Noon lang ang alam ni Gerald tungkol kay Maia bukod na siya ang captain ng team nila. Ang tanging nalalaman lamang niya ay ang malapit si Maia sa kanyang lolo at ang kanyang mga magulang ay nasa politika. Ito ang dahilan kung bakit lumaki siya sa medyo marangyang paligid. Alam din niya na habang siya at ang kanyang pamilya ay mga lokal, lahat sila ay lumipat sa Mayberry pagkatapos ng huling examination. Bagaman mahusay si Gerald sa kanyang pag-aaral, hindi siya naging katumbas ni Maia. Kakausapin lamang siya nito bilang captain tuwing nagre-represent sila sa paaralan sa isang kompetisyon. Sa labas nito, hindi sila malapit sa isa't isa. Si Gerald naman ay may napakagandang impression sa kanya dahil siya ay parehong masipag at may kakayahan. Karagdagan pa dito, napakaganda din niya at maganda rin ang kanyang taste. Sa madaling salita, siya ay isang diyosa. Maraming tao ang nagtangkang makipagkaibigan sa kanya ngunit makikipag kaibigan lang siya sa mga taong may ‘specialty’. A
Sumenyas siya gamit ang kanyang daliri para lumapit si Gerald. Talagang ayaw ni Gerald na lumapit sa kanila matapos siyang utusan ng ganoon ni Maia. Kung sabagay, hindi na siya ang dating tao na inakala ni Maia. Hindi na niya kailangang makinig pa sa mga utos ng babaeng ito. Naalala niya ang mga eksena kung saan ay uutusan siya ni Maia na gumawa ng mga ganitong bagay noong nakaraan. "Gerald, nalipat mo na ang mga kahon ng mineral water?" "Gerald, pumunta st tulungan ang lahat sa kanilang mga bagahe!" Siguro iyon ang dahilan kung bakit sanay na sanay si Maia na utusan siya kung saan-saan. Kahit pa nanatiling tahimik si Gerald, kusang gumalaw ang mga paa ni Gerald at naglakad ito papunta sa grupo. “Haha! Totoo pala ito! Nakikinig talaga sayo si Gerald!" “Hindi niya susubukang sumuway kay Maia! Hindi lang siya ang kapitan ng kanyang team noong high school, ngayon ay pulis na din siya! Kailangang makinig ni Gerald o makukulong siya!" biro ng isa pang babae. "Anyway, Geral
"Ang isa sa kanila ay kaklase niya siguro noong high school. Bakit?" tanong ni Tyson. "Mukhang kakatapos lang nila mula sa police academy o baka practicing sila sa military," sabi ni Drake habang kumukuha siya ng ilang mga puff ng kanyang sigarilyo. "Kakaiba talaga kayong dalawa... Nakakagulat kung paano niyo nalalaman ang tungkol sa isang tao sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanila. Ang kanyang pangalan ay Maia at nagtapos siya mula sa police academy. Siya ay bahagi na ngayon ng criminal department sa police force at mahusay siya sa kanyang trabaho!" "Aba, sasabihin na lang namin ito dahil kaklase mo siya, Gerald. Ang kaibigan mong ito, kasama ang kanyang mga kasamahan. Baka magkaroon sila ng problema ngayong gabi!" sagot ni Tyson matapos sabihin ang mga bagay na iyon. "... Ha?" Nabigla si Gerald. "Nang sumugod sila palabas kanina, nakita ko ang dalawang taong sumusunod sa kanila. Pareho sa kanila ang may armas na naka-strap sa gilid nila at nagpakita sila ng nakakatako
Ang tatlo ay nagtungo sa ladies room. Habang hinuhugasan ni Maia ang kanyang mga kamay, nakita ng kanyang mga mata sa salamin ang dalawang babae na may mahaba at kulot na buhok na naglalakad papunta sa kanya. Parehong malamig at mahigpit ang kanilang mga mata. Habang patuloy siya sa pagtingin sa kanila sa salamin, naramdaman niya kaagad na parang may mali. "Anong ginagawa niyo?" tanong ni Maia at ng dalawa pang babae nang magkasabay. Matagal bago biglang sumigaw si Tina, “Ha? Hindi ba pareho kayong mga lalake na nakabihis bilang mga babae? Maia, tingnan mo! Meron silang mga Adam's apple sa kanilang lalamunan!" "Heh, ang talino mo naman! Huli na para makatakas ka pa! Nandito kami para patayin ka!" Ngumisi ang dalawang lalaki habang ang bawat isa ay naglabas ng isang pistol na may nakakabit na mga silencer. Parehas silang papunta kay Maia. "Ahh!" Dahil ang dalawang babae ay mga bagong recruit lamang na mga police official, pareho silang natakot sa life and death na eksena
