"Ginawa ito ng pamilyang Marshall," paliwanag ni Lucian. "Anong klaseng pamilya sila?" sabay na tinanong nila Gerald at Aiden. "Sila ay isang cultivating family na kilala sa mga tool na kanilang ginagawa. Para sa kaalaman mo, karamihan sa mga armas at magic artifact na ginagamit ng mga cultivators ay gawa ng pamilyang ito. Naaalala ba ng alinman sa inyo ang espadang nakasabit sa gitna ng parlor ko?" sagot ni Lucian habang hinahaplos ang kanyang balbas. "Natatandaan ko," sagot ni Gerald na tumango habang inaalala ang mahabang espada na nakasabit sa dingding ng parlor. Matagal na niyang alam ang tungkol dito, kaya hindi siya nag-abala tungkol sa espada. "Ang longsword na iyon ay ginawa ng pamilyang Marshall, at nakuha ko ito mga sampung taon na ang nakararaan. Ang mismong espada ay ordinaryo lang sa loob ng sambahayan ng Marshall, pero ito lang ang kayang bayaran ng isang pamilyang tulad ng pamilya ko. Sa totoo lang ay nakikita ko ito bilang isang family treasure, kahit na ito ay
Nakita ni Third elder na ngumiti si Walter, at bigla siyang nagtanong, “Na-satisfy ka ba sa kanya, patriarch?” “Medyo, pero hindi pa ako sigurado dahil hindi ko pa siya masyadong kilala. Wala tayong masyadong alam tungkol sa kanyang pamilya o mga guardians. Kung wala namang problema sa mga iyon, wala rin problema sa akin na maging son-in-law siya,” sagot ni Walter sabay tango. Alam ni Walter na kung si Gerald ay may kakayahang gamitin ang Herculean Primordial Spirit sa kanyang kasalukuyang edad, panigurado na siya ay magiging isang big shot sa cultivation realm sa loob ng ten hanggang twenty years. Sa pag-iisip na iyon, hindi niya palalampasin ang kanyang pagkakataon na makakuha ng napakahusay na son-in-law. “Sino ang tinatawag mong son-in-law, pa? Ang awkward naman!" sigaw ni Mia—na tahimik na sumusunod sa kanila mula pa kanina—bago niya hawakan ang braso ng kanyang ama. “Hindi ba siya ang pinakamagandang choice para sayo? Kung makapasa siya sa test ko, panigurado na mapangala
"Kung alam mo ang lahat ng ito, ikaw ba ang young master ng isang malaking pamilya o anupaman?" tanong ni Aiden habang nakaupo sa tabi ni Yaacob. Kahit na hindi niya alam kung sino talaga si Yaacob, alam ni Aiden na walang masamang hangarin ang lalaking ito. "Kung ganyan lang ang posisyon ko, malamang wala na ako dito!" sagot ni Yaacob na pilit na tumawa. Hindi masyadong mataas ang status niya sa pamilya Zeman, dahil isa lamang siyang disciple na inaalagaan ng mabuti ng mga nakatataas... “Nahihirapan akong paniwalaan ‘yan. Kahit na hindi mo nakuha ang VIP ticket na iyon, may mga alam kang impormasyon na hindi alam ni uncle Grubb! Sabihin mo sa amin kung sino ka talaga kung hindi ay palalayasin kita!" babala ni Aiden habang nakahawak sa balikat ni Yaacob. “Te-Teka, isa lang akong regular cultivator! Hindi mo lang alam ang tungkol dito dahil galing ka sa sekular na mundo!" paliwanag ni Yaacob. “…Humph. Logical naman ‘yon,” sagot ni Aiden sabay bitaw sa pagkakahawak kay Yaacob.
