Kung anu-anong haka haka ang pumasok sa isip ni Ben. Gusto na sanang tawagan ni Chad si Avery para manghingi ng kasagutan pero hindi niya kaya. Kaka divorce lang nito at ng boss nila… malamang sa malamang, hindi nito sasagutin ang tawag niya. “Ben, tinawagan mo na ba si boss?” Tanong ni Chad. Naiititang nagbuntong hininga si Ben at naiinis na sagot, “Ha! Sigurado ako na kung hindi nawala ‘tong babaeng ‘to, malamang mamatay tayong lahat ng walang ideya tungkol dito. Mukhang plano ata niyang itago ‘to habang buhay kaya sa tingin mo ba sasagutin niya ako ngt maayos kapag nagtanong ako?!”“Sabagay habang hindi pa nahahanap yang Shea na yan, sigurado ako na sobrang init ng ulo niyan ni Boss.” Pagsang’ayon ni Chad. …Kasalukuyang nasa Angela Special Needs Academy si Hayden nang makita niya ang balita na hinahanap ni Elliot si Shea at hindi lang yun! At hindi lang yun.. Lalo siyang nagulat nang nakita niya na sobrang laki pa ng pabuya. ‘Ano kayang relasyon ni Shea kay Elli
Mukhang kakaibang babae yung Avery na yun kung nagawa niyang manatiling kasal kay Elliot sa loob ng mahigit apat na taon. Nasa abroad siya noong una niyang narinig ang pangalan nito.Estudyante rin ni Professor Hough si Avery at matunog na maganda ang mga papers na pinapasa nito. Pero mula noong maka graduate ito, wala na siyang narinig na kahit ano tungkol dito. ‘Hindi lang sa hindi nagtrabaho si Avery sa malalaking ospital, hindi rin talaga ito nag practice sa larangan ng medicine. ‘Bilang isang doctor, anong saysay ng theoretical knowledge kung wala siyang clinical experience?‘Tama naman ako diba? Kasi kung hindi, bakit kinuha pa ako ni Elliot para gamutin si Shea?’Habang nagdidinner, nagtatakang tinignan ni Laura ang dalawang bata na nakaupo sa harap niya, “At bakit hindi kayo kumakain?” Biglang nag puppy eyes si Layla at nagpapaawang nagtanong, “Anong oras po uuwi si mommy?” “Pagkatapos ng work niya. Pero hindi ko alam kung anong oras yun matatapos.” Sagot
“At bakit naman hihiramin ng batang yun ang phone mo?” Tanong ni Elliot. “Nawawala daw kasi ang tatay niya kaya hiniram niya ang phone ko para matawagan. Mula noong makita ko yung batang yun, puro kamalasan nalang ang nangyari sakin! Pakiramdam ko kinulam niya ako!” Sobrang namamaga ang buong pisngi ni Cole at hindi maawat ang luha niya sa pag agos. Base sa titig ni Elliot, para bang sobrang nabobobohan siya kay Cole. “Naalala mo pa ang itsura niya?”Nagmamadaling sumagot si Cole, “Oo! Sobrang ganda niyang bata! Kung hindi siguro siya ganun kaganda, hindi ko ipapahbiram sakanya yung phone ko! Kamukha niya si Avery!” Nang marinig ni Elliot ang pangalang binanggit ni Cole, bigla siyang natigilan at nabakas ang bahagyang lungkot sakanyang mga mata. “Sige na, gamutin mo na yan.”“Uncle, ayos lang po ako… Gusto ko lang din malaman kung paano na set up ang phone ko! Nakapag send ako ng mga maseselang pictures sa kablind date ko kaya nagalit siya sa akin, tapos ngayon lumalab
Binuhat ni Avery si Layla at tinuro naman nito si Hayden. “Sinama niya ako.”“Oh…Hayden, paano mo nalaman na nandito si mommy?” Nakangiting tanong ni Avery. Wala siyang balak pagalitan ang anak niya. “Siguro tinanong mo si Uncle Mike na tignan ang location ko no?” Tumungo si Hayden. Si Uncle Mike ang nagturo sakanya kung paano mang hack…Walang kaalam-alam si Avery sa skill na mayroon si Hayden. “Okay, tara na! Inaantok na si mommy… Uwi na tayo.” Hindi na gumagana ang utak ni Avery sa sobrang pagod.Pagkalabas nilang mag’iina ng ospital, nakasakay agad sila ng taxi at hindi pa man din sila nagtatagal sa byahe ay nakatulog na si Avery.Bandang 11:20 ng umaga, may biglang tumawag kay Zoe para sabihan siya na pumunta sa Elizabeth Hospital. Pagkarating niya sa ospital, nakita niya kaagad si Shea. Nakabandage ang ulo nito at kasalukuyang natutulog. Sobrang putla nito!Pagkalipas ng dalawang oras, tinawagan niya si Elliot. “Mr. Foster, nakita ko na po si Sh
