“Umatake kayong lahat!” pasigaw na sinabi ni Yash. Masyadong mainit na ang dugo ng mga miyembro ng pamilyabg Moldell kaya silang lahat ay sumunod sa utos ni Yash na patumbahin si Gerald! Ang mga master na kasalukuyang naroroon ay hindi mga tunay na nangungunang masters sa loob ng pamilyang Moldell. Natuto lang sila ng higit pang mga skills at fighting abilities kumpara sa regular na miyembro ng pamilyang Moldell. Dahil dito, walang sinuman sa kanila ang may kakayahan na kalabanin si Gerald. Inaatake at pinapatay ni Gerald ang lahat ng taong sumusugod sa kanya na parang naghihiwa lang siya ng gulay. Ang sinumang humarang sa kanyang daan ay mabilis na nakakatanggap ng marahas na kamatayan. "Ma-Malakas siya... Masyado siyang malakas!" sigaw ni Yash nang mapalunok siya sa sobrang takot. Walang kwenta ang maraming tauhang nakikipaglaban kung wala ni isa sa kanila ang may kakayahang kalabanin si Gerald! Sinamantala ni Yash ang kaguluhan, para sumugod siya kay Yuvan na nakahiga pa
Inutusan na ni Gerald si Welson at ang kanyang mga tauhan na sumugod bago pa man niya mailigtas si Xavia. Sinabi rin sa kanya ni Gerald na gamitin ang skynet technique ng Soul Palace para ma-trap nila ang lahat ng mga miyembro ng pamilyang Moldell sa loob ng kanilang tahanan kapag nagsimula na ang sunog. Hindi papayag si Gerald na makaalis sila doon ng buhay."May ilang mga tao na nakatakas sa amin, pero alam namin ang kanilang kasalukuyang lokasyon, young master," sabi ni Welson. “Sige. Siguraduhin niyong mahuhuli niyo ang bawat isa sa kanila. Gusto kong maranasan nila ang pakiramdam na mawalan ng pag-asa sa buhay na ito...” sagot ni Gerald habang basang-basa ang kanyang katawan sa sariwang dugo nang lumingon siya sa nasusunog na asyenda. Pinapanood ni Gerald ang umaalab na apoy habang unti-unting kumulot ang kanyang mga labi sa isang malisyosong ngiti. Sa sandaling iyon, biglang tumibok ng malakas ang puso ni Welson. ‘…Nainom na ni master ang dugo ng holy fox kaya makokontrol
Nanatiling tahimik si Xavia habang nakayuko at hindi siya naglakas loob na magsalita. “Inaamin ko na ang pamilyang Moldell ay tumawid sa limitasyon ng ilang panahon ngayon, pero kailangan ba talagang maghiganti, Mr. Crawford? Talaga bang kailangan mo kaming pahirapan at pahiyain ng ganito? Masyado nang marami ang ginawa mo sa amin kaya sana pakawalan mo na kami…” nakiusap si Yash habang tumatayo. Gayunpaman, hindi sumagot si Gerald at kinalikot niya na lamang ang teapot. "Tama na ito! Papatayin kita kung ito na ang huli kong gagawin sa buhay ko!" sigaw ng isa sa mga tauhan ng pamilyang Moldell nang sumugod siya kay Gerald. Gayunpaman, mabilis na pinatumba ng isa sa mga tauhan ni Gerald ang lalaking sumugod nang matanggap nila ang utos ni Welson. “Nabalitaan ko na kararating lang ni Kort sa Logan Province... Sigurado ako na susugod agad siya dito...” nakangiting sinabi ni Gerald. Nang marinig iyon, hindi napigilan nina Yuvan at Yash na biglang mapakilos. Sa wakas, malapit n
“T-Totoo ang sinasabi ko! Nakakatakot na talaga si Gerald!" takot na takot na sumigaw ang binata. “…T*ng ina niya! Isang taon lang naman siyang nawala! Paano siya naging makapangyarihan sa loob ng napakaikling panahon?! Kahit pa ganoon, ang pamilyang Crawford ay magbabayad para dito! Nasaan si Yuvan?!" Sabi ni Kort habang nanginginig ang kanyang katawan sa matinding galit. "Second master!" sigaw ng isang subordinate habang paika-ikang tumakbo papunta sa kanila.. "Na... nahanap ko na sila... natagpuan ko ang mga bangkay ng second young master at si butler Moldell!" Sabi ng isang tauhan habang hinahabol niya ang kanyang hininga. "Ano?!" Puno ng hinanakit ang napakalakas na boses ni Kort na umalingawngaw ito sa buong Logan Province. Samantala, si Dylan ay nasa sala sa loob ng Crawford manor sa Northbay. Nakasimangot siya at bumulong, “...May nangyari ba...? Parang masyadong magulo ang nararamdaman ko... Pakiramdam ko ay may mangyayari!" "Ano ba ang mangyayari? Sa tingin ko,
