Naramdaman niya ang malamig na bagay sa kanyang leeg, kaya ang lalaki ay tumingin sa ibaba... at napagtanto na mayroong isang dagger sa kanyang lalamunan! "Pwede mo bang sabihin kung bakit mo ako sinusundan?" tanong ni Gerald habang naniningkit ang kanyang mga mata. “Na-nagkakamali ka, brother! Wala akong dahilan para sundan ka!" sagot ng binata sabay lunok habang awkward na nakangiti at nakataas ang dalawang kamay. Nabigla si Gerald nang marinig iyon. Nabigla siya dahil hindi lumaban ang lalaki sa banta niya at hindi rin nag-fluctuate ang kanyang essential qi! Kahit pa hindi niya inaasahan ang ganoong reaksyon, huminga lang ng malalim si Gerald bago sumagot, “...Dahil ba pumasok ako sa isang pinagbabawal na lugar kagabi?” “...Pinagbabawal na lugar?” nalilitong tinanong ng binata. Kung tutuusin, wala siyang kaalam-alam na pumunta si Gerald sa Mount Nimbus kagabi. Ang sinabi lang sa kanya ay si Gerald ay nagtataglay ng Herculean Primordial Spirit at hindi siya pwedeng umalis sa
"Narinig ko ang mga balita na ang isla ay hindi makikita ng ibang tao maliban na lang kung ang auction ay gaganapin dito. Totoo ba yan?" tanong ni Gerald habang nakatingin kay Yaacob. "Hindi ko talaga masagot iyon dahil ito ang unang pagkakataon na narinig ko ito! Kung pinagdududahan mo ako, hindi kami karaniwang pinahihintulutang pumunta sa isla maliban kung kami ay inuutusan na pumunta doon kahit na kami ang nagma-manage ng auction. Pumupunta kami dito sa parehong oras na nakakarating ang ibang tao dito.” Sagot ni Yaacob habang umiiling. Naramdaman ni Gerald na hindi nagsisinungaling si Yaacob, kaya bumuntong-hininga siya habang sumasagot ng, “...Okay. Sabihin mo pala sa akin kung ano ang gusto mong malaman sa lugar na ito…” "Maraming masarap na pagkain dito! Hayaan mong dalhin kita sa mga ito!" sigaw ni Yaacob nang nagniningning sa kanyang mga mata. Hindi talaga alam ni Gerald kung matutuwa ba siya o malulungkot sa narinig niya. Totoo na alam na niyang walang pinaplanong mas
Hindi mukhang suspicious at parang mapapagkatiwalaan si Yaacob kay Gerald, pero ang taong ito ay parte pa rin ng pamilya ng organizer. Maliit lang ang kaalaman ni Gerald tungkol sa pamilya nila, kaya nanatili siyang alerto sa paligid ni Yaacob. Sinundan ni Yaacob si Gerald hanggang sa makarating sila sa kanyang kwarto, habang si Aiden naman ay biglang tumayo – mula sa pagkakaupo niya sa sopa –- at sinabi, “Sino siya?”“Isang kaibigan na nakilala ko kanina. ‘Bro’, hindi ka naman mananatili dito sa amin, tama ba? Tatlong rooms at beds lang ang meron dito,” sabi ni Gerald bago siya lumingon kay Yaacob, ayaw niyang malaman ni Aiden ang buong kwento. “Huwag mo akong alalahanin. Kukuha lang ako ng ibang kwarto!" sabi ni Yaacob habang umiiling, misyon niya na bantayang maigi si Gerald, pero hindi ibig sabihin nito ay nasa tabi niya ito sa lahat ng pagkakataon. Sa sandaling umalis si Yaacob, sa wakas ay nakahinga ng maluwag si Gerald. Nagbuhos ng isang basong tubig bago siya nagtanong,
Sa kabila ng kanyang katayuan, hindi mukhang mula sa isang head ng majestic family si Walter at mukha siyang isang ama na nag-aalala para sa buhay ng kanyang anak na babae. Nang marinig iyon, yumuko si Third elder bago niya sinabing, “Opo, patriarch. Ang pangalan niya ay Gerald Crawford, at nasa isla pa rin siya. Binabantayan siya ni Yaacob baka sakaling subukan niyang umalis…” "Anong family background niya?" tanong ni Walter. “Mukhang nag-iisa siyang cultivator. Kakaiba dahil wala pa akong nalaman tungkol sa background ng kanyang pamilya," bulong ni Third elder, na mukhang hindi kumbinsido sa kanyang sariling mga resulta. “…Sigurado ka ba talaga? Alam mo namang napakaimposible niyan diba?" sagot ni Walter sabay buntong hininga. "...Ang young mistress ang unang nakaramdam ng kanyang Herculean Primordial Spirit... Kahit ako ay naramdaman ko ito nang sinubukang pumasok ng binata sa Mount Nimbus kagabi, para sa hindi malamang dahilan..." paliwanag ni Third elder habang umiiling.
