Sa oras na iyon, bumalik na si Gerald sa dormitory. Nang makita siya nina Harper at Benjamin, agad silang sumugod para bigyan siya ng isang malaking yakap. "Welcome back, Gerald!" Tuwang-tuwa siyang makita sila. Sa oras na iyon, lahat ay nagsimulang mag-usap at makahabol sa isa't isa. Bumalik muna si Gerald sa campus para makita lang sina Harper at Benjamin. Pagkatapos ay kailangan pa rin niyang pumunta sa kanyang kumpanya. Habang nagpatuloy ang pag-uusap ng trio sa bawat isa, biglang sumabog pabukas ang pinto ng dormitoryo. Nagulat si Gerald nang makita ang isang pamilyar na babae na nakatayo sa may pintuan. "Brother!" masayang sumigaw ang dalaga habang nakatingin kay Harper. “Hello, Benjamin! At ikaw si Gerald, tama?" "Ako nga. Masaya akong makilala ka! Ikaw ba ang nakababatang kapatid ni Harper?" tanong ni Gerald. "Ako nga! Ang pangalan ko ay Roseanne! Ang gwapo mo talaga, Gerald!" nakangiting sinabi ni Roseanne. "Speaking of which, sinabi sa akin ng kapatid ko
"Oh my god! Siya yun? Talagang naglalakad tayo kasama si Mr. Crawford ng Mayberry City?!" "Harper, hindi mo naman kami niloloko, hindi ba?" Sabay na tinanong ng ilan sa mga babae. "Ano ang makukuha ko sa pagsisinungaling sa inyo? Parating low-key si Gerald at totoo na nalaman namin ang tungkol sa kanyang totoong pagkatao kamakailan lang!" sagot ni Harper habang nakangiti. "Hindi nakakapagtaka na naramdaman ko na medyo masyadong kaakit-akit si Gerald habang naglalakad tayo kanina! Siya pala ang ang nag-iisa na si Mr. Crawford!" Nagpatuloy ang lahat sa pagtawa at pakikipag-chat tungkol kay Gerald pagkatapos nito. Siya na ngayon ang pangunahing topic ng kanilang pag-uusap. Plano ni Harper na ikutin ang kanyang kapatid na babae at ang iba pang mga babae sa paligid ng campus upang ipakita sa kanila kung nasaan ang mga lugar tulad ng library at swimming pool. Pagkatapos nito, dadalhin sila sa cultural exhibit center ng campus. Hindi nagtagal bago ang ilan sa mga babae ay hindi na
“A-ano? Nasaan na siya ngayon?" sagot ni Roseanne habang nanginginig siya sa gulat. "Sundan mo ako!" Ang grupo ng mga babae ay tumakbo kaagad papunta sa kanya. Nang makarating sila sa pinangyarihan, nakita nila Roseanne sila Harper at Benjamin na dumudugo nang malubha sa lupa. "Kuya!" “Roseanne! Okay lang ako pero ang mga taong iyon… masyado silang malupit!" Bagaman sanay na si Harper sa pakikipaglaban, hindi niya maiwasang makaramdam ng takot habang nai-replay niya ang eksena kanina sa kanyang isipan. Noong binugbog sila ng grupo ng mga kalalakihan, sinubukan ng dalawa na lumaban. Gayunpaman, binuhat sila ni Dante gamit ang isang kamay lamang. Matapos makatanggap ng mabilis na sipa mula kay Dante, naramdaman ni Harper na naging madilim ang kanyang mundo. Ganoon din ang nangyari kay Benjamin. Alinman sa kanila ay hindi nakatayo ng kahit isang pagkakataon habang nakikipaglaban sila at pareho silang bugbog sarado pagkatapos nito. "Sino ang may pananagutan dito? Tatawag ak
Habang nangyayari ito, nalaman ni Gerald ang sitwasyon nila Harper at Benjamin mula kay Roseanne. Matapos marinig ang balita, agad siyang sumugod sa ospital. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Gerald pagkakita niya sa dalawa. Mukha silang binugbog hanggang sa hindi sila makagalaw. "Wala rin kaming alam! Pinagtripan kami ng isang grupo ng mga kalalakihan na hindi pa namin kakilala. Mukhang susugod sila para sayo kaya mag-ingat ka!” sagot ni Harper. Nagulat si Gerald nang marinig iyon. Susugod sa kanya? "Sino ang may balak na bugbugin ako?" "Brother Gerald, isa sa aming mga kamag-aral ang nagsabi sa amin na ang leader ng mga kalalakihan na nambugbog kayla Harper at Benjamin ay isang batang mula sa aming department! Ang pangalan niya ay si Natasha at napaka-dominante niya!" "Ano?! Si Natasha ?!" Lalo namang nagulat si Gerald. Batay sa sinabi sa kanya nina Harper at Benjamin, ang grupo ng mga kalalakihan ay hindi ordinaryong mga gangsters o thugs. Hindi lamang sila sana
