Medyo nagulat si Ivy, “Ah… eh… may gagawin kasi ako ngayong gabi… Pasensya ka na pero Happy Birthday!” Mukhang unasahan na ng babae ang naging sgaot ni Ivy kaya nanatili lang itong kalmado, pero may isang babae ang naiinis na nakisabat, “Ivy, parang hindi ka pa sumasama sa kahit anong activity ng klase natin? At talagang tinanggihan mo pa si Gloria sa mismong birthday niya? Grabe! Sobrang mapag mataas mo naman!”"Pasensya na talaga, pero may importanteng gagawin kasi ako ngayong gabi," sagot ni Ivy. "Makakasama sana ako kung kahapon o bukas kayo nag invite.""Okay lang." Ngumiti si Gloria."Naniniwala naman ako na talagang busy ka.""Pasensya na talaga!" Muling sabi ni Ivy bago siya umalis.Pagkaalis ni Ivy, naiinis na humarap ang babae kay Gloria, "Nag papart-time ba siya o ano? Bakit ba palagi nalang siyang nagmamadali?” "Hindi ko alam," sagot ni Gloria. "Hindi naman siya nagsasabi ng kahit anong tungkol sa sarili niya."“Baka naman dahil nahihiya siya sa sarili niya! Balit
"Hindi. Hindi naman siya nagkwekwento ng kahit anong tungkol sakanya, pero alam ko yun. Kaya pwede ba? Itigil niyo na yang paninira ng iba at para sa akin, ikaibigan ko siya," sabi ni Meredith.“Oo naman! Wala rin naman akong personal na galit kay Ivy kaya ayokong magsalita ng kahit ano. Isa pa, ayoo rin sa mga backstabbers. Pero… paano ba kayo naging magkaibigan ni Ivy kung palagi naman siyang mag isa?”"Kinausap ko siya.""Ah, pero hindi naman siya sa ating klase."“Ah… pero hindi naman natin siya kaklase diba?”"Oo nga, pero parehas kami ng major."“Hmm Meredith… diba kakasabi mo lang kanina na galing siya sa napaka yamang pamilya… Gaano ba talaga siya kayaman? Mas mayaman pa siya kaysa sainyo?” Curious na tanong ng babae.“Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung gaano kayaman ang pamilya ko, kay Ivy pa kaya? Hays! Wag na nga nating pag usapan ang tungkol dun! Ang mas maganda ay mag focus nalang tayo sa mga pag aaral natin nang magkaroon naman tayo ng pag asang makahanap ng ma
“Mhm! Kaya nga siya ang kinuha kong maging tutor mo eh!” Tinapik ni Robert ang balikat ni Ivy at sinabi, “Sige na, tama na yan. Pumasok na tayo. Wag kang mag alala, nandito kami ni Daddy kung natatakot ka at ang pagkakaalam ko ay sa bahay din naman gaganapin ang mga klase niyo tuwing weekends. Huminga ng malalim si Ivy at sumunod nalang kay Robert papasok. "Daddy," Bati ni Ivy at saka niya binati si Harry, “Masaya po akong makilala kayo, Mr. Gadner.” Kumpara sa nakikita niya sa TV, di hamak na mas maamo ang mukha ni Harry sa personal. Ngumiti ito sakanya at mahinahong sumagot, “Hello, Ivy. Kamusta ka? Kagagaling mo lang ba sa school? Sa Southern University din ako grumaduate.” Nakangiting bati ni Harry habang nakikipg kamay kay Ivy.“Opo..Sa totoo lang ay nagsearch na po ako ng tungkol sainyo kasi idol ko po kayo.” Nahihiyang sagot ni Ivy.Sinenyasan ni Elliot si Ivy na umupo sa pagitan nila ni Harry. Agad namang umupo si Ivy.“Nagkwentuhan na kami ni Harry kanina at nabang
Alam ni Ivy na kumpara sa mga kapatid niya, di hamak na mas malaya siyang gumawa ng mga desisyon lalo na at kababalik niya lang sa pamilya niya. "Susubukan ko po munang maging isang TV host!" sagot ni Ivy. "Hindi ko po alam kung ano ang naghihintay sa akin sa hinaharap pagkatapos kong grumaduate kaya iisipin ko nalang po siguro yun kapag dumating na ang panahon na yun.”"Mhm. Basta lagi mong tatandaan na hindi mali ang magkamali at anuman ang gustuhin mo, palagi lang akong nandito para suportahan ka.""Salamat, Daddy."“Hindi mo ako dapat pasalamatan at masaya ako na may nagawa ako para sayp.” Tinignan ni Elliot si Ivy. “Gusto mo bang matutong magdrive? Okay lang naman kung ayaw mo rin.”"Gusto ko po, pero sa ngayon, wala pa po akong oras."“Sa bakasyon mo, pwede mong sabihan ang driver natin na turuan kang mag drive, at kapag marunong ka na, kumuha ka na rin ng lisensya mo.” Sabi ni Elliot. “Twelve years old palang si Robert noong natuto siyang mag drive kasi wala siyang ibang
