”Hay nako! Nakino ka ba nagmada sa pag ooverthink mo! Haha. Isang vase ng bulaklak lang yan.” Masayang sabi ni Avery. “Ano naman kung kay Eric ka na nakatira? Anak pa rin naman kita!” "Mommy, hindi naman ako nalulungkot dati kapag iniisip ko ‘to, pero ngayon na sinasabi mo 'yan, parang ayaw ko na tuloy umalis.""Edi dito ka nalang," dagdag ni Elliot.Natawa si Layla at lumapit kay Elliot. "Daddy, magtatrabaho ba sayo si Robert sa bakasyon? Ipasa mo na lang siya sa vice president mo para hindi ka namamroblema sakanya.""Nag-aalala kasi ako na baka pabayaan siya ng vice president. Hindi naman ako ang nagsabi kay Robert na mag-intern siya sa company ko, siya ang nag-propose nun," sabi ni Elliot.Gulat na gulat na tumingin si Layla kay Robert, hindi siya makapaniwala na nagkusa ang kapatid niya! "Bakit ganyan ka makatingin sa akin, Layla? Ikaw naman ang nagsabi na gusto mong tulungan ko si Daddy sa trabaho, 'di ba?" Hindi makapaniwala si Robert sa tingin na ibinibigay sa kanya ni L
Daddy, yun pa rin ba ang kakumpitensya niyong kumpanya?” Nag aalalang tanong ni Layla. Medyo nagulat si Elliot. "Alam mo kung ang tungkol dun?” "Siyempre! Hindi mo man sinabi sa akin nang personal, pero narinig kita habang nagvi-virtual meeting ka sa study room mo!" Madalas na magkasama noon ang mag ama, at dahil palaging bata sa paningin ni Elliot si Layla, hindi naman niya ito hinahayaan niya lang itong makinig sa mga meeting niya.“Diba yan ang Geo Worldwide Comrporation? Kilala ko ang kumpanyang yan kahit hindi mo kinukwento sa akin.” Pagpapatuloy ni Layla. “Marumi lumaban ang may ari ng kumpanyang yan. Hindi sila nag coconduct ng mga peoject study nila, pero kapag may gagawin kayong project, kokopyahin nila.”Natawa si Robert. "Pinabasa nga sakin kanina ang data ng Geo Worldwide Corporation kanina, at ang akala ko ay ipapadala niya ako doon para maging isang spy.” “Haha! Ang lalim naman ng imagination mo! Pwede ka ng maging direktor ng isang pelikula.” Biro ni Layla. "Ha
Agad niyang inapakan ang preno, pero hindi nagmenor ang nasa likod niyang sasakyan. "Baam!"Dahil ng pagbangga ng sasakyan sa likod ni Layla, tumalbog ang kanyang sasakyan sabay sumabog ang airbag.Gulat na gulat si Layla. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya. Makalipas ang ilang sandali, may kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan at binuksan ang driver’s seat. Nang makita nito na nakapikit siya, nagpapanic itong hinila siya palabas. "Miss, okay ka lang ba? Pasensya ka na! Hindi sinasadya ng asawa ko na mabangga ka. Hindi niya kasi inaasahan na hihinto ka… May ilang segundo pa naman kasi bago mag stop kaya kayang kaya mo pa sana makapasok.” Humihingi ng tawad ang babae kay Layla pero sa tono nito ay parang sinisisi pa siya nito. Naramdaman ni Layla ang patak ng ulan kaya nagmamadali niyang itinulak ang babae palayo para kunin ang payong niya mula sa driver’s seat at tumawag ng pulis. Matapos ipaliwanag ang pangyayari, tumawag naman
Nakipag areglo na ako sa nakabangga sa akin. Sila na raw ang magbabayad ng sira.” Ayaw ni Layla na mag alala si Eric kaya iniba niya ang suapan, “Tignan mo, ang ganda ng dala kong vase no? Galing ‘to sa garden nila Mommy.”“Nakipag areglo ka lang tapos dumiretso ka na dito?” Walang balak si Eric na baguhin ang topic. “Sabihin mo nga sa akin, nakipag areglo ka ba para makauwi ka kaagad?” “Okay nga lang ako! Kapag may naramdaman ako, saka nalang ako magpapatingin sa ospital. Hindi naman ganun kalakas tsaka lumabas naman ang airbag…”“Paano lalabas ang airbag kung hindi malakas ang pagkakabangga sayo?” Alam na ni Eric na hindi simple ang aksidenteng nangyari kay Layla. “Halika na, kailangan nating pumunta sa pinaka malapit na ospital.” “Para saan? Para tignan kung nabagok ako?” Inalis ni Layla ang kamay ni Eric sa braso niya. “Sinabi ko naman sayo na okay lang ako at kapag may naramdaman akong hindi maganda bukas, ako mismo ang magdadala sa sarili ko sa ospital.” Huminga ng malalim
