Nang makaalis si Gerald, bigla namang nagsalita si Lucian, "... Posible na malaman niya ang sikreto ng isla kung nakipag-ugnayan siya sa organizer ng auction, pero ang mga iyon ay hindi madaling makilala!" Gusto talagang tulungan ni Lucian si Gerald hindi lang dahil sasabihin ni Gerald sa kanya ang sikreto sa likod ng Devotion Mirror—sa sandaling nalaman niya ito, ngunit nagkusa rin si Gerald na ibuwis ang kanyang buhay para iligtas si Lindsay! Gayunpaman, hindi niya alam kung paano tumulong, dahil hindi niya alam kung paano makikipag-usap sa organizers para kay Gerald. Kahit isang organizer ay hindi niya pa nakita sa loob ng isang dekada! “Huwag kang masyadong mag-alala tungkol diyan. May mga bagay lang talaga na hindi ka namin matutulungan,” sabi ni Aiden nang makita niya ang pagkataranta ni Lucian. Bumuntong-hininga si Lucian bago siya sumagot, "Alam ko... Gusto ko lang siyang tulungan kahit minsan lang..." Nagi-guilty si Lucian dahil hindi niya matulungan si Gerald, ngunit
Malapit na sana silang kumain, ngunit narinig ang isang malakas na 'kulog', na sinundan ng isang 'kalabog'! Natural na napalingon ang lahat para tingnan ang pinanggalingan ng tunog... at mabilis nilang nakita ang nakabalbas na lalaki—na mukhang nasa thirties—na nakahiga sa sarili niyang dugo! Nanlaki ang mga mata niya sa takot, makikitang nagpupumiglas ang lalaki ng saglit, pilit niyang sinusubukang humingi ng tulong. Kahit na nanghihina na ang kanyang katawan, mukhang walang may pakialam sa kanila. Nagpatuloy lang sila sa pagkain na para bang isang daga lamang ang namatay... Inilapit ni Lucian ang bowl ng soup sa kanyang bibig, ngunit halatang nawalan na siya ng gana. Ibinaba muli ni Lucian ang bowl bago niya sinabing, “Iyon ang magandang halimbawa ng sinabi ko kanina. Siguro sinaktan ng kawawang lalaking iyon ang isang tao at hinintay ng taong iyon ang pagkakataon na ito para patayin siya…” “Posible. Ito ang pinakamagandang lugar para pumatay ng tao…” sagot ni Gerald na parang wa
Nabigla si Gerald dahil ang mga mata ng matanda ay kumikinang na parang ito ay mga mata ng mas batang babae…“Ang mga tao na hindi nakikinig sa advice at madalas na may nangyayaring masama sa kanila…” sabi ng matanda nang tumingin siya sa gilid.“Salamat sa concern mo pero aalis na ako,” sabi ni Gerald nang yumuko siya sa harap ng babae, bago siya nagmadaling umalis… Nang mawala si Gerald, dahan-dahang dineretso ni Gerald ang kanyang likuran… at lumalabas na hindi pala siya hunch-backed! Umiling siya at nagsalita siya gamit ang mas malinaw na boses, “Iyon pala ang Herculean Primordial Spirit na sinasabi ng tatay ko… Hindi ko inasahan na mapupunta ito sa katawan ng isang batang lalaki! Magiging delikado ito kung mula siya sa isang makapangyarihang background…”Walang alam si Gerald sa lahat ng ito, at patuloy niyang inisip na sinabi lang iyong ng matanda dahil sinusubukan niyang maging mabait. Sa kabila ng kanyang babala at sa katotohanan na maraming malalakas na tao sa islang ito,
Gamit ang liwanag ng buwan para gabayan siya sa paligid, hindi nagtagal ay narating ni Gerald ang isang napakalaking bundok na nakatayo mga isang kilometro ang layo mula sa kanya. Naguluhan siya nang makita ito. Kung tutuusin, dapat nakita na niya ang bundok na ito sa sandaling makarating sila sa isla! Ngayon lamang lumitaw ang bundok na ito sa harapan ng kanyang mga mata. Naisip niya na may isang sikreto na matatagpuan sa bundok—na posibleng may kaugnayan sa mga secret island—, kaya excited na nagsimulang tumakbo si Gerald patungo sa lugar. “Pambihira talaga…” bulong ni Gerald habang iniisip kung pwede ba niyang laktawan ang paghahanap sa isla—na nilipatan ng tribong Seadom—at sa wakas ay makakarating na siya sa Yearning Island… Makalipas ang halos limang minuto nang huminto si Gerald sa paanan ng bundok. Tumingin siya sa taas, bago huminga ng malalim si Gerald at naglakad pasulong... ngunit ang kanyang mukha ay tumama sa isang bagay! “…Ano iyon…?” nakasimangot na sinabi ni Gera
