“Mhm! Kaya nga siya ang kinuha kong maging tutor mo eh!” Tinapik ni Robert ang balikat ni Ivy at sinabi, “Sige na, tama na yan. Pumasok na tayo. Wag kang mag alala, nandito kami ni Daddy kung natatakot ka at ang pagkakaalam ko ay sa bahay din naman gaganapin ang mga klase niyo tuwing weekends. Huminga ng malalim si Ivy at sumunod nalang kay Robert papasok. "Daddy," Bati ni Ivy at saka niya binati si Harry, “Masaya po akong makilala kayo, Mr. Gadner.” Kumpara sa nakikita niya sa TV, di hamak na mas maamo ang mukha ni Harry sa personal. Ngumiti ito sakanya at mahinahong sumagot, “Hello, Ivy. Kamusta ka? Kagagaling mo lang ba sa school? Sa Southern University din ako grumaduate.” Nakangiting bati ni Harry habang nakikipg kamay kay Ivy.“Opo..Sa totoo lang ay nagsearch na po ako ng tungkol sainyo kasi idol ko po kayo.” Nahihiyang sagot ni Ivy.Sinenyasan ni Elliot si Ivy na umupo sa pagitan nila ni Harry. Agad namang umupo si Ivy.“Nagkwentuhan na kami ni Harry kanina at nabang
Alam ni Ivy na kumpara sa mga kapatid niya, di hamak na mas malaya siyang gumawa ng mga desisyon lalo na at kababalik niya lang sa pamilya niya. "Susubukan ko po munang maging isang TV host!" sagot ni Ivy. "Hindi ko po alam kung ano ang naghihintay sa akin sa hinaharap pagkatapos kong grumaduate kaya iisipin ko nalang po siguro yun kapag dumating na ang panahon na yun.”"Mhm. Basta lagi mong tatandaan na hindi mali ang magkamali at anuman ang gustuhin mo, palagi lang akong nandito para suportahan ka.""Salamat, Daddy."“Hindi mo ako dapat pasalamatan at masaya ako na may nagawa ako para sayp.” Tinignan ni Elliot si Ivy. “Gusto mo bang matutong magdrive? Okay lang naman kung ayaw mo rin.”"Gusto ko po, pero sa ngayon, wala pa po akong oras."“Sa bakasyon mo, pwede mong sabihan ang driver natin na turuan kang mag drive, at kapag marunong ka na, kumuha ka na rin ng lisensya mo.” Sabi ni Elliot. “Twelve years old palang si Robert noong natuto siyang mag drive kasi wala siyang ibang
Para sakanya, wala naman talaga sa pagkakaroon ng asawa ang tunay na kaligahayan kaya kung saan masaya si Hayden, susuporta lang siya. "Daddy, hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto ng mga magulang na magpakasal ang mga anak nila," tanong ni Ivy."Hindi ko alam ang dahilan ng ibang mga magulang, pero para sa akin, gustong mag asawa kayo dahil gusto kong maranasan niyo yung saya na naranasan ko mula nang makilala ko ang Mommy niyo. Masasabi ko na sumaya ako ng di hamak mula noong naging mag asawa kami ng Mommy mo kumpara noong single pa ako. Ang pamilya ko, kayong lahat, ang tunay na nagbigay ng kahulugan sa buhay ko, kaya natural lang na gusto ko ring magkaroon kayong lahat ng partner na susuporta, makikinig, at aalagaan kayo sa hirap at ginhawa. Naniniwala ako na lahat tayo ay kailangan ng taong makakasama sa buhay."May biglang naalala si Ivy. “Daddy, wag niyo pong pilitin si Hayden na mag asawa kasi baka mag away kayo…” Natatakot si Layla sa mga pwedeng mangyari
Pag sapit ng alas diyes ng gabi, halos maiyak si Avery sa sobrang saya nang makita niya ang medical report ni Eric. "Ito ang pinakamagandang match na maaari nating mahanap para kay Eric Santos. Kahit hindi ito eksaktong match, mataas ang tsansa ng tagumpay natin dito," sabi ng doktor.Medyo nagbago ang ngiti ni Avery. "Kung hindi sigurado ang tagumpay, nag-aalala ako sa mga posibleng komplikasyon na makuha niya.""Ms. Tat— Ay, ang ibig kong sabihin, Doctor Tate, kahit naman ang mga perfect match ay may malaki pa ring posibilidad na magkaroon ng kumplikasyon. Alam mo naman ang kundisyon ngayon ni Eric diba? Hindi tayo pwedeng mag aksaya ng panahon dahil habang mas tumatagal ay lalo lang siyang lumalapit sa bingit ng kamatayan. Siya lang ang pasyenteng kilala ko na tumagal ng ganyan na naka ECMO kaya wala rin akong ideya kung ano ang mga pwedeng mangyari sakanya kapag pinatagal pa natin ito.”Natahimik na lang si Avery sa mga sinabi ng doktor.“Kakausapin ko muna ang mga magulang n