"Lumapit na kami sa kanila tungkol sa bagay na ito. Pero tumanggi silang aminin na mayroong silang kinalaman dito!" sagot ni Zack. Anuman ang mangyari, alam ni Gerald na ang pangunahing prayoridad nila ngayon ay ang personal niyang puntahan si Xavia para mapag-usapan nila nang malinaw ang mga bagay. “Paki-handle ito ng mabuti at bantayan din ang aking dalawang mga kaibigan. Ako nang bahala sa iba!" Sabi ni Gerald. Dahil ang lahat ng ito ay nangyayari dahil sa kanya, kailangan niya itong harapin nang personal. Hindi talaga siya natatakot sa pamilyang Long. Sa katunayan, kung ang sitwasyon ay urgent, ang magagawa niyang lamang ay pakilusin at gamitin ang pinakamalaking sandata ng kanyang pamilya. Kahit na ang pamilyang Long mula sa Yanken ay napakalakas, mapapabagsak sila ni Gerald nang walang kahirap-hirap. Gayunpaman, naisip ni Gerald na si Xavia ay naging walang puso at baluktot lamang mula nang gawan niya ito ng ganoon sa nakaraan. Walang silbi ang pag-iyak sa nabuhos na
Kahit na alam ni Gerald ang insidente ay may malaking epekto kay Xavia, hindi niya kailanman inisip na halos tapusin nito ang kanyang buhay. "Iyon ang pinakamasama at pinakamadilim na araw sa buong buhay ng kapatid ko. Alam ko na ito ay dahil sayo, ang talunan na magsasaka sa probinsya! Alam na alam mo, sigurado ako, na ang lahat ay maliit ang tingin sayo at walang kahit sino ang nakikipag-sap sayo noon. Walang iba maliban sa kapatid kong babae. Hinahawakan niya ang kamay mo sa school, magkasama kayo kapag namimili at kumain din siya kasama ka! Pero naisip mo ba na dahil ginawa niya ang lahat ng iyon para sayo, makakaapekto ito tingin ng lahat sa kanya?" “Hoy, hoy! Kayong lahat, tingnan niyo! Si Xavia Yorke! Ang girlfriend ng pinakamalaking talunan sa school namin!" "Iyon ang tawag sa kanya ng lahat noon. Kahit pa gamoon, nagtiyaga siya at hindi pinansin ang pangungutya dahil gusto niyang makasama ka. Kahit pa ganoon, ang babae ay may pagpapahalaga sa sarili at isang araw ay hind
"Hmph! Tama na ang usapan, kunin niyo siya!" utos ni Natasha. Nang matanggap nila ang kautusan, ang mga lalaking nakaitim ay agad na sumunod at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso ni Gerald. "Kailan matatapos ang paghihiganti?" mahinahon na tinanong ni Gerald. "Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung kailan kami titigil, pero hindi iyon ang punto ko. Huwag mong pangarapin na umalis sa kwarto na ito ngayong gabi!" Ngumisi si Natasha. "Ganoon ba? Sa totoo lang, Natasha, sinabi ba sayo ng kapatid mo na ang kalsadang ito ay nagngangalang Mayberry Commercial Street? At alam ng mga shop owners dito kung sino ako?" "Syempre sinabi na niya iyon sa akin! Pero alam mo bang binili na ng kapatid ko ang bar na ito? Ang boss ng bar ay b*tch ko na lang ngayon! Hindi mo inasahan iyon, di ba?" buong pagmamalaking sinabi ni Natasha bago lumakad papunta kay Gerald at binigyan siya ng malakas na sampal sa mukha. "Para sa kapatid ko iyon. Pinahirapan mo siya ng napakatagal. Ngayon, ipapa
"Hin-hindi ko alam kung nasaan siya! Minsan lang siyang pumunta sa school para dalawin ako. Maliban dito, sa cellphone lamang kami nag-uusap!" sigaw ni Natasha. "Tawagan mo siya kung ganoon!" utos ni Gerald. Kailangan niyang makipagtagpo at kausapin si Xavia sa lalong madaling panahon. Ayaw ni Gerald na ginugulo siya ni Xavia sa lahat ng pagkakataon. ‘Kung may nagawa man akong mali sayo, maghiganti ka sa akin! Ang pagkakamali mo ay sinaktan mo ang mga malalapit sa akin,’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili. Hindi niya matiis ang mga ganoong uri ng tao.Habang inaabot ni Natasha ang kanyang cellphone, patuloy siyang sumenyas sa kanyang mga sakop — gamit ang kanyang mga mata — para ipabagsak si Gerald at ang dalawang kasama niya. Gayunpaman, wala sa mga bodyguard ang naglakas-loob man lamang na gumalaw. Alam nilang lahat kung gaano kalakas ang mga tauhan ni Gerald kaya wala silang nagawa. Ang tao na tulad ni Scorpion lamang ang may kayang patumbahin sila Tyson at Drake. Naintindi