'Pero... imposible na malalaman niya kung sino si Gerald... Maliban na lang kung... Nasa Logan Province siya...? Teka lang, baka ibang Gerald ang tinutukoy niya!’ sabi ni Xavia sa kanyang sarili. Sa sobrang dami ng mga tanong sa kanyang isipan, hindi napigilan ni Xavia ang kanyang sarili na habulin si Haven. Nangangailangan siya ng kasagutan . Pagkalipas ng dalawang araw, napunta si Gerald sa hinterland ng Everdare Forest na matatagpuan sa border ng Logan Province. Dahil sa libu-libong taon na heritage, ang mga puno sa loob ng Everdare Forest ay lumago at napakakapal sa ibabaw ng maraming bundok na magkakatabi. Bukod sa sari-saring flora na makikita doon, may rin ang ilang uri ng mga predator rin na nakatago sa loob ng kagubatan. “Mag-ingat sa pagsara ng butas na iyan! Hindi natin pwedeng hayaan na makatakas muli ang hayop lalo na't napakatalino nito!" sabi ng isa sa maraming lalaking nakatayo sa harap ng isang butas kung saan nila nakorner ang holy fox. Si Welson ang namamah
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin sumusuko si Gerald. Ginagamit niya ngayon ang skill na nagpapahintulot sa kanya na maglakad ng tahimik, kaya ang kanyang mga paa ay halos hindi na nakadikit sa lupa habang hinahabol niya ang fox. Pagkatapos niyang tumakbo ng matagal, napagtanto ng holy fox na hindi bumabagal si Gerald. Naintindihan ng fox na hindi siya makakatakas mula sa kanya kung tumatakbo lang siya, kaya sumisid ang fox sa isang bush. Nang pumasok siya sa bush, bigla namang nawala dito ang fox! “P*tang ina! Nakatakas ka na naman?!” sabi ni Gerald sa kanyang sarili nang huminto siya sa pagtakbo at medyo nanlumo siya. Gayunpaman, hindi pa rin siya sumusuko. Pinipigilan niya ang kanyang hininga at nanatili siyang tahimik, mabilis at maingat niyang sinuri ang kanyang paligid niya. Natatakot si Gerald na tuluyang umalis ang fox kapag hindi siya naging maingat. Nagulat siya nang bigla niyang marinig ang mga boses na sumisigaw, “H-huwag mo kaming patayin! Please wag m
Paglingon niya, napansin ni Gerald na ang tunong ay mula sa isang tuta na dahan-dahang naglalakad patungo sa kanya! Sinuri niya ito at nakita niyang nabali ang paa ng tuta. May mga makikitang galos din sa buong katawan nito. Pumunta ito sa gilid ni Gerald at humiga sa kanyang paanan bago niya sinimulang dilaan ang dulo ng kanyang sapatos. Nabigla si Gerald sa pangyayaring ito. Kung tutuusin, hindi niya inasahan na makakasalubong niya ang kawawang hayop na ito sa kalaliman ng kagubatan. Isang himala na ang tuta na ito ay buhay pa dahil napakaraming mga predator na nakatago sa loob ng kagubatan. “…Nanghihingi ka ba ng tulong sa akin?” tanong ni Gerald. Tumahol ng dalawang beses ang tuta pagkatapos niyang sabihin iyon at ipinagpatuloy nito ang pagdila sa sapatos ni Gerald. Naisip ni Gerald noong una niyang nakita ang tuta ay kunin ang dugo nito para maging blood essence, ngunit bigla na lang dinilaan ng tuta ang kanyang sapatos at may dalawang bagay siyang napagtanto. Una, an
Tumawa si Gerald pagkatapos niyang sabihin iyon. Sabik niyang hinanap ang pinagmulan ng dugo, ngunit talagang nagulat din siya sa pahayag ng matanda. “Oo! Grabe ang nasayang kong oras at efforts sa paghahanap ko sayo. Pero alam mo, naniniwala akong nakatakdang magkita tayo dahil nagkataong nakita kita kung kailan naghahanap ako ng mahahalagang ingredients. Sayang na hindi kita pinatay noong nasa Salford Province ako dahil parang nangangati kang mamatay lalo na't nandito ka ngayon sa harapan ko! Oras na para ayusin natin ang lahat ng nakaraang sama ng loob natin, Mr. Crawford!” sagot ng matanda habang nakatingin ito ng masama sa kanya. “Ah, oo, nagtatrabaho ka pa sa pamilyang Schuyler noon sa Salford Province kung tama ang pagkakaalala ko. Hindi pa natin kinamumuhian ang isa't isa noon. Pagkatapos mangyari ng insidenteng iyon, nagulat ako na wala ka na noong bumalik ako sa probinsya mga anim na buwan na ang nakakaraan. Lumipat ka pala sa Northern region!" sabi ni Gerald habang nakat
