"Naging magulo ang isip ng master dahil sa kanyang inner demon. Dahil doon, ginawa niya ang lahat para makahanap ng paraan upang makontrol ang kanyang ugali. Kung tutuusin, alam niyang hindi siya magiging isang legend kapag hindi niya nakontrol ang blessing ng dragon." “Binisita niya ang ilang monghe at iba pang mga religions. Ang master ay palihim na pumunta rin sa Weston para maghanap ng ilang kilalang masters sa pag-asang makakakuha siya ng higit na pananaw sa kanyang isyu. Pero magsimula ang paghahanap niya nang isang araw, pinatay ng panginoon ang isang tao sa mismong lugar dahil lang sa mali ang sinabi ng tao!" "Dahil diyan, tumigil siya sa paghahanap ng tulong dahil sa takot na mapatay niya ang isa pang inosenteng tao. Mabuti na lang at natagpuan niya mismo ang sagot sa kanyang tanong. Habang lumalalim ang kanyang kaalaman, pinigilan niya ang kanyang lakas at bumalik sa pamumuhay bilang isang regular na tao. Nang mangyari iyon, mukha siyang isang malungkot na matanda. Nanat
"Hello! Nagkita tayo muli!” sabi ng isa sa mga kaakit-akit na babae habang kumakaway sa binata na nagngangalang Haven Lovewell. “Oo nga, nagkita tayo ulit...” sagot ni Gerald na may banayad na ngiti habang isinasara ang pinto sa likuran niya. Ibinaba ang kanyang mga bagahe sa isang espesyal na lugar para sa mga turista at pagkatapos ay pumunta si Gerald sa isang bakanteng mesa na nagkataon sa tabi ng mesa ni Haven. Kinausap pa siya ni Haven habang nakaupo si Gerald, “Naaalala mo ba ang pinag-usapan natin sa tren kanina? Natuwa ako noon kaya gusto ko sanang makuha ang Line number mo! Hindi ko inasahan na magkikita ulit tayo... Parang destiny yata ang ating pagkikita!” "Tama na, Haven. Pumunta siya dito para kumain kaya huwag mo na siyang guluhin,” sabi ni Xareni, ang nakatatandang kapatid ni Haven, nang tinapakan niya ang paa ni Haven. Pinapaalala sa kanya na maging magalang sa ibang tao. "Tama siya, Haven. Bakit mo pa hiningiin ang Line number niya?" dagdag ni Quintin. Umil
“Hubby?” sabay-sabay na sinabi ng tatlong gangster habang nakatingin sila sa isa't isa. Gayunpaman, mabilis silang magalit habang nakatingin sila sa lalaking kararating lamang. "Teka lang, hindi ko siya asawa!" sagot ng lalaki habang mabilis na ikinaway ang kanyang mga kamay sa sobrang takot. Napaikot ang mga mata ng babae nang marinig niya iyon, ‘P*tang ina! Bakit napakaduwag ng ganitong mga tao?' Tumawa ng malakas ang mga tambay nang magsalita ang isa sa kanila, "Mukhang matalino ka, ganda! Tuturuan ka namin ng leksyon mamaya!" Susugod na sana sila sa dalawa nang biglang lumingon ang binata at itinuro ang entrance ng eskinita bago siya sumigaw, "Pulis!" Nang marinig nila iyon, agad na nanatili ang tatlong lasing sa kanilang kinatatayuan at tumalikod ang dalawa. Mabilis silang nag-squat at nilagay ang kanilang mga kamay sa likod ng kanilang mga ulo! "Hin-hindi na namin uulitin ito kaya patawarin mo na kami!" Nakita ng dalawa na nasa mahirap na sitwasyon ngayon ang mga
Dinner? Nagkataon na nagpaplanong kumain si Gerald kapag nakalayo na siya sa babaeng ito. "…Sige ba!" sagot ni Gerald sabay tango. Naisip niyang tanggapin ang alok para makatipid siya ng pera. "Ikaw!" Sinabi lang ito ni Misty Zachary bilang kagandahang-loob, ngunit hindi niya talaga inaasahan na tatanggapin ni Gerald ang kanyang alok. Madalas para sa mga kababaihan na humanga sa kabayanihan na pinapamalas ng isang lalaki. Kahit na si Gerald ay hindi isang tradisyunal na bayani, inaamin pa rin niya na talagang tinulungan siya nito. Gwapo rin siya at kahit sinong tao ay mahuhumaling sa kanyang nakakaakit na itsura. Hindi exception doon si Misty dahil gusto niyang makilala pa lalo ang lalaking ito. Dahil doon, dinala ni Misty si Gerald sa malapit na restaurant kung saan sila kumain at nagkuwentuhan sa buong hapunan nila. Hindi nagtagal ay mas nakilala na nila ang isa't isa. “Nagkataon na ito ang lugar na napili mong puntahan!” sabi ni Misty. “At bakit naman?” “Mukhang hi