Makalipas ang twenty minutes, nakatanggap kaagad si Elliot ng tawag. “Mr. Foster, tinawagan ko po ang Elizabeth Hospital, at ang sabi po nila sa akin ay kasalukuyan daw pong under maintenance ang mga surveillance camera nila kaya wala pong kahit anong footage na nakuha.” Nang marinig ito ni Elliot, biglang kumunot ang kanyang noo. ‘Ano? Coincidence lang ba ang lahat ng ito?’‘Wala ba talagang surveillance footage o baka naman ayaw lang talagang magpakilala ng taong yun?“Okay, Alisin niyo ang lahat ng picture at balita tungkol dito sa internet.” Utos ni Elliot.“Okay, Mr. Foster, gagawin ko na po ngayon mismo.”Wala pang isang oras, lahat ng impormasyon tungkol sa paghahanap ni Elliot kay Shea, maging ang ransom na one hundred fifty-five million dollar ay tuluyan ng nawala sa internet. …Sobrang himbing ng tulog ni Avery pero bigla siyang naalimpungatan nang mag ring ang kanyang phone.Ilang beses na siyang tinawagan ni Tammy pero ngayon lang siya sumag
“Anong sinsabi mo jan? Date nga natin ‘to diba! Bakit ko naman sila isasama?” Nilagyan ni Tammy ng wine ang isang wine glass at iniabot ito kay Avery. “Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Ang laki laki ng eyebags mo oh.” Nakipag cheers si Avery at uminom. “ Wala, nanuod lang ako ng series!”“Akal mo ba maniniwala ako sayo?! Ha! Ang plastik plastik ng ngiti mo oh! Siguro iniisip mo pa rin si Elliot no kaya hindi ka makatulog?” Nabilaukan si Avery at naiinis na sumagot, “Tammy, sa tingin mo ba ganon ako katanga?” Tumango ng paulit-ulit si Tammy, “Oo! Oo! Oo! Oo! Yumaman ka lang pero tanga ka pa rin!” Ang hindi nila alam… Nasa parehong restaurant rin sina Elliot at Ben noong gabing yun.. Yun lang ang pinaka high class na restaurant na malapit sa ospital. “Elliot, hindi kita niyaya para mangusisa tungkol sa relasyon niyo ni Shea ha! Gusto ko lang talagang makipag inuman sayo! Oo nga pala, kamusta pala si Dr. Stanford? Magaling ba siya?” Kinuha ni Elliot ang wine gl
Puno pa ang wine glass at halatang hindi pa rin nagagalaw ang plato nito. Kung hindi siguro siya dumating, malamang hindi ito aalis. “Sige na, kumain na kayo. Aalis nalang kami.” Pagkatapos magsalita, tumalikod si Elliot at naglakad palayo. Si Ben naman, na pasimuno ng lahat, ay nagmamadaling tumakbo habang hawak-hawak pa ang kanyang wine glass, “Elliot! Hintayin mo ‘ko!” Nagthumbs up si Tammy kay Avery at naka ngiting sinabi, “Avery, the best ka talaga!” “Bakit? Siya naman may gustong umalis..” Inosenteng sagot ni Avery. “Hahaha! Ang lakas ng kutob ko na may gusto pa rin siya sayo!” Muling kinuha ni Tammy ang wine glass niya at chineers sa wine glass ni Avery. “Kitang kita ko sa mga mata niya. Ramdam na ramdam ko..”“Alam mo Tammy, sa tingin ko kailangan mo ng bawas-bawasan yang kanunuod mo ng mga drama. Kung ano-anong pumapasok sa isip mo.”“Bakit ako? Diba ikaw yung nagpuyat jan para manuod ng drama?” “May sinabi ba akong drama ang pinanuod ko?!” Uminom si
“Ayoko… ayoko sakanya… Hindi ko siya kilala… ayoko saknaya..”“Dinala ka sa ospital noong nahimatay ka kaya ngayon mo lang siya nakita.” Paliwanag ni Elliot. “Nahimatay?” “Hindi! Hindi yan totoo!” Umiiyak na sagot ni Shea. Tandang tanda niya ang mukha ni Avery. Noong inaapoy siya ng lagnat, si Avery yung nagbabantay at kumakausap sakanya. Hindi niya na maalala kung anong sinabi nito, pero sigurado siya! Sobrang lambing ng boses nito kaya hindi siya natakot. Dahil dun, biglang humagulgol si Shea at dahil nabigla ang katawan niya, pakiramdam niya ay mabibiyak ang ulo niya. “Shea, saan ang masakit? Pumikit ka muna at wag kang mag’isip ng kung ano-ano. Matulog ka muna, pagkagising mo, hindi na yan masakit.” Pinunasan ni Elliot ang luha sa pisngi ni Shea at hinimas ang likod nito hanggang sa makatulog ito. Kakatapos lang ng brain surgery nito, at kailangan nitong magpahinga para makabawi kaagad ito ng lakas. Nang masigurong nakatulog na si Shea, lumabas si E