Nanghihina ang boses ni Aiden na para bang natalo siya sa isang matinding laban. "Okay lang. Bilisan niyo at pumasok muna sa loob!” sagot ni Gerald habang tinatapik ang mga balikat bila bago siya pumunta sa loob kasama ng iba pa. “Gerald! Gerald!" Bago pa man siya makalayo, narinig niya ang boses ng isang babae na tinatawag siya. Lumingon siya para makita kung sino ito at nagulat siya nang makita si Felicity na nakatayo doon. Kahit hindi pa siya pamilyar kay Felicity nang medyo matagal, nabigla pa rin siya sa kung gaano tumaas ang kanyang kagandahan sa loob ng panahong iyon. "Felicity? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Gerald. Hindi siya sigurado kung paano siya nahanap ni Felicity. Kung tutuusin, ang kanyang address ay hindi isang sikreto sa ibang tao. "Hmph! Hindi kita makita sa pagkatapos mong bumalik sa school kaya nagdesisyon akong puntahan ka para makita ka!" Matagal na hindi makapaniwala si Felicity nang malaman niya ang tungkol sa totoong pagkatao ni Gerald.
“Hello, ganda. Bakit hindi kita napansin kanina?" tanong ni Yunus. "O-oh... Busy ka kanina... At saka, may ilang mga tao na gumawa ng eksena kanina... kaya naiintindihan ko kung bakit abala ka kanina para mapansin ako!" nakangiting sinabi ng dalaga. Mas lalo siyang gumanda nang ngumiti siya. Bago para ipagpatuloy ng dalaga ang pagbuhos ng alak para kay Yunus, bigla niyang hinawakan niya ang kamay nito at sinabi, “Teka lang, tingnan mo ito! Binuhusan mo ako ng red wine! Hindi ito matatanggal nito dahil sa simpleng paghingi ng tawad! Kung ayaw mo akong magalit, kailangan mong maghanap ng ibang paraan para mapasaya ako!" "Um... Ano ang magagawa ko para mapasaya ka, Mr. Long?" nahihiyang nagtanong ang dalaga. “Hahaha! Ayan ang gusto kong marinig… Samahan mo ako likod!" Naisip ni Yunus na magpakasaya muna gamit ang dalaga na ito dahil naisip niya na may oras pa naman bago magsimula ang birthday banquet. "Magsimula na ba tayo, Mr. Long?" tinanong ang butler dahil malinaw sa kanya
Pagkatapos ay mabilis na tumakbo ang dalaga sa gilid ng kanyang kapatid. Nabigla si Yunus nang makita ang sunod-sunod na pangyayari. Nagulat siya nang lumingon siya at nakita ang galit na itsura ng lalaki. “Ha-Harry?! Bakit ka nandito? Paano mo ito nakuha?" tanong ni Yunus habang unti-unting tumutulo ang pawis niya sa buong katawan. "Oh? Napakagandang pagkakataon ito! Ikaw pala ang may kagagawan nito, Mr. Long! Sinubukan mo talaga na bastusin ang aking mahal na kapatid, ha? T*ng ina mo ka, papatayin kita ngayon din!" sabi ni Harry at sinipa niya sa dibdib si Yunus. Bigla siyang lumipad sa kabilang dulo ng kama. Npahawak siya sa dibdib nang mahulog siya sa lapag. Naramdaman niya na parang magsusuka siya ng dugo anumang segundo. "Hawakan mo siya!" utos ni Harry habang hinawakan ng ilan sa kanyang mga tauhan ang mga braso at binti ni Yunus. Naging maputla ang mukha ni Yunus sa sobrang takot kaya nagsimula siyang sumigaw, “Guards! Guards, pumunta kayo dito ngayon!” Sumigaw si
“Harry! Papunta na ang mga gwardya!" sabi ng isa sa mga tauhan ni Harry. “P*ta! Mas marami sila kaysa sa atin! Kailangan muna nating umatras!" inutusan ni Harry ang mga tauhan niya. Kasama ang batang babae, ang grupo ay mabilis na lumabas sa Wayfair Mountain Entertainment. "Habulin niyo sila! Sundan niyo sila at patayin silang lahat!" galit na sumigaw si Yunus. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinrato si Yunus sa ganitong paraan. Hindi niya kayang tanggapin ang malaking kahihiyan na ito. Habang hinahabol ng kanyang mga bodyguards si Harry at ang kanyang grupo, lumapit ang butler kay Yunus nag-aalalang nagtanong, "Okay ka lang, Mr. Long?" "Paano ako magiging okay? Ikaw ang pumili walang kwentang lugar na ito kung saan ise-celebrate ang birthday ko! Imposible na makapasok nang madali sila Harry at ang kanyang mga tauhan kung hindi tayo nandito na venue na ito! Alam mo bang muntikan na akong mamatay?!" Kahit sixty years old na ang itsura ng kanyang bitler, sinampal pa rin
