“Masusunod, pa...” sagot ni Mia habang isinara ang pinto sa likuran niya... Pagdating ng madaling araw, makikita si Gerald na nakahiga sa kanyang kama habang nakadilat ang kanyang mga mata. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi siya nakatulog ng kahit sandali at pinag-isipan niya ang mga pangyayari buong araw, ngunit nabigo siya. Naputol ang train-of-thought ni Gerald nang marinig ang isang katok sa kanyang pinto, na sinundan ang boses ni Aiden na sinasabi, "Nandito yung Yaacob na iyon..." Nang marinig iyon, biglang napabuntong-hininga si Gerald. Ayaw niyang maging alerto sa paligid niya, pero ano pa ba ang magagawa niya? Bumaba si Gerald sa kanyang kama, bago niya itinulak ang kanyang pinto at sumagot, "Papasukin siya..." Pagkatapos hugasan ni Gerald ang kanyang mukha, nakaupo naman si Yaacob sa sala. Mabilis na itinuro ni Yaacob ang ilang pagkain sa mesa, nang makita niya si Gerald, bago niya sinabing, “Maaga akong gumising para kumuha ng pagkain para sa lahat! Subukan mo
Ang auction ay ginanap sa isang malaki at bilog na gusali sa gitna ng isla na medyo kahawig ng isang Roman colosseum, ang gitna nito ay hollow para magkaroon ito ng magandang lighting. Bukod pa diyan, ang auction house ay dalawang palapag; ang itaas na palapag ay isang bilog na platform na may nakaayos na 'kahon' kung saan maaaring maupo ang mga manonood. Ang lahat ng mga kahon ay napapalibutan ng malinaw na tempered glass para makita ng mga manonood ang auction table sa unang palapag. Sa unang palapag, mayroong hindi bababa sa three hundred rows ng wooden benches sa ibaba. Sa harap ng mga bangko, nakatayo ang auction table, at sa likod ng mesa, ay dalawang kahoy na pinto para magkaroon ng access sa backstage. Dinumog na ng mga tao ang gusali bandang eight o’clock ng umaga. Para naman kay Gerald at sa kanyang grupo, may dalang ticket si Yaacob kaya diretso silang umakyat sa kahoy na hagdan—sa tabi ng auction house—bago sila dumiretso sa second floor. Nang makita ng clansman si Ya
"Siya nga iyon," sagot ni Third elder habang sinusuri niya ang mga tao. “…Mapupunta sa kanya ang Herculean Primordial Spirit sa kanyang edad… Gaano kalakas ang kanyang mga guardians o pamilya…? Hindi kaya mula siya sa cultivation sect? Pero noong nagtanong ako sa paligid noon, parang walang nagtataglay ng primordial spirit! Imposible na makukuha ng lalaking iyon ang kanyang kapangyarihan kung hindi siya mula sa isang makapangyarihang sect, kaya wala sa mga ito ang may katuturan!" sigaw ni Walter habang sinusubukang maging cool. "Nagtataka kami kung siya ang nag-iisang cultivator..." pabulong na sinabi ni Third elder. "Nakakatakot ang lalaking ito kung totoo iyon..." sagot ni Walter habang umiiling. Hindi pa nakakarinig si Walter ng isang cultivator na nakakuha ng napakalaking kapangyarihan na hinahabol ng maraming tao. Kung kumalat sa paligid ang balita tungkol sa batang nagmamay-ari ng Herculean Primordial Spirit, masyadong nag-aalala si Walter na baka kailangan niyang ihinto an
"…Ano? Ang aklat na ito ay naglalaman ng isang cultivator technique. Sinabi mo gusto mong maging cultivator, hindi ba?" sagot ni Gerald habang tumatawa ng malakas. “…Huh? Ang aklat na ito ay naglalaman ng isang technique…?” hindi makapaniwalang sinabi ni Aiden habang nakatingin sa gutay-gutay na libro sa kanyang kamay. Inakala noon ni Aiden na ang aklat na naglalaman ng importanteng impormasyon, ay itatago para panatilihin ang magandang kondisyon nito. Sa madaling salita, kabaligtaran ng kanyang inaasahan ang hawak niyang libro! Kung hindi pa sinabi kay Aiden kung ano ang nilalaman ng libro, aakalain niya na ginagamit lang ito para ipatong ito sa table legs! "Kailangan ko bang ulitin ang sarili ko?" sagot ni Gerald habang iniikot ang kanyang mga mata. "Hindi naman... pero... akala ko kasi ay inaabot mo sa akin ang isang uri ng ancient novel!" sigaw ni Aiden na may halong tawa bago niya maingat na inilagay ang libro sa kanyang bulsa, ayaw niyang aksidenteng masira ang punit-punit