Hindi nagtagal, narinig niya rin ang boses ni Mrs. Santos.“Anong sabi mo? Nakahanap na sila ng donor na nagmatch sa puso ng anak natin? Pwede niyo na ba siyang operahan kaagad?” "Oo! Sinabi ni Dr. Tate na nakahanap sila ng isa!" sabi ni Mr. Santos."Oh, ang saya-saya ko! Mag eempake na ako ng mga gamit natin. Magbook ka na kaagad ng flight papunta sa Bridgedale!" Masayang sagpot ni Mrs. Santos.Narinig ni Avery ang usapan ng mag asawa at nauunawaan kung bakit excited ang mga ito pero kailangan niyang sabihin ang totoo...“Mrs. Santos, ang sabi ng doktor ay nasa ninety percent lang daw ang guarantee na mag tatagumpay ang operasyon dahil hindi perfect match ang nahanap nila, pero kahit anong mangyari, kailangan naming maoperahan si Eric sa lalong madaling panahon dahil mas makakasama sakanya kapag pinatagal pa namin. Marami akong dapat ipakiwanag sainyo sa personal at nasa sainyo pa rin po ang desisyon.”Gulat na gulat si Mrs. Santos. “A..akala ko ba… diba sinabi mo sa amin na sa
"Layla, ang success rate ay nasa ninety percent, at gusto kong manatiling kalmado ka tungkol dito," sabi ni Avery."Mataas na yun diba?" Tanong ni Layla na puno ng pag asa. "Oo, para sa akin mataas na yun, at sa tingin ko naman ay magiging maayos ang lahat.""Sigurado akong magiging matagumpay ito," sabi ni Layla nang may kumpiyansa. "Naniniwala ako sa kanya.""Pumunta ka na dito sa Bridgedale kasama ang mga magulang niya.""Opo."Pagkatapos ng tawag, nagmamadali si Layla na umalis ng kanyang office para makapag empake. Habang nasa byahe, tinawagan niya si Elliot. "Daddy, pupunta ako sa Bridgedale ngayon. Ang sabi ni Mommy puwede na raw maoperahan si Eric! May nahanap na silang match na donor!" masayang sabi ni Layla. Natawagan na rin ni Avery si Elliot tungkol sa magiging operasyon ni Eric. “Sasamahan kita!” Gusto ring masubaybayan ni Elliot ang operasyon, at higit sa lahat ay gustong gusto niya na ring makita ulit si Avery. Ito na siguro ang pinakamatagal na panahon na
Nagsend ng text si Robert kay Ivy, at agad naman itong nagreply. [Nag-message sa akin si Daddy at si Layla. Gusto ko sanang sumama rin kung wala lang akong klase eh.][Pwede naman akong mag-absent sa university, pero siguro sa susunod nalang! Mas gusto ko nalang na bantayan ka sa bahay!] sagot ni Robert.[Sinabihan ka ba ni Daddy na gawin 'yan?][Nag-stay ako dahil gusto ko at dahil responsibilidad ko 'yan.][Haha. Salamat, Robert. Pwede ka namang umalis kung gusto mo. Okay lang ako. Matanda na ako, at ang nandiyan naman ang driver natin na araw-araw akong hinahatid-sundo, kaya sure ako na safe ako.][Ayoko. Kapag pumunta ako dun, lagot ako kay Hayden at sa mga magulang natin.][Haha.][May klase ka ba ngayon? Kung wala kang pasok, pwede tayo lumabas.]Walang klase si Ivy sa gabi at uuwi siya para mag-practice ng breathing exercise at pagbigkas ng mga salita, pero hindi niya na sinabi yun kay Robert dahil mula nang malaman niya tungkol sa operasyon, nangibabaw sakanya ang say
”Hmm subukan kaya natin sa canteen ng office ni Daddy? Balita ko masarap daw yung mga pagkain dun pero hindi ko pa nasusubukan.”"Sige! Pero papapasukin ba tayo?"Natawa si Robert. "Papakita ko lang sa kanila ang mukha ko.""Kilala ka ba nilang lahat doon?” “Haha! Hindi naman! Pero may face recognition system kasi sila doon at ang alam ko sinama tayong lahat ni Daddy sa system nila.”“Ahhhh! Akala ko ang ibig mong sabihin ay kilala ka ng bawat empleyado ni Daddy.” Nakahinga ng maluwag si Ivy. "Alam mo ba kung ilang empleyado ang nagtatrabaho sa company niya? Libu-libo!" sagot ni Robert. "Ilang mga manager lang ang nakakakita sa'kin dahil sobrang higpit ni Daddy sa pagprotekta sa amin. Kapag sinearch mo online, si Hayden lang ang makikita mong anak ni Daddy. Wala kang makikitang impormasyon namin dun ni Layla.”"Sinubukan ko nga dati." Sinubukan ni Ivy na isearch si Elliot noong nasa Taronia palang siya at si Hayden nga lang ang nakita niya. "Pero noong nag upload si Layla ng a