Ang lahat ay umaasa na makakuha ng mga exciting items sa auction na ito–pagkatapos nilang makita ang beast-shaped cauldron kaninang umaga–, ngunit sa huli ay nadismaya sila dahil kakaunting gamit lamang ang naibenta. Magkakagulo ang mga regular na tao kapag nakita nila ang rare items na ito, pero ang mga attendees ay mula sa malalaking pamilya, kaya ang mga ito ay basura lamang sa kanila. Nang matapos ang auction, nagsimula nang umalis ang lahat at nagsimula nang magdilim ang langit. Makikita ang walang gana na mukha sa mga kalahok matapos manatili doon sa loob ng isang araw, kaya ang lahat ay pagod na pagod at handa na silang magpahinga…Kasama si Gerald at ang kanyang grupo na naglalakad kasabay ng mga crowd. Habang naglalakad sila, biglang sumimangot si Gerald. Naramdaman niya na may sumusunod sa likuran niya. Sa halip na tumalikod, nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Wala siyang binili para maiwasan ang atake ng mga tauhan ng organizer. Nasa tabi niya rin si Yaacob, kaya ano pa
Mahinahong ngumiti si Gerald, nang makita niya ang pamilyar na bundok, bago siya nagtanong, "...Sa tingin mo, matututunan ko ba ang mga sikreto ng bundok na iyon kapag nakilala ko ang senior mo?" “Ah… Hindi ako masyadong sigurado… Mas mabuti kung tanungin mo na lang siya nang personal…” sabi ni Yaacob habang mahinahon siyang nakangiti, makikita na nag-aalala siya na baka aksidente niyang masabi ang isang bagay at magsusulot siya ng mas malaking problema. Ikinaway ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon, sabay buntong-hininga bago niya sinabing, "Okay, sige, hindi na ako magtatanong..." Makalipas ang halos kalahating oras nang naabutan ng dalawa ang isang hilera ng mga bahay. Mukhang kakaiba ang mga bahay na ito, at biglang huminga nang malalim si Gerald nang makita niya ang ilang mga kabataang naka-grey na damit na nagbabantay sa entrance ng bawat tahanan. Malamang nakatira dito ang organizer... at malamang pinapunta nila doon si Gerald nang mag-trespass siya noong nakaraan
Habang pinapanood ni Gerald si Walter na nakaupo sa kabilang dulo—habang si Third elder at Yaacob ay nanatiling tahimik sa likuran niya—, umiling lang siya bago niya sinabing, “Hindi pa. Dinala agad ako ni Yaacob dito pagkatapos ng auction.” "Ano? Bakit hindi mo pinakain muna si Gerald bago mo siya dinala dito?" tanong ni Walter habang nakataas ang kilay habang nakatingin kay Yaacob. “Pa-Pasensya na, kuya Gerald…!” angal ni Yaacob. “…Ihain mo sa amin ang ilang pagkain, at dalhin mo ang isang bote ng masarap na alak! Gusto kong makipag-inuman kay Gerald mamaya!" sabi ni Walter nang ikinaway niya ang kanyang kamay, at mabilis na umalis si Yaacob sa kwarto... Nang mangyari ito, biglang nagtaka si Gerald. Hindi siya sigurado kung ano ang nangyayari kaya sinabi ni Gerald, "...Hindi... hindi mo kailangang gawin iyon… Kung may ginawa man akong masama, sabihin mo lang sa akin kung ano ang ginawa ko at pananagutan ko ang aking mga aksyon..." “Kalimutan mo na lang ang pangyayaring iyon
"Nagkita na tayo noon. Hindi mo ba naaalala?” nakangiting sinabi ni Third elder. “…Ikaw… ang matandang humabol sa akin noon, di ba?” sabi ni Gerald matapos tingnan ng malapitan ang matanda. Hindi niya nakita ng maigi ni Gerald si Third elder noon, ngunit sapat na ang aura at katawan ng senior para malaman ni Gerald kung sino siya. “Oo, ako nga. Aaminin ko na mas mabilis ka sa inaasahan ko,” nakangiting sinabi ni Third Elder. “May isa pa akong senior na dapat pasalamatan. Kung hindi siya pumasok para pigilan ako, paniguradong nahuli na ako... Nagtataka ako kung magkakilala ba kayong dalawa ng matandang babaeng iyon…” sabi ni Gerald habang nakangiting umiling. "…Isang matandang babae?" sagot ni Walter na nakataas ang kanyang kilay. "Baka isa siyang kalahok ng auction," sabi ni Third elder, kahit na alam niya na ang matandang babae na tinutukoy ay ang young mistress ng kanilang pamilya. Alam niya na hindi ito ang pinakamagandang oras para ibunyag ang kanyang pagkatao... Sa ora
