Walang nararamdaman na galit si Gerald kay Giya kahit na hindi siya pinagkatiwalaan nito sa kabila ng katotohanan na tinulungan niya ito ng sobra noon. Sa katunayan, ayaw na ni Gerald na masaktan pa si Giya. Tiningnan niya ito sa paraan na dahil wala na siyang kinalaman kay Gerald, hindi na kailangang maghirap ni Giya dahil sa kanya. "Yan ang gusto kong marinig! Alam mo, masaya ako dahil nadawit ka namin sa krimen na iyon... Ang lokasyon ko ay nasa…" Binaba agad nila ang tawag matapos sabihin ni Harry ang kanyang lokasyon at idetalye ang ilan pang mga bagay. May pumatak na luha sa pisngi ni Giya. "Hindi… Hindi siya galit sa akin! Handa pa rin siyang isakripisyo ang buhay niya at sumugod sa peligro dahil sa akin!" sabi ni Giya sa kanyang sarili nang maramdaman niyang natunaw ang kanyang puso. Kasalukuyan naman ngayon kay Gerald, inabisuhan niya sina Drake at Tyson tungkol sa ilang mga bagay bago personal na magmaneho sa lokasyon na ibinigay sa kanya. Hindi nagtagal bago si
Humigit kumulang thirty na helicopter ang pumalibot sa abandonadong bahay! Si Tammy ay nakatulala rin tulad ni Harry at agad niyang tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang dalawang kamay sa sandaling nakita niya ang mga helicopter. Oh my god! Kahit na lumaki si Tammy sa city, ngayon niya lang nakita ang napakagandang tanawin na tulad nito! "Ikaw... Binawi mo ang mga sinabi mo!" sigaw ni Harry habang takot na takot. P*ta! Hindi na matutuloy ang kanyang plano na makatakas matapos matanggap ang pera! Nang sabihin niya iyon, maraming mga bodyguard ang gumamit ng mga lubid para bumaba sa mga helicopter. Mabilis nilang napapaligiran si Harry. "Ikaw talaga, Harry! Akala ko na hindi ka maglalakas-loob na bumalik pagkatapos mong mawala nang mahabang panahon! Hindi ko inasahan na magiging ganito kababa ka! Tumulong ka pa sa pag-set up kay Mr. Crawford! Hindi ka ba kinikilabutan kapag nalaman ni Miss Crawford ang tungkol dito?" tanong ni Zack habang naglalakad palapit kay Harry.
Dagdag pa doon ay kinilabutan siya sa gagawin sa kanya ni Jessica kung sakaling malaman niyang nasaktan niya ang kanyang kapatid! Gayunpaman, hindi niya ito ginawa dahil mabait ang trato sa kanya ni Jessica dati. Hindi niya planong bumalik dito bago pa mangyari ang napakaraming mga bagay na umabot sa puntong ito. Totoong na gusto niya lamang makuha ang kanyang pera at umalis sa lugar na ito. Siniguro niya na i-record ang lahat ng nangyayari habang nagtatrabaho siya para kay Yunus. Hinulaan niya na kung maayos ang lahat para sa kanya at isang linggong magdudusa si Gerald sa misunderstanding na iyon. Kung hindi umayon sa plano ang mga bagay, ibibigay niya kay Zack ang recording sa sandaling matagumpay niyang itinago ang kanyang sarili. Swerte siya dahil napunta siya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Alam niya na walang mawawala sa kanya kung hihilingin niya si Gerald na kupkupin siya dahil malinaw na hindi siya makakatakas ng madali sa oras na ito. "Ikaw?" sagot ni Gerald at h
Giya? Bakit hindi ka nagpapahinga sa kwarto mo? Bakit ka lumabas?" tanong ni Walton at malinaw na nalulungkot ang kanyang boses. Ang ilan sa kanyang mga miyembro ng pamilya ay umubo nang makita siya at sinabi, "Alam mo, si Giya ay isang mabuting babae. Alam na alam niya na hindi natin kayang saktan ang pamilyang Long. At saka, hindi ba gumastos si Mr. Long ng milyun-milyong dolyar para iligtas ka noong kinidnap ka? Siguradong mahal na mahal ka niya!" Sa loob ng kwarto, si Walton lamang ang nakakaalam ng katotohanan ng sitwasyon. Sinabi ni Giya ang mga pangyayaring naganap noong nakaraang gabi, dahil nag-aalala si Walton sa nangyari sa kanya. Hindi pinapansin ng iba ang totoong nangyari noong gabing iyon. Tumawa lang si Giya habang pilit siyang ngumiti nang marinig niya ang mga komento ng kanyang mga tito at tita. Naintindihan niya kung ano ang sinusubukan nilang sabihin sa kanya. Sa kabila ng pangyayari na ito, hindi nagalit si Giya sa kanila. Alam niya ang pressure mula sa pam
Nanghihina ang boses ni Aiden na para bang natalo siya sa isang matinding laban. "Okay lang. Bilisan niyo at pumasok muna sa loob!” sagot ni Gerald habang tinatapik ang mga balikat bila bago siya pumunta sa loob kasama ng iba pa. “Gerald! Gerald!" Bago pa man siya makalayo, narinig niya ang boses ng isang babae na tinatawag siya. Lumingon siya para makita kung sino ito at nagulat siya nang makita si Felicity na nakatayo doon. Kahit hindi pa siya pamilyar kay Felicity nang medyo matagal, nabigla pa rin siya sa kung gaano tumaas ang kanyang kagandahan sa loob ng panahong iyon. "Felicity? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Gerald. Hindi siya sigurado kung paano siya nahanap ni Felicity. Kung tutuusin, ang kanyang address ay hindi isang sikreto sa ibang tao. "Hmph! Hindi kita makita sa pagkatapos mong bumalik sa school kaya nagdesisyon akong puntahan ka para makita ka!" Matagal na hindi makapaniwala si Felicity nang malaman niya ang tungkol sa totoong pagkatao ni Gerald.
