"Pasensya na pero nilagay ko muna yung bouquet mo sa isang kabinet sa lounge kasi ang tapang ng amoy, allergic kasi ako sa bulaklak," sabi ni Andrea. "May card yun na kasama, pero hindi ko na tiningnan. Baka pwede mo ng kunin kasi magta-taxi din naman ako mamaya.”Inisip ni Ivy kung sino kaya ang pwedeng magbigay sakanya ng bulaklak. Sinilip niya ang oras at napansin niya na ilang minuto nalang ay maguumpisa na rin ang show niya. Nasa labas lang naman ang lounge, kaya lang minuto lang sana ang aabutin kung kukunin niya yung bouquet."Salamat! Wal akong kaalam-alam!" sabi ni Ivy.“Baka may gustong mag surprise sayo!” Sabi ni Andrea habang nagtatanggal ng jacket. Nakasuot siya ng puting t-shirt sa ilalim kasi uuwi na rin siya ng diretso. “Sinabi ko sa mga magulang ko na binigyan ka ng mga magulang mo ng pera pang taxi kaya binigyan din nila ako!” Tinanggal ni Andrea ang wig na suot niya at nagpatuloy, “Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos sa lounge. Ang baho!” "Ahh, ganun pala
Binuklat ni Ivy hanggang sa huling page bago siya muling tumingin sa camera at nagpatuloy.Walang mga salita sa teleprompter at sinasalaysay na lang niya ang script nang buong puso.Pagkatapos niyang maibahagi ang ikatlong balita, nagpalit din ang broadcast sa video na konekato sa susunod na balita, at doon na nga sinabi ni Ivy sa direktor ang problema niya, “Napalitan po yung script ko.” Hindi inaasahan ni Ivy na may ganung klase ng aksidente na mangyayari sakanya sa pamgalawang araw niya ng trabaho.Naisaulo niya ang bawat salita ng kanyang script pero sobrang nagulat talaga siya sa nangyari. Natural, nagpanic siya. "Wag mag-panic. Pagkatapos ng video, magpapasok ako ng isang advertisement," pampalubag loob sakanya ng direktor. "Ibibigay ko kaagad sa iyo ang isa pang kopya ng script mo.""Okay po. Salamat." Biglang nakahinga ng maluwag si Ivy. Sa loob ng hotel, kinakabahan si Andrea habang pinapanood ang balita sa TV. Napansin niya ang gulat at takot sa mukha ni Ivy nang
Hindi inaasahan ni Ivy na makakasalisi sakanya na mapalitan ang kanayng script sa ganung kaikling panahon.Sa tingin niya ay may masama talagang plano ang gumawa nun sakanya. Okay naman ang unang dalawang page, at nag umpisa itong maging blangko sa ikatlo… Ibig sabihin, gusto ng taong yun na magkamali siya sa kalagitnaan ng pagbobroadcast niya. Sobrang hindi makapoaniwala si Ivy sa sama ng ugali ng taong yun. "Ivy, hindi ako ang gumawa nun ha. Pangako," sabi ni Anthony, isa sa mga intern mula sa thirf year.Si Anthony ay isang introvert at bihira siyang makipag-interaksyon sa iba.Mayroong kanya-kanyang cubicle ang bawat isang intern, at ang upuan ni Anthony ay ang pinakamalayo sa pintuan."May CCTV po ba kayo dito?" tanong ni Ivy sa staff.Dahil wala siyang patunay, ayaw niyang basta-bastang mambintang lalo na at alam niyang masisira ang pangalan ni Andrea kung sakaling mapagbintangan niya ito tapos hindi naman pala ito talaga ang may gawa. Umiling ang stadd. "May mga CCTVs
Pagkatapos niyang maghilamos ng mukha, umupo siya sa kama, gusto niya na sanang humiga pero bigla siyang natigilan nang makita niya ang kanyang phone. Gusto niya sana ng mapagkwekwentuhan, pero alam niyang hindi niya pwedeng sabihin sa pamilya niya ang nangyari kasi alam niyang sobrang magagalit ang mga ito at sisiguraduhin na matuturuan ng leksyon ang nanabotahe sakanya. Hanggat maari, ayaw niya na sanang idamay ang pamilya niya lalo na at wala naman siyang ebidensya sa kung sino talaga ang nagpalit ng kanyang script.Kinuha niya ang kanyang phone para itext si Harry. Kwinento niya lang ang ang nangyari at nakiusap siya na wag itong sabihin sa mga magulang niya.Pagkatapos, napansin niya ang pangalan ni Lucas sa contacts niya, at binuksan niya ito at nakatitig lang siya rito ng matagal. ‘Kamusta na kaya siya?’.Lampas kalahating taon na simula nang huli silang magkita, pero parang napakatagal na ng panahon na lumipas.Iba na siya ngayon, marami na siyang natutunan kaya iba na s
