Dahil sa mga kadahilanang iyon, hindi ba magandang bagay na siya ay namamatay na ngayon? “…Sa tingin ko may solusyon ako kung talagang gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon, miss…” "Anong plano mo?!" Sabi ni Xavia nang marinig niya ito. Gayunpaman, mabilis niyang napagtanto ang pagkakamali sa sinabi niya, “…S-sinong ba ang gustong makita siya? Pero teka lang, gustong-gusto kong makita ang nakakaawang kalagayan niya ngayon bago siya mamatay! Hahaha!” "Ang susi ng dungeon ay hawak ng butler ng pamilyang Moldell. Dahil kilala ko ang butler na iyon, kaya may posibilidad na matulungan niya tayo!" sagot ng bodyguard. "Please, tulungan mo akong kausapin siya!" sabi ni Xavia. Ilang sandali pa, tumayo ang dalawa sa harap ng anak ng butler na tinutukoy ng bodyguard ni Xavia. Ang butler ay may baluktot na likod at nagsimula siyang umiling ng mabilis nang marinig ang kahilingan ni Xavia. “Sandali lang! Tandaan mo na si Gerald ang kasalukuyang most wanted person ng pamilyang Mo
Naging mabigat ang loob ni Xavia nang makita ang paralisadong katawan ni Gerald. Kung tutuusin, masyadong magulo ang nararamdaman niya sa lalaking ito. Sa sobrang gulo, mahal niya pa rin ito kahit na galit siya dito. “Please… Please gumising ka na…!” umiiyak si Xavia habang dahan-dahan siyang bumagsak sa sahig para maupo sa tabi ni Gerald. Ang taong ito ay minsan siyang binigyan ng magandang buhay sa mundo... Binigyan siya nito ng pagmamahal na hindi makasarili. Isang pag-ibig na kayang isakripisyo ang lahat para sa kanya at alam iyon ni Xavia noon pa man. “Gerald... Alam kong galit ka sa akin... Ako ang isa sa mga taong pinahirapan ka noon... Ako... Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko noon... Ayokong ipagpatuloy ang buhay ko na sinasaktan at minamaliit ako ng ibang tao... Kahit pa noong bata ako, ang pinakakinatatakutan ko noon pa man ay ang tingin ng iba sa akin! Gusto... Gusto ko lang mainggit at sambahin ako ng iba...! Pero hindi na importante sa akin kahit na tumaas pa a
"Second young master, hindi ko talaga alam kung ano ang problema ng mga aso mo ngayon! Ayaw nilang kumain! Hindi lang iyon ang kakaiba, patuloy rin nilang kinakagat ang kanilang mga kadena tapos gulat rin ang mga itsura nila! Baka may na-encounter sila noong dinala natin sila sa kabundukan noong nakalipas na tatlong araw?" sabi ng isang housekeeper kay Yuvan habang nagsasaya pa rin ang iba sa kanilang tanghalian. “May na-encounter sila? Parang wala namang pumapasok sa isip ko kung saan may na-encounter sila. Baka may sakit sila kaya tumawag ka na lang ng vet para matingnan sila!" sabi ni Yuvan. Pagkatapos niyang magsalita, biglang may isang katulong na sumunod at natitisod na tumakbo bago niya sinabi, “S-second young master! May masamang balita! Kamamatay lang ng dalawang aso mo! Hindi ko rin alam kung anong nangyari! Bigla na lang silang nabaliw at bumula ang kanilang bibig!" Alam ng katulong kung gaano kamahal ng second young master ang kanyang mga aso, kaya agad niyang sinabi
"Anong ginagawa mo?! Tulong! Tulungan niyo ako-" Bago pa man siya makasigaw, biglang tinakpan ni Quillan ang kanyang bibig gamit ang puting towel! Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito, ngunit dahan-dahang lumabo ang paningin ni Xavia habang nangyayari ang lahat ng ito. Hindi nagtagal ay hindi na siya nagpumiglas. Kasabay nito, biglang gumalaw ang tenga ni Gerald sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata sa loob ng dungeon. Sa sandaling iyon, ang kanyang mga mata ay panandaliang kumislap ng kulay fluorescent green bago ito bumalik sa normal pagkalipas ng ilang segundo. Nagulat si Gerald nang malaman niyang nakikita na niya ang pinakamaliit na detalye sa loob ng selda kahit na napakadilim sa loob. Nakakagulat rin ang kanyang mas pinalakas na pandinig. Hangga't gusto niya, naririnig niya ang kahit anong tunog mula sa pinakamalapit at pinakamalayo! Pagkaupo niya, dahan-dahan na bumangon si Gerald bago siya tumalon para gum
