"Mas masarap pa kaysa sa pagkain sa canteen ng company ni Daddy?""Parehong masarap. Hindi lang masarap yung pagkain, mura pa!" Masaya si Ivy dahil nakakita siya ng murang makakainan, at ang mas maswerte pa ay nilibre siya ni Harry kanina! “Ang pagkakaalam ko, binabayaran ng mga emplpoyer ang canteen para maging mura ang benta nila, kasi para rin naman yan sa mga empleyado nila! Mas mahal pa kung kakain sa labas.” Sabi ni Robert. “Oo nga pala kamusta ang testing session mo?”“Okay naman. Medyo mas madali kumpara sa inaakala ko,” Nakangiting sagot ni Ivy habang kinukuha ang kontra mula sakanyang bag. “Naka pirma na rin ako ng kontrata kaya ibig sabihin, isa na akong opisyal na intern broadcaster! Robert, nagugutom ka pa ba? Tara, ililibre kita!”“Hahhaa! Sige pero sa susunod nalang! Hinihintay na tayo nina Mommy at Daddy.” Sabi nio Robert. “Alam mo ba sa sobrang kaba ni Daddy, nag absent siya ngayon at ayun hindi na makapag hintay na makauwi ka kaya pinasundo ka na nila sa akin.”
"Nakita mo na ba ang video ng kapatid mo?" tanong ni Avery."Hindi pa! Nasa meeting ako kanina" sagot ni Layla, habang binibuksan ang group chat ng pamilya nila."Nag test session siya sa TV station kanina, at ang galing galing niya siya," sabi ni Avery."Alam ko naman na kaya niya 'yan," sobrang saya ni Layla para sa kapatid niya. "Bibisiitahin ko siya mamaya pagkatapos ng trabaho ko.""Sige!" masayang sagot ni Avery. “Siguraduhin mo lang din na hindi mo masyadong pinapagod ang sarili mo at palagi lang nakabalanse ang trabaho at personal na buhay, okay?”“Opo, Mommy. Sige po, ituloy natin ang kwentuhan mamaya jan sa bahay. Maglulunch lang po ako.” Sabi ni Layla bago niya ibaba ang phone. Inopen ni Layla ang video ni Ivy at nagsend ng thumbs-up na emoji pagkatapos. [Aba! Ang galing naman ng Ivy namin. Ano sa tingin mo Hayden hindi ba dapat rewardan natin si bunso?]Hating gabi na sa Bridgedale, pero sanay si Hayden na magpuyat, kaya alam ni Layla na gising pa ito. Kagaya n
Pagkatapos alisin ang makeup gamit ang isang makeup remover, kumuha naman si Ivy ng mask mula sa kanyang drawer at inilagay ito sa kanyang mukha.Paglabas niya sa CR, nag set siya ng timer sakanyang phone bago siya umupo sa kama at nag scroll scroll ng kanyang phone. May text siyang natanggap mula kay Meredith na nagtatanong kung kamusta ang naging test session niya, na agad niya namang nireplyan. [Okay naman. Nakapirna na rin ako ng kontrata.][Ivy, ang galing galing mo talaga! Kailan daw mag uumpisa ang show mo? Aabangan kita sa TV palagi!][Every 3 am na magsisimula bukas.][Sige. Hihintayin ko ang show mo.][Kanina ko lang nalaman na lahat pala ng show ng mga intern ay hindi narereplay kaya sa live lang talaga kami mapapanuod.][Haha! Okay lang yan. Lahat naman ng baguhan ay jan dadaan. Siguro makisuyo ka nalang sa mga staff na nandoon para irecord ang session mo.][Mhm.]Oo nga pala, nakita mo rin ba yung senior natin sa second year?][Oo. Nandoon na siya pagdating k
Agad na ibinigay ni Robert ang dokumento na hawak niya kay Ivy. "Sabi ni Daddy basahin ko raw ‘to.""Oh..." Agad namang nawala ang interes ni Ivy pagkakita niya palang ng pamagat. "Ipagpatuloy mo na lang! Hindi na kita aabalahin."Natawa nalang si Robert at ipinagpatuloy ang pagbabasa bago siya tumingin sa labas. “Makakarating pa kaya si Layla sa ganito kasamang panahon?” "Dadating si Layla?" Gulat na tanong ni Ivy.“Ang sabi ni Mommy, dito raw magdidinner si Layla.” Sagot ni Robert. “Siguro, gusto ka niyang batiin ng personal.”Napangiti si Ivy, pero mas nag-aalala siya nang makita niya kung gaano kalakas ang buhos ng ulan. "Delikado mag-drive sa gintong panahon, 'di ba?""Kayang kaya yan ng mga may karanasan na sa pagmamaneho, tulad ko, pero hindi kasi gaanong sanay si Layla mag-drive," natatawang sagot ni Robert. "Ivy, kapag may time ka na, tuturuan din kitang mag-drive.""Sige!" pumayag si Ivy.Pagkalipas ng tatlumpung minuto, dumating na si Layla. Dahil biglaan ang pags
