Salamat." Biglang nakahinga ng maluwag si Ivy. Sa loob ng hotel, kinakabahan si Andrea habang pinapanood ang balita sa TV. Napansin niya ang gulat at takot sa mukha ni Ivy nang
Hindi inaasahan ni Ivy na makakasalisi sakanya na mapalitan ang kanayng script sa ganung kaikling panahon.Sa tingin niya ay may masama talagang plano ang gumawa nun sakanya. Okay naman ang unang dalawang page, at nag umpisa itong maging blangko sa ikatlo… Ibig sabihin, gusto ng taong yun na magkamali siya sa kalagitnaan ng pagbobroadcast niya. Sobrang hindi makapoaniwala si Ivy sa sama ng ugali ng taong yun. "Ivy, hindi ako ang gumawa nun ha. Pangako," sabi ni Anthony, isa sa mga intern mula sa thirf year.Si Anthony ay isang introvert at bihira siyang makipag-interaksyon sa iba.Mayroong kanya-kanyang cubicle ang bawat isang intern, at ang upuan ni Anthony ay ang pinakamalayo sa pintuan."May CCTV po ba kayo dito?" tanong ni Ivy sa staff.Dahil wala siyang patunay, ayaw niyang basta-bastang mambintang lalo na at alam niyang masisira ang pangalan ni Andrea kung sakaling mapagbintangan niya ito tapos hindi naman pala ito talaga ang may gawa. Umiling ang stadd. "May mga CCTVs