“P-please! Maawa ka sa akin! Huwag mo akong patayin!” “... Maawa? Ikaw ay isang miyembro ng pamilyang Moldell, hindi ba? At lahat ng mula sa pamilya mo ay nararapat na mamatay!" sabi ni Gerald habang hinihigpitan niya ang kanyang mga kamay hanggang sa marinig niya ang pamilyar na tunog ng nabaling mga buto. Ibinagsak ni Gerald ang walang buhay na katawan ni Quillan sa lupa habang si Xavia naman ay mahinahong umupo sa kama bago siya nagtanong, "G-Gerald... Okay... Okay ka lang?!" "Okay lang ako!" sagot ni Gerald sabay tango. "Bago pa man ang lahat, kailangan kong hiramin ang iyong kubeta para makapag-shower ako!" Maya-maya pa ay nagtipon ang lahat ng miyembro ng pamilyang Moldell samain hall ng kanilang manor. “Basura! Basura kayong lahat! Hindi niyo ba kayang alagaang mabuti ang ilang mga aso?!” sigaw ni Yuvan nang mawalan siya ng pasensya. Nagbigay ng mahabang panahon at pagsisikap si Yuvan upang sanayin ang bawat isa sa kanyang mga aso dahil ang bawat isa sa kanila ay m
“…Huh?” Nagulat sila at mabilis na napalingon nang marinig ito ng lahat. Sa loob ng kadiliman, makikita ang malabong silhouette ng dalawang tao na papalapit sa kanilang tahanan. Ang isa sa kanila ay tila isang lalaki habang ang isa naman ay parang isang tuta na may kumikinang ang berdeng mga mata nito. Sa oras na sumikat ang liwanag ng buwan sa dalawa, huminga ng malalim ang lahat nang mapagtanto nila ang taong iyon. “G-Gerald Crawford?!” “Paano siya nakalabas sa kulungan? Hindi ba na-coma siya?!" sabi ng isa sa mga Moldell. “Ano naman? Hindi ba maganda na alam na natin kung nasaan siya? Hindi natin kailangang mag-aksaya ng oras para lang hanapin siya!" Mapahamak na sinabi ng isa pang miyembro ng pamilyang Moldell. Bigla na lang bumukas ang pintuan ng main entrance habang nag-uusap ang lahat. Kaswal na naglakad si Gerald nang tinanong niya habang nakangiti, "Sa tingin ko nandito ang lahat ng mga miyembri ng pamilyang Moldell, tama ba?" Nakangiti siya ngunit kinikilabutan
“Umatake kayong lahat!” pasigaw na sinabi ni Yash. Masyadong mainit na ang dugo ng mga miyembro ng pamilyabg Moldell kaya silang lahat ay sumunod sa utos ni Yash na patumbahin si Gerald! Ang mga master na kasalukuyang naroroon ay hindi mga tunay na nangungunang masters sa loob ng pamilyang Moldell. Natuto lang sila ng higit pang mga skills at fighting abilities kumpara sa regular na miyembro ng pamilyang Moldell. Dahil dito, walang sinuman sa kanila ang may kakayahan na kalabanin si Gerald. Inaatake at pinapatay ni Gerald ang lahat ng taong sumusugod sa kanya na parang naghihiwa lang siya ng gulay. Ang sinumang humarang sa kanyang daan ay mabilis na nakakatanggap ng marahas na kamatayan. "Ma-Malakas siya... Masyado siyang malakas!" sigaw ni Yash nang mapalunok siya sa sobrang takot. Walang kwenta ang maraming tauhang nakikipaglaban kung wala ni isa sa kanila ang may kakayahang kalabanin si Gerald! Sinamantala ni Yash ang kaguluhan, para sumugod siya kay Yuvan na nakahiga pa
Inutusan na ni Gerald si Welson at ang kanyang mga tauhan na sumugod bago pa man niya mailigtas si Xavia. Sinabi rin sa kanya ni Gerald na gamitin ang skynet technique ng Soul Palace para ma-trap nila ang lahat ng mga miyembro ng pamilyang Moldell sa loob ng kanilang tahanan kapag nagsimula na ang sunog. Hindi papayag si Gerald na makaalis sila doon ng buhay."May ilang mga tao na nakatakas sa amin, pero alam namin ang kanilang kasalukuyang lokasyon, young master," sabi ni Welson. “Sige. Siguraduhin niyong mahuhuli niyo ang bawat isa sa kanila. Gusto kong maranasan nila ang pakiramdam na mawalan ng pag-asa sa buhay na ito...” sagot ni Gerald habang basang-basa ang kanyang katawan sa sariwang dugo nang lumingon siya sa nasusunog na asyenda. Pinapanood ni Gerald ang umaalab na apoy habang unti-unting kumulot ang kanyang mga labi sa isang malisyosong ngiti. Sa sandaling iyon, biglang tumibok ng malakas ang puso ni Welson. ‘…Nainom na ni master ang dugo ng holy fox kaya makokontrol