”Hay nako! Nakino ka ba nagmada sa pag ooverthink mo! Haha. Isang vase ng bulaklak lang yan.” Masayang sabi ni Avery. “Ano naman kung kay Eric ka na nakatira? Anak pa rin naman kita!” "Mommy, hindi naman ako nalulungkot dati kapag iniisip ko ‘to, pero ngayon na sinasabi mo 'yan, parang ayaw ko na tuloy umalis.""Edi dito ka nalang," dagdag ni Elliot.Natawa si Layla at lumapit kay Elliot. "Daddy, magtatrabaho ba sayo si Robert sa bakasyon? Ipasa mo na lang siya sa vice president mo para hindi ka namamroblema sakanya.""Nag-aalala kasi ako na baka pabayaan siya ng vice president. Hindi naman ako ang nagsabi kay Robert na mag-intern siya sa company ko, siya ang nag-propose nun," sabi ni Elliot.Gulat na gulat na tumingin si Layla kay Robert, hindi siya makapaniwala na nagkusa ang kapatid niya! "Bakit ganyan ka makatingin sa akin, Layla? Ikaw naman ang nagsabi na gusto mong tulungan ko si Daddy sa trabaho, 'di ba?" Hindi makapaniwala si Robert sa tingin na ibinibigay sa kanya ni L
Daddy, yun pa rin ba ang kakumpitensya niyong kumpanya?” Nag aalalang tanong ni Layla. Medyo nagulat si Elliot. "Alam mo kung ang tungkol dun?” "Siyempre! Hindi mo man sinabi sa akin nang personal, pero narinig kita habang nagvi-virtual meeting ka sa study room mo!" Madalas na magkasama noon ang mag ama, at dahil palaging bata sa paningin ni Elliot si Layla, hindi naman niya ito hinahayaan niya lang itong makinig sa mga meeting niya.“Diba yan ang Geo Worldwide Comrporation? Kilala ko ang kumpanyang yan kahit hindi mo kinukwento sa akin.” Pagpapatuloy ni Layla. “Marumi lumaban ang may ari ng kumpanyang yan. Hindi sila nag coconduct ng mga peoject study nila, pero kapag may gagawin kayong project, kokopyahin nila.”Natawa si Robert. "Pinabasa nga sakin kanina ang data ng Geo Worldwide Corporation kanina, at ang akala ko ay ipapadala niya ako doon para maging isang spy.” “Haha! Ang lalim naman ng imagination mo! Pwede ka ng maging direktor ng isang pelikula.” Biro ni Layla. "Ha
Agad niyang inapakan ang preno, pero hindi nagmenor ang nasa likod niyang sasakyan. "Baam!"Dahil ng pagbangga ng sasakyan sa likod ni Layla, tumalbog ang kanyang sasakyan sabay sumabog ang airbag.Gulat na gulat si Layla. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya. Makalipas ang ilang sandali, may kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan at binuksan ang driver’s seat. Nang makita nito na nakapikit siya, nagpapanic itong hinila siya palabas. "Miss, okay ka lang ba? Pasensya ka na! Hindi sinasadya ng asawa ko na mabangga ka. Hindi niya kasi inaasahan na hihinto ka… May ilang segundo pa naman kasi bago mag stop kaya kayang kaya mo pa sana makapasok.” Humihingi ng tawad ang babae kay Layla pero sa tono nito ay parang sinisisi pa siya nito. Naramdaman ni Layla ang patak ng ulan kaya nagmamadali niyang itinulak ang babae palayo para kunin ang payong niya mula sa driver’s seat at tumawag ng pulis. Matapos ipaliwanag ang pangyayari, tumawag naman
Nakipag areglo na ako sa nakabangga sa akin. Sila na raw ang magbabayad ng sira.” Ayaw ni Layla na mag alala si Eric kaya iniba niya ang suapan, “Tignan mo, ang ganda ng dala kong vase no? Galing ‘to sa garden nila Mommy.”“Nakipag areglo ka lang tapos dumiretso ka na dito?” Walang balak si Eric na baguhin ang topic. “Sabihin mo nga sa akin, nakipag areglo ka ba para makauwi ka kaagad?” “Okay nga lang ako! Kapag may naramdaman ako, saka nalang ako magpapatingin sa ospital. Hindi naman ganun kalakas tsaka lumabas naman ang airbag…”“Paano lalabas ang airbag kung hindi malakas ang pagkakabangga sayo?” Alam na ni Eric na hindi simple ang aksidenteng nangyari kay Layla. “Halika na, kailangan nating pumunta sa pinaka malapit na ospital.” “Para saan? Para tignan kung nabagok ako?” Inalis ni Layla ang kamay ni Eric sa braso niya. “Sinabi ko naman sayo na okay lang ako at kapag may naramdaman akong hindi maganda bukas, ako mismo ang magdadala sa sarili ko sa ospital.” Huminga ng malalim