Naunawaan na ngayon ni Julian kung bakit naging masaya si Gerald na makita siya kaysa matakot. Sobrang lakas na pala talaga ni Gerald... Hindi lang iyon, napaka-unpredictable din ng kanyang mga moves at ang kanyang katawan ay hindi kayang masugatan! Halatang alam na ni Gerald na hindi makakalaban si Julian sa kanya sa simula pa lang. Nakakatawa dahil nagpasalamat pa ang binata sa kanilang pagkita! Nanghihinayang ngayon si Julian habang iniisip niya kung iba ba ang mangyayari kung hindi pa siya nagdesisyong habulin si Gerald kanina. Kung umuwi na lang sana siya pagkatapos niyang patayin ang mga taong iyon, nahalo na siguro niya ang elixir at posibleng magkaroon ng pagkakataong na maging napakalakas niya. Gayunpaman, huli na para magsisi siya ngayon. “Ano… Anong gagawin mo sa akin…?” sabi ni Julian habang naghihingalo. “Kukunin ko ang dugo mo ngayon. Huwag kang mag-alala, isisiguro kong buo ang iyong katawan gaya ng ipinangako ko sayo! Sana pumasok ka sa kabilang buhay nang m
"Dalhin mo dito ang Lovewell na iyon!" Sabi ng binata habang nakasimangot.Narinig iyon ng kanyang mga tauhan at dinala nila ang sugatan na sipa Zander at Kaleb para iharap sa kanya."Hindi ka ba talaga nagsinungaling noong sinabi mo na pupunta siya sa Everdare Forest?" “Bakit naman ako magsisinungaling sayo tungkol doon, Mr. Moldell? Sinabi niya na papunta siya sa lugar na ito! At saka, sana alam mo na hindi ang pamilyang Lovewell ang pumatay sa walong miyembro ng pamilyang Moldell! Sana tandaan niyo iyon…!” sabi ni Zander habang makikita sa kanyang mukha ang takot. Ang binata na nagtatanong ay nagngangalang Yuvan Moldell at siya ang second son ng head ng pamilyang Moldell. Narinig na ni Zander ang kanyang pangalan noon pa man. May mga kwento pa tungkol sa kanyang manhid at malupit na mga pamamaraan. Bilang isang negosyante, alam ni Zander na hindi niya kayang masaktan pa si Gerald o ang pamilyang Moldell. Gayunpaman, wala siyang nagawa kundi sabihin sa kanila kung nasaan si G
‘…Namalikmata lang ba ako?’ Naisip ng matanda sa kanyang sarili nang makita niya ito. Gusto niyang bigyan ng babala si Yuvan tungkol dito, ngunit alam naman ng matanda kung gaano siya ka-arogante. At saka, kanina pa siya binibigyan ni Yuvan ng tingin na puno ng pagkadismaya. Kung magsasalita pa siya, sigurado na lalong magagalit si Yuvan. ‘…Siguro mali lang ang nakita ko!’ Sa wakas, nakuha na ng pamilyang Moldell si Gerald pagkatapos ng isang buong taon ng paghahanap sa kanya. Sa madaling salita, mayroon na silang ultimate bargaining chip na gagamitin laban sa Crawford ng Northbay. Habang iniisip nila iyon, nakaramdam ng labis na pananabig ang buong pamilyang Moldell ng Logan Province. “Marunong talagang magtago ang batang yan! Ang dami naming nasunog na financial resources at gumamit ng walang katapusang mga koneksyon pero sa huli ay nagbunga pa rin ang lahat ng ito. Nahuli na natin siya ngayon!" “Hahaha! Masasakop na ng pamilyang Moldell ng Logan ang buong region ngayon!
Dahil sa mga kadahilanang iyon, hindi ba magandang bagay na siya ay namamatay na ngayon? “…Sa tingin ko may solusyon ako kung talagang gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon, miss…” "Anong plano mo?!" Sabi ni Xavia nang marinig niya ito. Gayunpaman, mabilis niyang napagtanto ang pagkakamali sa sinabi niya, “…S-sinong ba ang gustong makita siya? Pero teka lang, gustong-gusto kong makita ang nakakaawang kalagayan niya ngayon bago siya mamatay! Hahaha!” "Ang susi ng dungeon ay hawak ng butler ng pamilyang Moldell. Dahil kilala ko ang butler na iyon, kaya may posibilidad na matulungan niya tayo!" sagot ng bodyguard. "Please, tulungan mo akong kausapin siya!" sabi ni Xavia. Ilang sandali pa, tumayo ang dalawa sa harap ng anak ng butler na tinutukoy ng bodyguard ni Xavia. Ang butler ay may baluktot na likod at nagsimula siyang umiling ng mabilis nang marinig ang kahilingan ni Xavia. “Sandali lang! Tandaan mo na si Gerald ang kasalukuyang most wanted person ng pamilyang Mo