"Kalokohan! Sinong nagsabi nun?! Papatayin ko ang mga nagsabi nito!" galit na sinabi ni Yunus habang hinahampas ang kanang mga kamay sa lamesa. Nagulat ang lahat at walang nangahas na magsalita pa. Dahil sa kanyang reaksyon, naalala ng lahat na pumunta nga pala sila doon para sa birthday niya. Ang kanilang totoong layunin nga naman sa pagpunta dito ay ang maging malapit kay Yunus. Tumingin si Yunus kay Giya nang matapos ang tsismisan ng mga tao bago niya malamig na sinabi, "Pumunta ka dito at umupo sa tabi ko, Giya! Gusto kong malaman ng mga taong ito na akin ka! Ikaw ang babae sa buhay ni Yunus Long!" Nakasimangot si Giya nang marinig niya ang mga sinabi ni Yunus. Humarap sa ibang direksyon si Giya sa halip na sundin ang lalaking ito. Marami sa mga bisita ang nagsimulang ngumiti sa tuwa nang makita nila ang reaksyon ni Giya. Kitang-kita na katumbas sa isang sampal sa mukha ang ginawa ni Giya kay Yunus! Hindi niya binibigyan ng anumang respeto ang lalaking nasa harapan niya
"Bakit ang lakas ng loob mo na iwasan ako?! Sundin mo ang lahat ng sinasabi ko! Kung hindi mo magawa iyon, sisiguraduhin kong hindi na makikita sa Mayberry City ang mga Quarrington!" galit na galit si Yunus nang hilahin niya ang buhok ni Giya. Pagkatapos ay hinila niya si Giya sa kanyang mga braso at pilit siyang niyakap. Gayunpaman, ayaw ni Giya na hayaan lang ito. "Pakawalan mo ako! Baliw ka!" Biglang tinaas ni Giya ang kanyang kamay habang nagpupumilit siyang palayain ang sarili niya... Ilang sandali pa, umalingawngaw ang tunog ng isang malakas na sampal. Sinampal ni Giya ang mukha ni Yunus. “… Ikaw… sinampal mo ako? Naglakas loob ka talaga na sampalin ako?" Gulat na gulat at galit si Yunus na halos maramdaman niya na ilang saglit lang ay susuka siya ng dugo. Nanlaki ang mga mata ng mga manonood dahil sa eksenang nasaksihan niya. "Okay ka lang ba, Giya?!" Si Tammy at ang iba pang mga babae ang sumira sa katahimik habang hinihila nila si Giya palayo kay Yunus para
Ang taong nagsasalita ay si Xavia. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya komportable nang marinig niya si Yoel na tinawag si Giya na hipag! "Hala! Gusto na talaga nilang mamatay! Ito ang pangalawang pagkakataon na gumawa sila ng eksena sa birthday banquet! Bubugbugin ko kayo hanggang sa mamatay kayo kung iyon ang kailangan kong gawin!" Galit na sumigaw si Yunus. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga tauhan ng pamilyang Loong ay pinalibutan sila Yoel at ang kanyang mga tauhan. Halos isang daan ang bilang ng mga tauhan nila. Masyadong malaki ang eksena na ito kaya talagang nabigla ang maraming mga businessman at artista. "Naku, diyos ko! Ang dami mong mga bodyguards! Natatakot ako! Pop quiz! Alam mo ba kung sinong pamilya ang may pinakamaraming tauhan sa Mayberry City?" Natatawang sinabi ni Yoel habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa.Bigla siyang pumito pagkatapos niyang magsalita.Kasunod nito, mabilis na sumugod ang malaking grupo ng mga lalaki sa main entrance!
Kahit na galit na galit din ang ibang mga miyembro ng pamilyang Long sa pangangasar ni Yoel, mas alam nila na manahimik na lang at huwag lumaban dahil sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. "Hindi na kailangan iyon, Mr. Lyle. Kung pwede lang, sana pigilan mo ang mga tauhan mo!" sinabi ng isa sa mga elders ng pamilyang Long. Ngumiti si Zack bago niya sinabi, “Sige, Yoel. Itigil ang pagiging bastos mo!” Tumahimik si Yoel nang sabihan siya ni Yoel. Samantala, nakatayo si Gerald sa kanto ng malaking golf course sa likod ng kanyang hotel at parang may hinihintay siya. "Papunta na ba ang mga helicopter?" tanong ni Gerald na tila may tinatawagan siya. "Papunta na kami!" sabay na sinabi nila Drake at Tyson. Ayaw talaga ni Gerald na gumamit ng helicopter, ngunit pinilit siya ni Zack na gawin ito. Kailangan niyang ipakita na siya ay makapangyarihan para matakot ang pamilyang Long. Kaya wala siyang nagawa kundi ipakita ang pagiging high-profile. Pumayag si Gerald kay Zack dahil kaila