“Hello, ganda. Bakit hindi kita napansin kanina?" tanong ni Yunus. "O-oh... Busy ka kanina... At saka, may ilang mga tao na gumawa ng eksena kanina... kaya naiintindihan ko kung bakit abala ka kanina para mapansin ako!" nakangiting sinabi ng dalaga. Mas lalo siyang gumanda nang ngumiti siya. Bago para ipagpatuloy ng dalaga ang pagbuhos ng alak para kay Yunus, bigla niyang hinawakan niya ang kamay nito at sinabi, “Teka lang, tingnan mo ito! Binuhusan mo ako ng red wine! Hindi ito matatanggal nito dahil sa simpleng paghingi ng tawad! Kung ayaw mo akong magalit, kailangan mong maghanap ng ibang paraan para mapasaya ako!" "Um... Ano ang magagawa ko para mapasaya ka, Mr. Long?" nahihiyang nagtanong ang dalaga. “Hahaha! Ayan ang gusto kong marinig… Samahan mo ako likod!" Naisip ni Yunus na magpakasaya muna gamit ang dalaga na ito dahil naisip niya na may oras pa naman bago magsimula ang birthday banquet. "Magsimula na ba tayo, Mr. Long?" tinanong ang butler dahil malinaw sa kanya
Pagkatapos ay mabilis na tumakbo ang dalaga sa gilid ng kanyang kapatid. Nabigla si Yunus nang makita ang sunod-sunod na pangyayari. Nagulat siya nang lumingon siya at nakita ang galit na itsura ng lalaki. “Ha-Harry?! Bakit ka nandito? Paano mo ito nakuha?" tanong ni Yunus habang unti-unting tumutulo ang pawis niya sa buong katawan. "Oh? Napakagandang pagkakataon ito! Ikaw pala ang may kagagawan nito, Mr. Long! Sinubukan mo talaga na bastusin ang aking mahal na kapatid, ha? T*ng ina mo ka, papatayin kita ngayon din!" sabi ni Harry at sinipa niya sa dibdib si Yunus. Bigla siyang lumipad sa kabilang dulo ng kama. Npahawak siya sa dibdib nang mahulog siya sa lapag. Naramdaman niya na parang magsusuka siya ng dugo anumang segundo. "Hawakan mo siya!" utos ni Harry habang hinawakan ng ilan sa kanyang mga tauhan ang mga braso at binti ni Yunus. Naging maputla ang mukha ni Yunus sa sobrang takot kaya nagsimula siyang sumigaw, “Guards! Guards, pumunta kayo dito ngayon!” Sumigaw si
“Harry! Papunta na ang mga gwardya!" sabi ng isa sa mga tauhan ni Harry. “P*ta! Mas marami sila kaysa sa atin! Kailangan muna nating umatras!" inutusan ni Harry ang mga tauhan niya. Kasama ang batang babae, ang grupo ay mabilis na lumabas sa Wayfair Mountain Entertainment. "Habulin niyo sila! Sundan niyo sila at patayin silang lahat!" galit na sumigaw si Yunus. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinrato si Yunus sa ganitong paraan. Hindi niya kayang tanggapin ang malaking kahihiyan na ito. Habang hinahabol ng kanyang mga bodyguards si Harry at ang kanyang grupo, lumapit ang butler kay Yunus nag-aalalang nagtanong, "Okay ka lang, Mr. Long?" "Paano ako magiging okay? Ikaw ang pumili walang kwentang lugar na ito kung saan ise-celebrate ang birthday ko! Imposible na makapasok nang madali sila Harry at ang kanyang mga tauhan kung hindi tayo nandito na venue na ito! Alam mo bang muntikan na akong mamatay?!" Kahit sixty years old na ang itsura ng kanyang bitler, sinampal pa rin