Maririnig ang gulat at natutuwang boses mula sa isang middle-aged na lalaki na tumayo kaagad nang makita si Xavia. "Matagal na panahon na nga talaga, tito!" Sabi ni Xavia sabay tango. “Hmph! Tama nga ang sinasabi nila. Kapag mahirap ka, walang maghahanap sayo kahit na nakatira ka sa isang mataong city! Kapag yumaman ka, kahit ang pinakamalayong kamag-anak ay tatakbo para puntahan ka kahit na nakatira ka sa gitna ng kagubatan! Nagtataka nga ako kung narinig na ng kamag-anak ko na iyon na ang Zion ng aking pamilya ay na-promote na!" Ngumisi ang isang babae na nakaupo sa isa sa mga sopa, bago makikita ang malamig na ngiti habang patuloy siyang nagbabalat ng orange. Nang marinig iyon, ilan sa iba pang mga binata at babae sa kwarto ay nakatitig ng masama kay Xavia. “Napakatagal na pero hindi nagbabago ang paraan mo sa pagsasalita, tita? Natandaan ko na, ito rin ang lugar kung saan mo kinukutya at pinahiya ng sobra ang nanay ko noon, di ba?” nakangiting sinabi ni Xavia. Kumunot ang
“…X-Xavia… M-mali kami para tratuhin ka ng ganoon! Please, masyadong maraming pera ito! Halos imposible para sa amin na malaman ang eksaktong halaga!" nauutal na sinabi ng kanyang tiyahin. Nagmakaawa siya kay Xavia dahil alam niyang pahihirapan siya ng babaeng ito. “Bilangin mo ang halaga nito. Huwag mong hayaan na ulitin ko ito ng pangatlong beses!" Sabi ni Xavia habang umiiyak sa takot ang kanyang second aunt. Hindi niya alam kung ano pa ang gagawin niya kaya tumahimik siya at nagsimulang magbilang ng mga perang papel. “Tandaan mo, kailangan ko ang eksaktong halaga! Hindi pwedeng humigit at hindi pwedeng magkulang! Ang pera ay mapapasayo kapag tama ang halaga na sasabihin mo. Kung nagkamali ka, patuloy mong bibilangin ito hanggang sa maging tama ka!" nakangiting sinabi ni Xavia bago siya pumunta sa gilid at uminom ng isang basong tubig na dinala sa kanya ng kanyang subbordinate. May isang binata namab nakasuot ng cap ay sumimangot sa ilalim ng kanyang maskara habang patuloy
Sinubukan ni Xavia ang kanyang makakaya at nakawala siya ng sandali. Pagkatapos nito, bigla na lamang siyang naglabad ng dagger! "Huwag kang lalapit! Malapit lang ang mga tauhan ko! Mukhang matagal niyo na akong minamanmanan base sa mga sinabi mo!" babala ni Xavia habang winawagayway ang kanyang patalim. “Magtiwala ka sa amin, Miss Xavia. Talagang interesado ang aming boss na makipagtulungan sayo! At saka, may makukuha kang kapalit kapag ginawa mo ito!" malisyosong sinabi ng dayuhan habang kaswal siyang naglakad papunta kay Xavia. Habang natataranta si Xavia, bigla niyang narinig ang isang taong bumulong sa kanya, "Ihagis mo ang dagger!" Napansin niya na walang ibang nakarinig nito, kaya napilitan si Xavia na sundin ang utos. Dahil dito, agad niyang inihagis ang dagger sa dayuhan! Ang dayuhan naman tumatawa habang umiiling bago niya ito itinapon. Nagsasalita pa ito nang makawala ang dagger sa kamay niya, “Miss Xavia, itigil mo na ang paglalaro ng bagay na iyan! Nakakabastos
Laking gulat ni Haven nang makita siya doon. Naaalala niya ang lalaking ito dahil natuwa siya dito noong una silang nagkita sa tren. Hindi siya makapaniwala kaya binuksan niya ang main door upang kumpirmahin kung talagang nakita niya si Gerale. Gayunpaman, nakita lang niya ang likod ni 'Gerald' habang sumakay ito sa isang kotse bago isinara ng kanyang ama ang pinto sa likuran niya. “Gerald!” sigaw ni Haven habang mabilis na umandar ang mga sasakyan, sa kasamaang palad ay hindi na narinig ang kanyang mga sigaw. Kinamot niya ang likod ng ulo niya habang iniisip niya kung imahinasyon niya lang ba talaga iyon. Kung tutuusin, bakit mapupunta sa bahay niya si Gerald? At saka, hindi magbubukas ng pinto ng kotse ang kanyang ama para sa isang tulad niya! "May problema ba, Haven?" tanong ni Xareni habang naglalakad sila ni Quentin papunta sa kanya. "Hindi mo maiisip kung sino ang nakita ko, sis!" “Sino?” "Nakita ko si Gerald!" "Sino si Gerald?" tanong ni Xareni na habang nakasima