Matapos panoorin ng saglit na kumakain si Gerald, ang naglalaway na si Yaacob—na hindi pa kumakain buong hapon—ay hindi napigilan ang kanyang sarili na magsalita, "...U-um… Pwede ba akong-" Napagtanto ni Walter ang pagsisikap ni Yaacob nitong mga nakaraang araw, kaya sinabi niya, "Oo, sumama kang kumain sa amin." “…Ah…! Gusto ko… lang tanungin kung pwede ba akong maghintay sa labas…” sabi ni Yaacob habang nakaturo sa pintuan, hindi pumasok sa isip niya na kumain sa harap ng patriarch at Third elder. Bago sumagot si Walter, hinila ni Gerald si Yaacob sa upuan sa tabi niya bago niya sinabing, “Hindi mo ba nakikita kung gaano karaming pagkain ang nasa mesa? Imposible na kainin ko ang lahat ng ito ng mag-isa! Maupo ka at samahan mo ako!” “…Ano…” nahihiyang sinabi ni Yaacob nang tumingin siya kay Walter. Nang makita ang pagtango ni Walter, napalunok si Yaacob bago siya umupo sa mesa at kumuha ng mga chopstick. Binagaln ni Yaacob ang kanyang pagkain sa pagkakataong ito, paminsan-mi
“…Talagang direkta ang mga tanong mo…” sabi ni Walter, natuwa siya sa mga katanungan ni Gerald. “Umaasa ako na sagutin mo ang mga ito... Importante ang mga ito sa akin,” seryosong sinabi ni Gerald habang nakayuko. "Sige. Ang aking buong pangalan ay Walter Zeman, at ako ang patriarch ng pamilyang ito, pati na rin ang organizer ng auction na ito. Para sa pangalawang tanong mo, mayroon isang force field ng essential qi sa paligid ng isla, tulad ng nasa paligid ng Mount Nimbus. Ang ibig sabihin nito ay makikita lang ang Greendake Island kapag tinanggal ko ang force field,” paliwanag ni Walter, wala siyang problema sa mga katanungan ni Gerald. Kahit hindi niya kailangan ang tulong ni Gerald, sasagutin pa rin niya ang mga katanungang iyon. "…Iyon lang?" tanong ni Gerald habang nakataas ang isang kilay. "Gaano ka-kumplikado ba ang inaasahan mo?" nakangiting sinabi ni Walter. “…Ngayong nasagot na ang mga katanungan ko, sabihin mo sa akin kung ano ang pabor na kailangan mo, Uncle Zema
Halos mabulunan si Gerald sa kanyang tsaa nang marinig iyon, kaya agad siyang umiling bago sinabing, “…Ni-Niloloko mo ba ako, Uncle Zeman…?” "Sa tingin mo ba ay magbibiro ako tungkol sa buhay ng aking anak? Para sa kaalaman mo, wala pang isang taon ang natitira sa anak ko bago maging aktibo ang cold poison. Makakabuti para sa kanya kung maaga siyang gagaling…” sabi ni Walter bago siya bumuntong-hininga. Nang marinig iyon ni Third elder ay nagpatuloy siya, “Alam mo, pagkatapos kitang obserbahan nang ilang panahon, na-realize namin ni patriarch na isa kang mabuting tao. Kapag napagaling mo siya, papayag ako na gawin kang son-in-law ng pamilyang Zeman. Kung payag ka doon, ituturo namin sayo ang lahat ng pinakamahusay na techniques na maibibigay ng cultivation realm. Bibigyan ka rin namin ng isang mahusay na kapaligiran para matulungan ang iyong cultivation na mag-advance!" Sa pagkakataong ito, hindi napigilan ni Gerald na magulat kaya naibuga niya ang kanyang tsaa sa buong mesa at p
Si Third Elder ang nag-alaga kay Mia mula pa noong bata siya. Kahit pa hindi sila magkamag-anak, ang trato niya sa kanya ay parang isang totoong anak. Masasabi na nag-aalala si Third Elder tulad ng kanyang tunay na ama na si Walter.“Kung tumanggi siya, kailangan natin siyang pilitin na tulungan siya. Hindi natin pwedeng hayaan ang poison na manatili pa ng matagal sa kanyang katawan! Hindi ko pwedeng hayaan na mamatay si Mia!” mahigpit na sinab ini Walter nang ihampas niya ang kanyang kamao sa lamesa. “Naiintindihan,” sabi ni Third elder na pareho ng idea na meron si Walter. Kung kailangan nilang i-drug si Gerald, ang kanilang priority ay ang iligtas pa rin ang buhay ni Mia.Samantala kay Gerald, ang kanyang mga kilay ay nakakunot mula nang umalis siya sa dining room. Alam na niya ngayon kung bakit parating nawawala ang isla, pero masyadong nakakagulat ang mga salita ni Walter para mag-focus sa bagay na iyon. Ang tanging paraan para iligtas ang anak ni Walter ay ang makipagtalik si