Nang marinig ni Maia ang pangalan ni Drake at Tyson, ang mukha niya ay agad na binalot ng kaba. “Maia, may kakilala ka ba na maaaring magkaroon ng ganoong kapangyarihang makatulong sayo? Nagulat kami nang matanggap namin ang tawag sa 911, pero mukhang may nakakaalam na ang kaganapang ito ay magaganap nang mas maaga. Gumawa sila ng hakbang para iligtas ka!” sabi ng kapitan. “Ha? Sa... sa palagay ko ay wala akong kakilala na tao na may ganoon kapangyarihan... ang nakausap ko lang ay si Gerald…?" Imposible iyon, tama? Bakit naman makikilala ni Gerald ang mga makapangyarihang tao? Kung iisipin ng mabuti, una nang nalaman ni Gerald ang banta na iyon. Sa katunayan, binalaan pa niya si Maia tungkol sa mga ito nang mas maaga! ‘May alam siguro si Gerald!’ Naisip ni Maia sa kanyang sarili. Kasalukuyan ngayon kay Gerald… Habang pinasuko ni Tyson ang dalawang kriminal, si Gerald mismo ay wala sa lugar kung saan sinagip si Maia. Kung tutuusin, ito ay isang maliit na insidente lamang
Habang naglalakad si Gerald sa tabi ni Giya, nagsimulang mag ring ang kanyang cellphone. Ito ay isang tawag mula kay Zack. "Gerald, may isang celebrity banquet ngayong gabi at inaasahan kong dadalo ka. Dahil dadalo ang isang master treasure appraiser mula sa South, pwede mong ipa-appraise sa kanya ang jade pendant kapag nakita mo na siya. Ang ilan pang mga kilalang tao mula sa Mayberry ay dadalo din." Tinutulungan pa rin ni Zack si Gerald na subaybayan si Xavia. Nabanggit na rin ni Zack ang tungkol celebrity banquet noong ilang araw na ang nakakaraan. Ang celebrity banquet ay isang annual event at ang mga kilalang tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay karaniwang dumadalo. Dahil hindi ito maganda sa bahagi ni Gerald kung tumanggi siyang dumalo, pumayag na lamang si Gerald na pumunta. Nang sumapit ang gabi, dumating si Gerald kasama sina Yoel at Aiden sa banquet na sa Mountainview Manor. Tulad ng inaasahan, punong-puno ng tao ang venue. Ang malaking manor ay karaniwang gi
Sa oras na iyon, maraming mga kilalang tao ang nakapansin na ang main seat ay wala pa rin laman at nagulat sila sa mga sinabi ni Wallace. "Anong nangyayari?" "Si Me. Crawford ay malapit nang umupo sa main seat pero hindi siya pinayagan ni Wallace!" "Ano? Paano siya naglakas-loob na gawin iyon? Ang upuang iyon ay palaging pagmamay-ari ni Ms. Crawford sa mga nakaraang taon mula noong siya ay naging CEO. Bilang kanyang nakababatang kapatid, dapat na mamanahin ni Mr. Crawford ang kanyang mga ari-arian. Bakit nagmamayabang si Wallace?" "Humph, sino ang nakakaalam? Si Mr. Crawford ay nahihiya na siguro ngayon!” Habang nagpatuloy ang tsismis ng karamihan, may iba pang pangyayari sa labas. Walong Rolls-Royce Phantoms ang dumating sa entrancs ng manor at kaagad pagkatapos nilang tumigil, higit sa isang dosenang mga bodyguard na nakasuot ng itim na suit ang lumabas sa mga sasakyan bago mabilis na bumuo ng dalawang hilera. Ang grand entrance ay kaagad na nakakuha ng atensyon ng kara
Dalawang buong araw nang hinahanap ni Gerald si Xavia. Sa panahon na iyon, madalas niyang iniisip kung ano na ang nangyari kay Xavia.Bagama’t nagalit si Gerald sa lahat ng sobra-sobra at masasamang bagay na ginawa sa kanya, hindi niya magawang magalit sa kanya ng lubos.Para malabanan iyon, madalas niyang sinasabi sa kanyang sarili na si Xavia ngayon ay hindi na ang dating Xavia na nakilala niya noong freshman at sophomore years niya. Tuluyan na siyang nagbago na animo’y ibang tao na.Sinabi niya din sa kanyang sarili na gamit ang lahat ng kapangyarihan at kayamanan na meron siya ngayon, madali lang para sa kanya na lumaban sa magkapatid. Alam niya na kung gugustuhin niya na turuan ng leksyon si Natasha, isang salita niya lang at siguradong malulumpo si Natasha ng mga sandaling iyon.Naiintindihan ni Gerald na hindi niya na kailangan pa magtimpi o maging mabait pa kay Xavia.Bagama’t ang lahat ng ito, tuwing sinusubukan niya maging masama tungo kay Xavia, hindi niya ito magawa. B