Para kay Giya, ang kanyang hiling ay simple lang naman. Naintindihan niya na hindi siya perpekto, ngunit napakasama ba niya para hindi tingnan ni Gerald sa huling pagkakataon? Gayunpaman, naging okay pa rin ang pakiramdam niya dahil handa pa rin si Gerald na gawin ang pabor niya. Mula sa kanyang pananaw bilang isang babae, hindi siya tuluyang magiging masaya kapag ginawa ni Gerald ang kahilingan niya, ito lang kasi ang nag-iisang paraan para sa kanya na tapusin ang kanyang relasyon kay Gerald. Wala siyang masamang balak sa kabila ng kahilingan na ito. Gusto lang ni Giya na may gawin si Gerald para sa kanya pa mapatunayan na may pakialam pa rin siya kay Giya. Kung magiging swerte siya, inaasahan niya na sa wakas ay magiging masaya siya pagkatapos nito. Iyon ang buod ng dahilan kung bakit niya ito ang kahilingan niya. Gayunpaman, kitang-kita na si Gerald ay nagdadalawang-isip sa pagsang-ayon dito. Dati ay nagkunwari siya na maging boyfriend ng ibang mga tao dahil ang mga
Gayunpaman, mahihirapan si Gerald sa sundan siya sa mga pupuntahan nila dahil sa kanyang katandaan at sa kanyang lumilipad na isip. Hindi sinusubukan ni Gerald na maging bastos, ayaw niya lang talaga mahirapan ang matandang lalaki. Kinaumagahan, nakatanggap si Gerald ng tawag mula kay Tammy. Sa malamang, tumawag siya para pag-usapan ang pekeng kasal. Para isikreto ang kasal sa publiko, hindi ito sinabi ni Gerald kay Zack o Michael. Naintindihan ni Gerald ang dahilan sa likod ng kahilingan ni Giya. Ang pangunahing dahilan kung bakit nila gagawin ang pekeng kasal ay para ipaalam sa pamilyang Long at Owens na sila ay kasal. "Susunduin kita, Gerald! Maghintay ka sa baba!" sabi ni Tammy. "O sige, sige, babaan ako, bigyan mo lang ako ng isang minuto!" sagot ni Gerald habang pilit siyang ngumiti. Ang buong plano ay simple lang. Magkakaroon sila ng isang banquet sa hotel para tumahimik na ang pamilya ni Giya.Pagbaba niya ng hagdan, nandoon na si Tammy na naghihintay sa kanya. Han
Planado na ni Xavia ang lahat. Alam niya na sa oras na malaman ni Gerald na nasa mapanganib siyang sitwasyon, sigurado na magmamadali siyang pumunta para iligtas si Xavia. Hindi siya nagdalawang tungkol dito dahil kilala niya ang ugali Gerald base sa nakaraan nila. Kapag nakarating na si Gerald, magsisimula na siyang umiyak at mag-babanta siyang magbibigti sita. Sigurado na malulungkot si Gerald at susubukang pasayahin siya kapag ginawa niya ito! Pagkatapos nito, magkakaroon siya ng pagkakataong makasama ulit si Gerald. Kahit na kinamumuhian niya si Gerald noong umpisa pa lang, ang kanyang pangunahing layunin sa ngayon ay para magsisi si Gerald dahil iniwan niya si Xavia. Kahit na na-corner niya si Gerald sa bar sa araw na iyon, hindi niya kailanman pinlano na utusan ang kanyang mga tauhan na bugbugin siya sa oras na iyon. Ang gusto niya lang gawin noon ay ang asarin siya bago niya tatanungin kay Gerald kung ano ang pakiramdam na nahulog siya mismo sa kanyang mga kamay. Gus
Sinabi ng isang babae sa grupo habang nakatawid ang kanyang mga braso. Silang anim ay mga roommates, kasalukuyan silang nag-aaral ng mga bagong skills at pumapasok sa kanilang mga internship sa Hong Kong Television Station. Gayunpaman, nagbakasyon sila para mag-enjoy bilang isang grupo. Si Wanda Wabsor ang babae na nagsabi na si Mila ay nagmamayabang lang. Kahit na halos pareho sila ni Mila ng katawan, ang kanilang itsura ay malayo sa bawat isa. Kung pipiliin nila ang pinakamagandang babae sa Hong Kong Television Station, hindi maikakaila na si Mila ang pipiliin nila dahil siya ang pinakamagandang babae doon. Si Wanda ay pangalawa lamang pagdating sa kagandahan. Silang anim ay mag-roommate at hindi lang sila nakatira ng magkakasama araw-araw, ngunit kailangan din nilang matutong mag-trabaho sa iisang lugar. Sa madaling salita, kailangan nilang makita at makausap ang bawat isa araw-araw. Bilang mga babae, medyo mahirap para sa kanila na maiwasang mainggit sa bawat isa. Gay
