"Ano bang problema, Kaleb?" “…P-paano…?” sabi ni Kaleb habang nakatingin siya sa kanyang magkabilang kama, makikita ang kanyang pagkaulala. "Magsalita ka, Kaleb. Ano ang ibig mong sabihin na, 'paano'?" “G-Ginamit ko ang aking inner strength ko kanina nang hawakan ko siya sa pulso... pero huminto sa kalagitnaan ang inner strength ko! Paano ito nangyari?" Nanatiling tahimik si Kaleb, masyado siyang naguguluhan habang iniisip niya ang kakaibang pakiramdam na naranasan niya kanina. "Sigurado ka ba dito?" tanong ni Zolton habang nakatingin sa lalaking maputi ang buhok. Dahil ang kanyang ama ang nag-imbita sa misteryosong Kaleb kaya nirerespeto siya ni Zolton. "Oo... Sigurado ako na may kakaiba sa binatang iyon!" sagot ni Kaleb habang malamig na tumingin sa direksyon kung saan umalis si Gerald kanina. Si Gerald naman ay nakarating na sa tabing ilog sa hindi kalayuan. Nang masiguro niyang nag-iisa na siya, kumapit siya ng mahigpit sa iron plaque bago niya inilabad ang kanyang in
“Kasalanan mo kung bakit ka mamamatay ngayon! Maghanda ka!" Sabi ng kalbong lalaki habang ang isa sa kanyang mga tauhan ay inilabas ang isang maikling dagger at itinutok ito sa dibdib ni Gerald! Itinulak niya ito patungo kay Gerald at ilang segundo lang ay napagtanto ng umatake na sa kanya tumama ang kanyang dagger. Hindi niya alam kung bakit hindi tumama kay Gerald ang kanyang patalim! "Ano?" Iyon lang ang nasabi ng nakatulala na lalaki habang galit siyang sinagot ni Gerald, "Huwag niyong sabihin na hindi ko kayo binalaan!" Pagkatapos niya itong sabihin, gumanti agad si Gerald ng malakas na sampal sa pisngi ng lalaki! Lumipas sa ere ang lalaki kahit na isang sampal lamang iyon! Hindi napansin ng lalaki na ang kanyang ulo na nag-deform habang umaagos ang dugo sa kanyang mga mata. Wala nang buhay ang lalaki nang humampas siya sa putikan na ilang dosenang talampakan lamang ang layo. “…Marunong siya ng martial arts!” sabi ng kalbong lalaki nang magulat siya sa mga pangyayari.
Pagkatapos niyang sabihin iyon, yumuko ang lalaking mukhang ninety years old na sa harapan ni Gerald! Hindi nakakapagtaka kung bakit niya ginawa iyon matapos niyang masaksihan ang lahat ng mga pangyayaring iyon! Kinalkula ni Gerald ang kasalukuyang lakas ni Kaleb ay katulad ng kanyang lakas kalahating taon na ang nakalipas. Masasabi rin niyang nahawakan na ni Kaleb ang kanyang inner strength. Malinaw na mas mahina pa rin siya kaysa kay Gerald, ngunit ang matanda ay maituturing na isang champion base sa kasalukuyang kakayahan ni Kaleb. Dahil doon ay unti-unting bumalik sa normal ang bloodlust sa mga mata ni Gerald. Ang kanyang kahanga-hangang aura ay dahan-dahan ding nawala at ito ang dahilan para kay Kaleb na makahinga ng maluwag. "Napansin ko na gumugol ka ng maraming taon ng pagsasanay para makontrol mo ang iyong inner strength. Hindi ito naging madali, kaya hindi kita papatayin. Balaan mo lang ang iba na huwag na akong subukang labanan muli!” sabi ni Gerald nang bumalik sa
Tinawagan ni Gerald si Misty para i-cancel ang kanilang planong mag-tanghalian ng magkasama. Kung tutuusin, prayoridad niya ngayon na makakuha ng mas maraming impormasyon kay Kaleb. “Ano na? Sasama ba siya?" kinakabahang tinanong ni Lydia nang ibinaba ni Misty ang tawag. "Malamang ayaw niyang sumama sa atin dahil masyado mo siyang tinakot..." sagot ni Misty na dismayado ang kanyang tono. "Masaya akong marinig iyon! Dahil wala na siya, sinabi ni Jamie na sa Logan Grand Hotel tayo mag-lunch! Sabay-sabay nating makikita ang pinakamagandang hotel sa Logan Province!" tuwang-tuwa na sumigaw si Lydia nang pilit na tumango si Misty. Pero pagdating nila, agad silang hinarang ng isang waiter na nakatayo sa may entrance. “Pasensya na pero may nag-book ng buong Logan Grand Hotel ngayon. Kailangan niyong pumili ng ibang restaurant. Pasensya na talaga," sabi ng butler. Agad na nadismaya si Lydia dahil gusto niya talagang kumain sa lugar na iyon. Sa sobrang excited niya, ilang beses siyan
