"Woah!" Natakot si Melissa noong una, ngunit nilamon ng sorpresa niya ang kanyang takot nang makita niya ang mga helicopter na lumilipad sa langit. Naramdaman ng pamilyang Long na nakuha nila ang respeto ng lahat nang makita nila ang reaksyon ng mga tao. Masaya na ngumiti sila Jerry. Gayunpaman, nadismaya ang lahat dahil bago pa man maipakita ng mga helikopter ang mga salita sa mga pulang satin roll, ang mga ito ay agad na nahulog sa lapag. “Ha? Anong nangyayari?" gulat na gulat na tinanong ng isang tao. "Ano? Dalian niyo! Tingnan niyo kung anong problema!" sigaw ng ibang mga tao mula sa gilid. Sa sandaling iyon, may makikitang isang nakakagulat na pangyayari mula sa malayo. May bakas ng dilim ang nabuo sa kalangitan at ito ay unti-unting lumaki habang ito ay mabilis na lumapit sa Wayfair Mountain Entertainment. Ang itim na iyon ay thirty six na mga helicopter ni Gerald! Ang mga ito ay hindi kasing engrande kumpara sa mga helicopter na pagmamay-ari ng pamilyang Long. Kung
Kahit na tahimik lang ang pamilyang Owen mula sa simula pa lamang, makikita na puno ng poot at pagkairita si Rosalie habang nakatitig siya kay Gerald. Walang magagawa ang pamilyang Owen kung gagawa ng gulo si Mr. Crawford dito. "Alam ko na ang ilan sa inyo ay narinig na ang tungkol sa misunderstanding sa pagitan ko at ng pamilyang Owen, sigurado akong gusto ng lahat na malaman kung ano ang nangyari. Ladies and gentlemen, ibibigay ko sa inyo ang katotohanan!" natatawang sinabi ni Gerald. Sa sandaling sinabi niya iyon, naintindihan ng mga tauhan ni Gerald ang kanyang pahiwatig para simulang ipakita ang isang video. Mapapanood ito sa malaking screen na matatagpuan sa harap ng venue. Sa video, makikita ang isang kotse na naka-park sa isang tulay. Gabi na noon at naroroon sina Yunus Long at Melissa Wayham. Makalipas ang ilang sandali, isang kotse ang nagdrive patungo sa kanila at lumabas ang director ng Mayberry News. "Lissa, ikaw na bahala kay Rosalie. Ang trabaho mo ay dapat mon
Hindi inaasahan ni Xavia na magiging ganito ang mangyayari. Gusto lamang niyang gamitin ang oportunidad na ito para mapalawak ang kanyang social circle gamit ang mga taong dadalo. Masusunod siguro ang plano niya kung hindi dumalo si Gerald sa birthday banquet. Walang sinuman ang nag-akala na magkakaroon ng mga plot twists ang mga kaganapan. "Hmph! Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang Long, Yunus Long! Hindi ko inakala na gagawin mo ang ganoong bagay!" naiinis na sinabi ni Xavia at dinuraan niya ito. Binigyan ng isang malakas na sampal ni Yunus si Xavia dahil sa reaksyon niya. Ang mga mata ni Yunus ay bloodshot habang nakatingin kay Xavia, na nasaktan dahil sa lakas ng kanyang sampal, nang mahulog siya sa ibabaw ng isa sa mga mesa. "F*cking b*tch! Isara mo ang bibig mo! Hindi ka tumitigil sa kakasalita mo! Nagsasawa na ako sa bunganga mo! Sino ka ba para turuan ako ng ganyan? Minsan ko lang ito sasabihin, hipag kita dahil pinakilala kita bilang bahagi ng pamilya namin!