"Kamusta, Mr. Moldell!" "Chairman Crawford, matagal na panahon na mula nang magkita tayo!" "Oo nga, matagal na panahon na... Nandito ka ba dahil nakakuha ka ng ilang mga leads tungkol sa insidente ng pagkawasak ng barko sa Northbay, Mr. Moldell?" excited na tinanong ni Dylan. Umupo sila sa loob at doon lamang nagsalita si Parker, “Walang imposible para sa isang tao na may mabuting puso! Pagkatapos ng lahat ng pagsusumikap na iyon sa nakaraang taon, kinagagalak kong sabihin na nagbunga ang lahat ng ito! Sa wakas ay nakakuha na tayo ng ilang mga clues tungkol sa mga gawain ng misteryosong Sun League na iyon!" Natuwa si Dylan at ang iba nang kumuha si Parker ng mahabang mapa mula sa kanyang bag. Pinakita niya ang mga nilalaman nito, ang mapa ay napakagandang iginuhit na ang buong lugar ay parang nakaramdam ng utopia. Ang mga bundok at ilog na ipininta sa mahabang mapa ay agaw pansin at ang atensyon ng lahat ay nakatutok sa simbolo sa kaliwang sulok sa itaas ng mapa. Ito ang si
"May nangyari ba, Mr. Moldell?" Sabi ni Dylan matapos mapa-isip ng sandali. Tumango si Parker at sinabing, "May misteryosong insidente na nangyari sa akin at sa aking team habang naghahanap kami ng clue sa Sun League. Nakakahiya man aminin, pero walang mahanap na kahit anong lead ang team ko. Napakahiwaga at makapangyarihan para mapagtakpan ang lahat ng kanilang pinuntahan!" “Noong naramdaman ko na parang nakarating na kami sa isang dead end, isang misteryosong tao ang nagpakilala amin... Hindi na kami magkakilala noon pa man... Pero mula sa sandaling iyon, binigyan niya kami ng mga clues kung saan ang susunod naming pupuntahan sa tuwing nalilito kami. Sa kanyang tulong, nakahanap kami ng clues para ipagpatuloy ang aming paglalakbay. Siya ang dahilan kung bakit marami ang developments namin sa kasong ito sa nakalipas na kalahating taon. Inakala ko na ikaw, Chairman Crawford, ang nagpadala sa kanya kaya naman ngayon ay tinatanong kita tungkol dito para lang makasigurado ako." "Ip
"Winnie…!" Masyado nang malayo si Winnie nang tawagin siya ni Yselle dahil patuloy niyang hinahabol si Kort at ang kanyang tauhan papunta sa manor. “Sa tingin ko kailangan ko ring makita ang mga nangyayari…” sabi ni Yselle sa kanyang sarili nang magsimula siyang maglakad papunta sa kanila. Bago pa siya makapaglakad, napahinto siya sa itim na aninong mabilis na dumaan sa kanya! “…Ano iyon?” sabi ni Yselle habang nakakunot ang kanyang noo. Kung ano man iyon, makakapaghintay ito kata nagpatuloy si Yselle papunta sa mansyon. Pagkaraan ng ilang sandali, ang mga pinto sa malaking hall sa loob ng Crawford Manor ay bumukas at agad na narinig ang boses ng matandang lalaki, "Papatayin ko ang buong pamilyang Crawford ngayon kung ito ang huling bagay na kailangan kong gawin!" Sa sobrang lakas ng sigaw, nagpanting ang lahat ng kanilang mga tainga habang umiihip ang nagbabantang pakiramdam sa buong kwarto. Kasunod nito, pinangunahan ni Kort ang kanyang mga makapangyarihang kalalakihan
Nagbago ang itsura ni Dylan nang makita niya ang pagnanasang pumatay sa mga mukha ng mga miyembro ng pamilyang Moldell. Noong simula pa lang, pinipigilan niya ang kanyang sarili na magkaroon ng anumang contact sa mga secret society, maliban na lang kung mapipilitan siyang gawin ito. Kung tutuusin, alam niya na matapang at mapang-api ang mga secret society. Sa huli, ginawa niya ito para malaman ang higit pa tungkol sa Sun League. Sa kasamaang palad, ang lahat ng kanyang mga alalahanin ay nagpakita na sa harapan ng kanyang mga mata. Sa oras na iyon, naalala niya ang minsang sinabi sa kanya ng kanyang ama na ang pamilya Crawford ay palaging manganganib na mawala sa balat ng lupa. Mangyayari ba ang sinabi ng kanyang ama sa pagkakataon na ito? Papatayin na ba sila ng tuluyan ng pamilyang Moldell? Napalunok si Dylan nang isipin niya iyon. Sa sandaling iyon, may sumigaw na malakas at kakaibang boses na umalingawngaw sa buong hall, "Gusto kong makita mismo kung sino g*gong naglakas l