Pinanood ng matanda na hinila palayo si Gerald, at agad siyang tumigil sa kanyang kinatatayuan. Sigurado siya na ang nagligtas sa intruder ay isang matandang babae, parang pamilyar ang kanyang aura... “…Siya kaya ang young mistress…?” bulong ng matanda sa kanyang sarili. Habang nagtataka siya sa babaeng iyon, maya-maya ay nagpasya ang lalaki na tumalikod at binawi ang kanyang essential qi sa buong proseso. Iniisip niya na kontakin muna ang pamilya ng young mistress para kumpirmahin kung siya nga ba iyon. Kung hindi, ipagpatuloy na lang niya pag-hunt kay Gerald. Kahit na hindi niya nakita nang mabuti ang mukha ni Gerald, wala pa rin nakakaligtas sa kanyang mga hawak! Samantala naman kay Gerald, hindi nagtagal ay nakabalik na siya sa tinutuluyan niyang building. Pagpasok niya, mabilis niyang inayos ang kanyang damit bago pinagdikit ang palad at kamao habang magalang na sinasabi, “Salamat sa pagligtas sa akin, senior!" Kung hindi pumasok ang taong iyon sa huling sandali, alam ni G
"May idea ka ba kung sino siya?" tanong ng dalaga habang nakatingala, makikita ang purity sa kanyang mukha... Pinag-isipan ito ng mabuti ng lalaking naka-gray, bago siya sumagot ng, “Hindi ko alam.” Kung tutuusin, ginawa lamang niya iyon dahil hindi niya alam kung sino si Gerald. "Ang batang iyon ay nagtataglay ng Herculean Primordial Spirit..." bulong ng babae kasunod ang buntong-hininga. "…Ano? Talaga? Saan mo siya dinala, young mistress? Magsabi ka lang at dadalhin ko agad siya!" sigaw ng matanda, kumikinang ang mga mata niya sa pananabik. "Anong silbi kung dalhin ko siya dito?" sagot ng dalaga. "Young mistress, hinahanap ng master ang isang tao na nagtataglay ng Herculean Primordial Spirit sa loob ng mahigit sampung taon! Ngayong natagpuan na natin siya, hindi natin siya pwedeng hayaan na makatakas! Kailangan niyang gamitin ang primordial spirit para ma-neutralize ang malamig na lason sa katawan mo! Baka tumakas ang lalaking iyon pagkatapos ko siyang takutin kanina! Hin
Pagkatapos ng lahat, hindi lamang niya nadiskubre na may isang isla na katulad ng Yearning Island, pero may nakita rin siyang isang malaking bundok—na makikita lamang sa loob ng isang partikular na range—na napapalibutan ng isang essential qi barrier... Bukod sa lalaking naka-gray, nakita rin niya ang isang misteryosong matandang babae na patuloy na nagbibigay ng payo sa kanya! Kalahating araw pa lang siyang nandito pero nangyari na ang lahat ng ito... Ni hindi niya alam kung bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng ito... Madaling araw na nang tuluyang nakatulog si Gerald... Nagising siya ng tanghali na. Nakakunot ang noo ni Gerald habang binubuhusan niya ng malamig na tubig ang kanyang mukha, balak na niya muli siyang umalis. Pero bago pa man siya makaalis, nakita niyang binuksan ni Aiden ng pinto na may dalang pagkain. “Oh? Gising ka na pala,” sabi ni Aiden habang inilalagay ang pagkain sa isang mesa. "Oo... Buong umaga ka bang nasa labas?" tanong ni Gerald sabay tango habang
Pagkatapos nilang mananghalian, bumalik si Lucian na may dalang mga gamit na binili niya. Tumingin siya sa nakabukas na box ng pagkain at hindi mapigilan ni Lucian ang mapangiti habang sinabing, "Nag-enjoy ba kayo sa inyong tanghalian?" "Ah, nakabalik ka na pala, uncle Grubb! Kukuha ako ng lunch para sayo,” sagot ni Aiden nang makatayo na siya. “Kumain na ako. Tingnan niyo ang magagandang bargain na nakuha ko. Kung binili ko ang mga ito sa ibang lugar, malamang doble ang presyo nito!" sabi ni Lucian sabay wave ng kamay. Nang marinig iyon ni Gerald, curious niyang pinanood si Lucian na binuksan ang mga kahon na ngayon niya lang dinala. Nakita niya na bumili si Lucian ng ilang halamang gamot, pero hindi sigurado si Gerald kung anong uri ng mga halamang gamot ang mga iyon. Napansin ni Lucian ang pagtataka ni Gerald, kaya tinuro niya ang isa sa mga herb bago siya nagpaliwanag, “Ayan ang Polargrass. Ang magandang specimen na ito ay isang five hundred years old wild ginseng…” Pagka