Si Kaleb ang nagsalita at napigilan ng matanda ang kritikal na suntok ni Damian sa tamang oras. “Tignan mo yan! Siguro binigay niya ang buong buhay niya para sanayin na magbigay ng napakagandang suntok!" sabi ni Gerald habang patuloy na pinagmamasdan ang laban sa isang gilid. Napansin iyon ni Gerald dahil ang mga kasanayan ni Damian ay hindi masyadong naiiba sa iba pang mga tao na dati niyang pinatay. Gayunpaman, si Damian ay iba sa kanila dahil inilunsad niya ng napakalakas ang bawat isa sa mga teknik na iyon! Kung tama ang hula ni Gerald, malamang na mas nauna si Damian na maging champion kaysa kay Kaleb. Kung tutuusin, natural na lumalakas ang inner strength ng isang champion habang tumatagal ang titulong iyon. Ito ay maihahalintulad sa alak. Habang mas matagal itong nakabaon sa ilalim ng lupa, mas bukod tangi ang lasa nito. Kahit na magandang uri ng alak sila Kalen at Damian, alam ni Gerald na hindi mapapatumba ni Kaleb si Damian. Kung tutuusin, ang matalas na mga mata ni
“Deal!” nakangiting sumagot si Gerald. Si Gerald ay tapos na sa paggawa ng pabor para sa iba. Alam niyang kailangan niyang maging makasarili na tao para makuha ang gusto niya. Sa puntong ito, wala dahilan para gawin niya ang mga bagay na hindi siya makikinabang. Sa sandaling pumayag si Gerald na tumulong, napalingon sina Kaleb at Theo sa kanyang kinatatayuan at pareho silang lumapit sa kanyang paanan. “Hahaha! Pinapunta mo pa talaga itong mga tanga na ito para ipagtanggol ka, Zander? Sino pa ba? Dalhin niyo na sila!” sigaw ni Damian bago siya tumawa ng hysterical. Nang marinig iyon, naglakad ng mahinahon si Gerald patungo sa kanya. “…Hmm? Ano ito? Isang binata? Wala na ba talagang ibang tao sa pamilyang Lovewell na makakalaban sa akin? Sino ang taong ito?" sabi ni Damian nang umiiling siya habang nakatingin kay Gerald. "Narinig ko na natututo ka ng ilang mga skills na nagmula sa Northeast Asia! Totoo ba iyon?" tanong ni Gerald habang nakatingin siya kay Damian. Panandalia
Makikita ang isang bagay na lumilipad nang napakabilis at makalipas ang ilang segundo, maririnig na umaalingawngaw sa hangin ang sigaw ni Damian na napupuno ng sakit! Hindi agad nakapagtanong si Zander tungkol sa bumabalik na dagger nang makita niya ang katawan ni Damian na wala nang buhay na bumagsak sa lupa, hindi niya napigilan na sumigaw ng malakas “Pa-patay na siya! Patay na siya sa wakas!" Lumingon siya kay Gerald at sinabi, “Mr. Crawford, malaki ang naitulong mo sa pamilyang Lovewell! Dapat kong maibalik ng maayos ang kabutihang binigay mo sa pamilya ko!” "Gawin niyo lang ang ipinangako niyo, ang gusto ko lang ay ang Book of Beasts!" sagot ni Gerald habang matamis na nakangiti kay Zander. Mabilis na napahinto si Zander sa kinatatayuan ng marinig iyon. Habang pinagpapatuloy nila ang usapan, napatakip naman sa kanyang bibig si Haven kasama ang kanyang mga kapatid habang sinasabing, “Na-nakita mo ba iyon? Si Gerald ang taong iyon! At… magaling siyang pakipaglaban?!" Si
"Ako ito, Gerald!" Bago pa man makapagsalita si Gerald, bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Haven. “Hindi ba bumalik sa kwarto mo para magpahinga, Haven? Bakit nandito ka na naman?” nakangiting tinanong ni Gerald. Hinanap agad siya ni Haven sa sandaling bumalik siya sa mansyon, gusto niyang malaman kung gaano siya kalakas. Walang nahanap na rason si Gerald kanina para itago ang mga bagay kay Haven, kaya nakipag-usap ito sa kanya bago siya nito pinaalis. Talagang hindi niya inaasahan na muli siyang babalik. "Bigla akong may naisip habang papunta ako sa kama kasi nararamdaman kong may mali! Hmph! Hindi ka isang mabuting kaibigan! Nakalimutan mo na ba na nagkasundo tayong maging magkaibigan noong nasa tren pa tayo? Pinag-isipan ko ito at natandaan kong hindi mo na ako hinanap pagkatapos ng lahat ng ito! Paano mo ipapaliwanag ang iyong sarili?" sabi ni Haven habang umuupo. "Haha... Guilty ako doon ah!" sagot ni Gerald na may pilit na ngiti sa kanyan