Muling nagsalita si Layla, “Kailangan kita sa tabi ko just in case sumakit ang ulo ko sa kalagitnaan ng gabi.”Naintindihan naman ni Eric ang katwiran ni Layla, kaya pinag isipan niya ito ng maigi at mga ilang segundo rin bago siya nakasagot, “Ikaw na sa kama, ako na sa sahig.”Pumasok si Layla sa loob ng kwarto ni Eric at isinara ang pintuan. “Ano pa bang inaarte mo jan? Kahit nga sina Mommy at Daddy, wala ng tutol sa atin. Ay mali! Lahat ng mga kamag anak ko! Darating rin naman talaga tayo sa punto na magtatabi tayo sa kama, diba? Pero wag kang mag alala, hindi naman kita pagsasamantalahan habang mahina ka pa.”Inilapag ni Layla ang unan niya sa tabi ng unan ni Eric. Hindi niya alam kung paano siya magrereact, pero tama naman si Layla. Mulanang ibinigay niya ang susi ng bahay niya kay Layla,hinanda niya na rin ang sarili niya na ito na talaga ang makakasama niya habambuhay. “Sasabihin ko sayo ang totoo.” Hinawi ni Layla ang kumot at humiga sa kama ni Eric. “Nahihirapan akong
Hindi inaasahan ni Ivy na tototohanin talaga ni Layla ang sinabi nito kagabi. Bago matapos ang tawag, tinanong ni Ivy, “Layla, bakit hindi ka pumasok ngayon? May nararamdaman ba si Eric?” Natawa si Layla. "Okay naman siya. Naglambing lang siya na gusto niya raw akong makasama dito sa bahay.”"Aba mukhang naging clingy na siya ah!" Natatawang sagot ni Ivy. "Sigurado akong masayang masaya ka diyan."“Hindi naman ganun yun! Satin-satin lang ‘to ah. Nabangga kasi ako ulot kagabi pero okay lang naman ako. Nag aalala lang talaga siya sa akin kaya sinabi niyang wag na muna akong lumabas ng bahay. HIndi niya man sabihin, pero nararamdaman ko.”Gulat na gulat si Ivy, “Okay ka lang ba talaga, Layla?”"Maliit na aksidente lang iyon. Kailangan lang ayusin ang sasakyan, pero okay naman ako. Huwag mong sabihin kay Mommy at Daddy," paliwanag ni Layla.“Sige. Wag ka na munang lumabas at magpahinga ka. Kapag may naramdaman kang kakaiba, pumunta ka kaagad sa ospital ah.”“Haha! Huwag kang mag
"Bakit hindi na lang tayo magpadala ng bodyguard kasama ni Ivy?" nag aalalang tanong ni Elliot.“Sa tingin mo ba papayag si Ivy? Namumuhay siya ngayon bilang isang ordinaryong estudyante kaya tahimik ang buhay niya.” Sagot ni Avery na abalang magpuno ng cupcake, chewing gum, at iba pang mga pagkain na makakatulong kay Ivy para hindi ito antukin. Alam ni Elliot na may punto si Avery, at wala siyang magagawa pagdating kay Ivy. Simula nang pumayag siyang hindi ipaalam ang pagkakakilanlan ni Ivy sa publiko, inihanda niya na ang sarili niya sa mga problemang pwede niyang kaharapin kapalit nito. "Kailangan ba natin siyang bigyan ng mga energy drink?" gusto ring tumulong ni Elliot.Alam niya na seryoso si Ivy pagdating sa internship na ito, kaya gusto niya ring suportahan ang anak dahil yun lang naman talaga ang pwede niyang gawin sa ngayon. “Yun nga rin ang iniisip ko pero wala pa akong nabibili.” Sagot ni Avery. “Lalabas nalang ako mamaya para bumili. “Tama, tapos umidlip din ta
"Okay lang 'yun, Mommy. Nakausap na ako ni Mr. Gardner tungkol doon, at ako rin naman ang nagdesisyon na magtrabaho sa araw na 'yun," kalmadong sagot ni Ivy "Ako ang pinakabata sa mga intern ngayong taon, at dapat ako ang mag-take ng shift na 'yun."Sa shift siya, dapat umalis siya ng 10 pm sa bahay nila, ibig sabihin, sasalubungin niya ang bagong taon sa TV stationIto ang unang Bagong Taon na hindi makakasama ni Ivy ang kanyang pamilya, at kahit si Avery na walang pakielam sa ibang bagay ay nahihirapang tanggapin na mag-isa ang kanyang anak sa New Year's Eve."Ayaw ni Hayden sa mga kumpanyang masyadong pinapahalagahan ang seniority." Alam ni Avery na hindi niya mababago ang desisyon ni Ivy pero gusto niya pa ring sabihin ang bagay na ito. "Kapag palagi kang nakikipag-compromise, minsan ginagamit yun ng iba bilang lisensya na ibully ka kaya nga yung iba ay mas pinipili nalang na maging demanding at selfish."Tumango si Ivy at kinonsidera ang payo ni Avery."Mommy, siguro nasanay