Nang makita ni Mia si Third elder, lumapit siya sa kanya bago pilit na ngumiti habang nagtatanong, "Aalis ka, Third elder?" Tumango si Third elder bago siya sumagot, "Opo, young mistress... May inutos sa akin si Master." “Anong pinag-uusapan niyo kanina...? Gusto ko lang malaman ang katotohanan,” sagot ni Mia habang humaharang sa daraanan niya. “Hindi naman ito big deal… Sinabi lang sa akin ni Master na bantayang mabuti si Gerald at siguraduhin na magsisimula sa tamang oras ang auction,” sabi ni Third Elder na biglang napalunok, siniguro niyang maging maingat sa kanyang mga sasabihin. Matapos marinig iyon, biglang namula ang mukha ni Mia. Nawala na ang dating kalmadong itsura ni Mia habang sinasabi niya, "Ano bang maganda sa kanya..." “...Sa tingin ko alam mo na ito, pero malamang balak ni Master na gawing manugang niya si Gerald kung ibibigay niya ang lahat ng inaasahan niya... Kung mangyari man iyon, kahit papaano ay mapangalagaan mo ang iyong reputasyon…” nahihiyang sinab
“Wala talagang kapayapaan sa Greendrake Island... Ang tanging paraan para masiguro ang iyong kaligtasan dito ay sa pamamagitan ng pagiging malakas. Kapag makapangyarihan ka, walang maglalakas-loob na kalabanin ka…” napabuntong-hininga si Yaacob. Sa katunayan, kanina pa siya tumakbo pagkatapos makatanggap ng agarang understanding mula kay Third elder tungkol sa kasong ito. Sa katunayan, ayaw ni Third elder na mapunta si Gerald sa hindi kinakailangang panganib, kaya nagpadala siya ng maliit na grupo ng pamilyang Zeman cultivator para protektahan ang bata. Totoo na si Gerald ay mayroong Herculean Primordial Spirit sa loob niya, pero karamihan sa mga tao rito ay hindi mga ordinaryong tao, kaya't mayroon pa ring isang patas na pagkakataon na si Gerald na matalo... Si Yaacob ang naatasang bantayan ang kanyang paligid. Sa oras na makaramdam siya ng anumang panganib, sinabihan siya na i-report agad ito para ang pamilyang Zeman ay kumilos upang protektahan si Gerald... Tumango si Lucian b
Ang lahat ay umaasa na makakuha ng mga exciting items sa auction na ito–pagkatapos nilang makita ang beast-shaped cauldron kaninang umaga–, ngunit sa huli ay nadismaya sila dahil kakaunting gamit lamang ang naibenta. Magkakagulo ang mga regular na tao kapag nakita nila ang rare items na ito, pero ang mga attendees ay mula sa malalaking pamilya, kaya ang mga ito ay basura lamang sa kanila. Nang matapos ang auction, nagsimula nang umalis ang lahat at nagsimula nang magdilim ang langit. Makikita ang walang gana na mukha sa mga kalahok matapos manatili doon sa loob ng isang araw, kaya ang lahat ay pagod na pagod at handa na silang magpahinga…Kasama si Gerald at ang kanyang grupo na naglalakad kasabay ng mga crowd. Habang naglalakad sila, biglang sumimangot si Gerald. Naramdaman niya na may sumusunod sa likuran niya. Sa halip na tumalikod, nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Wala siyang binili para maiwasan ang atake ng mga tauhan ng organizer. Nasa tabi niya rin si Yaacob, kaya ano pa
Mahinahong ngumiti si Gerald, nang makita niya ang pamilyar na bundok, bago siya nagtanong, "...Sa tingin mo, matututunan ko ba ang mga sikreto ng bundok na iyon kapag nakilala ko ang senior mo?" “Ah… Hindi ako masyadong sigurado… Mas mabuti kung tanungin mo na lang siya nang personal…” sabi ni Yaacob habang mahinahon siyang nakangiti, makikita na nag-aalala siya na baka aksidente niyang masabi ang isang bagay at magsusulot siya ng mas malaking problema. Ikinaway ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon, sabay buntong-hininga bago niya sinabing, "Okay, sige, hindi na ako magtatanong..." Makalipas ang halos kalahating oras nang naabutan ng dalawa ang isang hilera ng mga bahay. Mukhang kakaiba ang mga bahay na ito, at biglang huminga nang malalim si Gerald nang makita niya ang ilang mga kabataang naka-grey na damit na nagbabantay sa entrance ng bawat tahanan. Malamang nakatira dito ang organizer... at malamang pinapunta nila doon si Gerald nang mag-trespass siya noong nakaraan
Habang pinapanood ni Gerald si Walter na nakaupo sa kabilang dulo—habang si Third elder at Yaacob ay nanatiling tahimik sa likuran niya—, umiling lang siya bago niya sinabing, “Hindi pa. Dinala agad ako ni Yaacob dito pagkatapos ng auction.” "Ano? Bakit hindi mo pinakain muna si Gerald bago mo siya dinala dito?" tanong ni Walter habang nakataas ang kilay habang nakatingin kay Yaacob. “Pa-Pasensya na, kuya Gerald…!” angal ni Yaacob. “…Ihain mo sa amin ang ilang pagkain, at dalhin mo ang isang bote ng masarap na alak! Gusto kong makipag-inuman kay Gerald mamaya!" sabi ni Walter nang ikinaway niya ang kanyang kamay, at mabilis na umalis si Yaacob sa kwarto... Nang mangyari ito, biglang nagtaka si Gerald. Hindi siya sigurado kung ano ang nangyayari kaya sinabi ni Gerald, "...Hindi... hindi mo kailangang gawin iyon… Kung may ginawa man akong masama, sabihin mo lang sa akin kung ano ang ginawa ko at pananagutan ko ang aking mga aksyon..." “Kalimutan mo na lang ang pangyayaring iyon