"Ano pang hinihintay mo, Mia? Hindi ka na tatagal ng isang taon! Kung hindi agad tayo kikilos, baka umalis ang binata na iyon at hindi na natin siya mahanap!" nagmamadaling sinabi ni Walter. Pagkatapos ng lahat, ang buhay ng kanyang anak na babae ay nasa linya! Nang marinig iyon, hindi napigilan ni Mia na mamula ang kanyang mukha habang bumubulong, "...Please, iwan niyo muna ako at ang tatay ko ng saglit..." Tumango si Third Elder at ang iba pa, bago sila umalis... Nang makaalis na sila, isinara ng mahigpit ni Arianne ang kanyang mga kamay habang hawak ang manggas bago niya sinabi, "...Pa, sigurado akong alam mo kung ano ang kailangan kong gawin sa binatang iyon para magamot ang cold poison sa katawan ko..." Huminto ng sandali si Walter bago niya sinabi, “…Alam ko.” “Kaya pwede ko bang kilalanin muna ang taong ito...? Kailangan ko man lang tanggapin ang pagkatao niya bago ko siya payagang pagalingin ang kanyang cold poison, di ba…?” nahihiyang sinabi ni Mia. “… Masyado kang
“Masusunod, pa...” sagot ni Mia habang isinara ang pinto sa likuran niya... Pagdating ng madaling araw, makikita si Gerald na nakahiga sa kanyang kama habang nakadilat ang kanyang mga mata. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi siya nakatulog ng kahit sandali at pinag-isipan niya ang mga pangyayari buong araw, ngunit nabigo siya. Naputol ang train-of-thought ni Gerald nang marinig ang isang katok sa kanyang pinto, na sinundan ang boses ni Aiden na sinasabi, "Nandito yung Yaacob na iyon..." Nang marinig iyon, biglang napabuntong-hininga si Gerald. Ayaw niyang maging alerto sa paligid niya, pero ano pa ba ang magagawa niya? Bumaba si Gerald sa kanyang kama, bago niya itinulak ang kanyang pinto at sumagot, "Papasukin siya..." Pagkatapos hugasan ni Gerald ang kanyang mukha, nakaupo naman si Yaacob sa sala. Mabilis na itinuro ni Yaacob ang ilang pagkain sa mesa, nang makita niya si Gerald, bago niya sinabing, “Maaga akong gumising para kumuha ng pagkain para sa lahat! Subukan mo
Ang auction ay ginanap sa isang malaki at bilog na gusali sa gitna ng isla na medyo kahawig ng isang Roman colosseum, ang gitna nito ay hollow para magkaroon ito ng magandang lighting. Bukod pa diyan, ang auction house ay dalawang palapag; ang itaas na palapag ay isang bilog na platform na may nakaayos na 'kahon' kung saan maaaring maupo ang mga manonood. Ang lahat ng mga kahon ay napapalibutan ng malinaw na tempered glass para makita ng mga manonood ang auction table sa unang palapag. Sa unang palapag, mayroong hindi bababa sa three hundred rows ng wooden benches sa ibaba. Sa harap ng mga bangko, nakatayo ang auction table, at sa likod ng mesa, ay dalawang kahoy na pinto para magkaroon ng access sa backstage. Dinumog na ng mga tao ang gusali bandang eight o’clock ng umaga. Para naman kay Gerald at sa kanyang grupo, may dalang ticket si Yaacob kaya diretso silang umakyat sa kahoy na hagdan—sa tabi ng auction house—bago sila dumiretso sa second floor. Nang makita ng clansman si Ya
"Siya nga iyon," sagot ni Third elder habang sinusuri niya ang mga tao. “…Mapupunta sa kanya ang Herculean Primordial Spirit sa kanyang edad… Gaano kalakas ang kanyang mga guardians o pamilya…? Hindi kaya mula siya sa cultivation sect? Pero noong nagtanong ako sa paligid noon, parang walang nagtataglay ng primordial spirit! Imposible na makukuha ng lalaking iyon ang kanyang kapangyarihan kung hindi siya mula sa isang makapangyarihang sect, kaya wala sa mga ito ang may katuturan!" sigaw ni Walter habang sinusubukang maging cool. "Nagtataka kami kung siya ang nag-iisang cultivator..." pabulong na sinabi ni Third elder. "Nakakatakot ang lalaking ito kung totoo iyon..." sagot ni Walter habang umiiling. Hindi pa nakakarinig si Walter ng isang cultivator na nakakuha ng napakalaking kapangyarihan na hinahabol ng maraming tao. Kung kumalat sa paligid ang balita tungkol sa batang nagmamay-ari ng Herculean Primordial Spirit, masyadong nag-aalala si Walter na baka kailangan niyang ihinto an