Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Gerald. Ang babae na ito ay si Yukie, ang taong nanatili sa tabi ni Gerald nang ilang panahon noong una niyang itinatag ang Royal Dragon Group. Pinagmasdan ni Gerald ang luhaan na babae na tumatakbo palapit sa kanya at naramdaman niya ang matinding kirot sa kanyang puso nang mapagtanto niya ang mga masasamang naranasan ni Yukie. "Sobra ka nang nahirapan, Yukie... Huwag kang matakot dahil nandito na ako!" Sabi ni Gerald habang dinadala ang babae sa isa sa mga helicopter. Mahigpit na hinawakan ni Yukie sa braso si Gerald habang naglalakad sila dahil natatakot siyang humiwalay sa lalaki. Kung tutuusin, matagal niyang hinihintay ang pagbalik ni Gerald. Naghihintay siya mula umaga hanggang madaling-araw simula simula nang umalis si Gerald kalahating taon na ang nakalipas. Gayunpaman, ano nga ba ang kakaibang emosyon na umaangat sa puso niya sa muling pagsasama ni Gerald...? Panandalian na isinantabi ni Yukie ang damdamain na ito, alam niya
Pagkaraan ng ilang oras, unti-unting humihina ang mga iyak na puno ng paghihirap. Pagkatapos nilang gawin iyon, bumalik sa mansyon sina Gerald, Yukie, at ang mga tauhan niya. Pagdating doon, sinabihan ni Gerald si Yukie na humiga at magpahinga muna. Lumingon siya kay Welson at tinanong niya, "So, nasaan si Sven ngayon?" "Ayon sa aming imbestigasyon, nalaman namin na naghanda siya ng isang party sa Heavenly City Hotel. Inimbitahan niya ang ilang big shot mula sa Heavenly City dahil gusto niyang salubungin ng mga taong ito ang kanyang pagbabalik. At saka, nalaman namin na pinahirapan niya sina Drake, Tyson, at Whistler, pero wala pa sa bingit ng kamatayan ang kanilang buhay, sa ngayon." "Mula sa aming mga imbestigasyon, nalaman din namin na pumunta si Sven sa isang bansa sa Southeast Asia kalahating taon ang nakakaraan para palakasin ang kanyang sarili. Dahil doon ay mayroon na siyang top-notch skills sa kanyang arsenal,” sagot ni Welson na may pilit na ngiti. "Naiintindihan ko.
"Diyos ko naman, bigyan mo kami ng pangalan!" sabi ni Juliet habang kinakabahan. "Nakita ko si Gerald!" sigaw ni Tulip. "…Ano?" sabi nila Heidi at Juliet habang nanlalaki ang kanilang mga mata. “…Ano naman kung nakita mo siya? Bakit takot na takot ka?” tanong ni Heidi. “…Ka-kasi-” Bago pa man makapagsalita si Tulip, umakyat si Sven sa mataas na entablado at sinabing, "Manahimik muna ang lahat ladies and gentlemen." Tinaas niya ang kanyang kamay para senyasan ang lahat na tumahimik at sa isang saglit ay nanahimik ang lahat ng mga bisita."Nakabalik na ako ngayon. Una, gusto kong ibigay ang aking pasasalamat dahil sa kalahating taon na nawala ako, marami pa rin sa inyo ang piniling ibigay ang inyong suporta sa pagdalo sa inihanda kong party. Maraming nangyari sa pagkawala ko. Sa kabutihang palad, natapos ang lahat ng mga humarang sa aking daan. Mas dumami na ngayon ang teritoryo ng Sven Westmore Group kumpara noong kalahating taon na ang nakalipas! Umaasa ako na ipapagpatulo
“Sino… Sino ang may pananagutan sa lahat ng ito?!” sigaw ni Sven habang galit na galit habang inihampas niya ang kanyang mga kamao sa mesa at bigla na lamang itong nawasak sa lapag! Hindi tumitigil sa kakanginig ang kanyang mukha habang umuungol sa sobrang galit ang ama na ito. Kahit na masyadong nakakatakot ang nangyari kay Sven ngayon, marami sa mga negosyante ang pasikretong nagsasaya pagkatapos nilang mapagtanto kung gaano kasakit ang nararamdaman ngayon ni Sven. Dumating ang kinakatakot niyang mangyari at ito na ang oras na sa wakas ay matanggap ni Sven ang parusang nararapat para sa kanya. Ang mag-inang Yowell ay magkalapit sa isa't isa sa takot dahil sa pangyayaring ito. “Wow! Hindi ko inasahan na magiging ganito kasigla dito!" Malakas na umalingawngaw ang isang boses nang malakas nang bumukas ang malalaking pinto ng hall. Lumingon ang lahat kung sino ang may lakas ng loob na sabihin iyon, ngunit ang sumunod na pangyayari ay kinagulat nila nang makita nila si Gerald na
