Makikita ang isang bagay na lumilipad nang napakabilis at makalipas ang ilang segundo, maririnig na umaalingawngaw sa hangin ang sigaw ni Damian na napupuno ng sakit! Hindi agad nakapagtanong si Zander tungkol sa bumabalik na dagger nang makita niya ang katawan ni Damian na wala nang buhay na bumagsak sa lupa, hindi niya napigilan na sumigaw ng malakas “Pa-patay na siya! Patay na siya sa wakas!" Lumingon siya kay Gerald at sinabi, “Mr. Crawford, malaki ang naitulong mo sa pamilyang Lovewell! Dapat kong maibalik ng maayos ang kabutihang binigay mo sa pamilya ko!” "Gawin niyo lang ang ipinangako niyo, ang gusto ko lang ay ang Book of Beasts!" sagot ni Gerald habang matamis na nakangiti kay Zander. Mabilis na napahinto si Zander sa kinatatayuan ng marinig iyon. Habang pinagpapatuloy nila ang usapan, napatakip naman sa kanyang bibig si Haven kasama ang kanyang mga kapatid habang sinasabing, “Na-nakita mo ba iyon? Si Gerald ang taong iyon! At… magaling siyang pakipaglaban?!" Si
"Ako ito, Gerald!" Bago pa man makapagsalita si Gerald, bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Haven. “Hindi ba bumalik sa kwarto mo para magpahinga, Haven? Bakit nandito ka na naman?” nakangiting tinanong ni Gerald. Hinanap agad siya ni Haven sa sandaling bumalik siya sa mansyon, gusto niyang malaman kung gaano siya kalakas. Walang nahanap na rason si Gerald kanina para itago ang mga bagay kay Haven, kaya nakipag-usap ito sa kanya bago siya nito pinaalis. Talagang hindi niya inaasahan na muli siyang babalik. "Bigla akong may naisip habang papunta ako sa kama kasi nararamdaman kong may mali! Hmph! Hindi ka isang mabuting kaibigan! Nakalimutan mo na ba na nagkasundo tayong maging magkaibigan noong nasa tren pa tayo? Pinag-isipan ko ito at natandaan kong hindi mo na ako hinanap pagkatapos ng lahat ng ito! Paano mo ipapaliwanag ang iyong sarili?" sabi ni Haven habang umuupo. "Haha... Guilty ako doon ah!" sagot ni Gerald na may pilit na ngiti sa kanyan
Agad na sumagot si Xareni nang marinig niya ang sinabi ni Gerald, “Ikaw!-” Pero bago pa man siya makapagsalita, tumango lang siya at tumahimik ng sandali para pakalmahin ang kanyang sarili. Makalipas ang ilang segundo, ngumiti siya ngunit galit ang kanyang saloobin nang sinabi niua, "Dahil maliit ang tingin mo sa aming munting kaharian, walang magagawa ang pamilyang Lovewell kundi ibigay ang Book of Beasts sayo bukas bilang tanda ng aming pasasalamat, sir!" Tumalikod si Xareni pagkatapos niyang magsalita at lumabas ng kanyang kwarto. Pagkasara ng pinto sa likuran niya, huminga siya ng malalim at tiningnan ng masama ang kwarto ni Gerald. Kinaumagahan, tinulak ni Haven ang pinto ng kwarto ni Gerald at sumigaw, "Goodmorning, master!" “Master?” sagot ni Gerald nang mapailing siya habang nakatingin sa dalagang may dalang isang tasa ng ginseng tea. Hindi siya nakakuha ng tamang pagkakataon na paalalahanan si Haven na kumatok muna bago pumasok sa ganitong oras. Ngunit kahit sa ka
“Nabalitaan ko na nadakip mo na si Gerald Crawford, Mr. Lovewell. Hindi ko alam kung paano ka masusuklian ng pamilyang Moldell,” sabi ng isang matandang lalaki na maituturing na leader ng pito pang miyembro ng pamilyang Moldell habang tumatawa siya ng malakas. “Masyado kang mabait, Mr. Yaster. Kung tutuusin, matuturing na rin na isang malaking pamilya sa Logan Province ang pamilyang Lovewell at Moldell. Si Gerald ay isang outsider lang. Bakit natin pipiliin ang isang outsider na maging kaanib namin?" sagot ni Zander na may banayad na ngiti sa kanyang labi. “Wow! Siya nga talaga yun! Hindi mo alam kung gaano karaming effort ang ginawa namin para mahanap siya!" Tuwang-tuwa na sinabi ni Yaster habang malapit nang mawalan ng malay si Gerald. Si Yaster ay isang senior figure sa loob ng pamilyang Moldell sa Logan Province. Sa katunayan, ang kanyang trabaho ay panunahan ang buong pamilya sa probinsya. Makakatulong sa kanya ang pagkuha kay Gerald. Nag-iisip na siya kung paano siya gagant
