Kabanata 995
"Diyos ko naman, bigyan mo kami ng pangalan!" sabi ni Juliet habang kinakabahan.

"Nakita ko si Gerald!" sigaw ni Tulip.

"…Ano?" sabi nila Heidi at Juliet habang nanlalaki ang kanilang mga mata.

“…Ano naman kung nakita mo siya? Bakit takot na takot ka?” tanong ni Heidi.

“…Ka-kasi-”

Bago pa man makapagsalita si Tulip, umakyat si Sven sa mataas na entablado at sinabing, "Manahimik muna ang lahat ladies and gentlemen."

Tinaas niya ang kanyang kamay para senyasan ang lahat na tumahimik at sa isang saglit ay nanahimik ang lahat ng mga bisita.

"Nakabalik na ako ngayon. Una, gusto kong ibigay ang aking pasasalamat dahil sa kalahating taon na nawala ako, marami pa rin sa inyo ang piniling ibigay ang inyong suporta sa pagdalo sa inihanda kong party. Maraming nangyari sa pagkawala ko. Sa kabutihang palad, natapos ang lahat ng mga humarang sa aking daan. Mas dumami na ngayon ang teritoryo ng Sven Westmore Group kumpara noong kalahating taon na ang nakalipas! Umaasa ako na ipapagpatulo
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo