Matapos sabihin iyon ni Misty, lumingon ito sa kanyang grupo at sinabing, “Guys, ipapakilala ko siya sa inyo. Siya si Gerald at kahapon ko lang siya nakilala. Mabait naman siya at niligtas niya pa ako." “Humph! Ito pala ang lalaking iyon! Alam niya naman na dumadalo tayo sa isang treasure exchange event, kaya bakit ganyan ang damit niya?” medyo mapang-asar na sinabi ng isa pang babae habang nakatawid ang kanyang mga braso. Sinabi niya ito dahil ang exchange event ay isang uri ng pagtitipon na karamihan ay para sa mga prestihiyosong tao lamang. Dahil ang mga makapangyarihan at maimpluwensyang tao lamang ang inaasahang dadalo, isang standard na magsuot ng suit at leather shoes na ganitong kaganapan. Ang suot lamang ni Gerald ay akma para sa isang turista, kaya hindi nakapagtataka kung bakit nakakahiya siya para sa mga kaibigan ni Misty. “Okay lang naman siguro iyon, di ba? Mag-eenjoy na lang tayo ng magkakasama!" sagot ni Misty na parang hindi niya naintindihan na ayaw ng kanyang
‘Parang may mali sa iron plaque na iyon…’ naisip ni Gerald. “Tara, Gerald. May problema ba?” tanong ni Misty dahil nagtataka siya kung bakit nakatayo pa rin si Gerald sa lugar na iyon. “…Ah, um, mauna muna kayo. Gusto kong tumingin sa paligid ng mag-isa!" nakangiting sinabi ni Gerald bago siya patuloy na tumingin kung saan umalis ang matanda. “Okay, sige! Pero tatawagan ulit kita kapag malapit nang magtanghali para sabay tayong magtanghalian!" sabi ni Misty nang mapansin niyang hindi pinapansin ng kanyang mga kaibigan si Gerald. Pagkatapos niyang pumayag, agad na sinundan ni Gerald ang matanda. Ang mga kababaihan mula sa grupo ni Misty ay agad na nagsabi ng mga masasamang salita kay Gerald pagkatapos niyang umalis. “Hmph! Bakit ginagawa mong kaibigan ang mga ganoong tao, Misty? Nakakahiya siyang makasama!" “Oo nga! Isang talunan! Mahirap maging masaya kapag nandyan siya!" “Oo! Please lang, huwag mo na siyang isama mamayang tanghalian! Ikumpara mo na lang ang suot namin
“Talaga ba? Seryoso ka ba dito, binata?" sagot ng matanda nang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Napailing na lang si Gerald bago niya hiningi sa matanda ang bank account number habang nakangiti. Matapos ang isang maikling tawag, ang matanda ay nabigla pagkalipas ng limang minuto nang makita niya ang seven hundred seventy thousand dollars sa kanyang account. “S-salamat, binata!” sabi ng matanda habang nakangiti kay Gerald. Ang kanyang kagalakan ay hindi nakakagulat dahil hindi niya akalain na maibebenta niya talaga ang iron plaque na iyon sa malaking halaga. Binili ni Gerald ang bagay na ito dahil mayroong isang bagay na pambihira tungkol dito kahit hindi ito mukhang espesyal. Naramdaman niya noong una niyang pinagmasdan ang imahe ng araw kalahating taon na ang nakalipas. Isang gut feeling lang iyon, pero pinili ni Gerald na maniwala doon. Sa sandaling iyon, nagsimulang maglakad papalapit sa kanila ang isang grupo ng mga tao na binubuo ng mga foreigner at lokal na nakas
"Ano bang problema, Kaleb?" “…P-paano…?” sabi ni Kaleb habang nakatingin siya sa kanyang magkabilang kama, makikita ang kanyang pagkaulala. "Magsalita ka, Kaleb. Ano ang ibig mong sabihin na, 'paano'?" “G-Ginamit ko ang aking inner strength ko kanina nang hawakan ko siya sa pulso... pero huminto sa kalagitnaan ang inner strength ko! Paano ito nangyari?" Nanatiling tahimik si Kaleb, masyado siyang naguguluhan habang iniisip niya ang kakaibang pakiramdam na naranasan niya kanina. "Sigurado ka ba dito?" tanong ni Zolton habang nakatingin sa lalaking maputi ang buhok. Dahil ang kanyang ama ang nag-imbita sa misteryosong Kaleb kaya nirerespeto siya ni Zolton. "Oo... Sigurado ako na may kakaiba sa binatang iyon!" sagot ni Kaleb habang malamig na tumingin sa direksyon kung saan umalis si Gerald kanina. Si Gerald naman ay nakarating na sa tabing ilog sa hindi kalayuan. Nang masiguro niyang nag-iisa na siya, kumapit siya ng mahigpit sa iron plaque bago niya inilabad ang kanyang in
“Kasalanan mo kung bakit ka mamamatay ngayon! Maghanda ka!" Sabi ng kalbong lalaki habang ang isa sa kanyang mga tauhan ay inilabas ang isang maikling dagger at itinutok ito sa dibdib ni Gerald! Itinulak niya ito patungo kay Gerald at ilang segundo lang ay napagtanto ng umatake na sa kanya tumama ang kanyang dagger. Hindi niya alam kung bakit hindi tumama kay Gerald ang kanyang patalim! "Ano?" Iyon lang ang nasabi ng nakatulala na lalaki habang galit siyang sinagot ni Gerald, "Huwag niyong sabihin na hindi ko kayo binalaan!" Pagkatapos niya itong sabihin, gumanti agad si Gerald ng malakas na sampal sa pisngi ng lalaki! Lumipas sa ere ang lalaki kahit na isang sampal lamang iyon! Hindi napansin ng lalaki na ang kanyang ulo na nag-deform habang umaagos ang dugo sa kanyang mga mata. Wala nang buhay ang lalaki nang humampas siya sa putikan na ilang dosenang talampakan lamang ang layo. “…Marunong siya ng martial arts!” sabi ng kalbong lalaki nang magulat siya sa mga pangyayari.