"Sino ‘yan?" tanong ng isang katulong pagkabukas pa lang niya ng pinto. Gulat na gulat siya nang makita niya si Mila. 'Anong ginagawa ng isang magandang batang babae dito?' "Um... Sinong hinahanap mo?" tanong ng katulong. “Nakauwi na ba si Gerald? Hinahanap ko siya!" sagot ni Mila habang nakangiti. "Sinong nandiyan, Hope?" Sinabi ng isang walang pasensya na boses mula sa loob ng villa. "Nandito sila para hanapin si Gerald, Miss!" sagot ng katulong. "Ha?" Naglakad si Xavia papunta sa pintuan ... Nabigla siya nang makita niya si Mila! Ganoon din ang naramdaman ni Mila nang makita niya si Xavia. "Mila!" "Xavia!" Pareho nilang isinigaw ang pangalan ng bawat isa nang magkakasabay. Kilalang-kilala ni Mila si Xavia. Kung tutuusin, si Xavia ang dating boyfriend ni Gerald. Imposibleng hindi malaman ni Xavia kung sino rin si Mila. Sa katunayan, kilala niya si Mila at ito ang eksaktong dahilan kung bakit sigurado siya na tsismis lang at hindi totoo ang pagpapakasal ni
Huminga ng malalim si Mila bago niya sinabi, "Tatawagan ko si Gerald ngayon! Gusto kong sabihin niya sa akin nang personal kung ano ang nangyayari!" Matapos sabihin iyon, kinuha niya ang susi sa Mountain Top Villa bago niya ito tinapon kay Xavia. Nabigla si Xavia dahil dito. ‘F*ck! Bakit mukhang hindi nakipaghiwalay sa kanya si Gerald? Mukhang malalim pa rin ang pagmamahalan nila sa isa't isa!' ‘Ano nga ba ang nangyayari? G*go ba talaga si Gerald?’ Sinubukan ni Mila na tawagan si Gerald habang iniisip iyon ni Xavia. Gayunpaman, hindi sumagot si Gerald sa mga tawag niya. "Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? Lagi niyang sinasagot agad ang mga tawag ko!" nag-aalalang sinabi ni Mila. Mukhang totoo ang sinabi ni Xavia. Si Gerald ay nakikipag-sex kay Xavia habang wala siya! Natawa na lang is Mila sa isip niya. Bigla na lang nagkaroon si Xavia ng masamang ideya. Paalis na sana si Mila nang bigla siyang sumigaw, "Mila, teka!" "Ano pa ba ang kailangan mo?" malamig
Samantala, si Gerald ay nagpapakita ng isang palabas kasama si Giya. Mukhang nagsinungaling si Giya sa kanyang mga magulang. Alam ito ni Gerald kaya lalo siyang nahirapan na mapanatili ang kanyang composure. Samakatuwid, sinusubukan niyang makahanap ng dahilan para makaalis sa lugar na iyon. Nakita ito ni Giya kaya mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Gerald bago niya sinabi, "Ma, Pa, aalis muna kami. Kakayanin ko ito kaya manatili muna kayo dito!” Matapos sabihin iyon, silang dalawa ay sabay na lumabas ng hall. Nagsalita agad si Gerald nang makita na niya ang entrance ng hotel, "Oras na para ibalik mo sa akin ang cellphone ko!" Kanina, palaging tiningnan ni Gerald ang kanyang cellphone habang nakikipag-chat sa ibang tao. Para mapanatili ang imahe ng intimacy sa pagitan nila ni Giya, pansamantalang kinumpiska ang kanyang cellphone ng ibang miyembro ng pamilyang Quarrington. SInabi pa nila na hindi siya dapat naglalaro ng kanyang cellphone para higit siyang makapag-focus
Habang nakatingin si Giya kay Mila, na may bahid ng selos sa kanyang mga mata, napakalakas na emosyon ang umapaw din sa puso ni Mila."Ikaw ... Binigo mo ako! Sobra mo akong binigo, Gerald! Ayoko nang makita ka ulit! " sigaw ni Mila habang tinulak niya ng husto si Gerald bago tumalikod.Tumakbo palayo si Mila habang tinatakpan ang bibig habang kumunot ang noo ni Wanda, “Nakakadiri ka! Ano naman kung mayaman ka?!"Kahit si Giya ay hindi maiiwasang mapagalitan si Gerald sa pwesto ni Mila.Kung sabagay, lahat sila ay mga babae. Siguradong magagalit sila sa mga sc*mbag na tulad niya!Si Gerald mismo ay namumutla dahil sa pagkabalisa... hindi niya maisip kung bakit biglang nagpakita si Mila doon. Gayunpaman, maaaring maghintay iyon.Agad na humabol sa kanya si Gerald.Nakaharap din si Giya ng isang atake ng kumplikadong emosyon. dahil hindi niya maproseso ang lahat nang sabay-sabay, simpleng binago niya ang lahat ng kanyang nararamdaman sa galit.Dahil wala na si Gerald, simpleng lu