“Harry! Papunta na ang mga gwardya!" sabi ng isa sa mga tauhan ni Harry. “P*ta! Mas marami sila kaysa sa atin! Kailangan muna nating umatras!" inutusan ni Harry ang mga tauhan niya. Kasama ang batang babae, ang grupo ay mabilis na lumabas sa Wayfair Mountain Entertainment. "Habulin niyo sila! Sundan niyo sila at patayin silang lahat!" galit na sumigaw si Yunus. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinrato si Yunus sa ganitong paraan. Hindi niya kayang tanggapin ang malaking kahihiyan na ito. Habang hinahabol ng kanyang mga bodyguards si Harry at ang kanyang grupo, lumapit ang butler kay Yunus nag-aalalang nagtanong, "Okay ka lang, Mr. Long?" "Paano ako magiging okay? Ikaw ang pumili walang kwentang lugar na ito kung saan ise-celebrate ang birthday ko! Imposible na makapasok nang madali sila Harry at ang kanyang mga tauhan kung hindi tayo nandito na venue na ito! Alam mo bang muntikan na akong mamatay?!" Kahit sixty years old na ang itsura ng kanyang bitler, sinampal pa rin
"Kalokohan! Sinong nagsabi nun?! Papatayin ko ang mga nagsabi nito!" galit na sinabi ni Yunus habang hinahampas ang kanang mga kamay sa lamesa. Nagulat ang lahat at walang nangahas na magsalita pa. Dahil sa kanyang reaksyon, naalala ng lahat na pumunta nga pala sila doon para sa birthday niya. Ang kanilang totoong layunin nga naman sa pagpunta dito ay ang maging malapit kay Yunus. Tumingin si Yunus kay Giya nang matapos ang tsismisan ng mga tao bago niya malamig na sinabi, "Pumunta ka dito at umupo sa tabi ko, Giya! Gusto kong malaman ng mga taong ito na akin ka! Ikaw ang babae sa buhay ni Yunus Long!" Nakasimangot si Giya nang marinig niya ang mga sinabi ni Yunus. Humarap sa ibang direksyon si Giya sa halip na sundin ang lalaking ito. Marami sa mga bisita ang nagsimulang ngumiti sa tuwa nang makita nila ang reaksyon ni Giya. Kitang-kita na katumbas sa isang sampal sa mukha ang ginawa ni Giya kay Yunus! Hindi niya binibigyan ng anumang respeto ang lalaking nasa harapan niya
"Bakit ang lakas ng loob mo na iwasan ako?! Sundin mo ang lahat ng sinasabi ko! Kung hindi mo magawa iyon, sisiguraduhin kong hindi na makikita sa Mayberry City ang mga Quarrington!" galit na galit si Yunus nang hilahin niya ang buhok ni Giya. Pagkatapos ay hinila niya si Giya sa kanyang mga braso at pilit siyang niyakap. Gayunpaman, ayaw ni Giya na hayaan lang ito. "Pakawalan mo ako! Baliw ka!" Biglang tinaas ni Giya ang kanyang kamay habang nagpupumilit siyang palayain ang sarili niya... Ilang sandali pa, umalingawngaw ang tunog ng isang malakas na sampal. Sinampal ni Giya ang mukha ni Yunus. “… Ikaw… sinampal mo ako? Naglakas loob ka talaga na sampalin ako?" Gulat na gulat at galit si Yunus na halos maramdaman niya na ilang saglit lang ay susuka siya ng dugo. Nanlaki ang mga mata ng mga manonood dahil sa eksenang nasaksihan niya. "Okay ka lang ba, Giya?!" Si Tammy at ang iba pang mga babae ang sumira sa katahimik habang hinihila nila si Giya palayo kay Yunus para
Ang taong nagsasalita ay si Xavia. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya komportable nang marinig niya si Yoel na tinawag si Giya na hipag! "Hala! Gusto na talaga nilang mamatay! Ito ang pangalawang pagkakataon na gumawa sila ng eksena sa birthday banquet! Bubugbugin ko kayo hanggang sa mamatay kayo kung iyon ang kailangan kong gawin!" Galit na sumigaw si Yunus. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga tauhan ng pamilyang Loong ay pinalibutan sila Yoel at ang kanyang mga tauhan. Halos isang daan ang bilang ng mga tauhan nila. Masyadong malaki ang eksena na ito kaya talagang nabigla ang maraming mga businessman at artista. "Naku, diyos ko! Ang dami mong mga bodyguards! Natatakot ako! Pop quiz! Alam mo ba kung sinong pamilya ang may pinakamaraming tauhan sa Mayberry City?" Natatawang sinabi ni Yoel habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa.Bigla siyang pumito pagkatapos niyang magsalita.Kasunod nito, mabilis na sumugod ang malaking grupo ng mga lalaki sa main entrance!