Ipinagpatuloy ni Gerald ang pag-arte na parang nagulat nang sabihin niya, “Isa ka bang salesperson? Muntikan na akong maniwala doon! Haha!” "…Ano? Grabe, isa akong accountant na nagtatrabaho sa isang kumpanya sa ilalim ng pamilyang Lovewell. Ang kumpanya namin ay ang main organizer para sa taunang exchange event! Isa pa, wala akong dahilan para magsinungaling sayo! Alam mo lang na sinasabi ko lang sayo ang lahat ng ito dahil niligtas mo ako. Huwag mong ipagkalat ang balita na ito sa iba! At isa pa, wala rin naman maniniwala sayo,” sagot ni Misty habang iniinom niya ang kanyang sariling inumin. "Mukhang interesado ka sa event na iyon, baka gusto mong pumunta doon para makita mo ng sarili mo?" dagdag ni Misty. "Parang sinasabi mo na malaya akong makapunta sa ganoong lugar. Sigurado akong hindi ganoon kadaling makakuha ng admission ticket, di ba?" nakangiting sinabi ni Gerald. “Bingo. Pero ang swerte ko sa'yo, ako ang tipo ng taong ayaw magkaroon ng utang na loob sa iba. Dahil mal
Matapos sabihin iyon ni Misty, lumingon ito sa kanyang grupo at sinabing, “Guys, ipapakilala ko siya sa inyo. Siya si Gerald at kahapon ko lang siya nakilala. Mabait naman siya at niligtas niya pa ako." “Humph! Ito pala ang lalaking iyon! Alam niya naman na dumadalo tayo sa isang treasure exchange event, kaya bakit ganyan ang damit niya?” medyo mapang-asar na sinabi ng isa pang babae habang nakatawid ang kanyang mga braso. Sinabi niya ito dahil ang exchange event ay isang uri ng pagtitipon na karamihan ay para sa mga prestihiyosong tao lamang. Dahil ang mga makapangyarihan at maimpluwensyang tao lamang ang inaasahang dadalo, isang standard na magsuot ng suit at leather shoes na ganitong kaganapan. Ang suot lamang ni Gerald ay akma para sa isang turista, kaya hindi nakapagtataka kung bakit nakakahiya siya para sa mga kaibigan ni Misty. “Okay lang naman siguro iyon, di ba? Mag-eenjoy na lang tayo ng magkakasama!" sagot ni Misty na parang hindi niya naintindihan na ayaw ng kanyang
‘Parang may mali sa iron plaque na iyon…’ naisip ni Gerald. “Tara, Gerald. May problema ba?” tanong ni Misty dahil nagtataka siya kung bakit nakatayo pa rin si Gerald sa lugar na iyon. “…Ah, um, mauna muna kayo. Gusto kong tumingin sa paligid ng mag-isa!" nakangiting sinabi ni Gerald bago siya patuloy na tumingin kung saan umalis ang matanda. “Okay, sige! Pero tatawagan ulit kita kapag malapit nang magtanghali para sabay tayong magtanghalian!" sabi ni Misty nang mapansin niyang hindi pinapansin ng kanyang mga kaibigan si Gerald. Pagkatapos niyang pumayag, agad na sinundan ni Gerald ang matanda. Ang mga kababaihan mula sa grupo ni Misty ay agad na nagsabi ng mga masasamang salita kay Gerald pagkatapos niyang umalis. “Hmph! Bakit ginagawa mong kaibigan ang mga ganoong tao, Misty? Nakakahiya siyang makasama!" “Oo nga! Isang talunan! Mahirap maging masaya kapag nandyan siya!" “Oo! Please lang, huwag mo na siyang isama mamayang tanghalian! Ikumpara mo na lang ang suot namin
“Talaga ba? Seryoso ka ba dito, binata?" sagot ng matanda nang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Napailing na lang si Gerald bago niya hiningi sa matanda ang bank account number habang nakangiti. Matapos ang isang maikling tawag, ang matanda ay nabigla pagkalipas ng limang minuto nang makita niya ang seven hundred seventy thousand dollars sa kanyang account. “S-salamat, binata!” sabi ng matanda habang nakangiti kay Gerald. Ang kanyang kagalakan ay hindi nakakagulat dahil hindi niya akalain na maibebenta niya talaga ang iron plaque na iyon sa malaking halaga. Binili ni Gerald ang bagay na ito dahil mayroong isang bagay na pambihira tungkol dito kahit hindi ito mukhang espesyal. Naramdaman niya noong una niyang pinagmasdan ang imahe ng araw kalahating taon na ang nakalipas. Isang gut feeling lang iyon, pero pinili ni Gerald na maniwala doon. Sa sandaling iyon, nagsimulang maglakad papalapit sa kanila ang isang grupo ng mga tao na binubuo ng mga foreigner at lokal na nakas