"Ginawa ito ng pamilyang Marshall," paliwanag ni Lucian. "Anong klaseng pamilya sila?" sabay na tinanong nila Gerald at Aiden. "Sila ay isang cultivating family na kilala sa mga tool na kanilang ginagawa. Para sa kaalaman mo, karamihan sa mga armas at magic artifact na ginagamit ng mga cultivators ay gawa ng pamilyang ito. Naaalala ba ng alinman sa inyo ang espadang nakasabit sa gitna ng parlor ko?" sagot ni Lucian habang hinahaplos ang kanyang balbas. "Natatandaan ko," sagot ni Gerald na tumango habang inaalala ang mahabang espada na nakasabit sa dingding ng parlor. Matagal na niyang alam ang tungkol dito, kaya hindi siya nag-abala tungkol sa espada. "Ang longsword na iyon ay ginawa ng pamilyang Marshall, at nakuha ko ito mga sampung taon na ang nakararaan. Ang mismong espada ay ordinaryo lang sa loob ng sambahayan ng Marshall, pero ito lang ang kayang bayaran ng isang pamilyang tulad ng pamilya ko. Sa totoo lang ay nakikita ko ito bilang isang family treasure, kahit na ito ay
Nakita ni Third elder na ngumiti si Walter, at bigla siyang nagtanong, “Na-satisfy ka ba sa kanya, patriarch?” “Medyo, pero hindi pa ako sigurado dahil hindi ko pa siya masyadong kilala. Wala tayong masyadong alam tungkol sa kanyang pamilya o mga guardians. Kung wala namang problema sa mga iyon, wala rin problema sa akin na maging son-in-law siya,” sagot ni Walter sabay tango. Alam ni Walter na kung si Gerald ay may kakayahang gamitin ang Herculean Primordial Spirit sa kanyang kasalukuyang edad, panigurado na siya ay magiging isang big shot sa cultivation realm sa loob ng ten hanggang twenty years. Sa pag-iisip na iyon, hindi niya palalampasin ang kanyang pagkakataon na makakuha ng napakahusay na son-in-law. “Sino ang tinatawag mong son-in-law, pa? Ang awkward naman!" sigaw ni Mia—na tahimik na sumusunod sa kanila mula pa kanina—bago niya hawakan ang braso ng kanyang ama. “Hindi ba siya ang pinakamagandang choice para sayo? Kung makapasa siya sa test ko, panigurado na mapangala
"Kung alam mo ang lahat ng ito, ikaw ba ang young master ng isang malaking pamilya o anupaman?" tanong ni Aiden habang nakaupo sa tabi ni Yaacob. Kahit na hindi niya alam kung sino talaga si Yaacob, alam ni Aiden na walang masamang hangarin ang lalaking ito. "Kung ganyan lang ang posisyon ko, malamang wala na ako dito!" sagot ni Yaacob na pilit na tumawa. Hindi masyadong mataas ang status niya sa pamilya Zeman, dahil isa lamang siyang disciple na inaalagaan ng mabuti ng mga nakatataas... “Nahihirapan akong paniwalaan ‘yan. Kahit na hindi mo nakuha ang VIP ticket na iyon, may mga alam kang impormasyon na hindi alam ni uncle Grubb! Sabihin mo sa amin kung sino ka talaga kung hindi ay palalayasin kita!" babala ni Aiden habang nakahawak sa balikat ni Yaacob. “Te-Teka, isa lang akong regular cultivator! Hindi mo lang alam ang tungkol dito dahil galing ka sa sekular na mundo!" paliwanag ni Yaacob. “…Humph. Logical naman ‘yon,” sagot ni Aiden sabay bitaw sa pagkakahawak kay Yaacob.
Nang makita ni Mia si Third elder, lumapit siya sa kanya bago pilit na ngumiti habang nagtatanong, "Aalis ka, Third elder?" Tumango si Third elder bago siya sumagot, "Opo, young mistress... May inutos sa akin si Master." “Anong pinag-uusapan niyo kanina...? Gusto ko lang malaman ang katotohanan,” sagot ni Mia habang humaharang sa daraanan niya. “Hindi naman ito big deal… Sinabi lang sa akin ni Master na bantayang mabuti si Gerald at siguraduhin na magsisimula sa tamang oras ang auction,” sabi ni Third Elder na biglang napalunok, siniguro niyang maging maingat sa kanyang mga sasabihin. Matapos marinig iyon, biglang namula ang mukha ni Mia. Nawala na ang dating kalmadong itsura ni Mia habang sinasabi niya, "Ano bang maganda sa kanya..." “...Sa tingin ko alam mo na ito, pero malamang balak ni Master na gawing manugang niya si Gerald kung ibibigay niya ang lahat ng inaasahan niya... Kung mangyari man iyon, kahit papaano ay mapangalagaan mo ang iyong reputasyon…” nahihiyang sinab