"Bilang senior sa broadcasting industry, sa tingin ko ay may sapat na kaalaman ako para magcomment dito. Hindi naman ito dapat maging big deal dahil normal lang naman sa mga intern na magkamali. Huwag na nating palakihin.""Siguro may mali sa script niya kaya huminto siya.""Akala ko rin dati, ang mga broadcaster ay nagbabasa lang sa teleprompter. Kahit mga singer, may teleprompter sa mga concert nila! Baka may naging problema sa teleprompter?"..."Nabasa mo ba, Elliot? Ang sabi ng mga tao, baka may mali raw sa teleprompter noong nag-broadcast si Ivy," sabi ni Avery, mas naging curious pa siya nang mabasa niya ang mga komento, pero hindi niya agad matatanong si Ivy dahil natutulog pa ito."Tatawagan ko nalang si Harry para malaman kung ano talaga ang nangayri," sabi ni Elliot, na hindi gaanong nag-aalala. Bagamat may nagawang maliit na pagkakamali si Ivy, hindi naman ito gaanong nakaaapekto sa kabuuan ng show. Ang iniisip niya ay baka naman ma-pressure si Ivy kung masyadong pagtu
Gutom na gutom si Ivy kaya agad niyang kinain ang pasta.Nagmamadaling binigyan ni Avery si Ivy ng isang bowl ng sabaw at sinabi,, "Kumain ka rin ng sabaw. Baka mabilaukan ka.""Okay po... Mommy kaya ko pong kumain ng isang kabayo! Gutom na gutom po talaga ako kapag nagtatrabaho." Hinigop ni Ivy ang kanyang sopas at nagpatuloy, "Mommy, may dalawang araw po akong off.""Tara, mamili tayo ng mga kailangan natin para sa New Year's!" May plano na si Avery.Mag-isa si Ivy sa loob ng mahigit sampung taon, at dahil naging mahirap ang kanyang buhay, alam ni Avery na hindi pa ito nakaranas ng maligayang selebrasyon ng New Year."Sige po! Ano pong mga kailangan nating bilhin?" Huminto sandali si Ivy sa pagkain."Karaniwan kaming bumibili ng mga halaman, dekorasyon, at mga ilaw... Ay, kailangan din natin ng mga paputok. Tuwing New Year, nagpapaputok kami. Pero kailangan nating planuhin kung anong oras tayo magpapaputok dahil kailangan mong magtrabaho sa gabi. Ilalabas na lang natin yung mga
Sumagot si Ivy. [Anthony, dalawang beses lang akong umalis sa puwesto ko: isang beses para mag-CR at ang isa pang beses para magpunta sa lounge. May nakita ka bang tao sa puwesto ko?][Hmm wala akong nakita kasi nakatalikod ako at sobrang nakafocus ako sa pagbabasa ng script ko.][Okay lang, huwag ka nang mag-alala at mag-focus ka na lang sa trabaho mo.][Ivy, may pinaghihinalaan kang tao, 'di ba?][Wala akong pruweba.][Kaya hindi ka gagawa ng hakbang?][Ano bang magagawa ko kung wala akong pruweba?]Sobrang daming katanungan ng dalawa na para bang may nireresolba silang misteryo.. Sinubukan ni Anthony na itanong kung si Andrea ba ang pinaghihinalaan ni Ivy, pero ayaw sabihin ni Ivy ang iniisip niya. Kung hindi lang sa aksidente noong nakaraang gabi, hindi sila mag-uusap at wala rin siyang dahilan para ibahagi ang kanyang mga saloobin sa isang estranghero.[Mag ingat ka na lang sa susunod. Napanuod ko 'yung show mo kagabi, ang bilis mo sa mag-isip kaya hinangaan kita.] dagda
Hindi natagal, muling nagsend ng message si Andrea, [Free ka ba ngayon? Pwede ba kitang tawagan?]Hindi gusto ni Ivy na marinig ang boses ni Andrea, kaya sumagot siya. [Busy ako ngayon.][Okay! Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa script mo, Ivy, pero sigurado akong hindi ko 'yun hinawakan.][Iiimbestigahan ng manager 'yan. Maghintay na lang tayo sa resulta!] sagot ni Ivy.[Okay! Huwag mong hayaang makaapekto sa'yo ang nangyari. Napanood ko ang replay ng show mo at napakagaling mo!]Kung ang komento ay galing sa ibang tao, marahil ay magpapasalamat si Ivy, pero hindi niya kayang pasalamatan si Andrea, kaya't binalewala na lang niya ang message nito."Ivy, nakausap mo na ba ang kapatid mo?" tanong ni Avery nang magkasalubong sila sa hagdan. "Opo, nakausap ko na siya. Sabi niya, uuw daw poi siya kasama si Eric ngayong Bagong Taon.""Ayun" masayang sabi ni Avery. "Kailangan mo pa bang magpahinga, Ivy?""Hindi na ako makatulog, Mommy." Sabay silang bumaba. "Tara, mag-shopping ta