Kahit na galit na galit din ang ibang mga miyembro ng pamilyang Long sa pangangasar ni Yoel, mas alam nila na manahimik na lang at huwag lumaban dahil sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. "Hindi na kailangan iyon, Mr. Lyle. Kung pwede lang, sana pigilan mo ang mga tauhan mo!" sinabi ng isa sa mga elders ng pamilyang Long. Ngumiti si Zack bago niya sinabi, “Sige, Yoel. Itigil ang pagiging bastos mo!” Tumahimik si Yoel nang sabihan siya ni Yoel. Samantala, nakatayo si Gerald sa kanto ng malaking golf course sa likod ng kanyang hotel at parang may hinihintay siya. "Papunta na ba ang mga helicopter?" tanong ni Gerald na tila may tinatawagan siya. "Papunta na kami!" sabay na sinabi nila Drake at Tyson. Ayaw talaga ni Gerald na gumamit ng helicopter, ngunit pinilit siya ni Zack na gawin ito. Kailangan niyang ipakita na siya ay makapangyarihan para matakot ang pamilyang Long. Kaya wala siyang nagawa kundi ipakita ang pagiging high-profile. Pumayag si Gerald kay Zack dahil kaila
“Sa tingin ko? Balita ko marami siyang kilalang mga tao! Kung tama ang hula ko, siguro nandito siya para... maglaro ng golf?? Haha!" sabi ni Karen. "Mukhang makabuluhan naman ang sinabi mo. Naalala ko sinabi niya na meron siyang sinisimulang negosyo dito noong huli kaming nagkita sa reunion ng klase! Nakakatawa!" pangasar na sinabi ni Lucille. Noong si Gerald ay nasa junior high school pa lang, tatlo sa mga tao sa grupo na ito ang kanyang mga kaklase at ang pang-apat na tao ay isa sa kanyang mga teacher. Nakita siya ng mga ito sa huling pagkakataon nang bumalik si Gerald sa kanyang dating bahay para i-celebrate ang kanyang birthday. Nagkataon din na birthday ni Chase noong araw na iyon at doon din nalaman ni Gerald na ang babae na nagustuhan niya noong high school na nagngangalang Sherry ay kasama na ni Chase. Maagang umalis si Gerald sa reunion noon dahil wala rin naman siyang makausap na iisang topic doon. Nagmamadali rin si Gerald na i-celebrate kanyang birthday noong araw n
Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumayo lamang sa isang tabi si Gerald at pilit lamang siyang ngumiti. Maraming nangyayaring hindi pagkakaunawaan pero hindi niya naisip na kailangan niyang magpaliwanag sa kanilang lahat. "Anong problema niya?" naguguluhan na tinanong ng asawa ni Karen. "Naku, huwag mo siyang isipin! Masama lang ugali niya!" naiinis na sumagot si Karen. Bigla na lang may sumigaw, “T*ng ina! Ang dami naman ng mga helicopter!" “Ha? Saan?" “Wow! Hindi bababa sa thirty six na mga helicopter ang nandoon at mukhang gumagawa sila ng formation!" Nabigla ang lahat sa nakita nila. Kahit na ang lugar na ito ay nakalaan para sa mga mayayaman, ang mga tao na nandoon ngayon ay karaniwang mga kabataan kaya nabigla talaga sila sa pangyayari na ito.Inagaw rin nito ang pansin nila Karen at ng kanyang mga kasama. "Hindi ba ginagamit ng military ang mga helicopter na iyon, Hubby?" Maririnig ang pagkabigla sa boses ni Karen.Masyadong nagulat ang kanyang mga kaklase ay sobr
Si Karen at ang iba pa ay labis na nagulat nang marinig nila ang pangalan na sinigaw nila. Ano ang nangyayari? Bakit nila tinawag si Gerald bilang Mr. Crawford? Nandito ba talaga ang mga helikopter na iyon para sunduin si Gerald? Makikita na mapait ang ekspresyon sa kanilang mga mukha at lalo na ito para sa mga babae sa grupo nila. Matindi ang poot na nararamdaman nila. Kung sabagay, minamaliit nilang tatlo si Gerald. HIndi lang sila makapaniwala na siya ay isang napakalakas na tao! "Imposible... Paano ito nangyari?!" sabi ni Lucille. Hindi nag-abala si Gerald na kahit tingnan sila habang naghahanda siyang umalis. "Gerald!" desperado na sumigaw si Lucille. "Ano?" sabi ni Gerald nang humarap ito sa kanya. "Ang ... Ang mga helicopter na ito... Dumating ang mga ito para sunduin ka?" kinakabahang nagtanong si Lucille. "Yep!" sabi ni Gerald nang tumango siya. Tiningnan niya sila Sherry at Karen ngunit wala siyang sinabi. Ipinasok ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa