"May idea ka ba kung sino siya?" tanong ng dalaga habang nakatingala, makikita ang purity sa kanyang mukha... Pinag-isipan ito ng mabuti ng lalaking naka-gray, bago siya sumagot ng, “Hindi ko alam.” Kung tutuusin, ginawa lamang niya iyon dahil hindi niya alam kung sino si Gerald. "Ang batang iyon ay nagtataglay ng Herculean Primordial Spirit..." bulong ng babae kasunod ang buntong-hininga. "…Ano? Talaga? Saan mo siya dinala, young mistress? Magsabi ka lang at dadalhin ko agad siya!" sigaw ng matanda, kumikinang ang mga mata niya sa pananabik. "Anong silbi kung dalhin ko siya dito?" sagot ng dalaga. "Young mistress, hinahanap ng master ang isang tao na nagtataglay ng Herculean Primordial Spirit sa loob ng mahigit sampung taon! Ngayong natagpuan na natin siya, hindi natin siya pwedeng hayaan na makatakas! Kailangan niyang gamitin ang primordial spirit para ma-neutralize ang malamig na lason sa katawan mo! Baka tumakas ang lalaking iyon pagkatapos ko siyang takutin kanina! Hin
Pagkatapos ng lahat, hindi lamang niya nadiskubre na may isang isla na katulad ng Yearning Island, pero may nakita rin siyang isang malaking bundok—na makikita lamang sa loob ng isang partikular na range—na napapalibutan ng isang essential qi barrier... Bukod sa lalaking naka-gray, nakita rin niya ang isang misteryosong matandang babae na patuloy na nagbibigay ng payo sa kanya! Kalahating araw pa lang siyang nandito pero nangyari na ang lahat ng ito... Ni hindi niya alam kung bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng ito... Madaling araw na nang tuluyang nakatulog si Gerald... Nagising siya ng tanghali na. Nakakunot ang noo ni Gerald habang binubuhusan niya ng malamig na tubig ang kanyang mukha, balak na niya muli siyang umalis. Pero bago pa man siya makaalis, nakita niyang binuksan ni Aiden ng pinto na may dalang pagkain. “Oh? Gising ka na pala,” sabi ni Aiden habang inilalagay ang pagkain sa isang mesa. "Oo... Buong umaga ka bang nasa labas?" tanong ni Gerald sabay tango habang
Pagkatapos nilang mananghalian, bumalik si Lucian na may dalang mga gamit na binili niya. Tumingin siya sa nakabukas na box ng pagkain at hindi mapigilan ni Lucian ang mapangiti habang sinabing, "Nag-enjoy ba kayo sa inyong tanghalian?" "Ah, nakabalik ka na pala, uncle Grubb! Kukuha ako ng lunch para sayo,” sagot ni Aiden nang makatayo na siya. “Kumain na ako. Tingnan niyo ang magagandang bargain na nakuha ko. Kung binili ko ang mga ito sa ibang lugar, malamang doble ang presyo nito!" sabi ni Lucian sabay wave ng kamay. Nang marinig iyon ni Gerald, curious niyang pinanood si Lucian na binuksan ang mga kahon na ngayon niya lang dinala. Nakita niya na bumili si Lucian ng ilang halamang gamot, pero hindi sigurado si Gerald kung anong uri ng mga halamang gamot ang mga iyon. Napansin ni Lucian ang pagtataka ni Gerald, kaya tinuro niya ang isa sa mga herb bago siya nagpaliwanag, “Ayan ang Polargrass. Ang magandang specimen na ito ay isang five hundred years old wild ginseng…” Pagka
"Ano ‘yon?" tanong ni Aiden habang nakatingin kung saan nakatingin si Gerald, hindi alam kung ano ang hinahanap ni Gerald. “…Wala lang ito. Maglakad-lakad na tayo,” sagot ni Gerald habang umiiling. Hangga’t hindi niya naiintindihan ng buo ang sitwasyon, ayaw talagang sabihin ni Gerald kay Aiden ang lahat ng ito, sa takot na baka guluhin niya ito. Sa ganoong paraan, hindi siya mapipigilan ni Aiden kung kakailanganin niya man ang tulong ng matandang iyon. Nang maglakad sila sa labas, nakita ni Gerald na puno na ng mga nagtitinda ang mga lansangan. Sa dami ng taong naglalakad, aakalain ni Gerald na ito ay isang maingay na street lamang... Sumandal si Aiden kay Gerald, saka siya nagsalita sa walang pakialam na tono, “Alam mo, kahit na napakaraming stalls, umaabot lang ng ilang daang metro ang daan sa harapan natin. Nagtataka ka talaga kung bakit naisipan nilang magsiksikan sa isang lugar…” "Siguro hanggang doon lang sila pinahihintulutan na mag-negosyo," sagot ni Gerald, na alam an
Hindi interesado si Gerald sa mga gamit na iyon. Sa katunayan, wala siyang plano na mag-shopping. Ang priority niya ay imbestigahan pa ang tungkol sa nangyari kagabi. Mabuti na lang at walang nag-uusap tungkol sa kanyang encounter kagabi sa matandang iyon. Naging panatag ang isip niya nang dumating ang matandang babae. Pero naniniwala si Gerald na hindi kasing simple ng inaakala niya ang itsura ng matandang iyon, at malamang malalaman niya ang sikreto ng isla kapag nakausap niya ang matanda. Nang makarating sila sa area kung saan makikita ang mga stall, lumingon si Gerald kay Aiden bago niya sinabi, “Umuwi na tayo.”“Sige… Hindi ito kasing ganado tulad ng inaakala ko…” dismayadong sinabi ni Aiden. “Pinaghalo mo ang mga auction at party… Ngayong pinag-uusapan na natin ang auction, nagtataka ako kung may magagandang gamit doon bukas…” sabi ni Gerald sabat tawa habang tumatalikod siya… ngunit nakaharap niya ang isang binatang naka-gray na nakatingin sa kanya mula sa crowd.Yumuko an
Naramdaman niya ang malamig na bagay sa kanyang leeg, kaya ang lalaki ay tumingin sa ibaba... at napagtanto na mayroong isang dagger sa kanyang lalamunan! "Pwede mo bang sabihin kung bakit mo ako sinusundan?" tanong ni Gerald habang naniningkit ang kanyang mga mata. “Na-nagkakamali ka, brother! Wala akong dahilan para sundan ka!" sagot ng binata sabay lunok habang awkward na nakangiti at nakataas ang dalawang kamay. Nabigla si Gerald nang marinig iyon. Nabigla siya dahil hindi lumaban ang lalaki sa banta niya at hindi rin nag-fluctuate ang kanyang essential qi! Kahit pa hindi niya inaasahan ang ganoong reaksyon, huminga lang ng malalim si Gerald bago sumagot, “...Dahil ba pumasok ako sa isang pinagbabawal na lugar kagabi?” “...Pinagbabawal na lugar?” nalilitong tinanong ng binata. Kung tutuusin, wala siyang kaalam-alam na pumunta si Gerald sa Mount Nimbus kagabi. Ang sinabi lang sa kanya ay si Gerald ay nagtataglay ng Herculean Primordial Spirit at hindi siya pwedeng umalis sa
"Narinig ko ang mga balita na ang isla ay hindi makikita ng ibang tao maliban na lang kung ang auction ay gaganapin dito. Totoo ba yan?" tanong ni Gerald habang nakatingin kay Yaacob. "Hindi ko talaga masagot iyon dahil ito ang unang pagkakataon na narinig ko ito! Kung pinagdududahan mo ako, hindi kami karaniwang pinahihintulutang pumunta sa isla maliban kung kami ay inuutusan na pumunta doon kahit na kami ang nagma-manage ng auction. Pumupunta kami dito sa parehong oras na nakakarating ang ibang tao dito.” Sagot ni Yaacob habang umiiling. Naramdaman ni Gerald na hindi nagsisinungaling si Yaacob, kaya bumuntong-hininga siya habang sumasagot ng, “...Okay. Sabihin mo pala sa akin kung ano ang gusto mong malaman sa lugar na ito…” "Maraming masarap na pagkain dito! Hayaan mong dalhin kita sa mga ito!" sigaw ni Yaacob nang nagniningning sa kanyang mga mata. Hindi talaga alam ni Gerald kung matutuwa ba siya o malulungkot sa narinig niya. Totoo na alam na niyang walang pinaplanong mas
Hindi mukhang suspicious at parang mapapagkatiwalaan si Yaacob kay Gerald, pero ang taong ito ay parte pa rin ng pamilya ng organizer. Maliit lang ang kaalaman ni Gerald tungkol sa pamilya nila, kaya nanatili siyang alerto sa paligid ni Yaacob. Sinundan ni Yaacob si Gerald hanggang sa makarating sila sa kanyang kwarto, habang si Aiden naman ay biglang tumayo – mula sa pagkakaupo niya sa sopa –- at sinabi, “Sino siya?”“Isang kaibigan na nakilala ko kanina. ‘Bro’, hindi ka naman mananatili dito sa amin, tama ba? Tatlong rooms at beds lang ang meron dito,” sabi ni Gerald bago siya lumingon kay Yaacob, ayaw niyang malaman ni Aiden ang buong kwento. “Huwag mo akong alalahanin. Kukuha lang ako ng ibang kwarto!" sabi ni Yaacob habang umiiling, misyon niya na bantayang maigi si Gerald, pero hindi ibig sabihin nito ay nasa tabi niya ito sa lahat ng pagkakataon. Sa sandaling umalis si Yaacob, sa wakas ay nakahinga ng maluwag si Gerald. Nagbuhos ng isang basong tubig bago siya nagtanong,