Ang pangunahing layunin ni Gerald kaya siya dumalo sa event ay para takutin lamang sila. Gusto niyang ipaalam sa pamilyang Long na maling tao ang kinakalaban nila at dapat nilang suriin muli ang kanilang desisyon na ituloy ang kanilang paghihiganti laban sa kanya. Handa si Gerald na umalis pagkatapos niyang gawin ito. Ilang sandali matapos sumakay sa kanyang kotse, napansin niya na may isang taong sumusunod sa kanya. Tumingin siya sa rearview mirror at napagtanto niya kung sino ang nasa kotse, kaya tinuon niya ang kanyang pansin sa sasakyan. Nang makarating siya sa entrance ng hotel, papasok pa lamang si Gerald nang may narinig siyang isang babae na tumawag sa kanya. "Plano mo bang hindi na lang ako pansinin magpakailanman, Gerald?!" Sa katunayan, ang taong nasa sasakyan kanina ay si Giya. "Walang dahilan para manatili pa tayong magkaibigan. Hindi ka na rin dapat makipaglokohan kay Yunus, hindi pa ba sapat iyon?" sagot ni Gerald. "Hindi ba pwedeng maging magkaibigan n
Para kay Giya, ang kanyang hiling ay simple lang naman. Naintindihan niya na hindi siya perpekto, ngunit napakasama ba niya para hindi tingnan ni Gerald sa huling pagkakataon? Gayunpaman, naging okay pa rin ang pakiramdam niya dahil handa pa rin si Gerald na gawin ang pabor niya. Mula sa kanyang pananaw bilang isang babae, hindi siya tuluyang magiging masaya kapag ginawa ni Gerald ang kahilingan niya, ito lang kasi ang nag-iisang paraan para sa kanya na tapusin ang kanyang relasyon kay Gerald. Wala siyang masamang balak sa kabila ng kahilingan na ito. Gusto lang ni Giya na may gawin si Gerald para sa kanya pa mapatunayan na may pakialam pa rin siya kay Giya. Kung magiging swerte siya, inaasahan niya na sa wakas ay magiging masaya siya pagkatapos nito. Iyon ang buod ng dahilan kung bakit niya ito ang kahilingan niya. Gayunpaman, kitang-kita na si Gerald ay nagdadalawang-isip sa pagsang-ayon dito. Dati ay nagkunwari siya na maging boyfriend ng ibang mga tao dahil ang mga
Gayunpaman, mahihirapan si Gerald sa sundan siya sa mga pupuntahan nila dahil sa kanyang katandaan at sa kanyang lumilipad na isip. Hindi sinusubukan ni Gerald na maging bastos, ayaw niya lang talaga mahirapan ang matandang lalaki. Kinaumagahan, nakatanggap si Gerald ng tawag mula kay Tammy. Sa malamang, tumawag siya para pag-usapan ang pekeng kasal. Para isikreto ang kasal sa publiko, hindi ito sinabi ni Gerald kay Zack o Michael. Naintindihan ni Gerald ang dahilan sa likod ng kahilingan ni Giya. Ang pangunahing dahilan kung bakit nila gagawin ang pekeng kasal ay para ipaalam sa pamilyang Long at Owens na sila ay kasal. "Susunduin kita, Gerald! Maghintay ka sa baba!" sabi ni Tammy. "O sige, sige, babaan ako, bigyan mo lang ako ng isang minuto!" sagot ni Gerald habang pilit siyang ngumiti. Ang buong plano ay simple lang. Magkakaroon sila ng isang banquet sa hotel para tumahimik na ang pamilya ni Giya.Pagbaba niya ng hagdan, nandoon na si Tammy na naghihintay sa kanya. Han
Planado na ni Xavia ang lahat. Alam niya na sa oras na malaman ni Gerald na nasa mapanganib siyang sitwasyon, sigurado na magmamadali siyang pumunta para iligtas si Xavia. Hindi siya nagdalawang tungkol dito dahil kilala niya ang ugali Gerald base sa nakaraan nila. Kapag nakarating na si Gerald, magsisimula na siyang umiyak at mag-babanta siyang magbibigti sita. Sigurado na malulungkot si Gerald at susubukang pasayahin siya kapag ginawa niya ito! Pagkatapos nito, magkakaroon siya ng pagkakataong makasama ulit si Gerald. Kahit na kinamumuhian niya si Gerald noong umpisa pa lang, ang kanyang pangunahing layunin sa ngayon ay para magsisi si Gerald dahil iniwan niya si Xavia. Kahit na na-corner niya si Gerald sa bar sa araw na iyon, hindi niya kailanman pinlano na utusan ang kanyang mga tauhan na bugbugin siya sa oras na iyon. Ang gusto niya lang gawin noon ay ang asarin siya bago niya tatanungin kay Gerald kung ano ang pakiramdam na nahulog siya mismo sa kanyang mga kamay. Gus
Sinabi ng isang babae sa grupo habang nakatawid ang kanyang mga braso. Silang anim ay mga roommates, kasalukuyan silang nag-aaral ng mga bagong skills at pumapasok sa kanilang mga internship sa Hong Kong Television Station. Gayunpaman, nagbakasyon sila para mag-enjoy bilang isang grupo. Si Wanda Wabsor ang babae na nagsabi na si Mila ay nagmamayabang lang. Kahit na halos pareho sila ni Mila ng katawan, ang kanilang itsura ay malayo sa bawat isa. Kung pipiliin nila ang pinakamagandang babae sa Hong Kong Television Station, hindi maikakaila na si Mila ang pipiliin nila dahil siya ang pinakamagandang babae doon. Si Wanda ay pangalawa lamang pagdating sa kagandahan. Silang anim ay mag-roommate at hindi lang sila nakatira ng magkakasama araw-araw, ngunit kailangan din nilang matutong mag-trabaho sa iisang lugar. Sa madaling salita, kailangan nilang makita at makausap ang bawat isa araw-araw. Bilang mga babae, medyo mahirap para sa kanila na maiwasang mainggit sa bawat isa. Gay