Para sakanya, wala naman talaga sa pagkakaroon ng asawa ang tunay na kaligahayan kaya kung saan masaya si Hayden, susuporta lang siya. "Daddy, hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto ng mga magulang na magpakasal ang mga anak nila," tanong ni Ivy."Hindi ko alam ang dahilan ng ibang mga magulang, pero para sa akin, gustong mag asawa kayo dahil gusto kong maranasan niyo yung saya na naranasan ko mula nang makilala ko ang Mommy niyo. Masasabi ko na sumaya ako ng di hamak mula noong naging mag asawa kami ng Mommy mo kumpara noong single pa ako. Ang pamilya ko, kayong lahat, ang tunay na nagbigay ng kahulugan sa buhay ko, kaya natural lang na gusto ko ring magkaroon kayong lahat ng partner na susuporta, makikinig, at aalagaan kayo sa hirap at ginhawa. Naniniwala ako na lahat tayo ay kailangan ng taong makakasama sa buhay."May biglang naalala si Ivy. “Daddy, wag niyo pong pilitin si Hayden na mag asawa kasi baka mag away kayo…” Natatakot si Layla sa mga pwedeng mangyari
Pag sapit ng alas diyes ng gabi, halos maiyak si Avery sa sobrang saya nang makita niya ang medical report ni Eric. "Ito ang pinakamagandang match na maaari nating mahanap para kay Eric Santos. Kahit hindi ito eksaktong match, mataas ang tsansa ng tagumpay natin dito," sabi ng doktor.Medyo nagbago ang ngiti ni Avery. "Kung hindi sigurado ang tagumpay, nag-aalala ako sa mga posibleng komplikasyon na makuha niya.""Ms. Tat— Ay, ang ibig kong sabihin, Doctor Tate, kahit naman ang mga perfect match ay may malaki pa ring posibilidad na magkaroon ng kumplikasyon. Alam mo naman ang kundisyon ngayon ni Eric diba? Hindi tayo pwedeng mag aksaya ng panahon dahil habang mas tumatagal ay lalo lang siyang lumalapit sa bingit ng kamatayan. Siya lang ang pasyenteng kilala ko na tumagal ng ganyan na naka ECMO kaya wala rin akong ideya kung ano ang mga pwedeng mangyari sakanya kapag pinatagal pa natin ito.”Natahimik na lang si Avery sa mga sinabi ng doktor.“Kakausapin ko muna ang mga magulang n
Hindi nagtagal, narinig niya rin ang boses ni Mrs. Santos.“Anong sabi mo? Nakahanap na sila ng donor na nagmatch sa puso ng anak natin? Pwede niyo na ba siyang operahan kaagad?” "Oo! Sinabi ni Dr. Tate na nakahanap sila ng isa!" sabi ni Mr. Santos."Oh, ang saya-saya ko! Mag eempake na ako ng mga gamit natin. Magbook ka na kaagad ng flight papunta sa Bridgedale!" Masayang sagpot ni Mrs. Santos.Narinig ni Avery ang usapan ng mag asawa at nauunawaan kung bakit excited ang mga ito pero kailangan niyang sabihin ang totoo...“Mrs. Santos, ang sabi ng doktor ay nasa ninety percent lang daw ang guarantee na mag tatagumpay ang operasyon dahil hindi perfect match ang nahanap nila, pero kahit anong mangyari, kailangan naming maoperahan si Eric sa lalong madaling panahon dahil mas makakasama sakanya kapag pinatagal pa namin. Marami akong dapat ipakiwanag sainyo sa personal at nasa sainyo pa rin po ang desisyon.”Gulat na gulat si Mrs. Santos. “A..akala ko ba… diba sinabi mo sa amin na sa
"Layla, ang success rate ay nasa ninety percent, at gusto kong manatiling kalmado ka tungkol dito," sabi ni Avery."Mataas na yun diba?" Tanong ni Layla na puno ng pag asa. "Oo, para sa akin mataas na yun, at sa tingin ko naman ay magiging maayos ang lahat.""Sigurado akong magiging matagumpay ito," sabi ni Layla nang may kumpiyansa. "Naniniwala ako sa kanya.""Pumunta ka na dito sa Bridgedale kasama ang mga magulang niya.""Opo."Pagkatapos ng tawag, nagmamadali si Layla na umalis ng kanyang office para makapag empake. Habang nasa byahe, tinawagan niya si Elliot. "Daddy, pupunta ako sa Bridgedale ngayon. Ang sabi ni Mommy puwede na raw maoperahan si Eric! May nahanap na silang match na donor!" masayang sabi ni Layla. Natawagan na rin ni Avery si Elliot tungkol sa magiging operasyon ni Eric. “Sasamahan kita!” Gusto ring masubaybayan ni Elliot ang operasyon, at higit sa lahat ay gustong gusto niya na ring makita ulit si Avery. Ito na siguro ang pinakamatagal na panahon na