"…Sino ka? Pinapunta ka ba ni Yael dito?" tanong ni Jasmine na may pagdududa sa kanyang tono ng pananalita. Kahit pa gabi na sa oras na ito, sapat ang liwanag mula sa mga headlight ng mga kotse para sa mga nasa grupo ni Jasmine na makita kung gaano kahanga-hanga ang mga bodyguard habang nakatayo sila sa likuran ng kanilang leader. Makikita na ang mga bodyguard na ito ay nakatanggap ng mahigpit na pagsasanay at mula sa kaalaman ni Jasmine, iilan lamang sa malalaking pamilya ang kayang makapag-hire ng makapangyarihang mga bodyguards. Karagdagan pa dito ang pagdating ng mga kalalakihan ng may kadakilaan kahit pa late na. Paano nila masasabi kung hindi sila ang mga subordinates ni Yael? Lalong nabalisa si Jasmine at ang iba nang maisip nila ito habang malapit silang nakatayo sa bawat isa bilang paghahanda sa paparating na pag-atake o pagtakas. "Hmph. Yael? Sino yun?" Ngumisi ang lalaking leader bago niya sinabi, "Inutusan ako ng aking master na ilayo ka sa panganib, Miss Fenderson.
Matapos sabihin iyon, tinapik ni Gerald ang balikat ni Stella bago siya tumango sa driver. Nang makita iyon, sinimulan ng driver na magmaneho sa sandaling isinara ni Gerald ang pinto ng kotse. Lumingon si Stella upang tingnan si Gerald sa likurang bintana ng sasakyan at nakita niya ang isang maliwanag na kidlat na lumiwanag sa likuran niya. Halos hindi gumagalaw si Gerald mula sa kinatatayuan niya kanina, ngunit nakaramdam si Stella ng lamig sa buong katawan niya nang makita niya ang ekspresyon ng mukha nito nang tumama ang kidlat. Sa pagkakataong iyon, nalaman ni Stella na hindi na si Gerald ang dati niyang nakilala noon. Ang bagong Gerald na ito ay masyadong nakaksindak. Unti-unting nawala si Gerald sa kanyang paningin at pagkatapos ay narinig ang mga dagundong ng mga kulog sa kalangitan na binabalot ng ulap sa gabing iyon. Hindi nagtagal, sumunod ang malakas na ulan kasabay ng napakalaking bugso ng malakas na hangin. Dumating na ang bagyo, kaya sinimulan na ni Gerald ang s
Ang buong bakuran ay napuno ng mga bangkay! Hindi pa sapat ang kahindik-hindik na eksenang ito, ang malakas na ulan ang naging dahilan kung bakit napintahan ang bakuran ng kapansin-pansing pulang likido mula sa kanilang mga dugo... Nanginginig sa sobrang takot ang katulong, napansin niya kasunod ang isa pang ang presensya ng ibang tao sa bakuran... Nilinaw niya ang kanyang mga mata at hindi siya nakakita ng saglit, ngunit nang lumingon ang alipin sa taong nakatayo sa gitna ng bakuran na may hawak na payong, nanumpa siya sa kanyang buhay na ngayon lang siya nakakita ng demonyo sa katawan ng isang tao. Nang lumingon sa kanya ang lalaking demonyo, ang katulong ay natakot sa kanyang kinatatayuan at hindi man lang niya maigalaw ang kanyang mga paa kahit naglalakad na ngayon patungo sa kanya ang demonyong nakalagay ang mga kamay sa bulsa. Sa katunayan, takot na takot siya na hindi niya mailabas ang kahit konting ungol mula sa kanyang bibig. Matapos ang walang hanggan na katahimik
Bago pa man umatake ang dalawa, naglunsad si Gerald ng isang spinning kick na nakatutok sa kanilang mga ulo sa sandaling makalapit na sila! Sa sandaling iyon, naramdaman ng mga tauhan ng pamilyang Moldell na halos lumuwa ang kanilang mga mata sa kanilang mga bungo habang lumilipad sila sa kabilang dulo ng silid. Sa huli, pareho silang nawalan ng malay! "Ano?!" sabay na sumigaw sina Quentin at Trey habang nanlalaki ang mga mata nila sa gulat. Ang dalawang iyon ay mga estudyante ng pamilyang Moldell... At sila ay napatumba lamang mula sa isang sipa? At mula pa kay Gerald sa ng lahat ng tao?! Malamang ay hindi sila maniniwala kung hindi nila ito nakita ng sarili nilang mga mata. Gayunpaman, ang lahat ay nandoon nang mangyari ang eksena. Kailan pa naging ganito kalakas si Gerald? "Apat lang na mga miyembro ng pamilyang Moldell ang nandito ngayon? Well dalawa na lang kayong natitira sa paningin ko. Sumugod kayo sa akin!" sabi ni Gerald na may mahinang ngiti sa kanyang labi. “