Maya-maya pa ay tinapik ni Kaleb ang kanyang wine glass, nagpapahiwatig na kakausapin ni Zander si Gerald. Gayunpaman, medyo nag-aatubili si Zander na gawin ito. Sabagay, kahit anong tingin niya kay Gerald, mukhang isang regular na binata pa rin ito. Lalo siyang nabalisa nang maisip niyang kailangan niyang humingi ng tulong sa isang ordinaryong tao. Habang iniisip kung paano siya magpapatuloy, isang malakas na tunog ang narinig nang hampasin ng isang middle-aged na lalaki ang kanyang baso ng alak sa mesa habang nakaupo siya sa tabi ni Zander. Pagkatapos nito ay sinabi ng lalaki, "Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin sa likod ng party na ito, Chairman Lovewell. Sino ba talaga ang gusto mong i-entertain?” Ang tanong ng middle-aged na lalaki ay indirect na tumutukoy kay Gerald na nakaupo sa seat of honor mula pa nang makarating siya dito. Naiinis ang matanda sa katotohanang iyon, ngunit dumoble ang inis niya dahil alam niyang sinusubukan din ni Zander na pasayahin si
"…Ano?" Laking gulat ni Theo sa kanyang nasaksihan na napabulong na lamang siya sa kanyang biglang pagtayo. Nagulat ang lahat sa eksenang iyon, lalo na ang kawawang waiter na nakatayo mismo sa likod ng pinto dahil naghahanda na siyang maghain ng mas maraming pagkain nang mangyari ang lahat ng iyon. Napatayo rin si Zander sa puntong iyon. Sigurado siya noong una na ordinaryong binata lang si Gerald na walang aktwal na kakayahan, ngunit alam na niya ngayon na siya ay nagkakamali. Hindi nila inasahan na kaya niyang durugin ang isang kahoy na pinto gamit ang isang dahon ng gulay! Gaano karaming pagsasanay ang kailangan niyang pagdaanan para maging napakalakas?! Lalong nagiging nakakabagabag ang pakiramdam sa kwarto habang lumilipas ang oras. Naramdaman ni Theo ang pressure na ito dahil kasalukuyan siyang basang-basa sa malamig na pawis, bigla na lamang siya napabulong sa kanyang sarili, "Kaya niyang makasakit ng ibang tao sa pamamagitan lamang ng isang dahon!" Para mabawasan
Pagkatapos nilang kumain, lumabas si Gerald kasama si Zander at ang iba pa sa hotel. Pagdating sa entrance ng hotel, agad silang sinalubong ng isang butler at sinabing, "May mga tao mula sa Long family sa Yanken na gustong bumisita sayo, Chairman Lovewell!" “Ang pamilyang Long? Humph! Bakit nila ako pinuntahan? Sino ang pinadala nilang representative?" sagot ni Zander na mas confident na ngayong pumayag si Gerald na tulungan siya. “Pinadala nila ang second lady ng pamilyang Long! Hinihintay ka niya ngayon at nagdala pa siya ng ilang magagandang regalo para i-celebrate ang matagumpay ng treasure exchange event!" paliwanag ng butler. Inangat ni Gerald ang kanyang ulo nang marinig na iyon. Ang second lady ng Long family? Hindi kaya siya si...? "Ang representative ba ng pamilyang Long ay may apelyido na Yorke?" tanong ni Gerald. Agad na ngumiti ang butler bago sinabing, "Oo!" Nandito si Xavia! Medyo kakaiba ang pakiramdam ni Gerald nang marinig niyang nandito si Xavia. Kung
“Meron ka palang distinguished guest dito ngayon! Pasensya na at kinuha ko ang kaunting oras mo... Pero curious ako kung sino ang bisita mo na iyon para tratuhin siya ng may napakataas na respeto, Chairman Lovewell. Nakakapagtaka ito dahil ikaw ay isang napakataas at influential na tao!" sabi ni Xavia ng nakangiti habang inaayos ang kanyang buhok. “Haha! Maraming iba pang kilalang tao sa Logan Province dahil sa nangyaring treasure exchange event! Pero ang kilalang panauhin na kasama ko ngayon ay medyo naiiba sa kanila... Regardless, bakit hindi natin pag-usapan ang iba pang mga bagay sa ngayon? Huwag kang mag-alala, sigurado na makakahanap ako ng oras para maingat na basahin ang iyong cooperation proposal. Ilang araw pa tatagal ang event kaya bakit hindi ka manatili dito ng pansamantala, Miss Yorke? Kapag natapos na ang treasure exchange event, opisyal na nating pag-uusapan ang tungkol sa agreement. Ano sa tingin mo?" “Isang karangalan para sa akinn na manatili dito, Chairman Lovew