Pagkatapos niyang sabihin iyon, yumuko ang lalaking mukhang ninety years old na sa harapan ni Gerald! Hindi nakakapagtaka kung bakit niya ginawa iyon matapos niyang masaksihan ang lahat ng mga pangyayaring iyon! Kinalkula ni Gerald ang kasalukuyang lakas ni Kaleb ay katulad ng kanyang lakas kalahating taon na ang nakalipas. Masasabi rin niyang nahawakan na ni Kaleb ang kanyang inner strength. Malinaw na mas mahina pa rin siya kaysa kay Gerald, ngunit ang matanda ay maituturing na isang champion base sa kasalukuyang kakayahan ni Kaleb. Dahil doon ay unti-unting bumalik sa normal ang bloodlust sa mga mata ni Gerald. Ang kanyang kahanga-hangang aura ay dahan-dahan ding nawala at ito ang dahilan para kay Kaleb na makahinga ng maluwag. "Napansin ko na gumugol ka ng maraming taon ng pagsasanay para makontrol mo ang iyong inner strength. Hindi ito naging madali, kaya hindi kita papatayin. Balaan mo lang ang iba na huwag na akong subukang labanan muli!” sabi ni Gerald nang bumalik sa
Tinawagan ni Gerald si Misty para i-cancel ang kanilang planong mag-tanghalian ng magkasama. Kung tutuusin, prayoridad niya ngayon na makakuha ng mas maraming impormasyon kay Kaleb. “Ano na? Sasama ba siya?" kinakabahang tinanong ni Lydia nang ibinaba ni Misty ang tawag. "Malamang ayaw niyang sumama sa atin dahil masyado mo siyang tinakot..." sagot ni Misty na dismayado ang kanyang tono. "Masaya akong marinig iyon! Dahil wala na siya, sinabi ni Jamie na sa Logan Grand Hotel tayo mag-lunch! Sabay-sabay nating makikita ang pinakamagandang hotel sa Logan Province!" tuwang-tuwa na sumigaw si Lydia nang pilit na tumango si Misty. Pero pagdating nila, agad silang hinarang ng isang waiter na nakatayo sa may entrance. “Pasensya na pero may nag-book ng buong Logan Grand Hotel ngayon. Kailangan niyong pumili ng ibang restaurant. Pasensya na talaga," sabi ng butler. Agad na nadismaya si Lydia dahil gusto niya talagang kumain sa lugar na iyon. Sa sobrang excited niya, ilang beses siyan
Maya-maya pa ay tinapik ni Kaleb ang kanyang wine glass, nagpapahiwatig na kakausapin ni Zander si Gerald. Gayunpaman, medyo nag-aatubili si Zander na gawin ito. Sabagay, kahit anong tingin niya kay Gerald, mukhang isang regular na binata pa rin ito. Lalo siyang nabalisa nang maisip niyang kailangan niyang humingi ng tulong sa isang ordinaryong tao. Habang iniisip kung paano siya magpapatuloy, isang malakas na tunog ang narinig nang hampasin ng isang middle-aged na lalaki ang kanyang baso ng alak sa mesa habang nakaupo siya sa tabi ni Zander. Pagkatapos nito ay sinabi ng lalaki, "Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin sa likod ng party na ito, Chairman Lovewell. Sino ba talaga ang gusto mong i-entertain?” Ang tanong ng middle-aged na lalaki ay indirect na tumutukoy kay Gerald na nakaupo sa seat of honor mula pa nang makarating siya dito. Naiinis ang matanda sa katotohanang iyon, ngunit dumoble ang inis niya dahil alam niyang sinusubukan din ni Zander na pasayahin si