Nagkagulo ang mga tao sa hall habang nagpupumilit ang lahat na maghanap ng mga paraan para maintindihan ang kanilang nasaksihan. May ilan na nahimatay sa lapag dahil sa pagkabigla at marami rin ang bumula ang mga bibig dahil hindi nila kinaya ang pangyayari na ito. Kahit si Juliet ay takot na takot na napaluha na lamang siya sa puntong ito. Walang salita na lumabas sa kanyang bibig dahil sa kanyang pagkabigla. Pumikit na lang si Gerald bago siya huminga ng malalim. Natahimik siya ng ilang sandali bago tuluyang iminulat muli ang kanyang mga mata. Sa oras na iyon, nawala na ang nakakatakot na pamumula ng kanyang mga mata. Dahan-dahang naglakad papunta sa butler at nagtanong siya, "Saan mo ikinulong ang mga kasama ko?" Hindi makasagot ang butler at agad siyang nanginig nang husto bago tuluyang sumuka ng dugo at bumagsak sa sahig! Patuloy na nanginginig ang kanyang katawan ng ilang sandali at sa huli ay tumigil siya sa paggalaw. Dahil sa medical expertise ni Gerald, napansin ni
"Naging magulo ang isip ng master dahil sa kanyang inner demon. Dahil doon, ginawa niya ang lahat para makahanap ng paraan upang makontrol ang kanyang ugali. Kung tutuusin, alam niyang hindi siya magiging isang legend kapag hindi niya nakontrol ang blessing ng dragon." “Binisita niya ang ilang monghe at iba pang mga religions. Ang master ay palihim na pumunta rin sa Weston para maghanap ng ilang kilalang masters sa pag-asang makakakuha siya ng higit na pananaw sa kanyang isyu. Pero magsimula ang paghahanap niya nang isang araw, pinatay ng panginoon ang isang tao sa mismong lugar dahil lang sa mali ang sinabi ng tao!" "Dahil diyan, tumigil siya sa paghahanap ng tulong dahil sa takot na mapatay niya ang isa pang inosenteng tao. Mabuti na lang at natagpuan niya mismo ang sagot sa kanyang tanong. Habang lumalalim ang kanyang kaalaman, pinigilan niya ang kanyang lakas at bumalik sa pamumuhay bilang isang regular na tao. Nang mangyari iyon, mukha siyang isang malungkot na matanda. Nanat
"Hello! Nagkita tayo muli!” sabi ng isa sa mga kaakit-akit na babae habang kumakaway sa binata na nagngangalang Haven Lovewell. “Oo nga, nagkita tayo ulit...” sagot ni Gerald na may banayad na ngiti habang isinasara ang pinto sa likuran niya. Ibinaba ang kanyang mga bagahe sa isang espesyal na lugar para sa mga turista at pagkatapos ay pumunta si Gerald sa isang bakanteng mesa na nagkataon sa tabi ng mesa ni Haven. Kinausap pa siya ni Haven habang nakaupo si Gerald, “Naaalala mo ba ang pinag-usapan natin sa tren kanina? Natuwa ako noon kaya gusto ko sanang makuha ang Line number mo! Hindi ko inasahan na magkikita ulit tayo... Parang destiny yata ang ating pagkikita!” "Tama na, Haven. Pumunta siya dito para kumain kaya huwag mo na siyang guluhin,” sabi ni Xareni, ang nakatatandang kapatid ni Haven, nang tinapakan niya ang paa ni Haven. Pinapaalala sa kanya na maging magalang sa ibang tao. "Tama siya, Haven. Bakit mo pa hiningiin ang Line number niya?" dagdag ni Quintin. Umil
“Hubby?” sabay-sabay na sinabi ng tatlong gangster habang nakatingin sila sa isa't isa. Gayunpaman, mabilis silang magalit habang nakatingin sila sa lalaking kararating lamang. "Teka lang, hindi ko siya asawa!" sagot ng lalaki habang mabilis na ikinaway ang kanyang mga kamay sa sobrang takot. Napaikot ang mga mata ng babae nang marinig niya iyon, ‘P*tang ina! Bakit napakaduwag ng ganitong mga tao?' Tumawa ng malakas ang mga tambay nang magsalita ang isa sa kanila, "Mukhang matalino ka, ganda! Tuturuan ka namin ng leksyon mamaya!" Susugod na sana sila sa dalawa nang biglang lumingon ang binata at itinuro ang entrance ng eskinita bago siya sumigaw, "Pulis!" Nang marinig nila iyon, agad na nanatili ang tatlong lasing sa kanilang kinatatayuan at tumalikod ang dalawa. Mabilis silang nag-squat at nilagay ang kanilang mga kamay sa likod ng kanilang mga ulo! "Hin-hindi na namin uulitin ito kaya patawarin mo na kami!" Nakita ng dalawa na nasa mahirap na sitwasyon ngayon ang mga