Pagkatapos nito, umalingawngaw ang mga tunog ng mga wine glasses at mga plato na naghahampasan sa isa’t isa. Lumingon ang lahat para tingnan kung sino ang gumawa ng ingay a nakita nilang lahat sila Berk, Noah, at Yael ay nakahawak sa mesa habang nanginginig sila sa sobrang takot! May dahilan sila para matakot ng ganito. Kung tutuusin, alam nilang tatlo kung gaano kalakas ang pamilyang Moldell. Kahit pa ganoon, binugbog pa rin ni Gerald ang apat na iyon sa harapan pa mismo ng kanilang mga mata! Habang papalapit si Gerald, agad na bumagsak si Berk sa lupa at sumigaw, “P-please, huwag mo akong patayin, Gerald! Patawarin mo ako, please!” Ang malaki at matabang lalaki ay kasalukuyang takot na takot na ang kanyang mga sipon ay tumutulo hanggang sa lapag. “Patawarin kita? Anim na buwan na ang nakalipas nang tumakas ako sa Salford Province, alam mo ba iyon? Mahigit sa thirty na mga kapatid ko ngayon ay wala na sa dahil sa mga tauhan mo. Kaibigan ko silang lahat mula sa Mayberry! Baki
Sinabi iyon ni Warren habang siya ay tumatayo. Si Jasmine naman ay nakasimangot habang sinusuri ang storeroom. Napahinto ang kanyang tingin sa ilang joss stick na nakalagay malapit sa isang sulok ng kwarto. "Iyon siguro ang dahilan kung bakit inaantok tayo!" sabi ni Jasmine habang nakaturo sa kanyang mga natuklasan. “Kaya pala! Pero sino ang mga taong iyon...? Bakit hindi na lang nila sinabi sa atin kung sino sila matapos kaming iligtas?" Sabi ni Maia. Bago pa man makasagot ang sinuman, sumigaw ang isa sa mga miyembro ng grupo na kaninang nag-explore sa lugar, "Uy, pumunta kayo dito, sa tingin ko ay may iniwan sila para sa atin!" Nang marinig iyon, pinalibutan ng lahat ang kahon at makikita na may nakasulat dito. May nakasulat sa note: 'Kay: Maia.' "At least alam natin kung sino ang magbubukas nito," sabi ng isa pang miyembro ng grupo. Nakakaramdam si Maia ng pagkahilo sa pananabik na nararamdaman niya. Habang iniisip niya kung ano ang nasa loob, tiningnan niya si Warre
Importante ang rason sa likod ng okasyon. Alam ni Bryson na muntikan nang mawala sa balat ng lupa ang pamilyang Fenderson dahil hindi siya naging maingat, kaya pananagutan niya ang insidente kahit na ano pa man ang mangyari. Nang medyo huminahon ang sitwasyon, naisip ni Bryson kung paano sila muntikan nang patayin ng isang vassal na pamilya. Kung ang lahat ng iyon ay maaaring mangyari sa ilalim ng kanyang pamumuno, inaamin niya na siya ay tumatanda na at hindi na siya maaasahan. Ang katotohanan na hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili nang walang tulong ng iba ay karagdagang patunay na oras na para sa pagbabago. Ipinaliwanag kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng Fenderson family meeting sa oras na ito. Nakayuko ang lahat habang hinihintay na magsalita si Bryson. Umubo si Bryson para basagin ang katahimikan at makuha ang atensyon ng lahat, bago niya sinabi, “Meron... meron akong ilang napakahalagang balita na i-aanunsyo ngayon... Ang anunsyo na ito ang magiging pinakahuling
Habang inihahanda ng butler ang sasakyan, si Mindy mismo ay nakatayo na sa harap ng mga taong natira sa mansyon ng pamilyang Schuyler. “Excuse me, pero may nakita ka bang nakasuot ng maskara? Ganito siya katangkad at meron siyang seryosong burn mark sa mga mata niya kapag nakababa ang maskara niya…" tanong ng isang babae sa isang random na naglalakad lamang habang inaangat niya ang kanyang kamay sa ulo niya para gayahin kung gaano katangkad si Sanderson. "... Hindi, hindi ko siya nakita...?" sagot ng naguguluhan na lalaki. "Pero bakit ganun? Sinabi niya sa amin na darating siya para hanapin kami pero hindi niya ito ginawa! Wala rin siya sa Yorknorth Mountain! Saan kaya siya pumunta...? Sinubukan ko pang tawagan si Stella pero hindi ko rin siya makontak! Pumunta ako sa bahay niya pero parang lumipat na siya... Sino sa tingin mo ang makakapagsabi sa akin kung saan pumunta si Sanderson...?" tanong ni Mindy. Ang mismong dumadaan lamang ay nabigla dahil siya ang tinanong ng babaeng