Gayunpaman, ang kanyang mga kalaban ay mula sa pamilya Moldell. Handa siyang ibigay ang lahat ng kanyang kakayahan. Kung tutuusin, iniligtas ni Gerald ang kanyang buhay nang mag-desisyon siyang labanan si Damian kagabi. Ito ang dahilan kung bakit tumaas ang respeto ni Kaleb kay Gerald. Naantig si Kaleb dahil dito at mula sa sandaling iyon, naramdaman ng matanda na parang hindi na niya kailangang magpakahirap pa sa kahihiyan na ito. Dahil dito, ipinangako ni Kaleb ang kanyang katapatan kay Gerald noong umpisa pa lang. Ito ang dahilan kung bakit lumalaban siya para kay Gerald. Pagkatapos nilang mag-away, parang hindi talaga ang mga subordinates ng pamilyang Moldell ang mga kalaban ni Kaleb. Umiling lang si Yaster na may mapait na ngiti sa kanyang mukha at sinabi niya, “Karapat-dapat siya sa titulo ng isang champion! Parang hindi kasing simple ng inaakala ko ang bisita na ito ng pamilyang Lovewell !" “Siguro hindi pa ako nacha-challenge dahil hindi ka pa gumagawa ng move, Mr
“Lason ba ang tawag mo diyan? Ginamit ko ito bilang isang isang gamot para lumakas ang aking kalusugan mahigit kalahating taon na ang nakalipas! Sinusubukan mo ba talagang gamitin iyon para lasunin ako?" Immune na si Gerald sa lason pagkatapos niyang ibabad nang matagal ang kanyang katawan sa lahat ng uri ng mga halamang gamot at iba pang mga bagay na ibinigay sa kanya ni Finnley noon. Ginagamit nila itong lason para patayin siya. Sa totoo lang, napansin na agad ni Gerald na ang tsaa ay may lason na nakahalo dito bago pa niya ito hinigop. Kung tutuusin, eksperto siya pagdating sa pharmacology. Alam din niya noon na imposible na tatangkain siyang patayin ni Haven. Dahil doon, alam niya nang may isang tao sa pamilyang Lovewell ang gustong pumatay sa kanya. Pero sino? Sa kagustuhan niyang malaman ito, nagkunwaring hinimatay si Gerald para hintayin niyang magpakita ang mga tunay na salarin. “Hoy! Alam mo ba ang pinagdaanang paghihirap ng pamilyang Moldell sa paghahanap sayo? Huw
"P-please, huwag mo kaming patayin, Mr. Crawford!" sigaw ni Zander nang mapaluhod siya sa sobrang takot. Nakita iyon ng iba kaya ganoon din ang ginawa ng iba pang miyembro ng pamilyang Lovewell. Huminga ng malalim si Gerald, pumikit siya ng saglit bago niya ulit ito binuksan. Wala na ang galit sa kanyang mga mata. Habang nagagalit pa rin si Gerald, si Zayn ay nakagawa ng nakamamatay na pagkakamali dahil hinawakan niya ito habang umaalab ang galit nito. Ngayong mas kalmado na siya, humarap si Gerald kay Zander at naglakad palapit sa kanya bago niya sinabi, “...Huwag kayong patayin? Pagkatapos niyong hindi tuparin ang pangako niyo na ibibigay sa akin ang Book of Beasts? At huwag mo akong simulan sa pakikipagsabwatan niyo sa pamilyang Moldell para saktan ako…” Pagkatapos niyang magsalita, maingat niyang hinawakan ang tuktok ng ulo ni Zander. Punong-puno ng luha at uhog ang mukha ni Zander habang nakatitig siya sa demonyo na nakatayo sa harapan niya. Bibigyan na sana ni Gerald ng
'Pero... imposible na malalaman niya kung sino si Gerald... Maliban na lang kung... Nasa Logan Province siya...? Teka lang, baka ibang Gerald ang tinutukoy niya!’ sabi ni Xavia sa kanyang sarili. Sa sobrang dami ng mga tanong sa kanyang isipan, hindi napigilan ni Xavia ang kanyang sarili na habulin si Haven. Nangangailangan siya ng kasagutan . Pagkalipas ng dalawang araw, napunta si Gerald sa hinterland ng Everdare Forest na matatagpuan sa border ng Logan Province. Dahil sa libu-libong taon na heritage, ang mga puno sa loob ng Everdare Forest ay lumago at napakakapal sa ibabaw ng maraming bundok na magkakatabi. Bukod sa sari-saring flora na makikita doon, may rin ang ilang uri ng mga predator rin na nakatago sa loob ng kagubatan. “Mag-ingat sa pagsara ng butas na iyan! Hindi natin pwedeng hayaan na makatakas muli ang hayop lalo na't napakatalino nito!" sabi ng isa sa maraming lalaking nakatayo sa harap ng isang butas kung saan nila nakorner ang holy fox. Si Welson ang namamah