"Hindi ko alam kung bakit..." sabi ng leader habang umiiling. "Ito ay dahil mas matalino ka kaysa sa iba, at plano kong i-train ka kapag naging mahusay ka. Huwag palampasin ang pagkakataong ito,” mapanuyang sinabi ni Maddox. “S-salamat, deputy captain…! Hindi kita pababayaan!" sabi ng leader na may malawak na ngiti sa kanyang mukha, habang mabilis niyang sinimulan ang pagmamasahe sa mga balikat ni Maddox... Samantala, binabantayan pa rin nina Gerald at Aiden ang mga kasalukuyang pangyayari mula sa kagubatan. Siniguro ni Gerald na lumayo sa kanila dahil hindi siya sigurado kung nag-install sila ng anumang surveillance camera sa malapit na lugar. Pagkatapos niyang suriin ang kanyang paligid sa loob ng ilang sandali, si Aiden ay naudyukan na sabihin, "...May isang bahay doon sa tingin ko..." Nakita lang ni Aiden ang outline ng isang gusali, at iyon ang dahilan kung bakit hindi siya sigurado sa kanyang pahayag. Nang marinig iyon, sumagot sa kanya si Gerald na kanina pa nakaupo do
“…Sige…” sabi ni Aiden na parang wala siyang magawa. May pakiramdam siya na tiyak na nandoon si Lindsay, pero dahil pinagbawalan siya ni Gerald na pumasok, wala siyang magagawa tungkol dito... Pagsakay nila sa kotse, sinimulan muli ni Gerald na sumunod sa mga military cars. Makalipas ang ilang sandali ng pagmamaneho ay sinabi niya, “Tulad ng sinabi ko, malamang may mga bitag silang nakabaon sa paligid ng lugar. Malamang may mga taong nagbabantay pa sa paligid, kaya mas gugustuhin kong hindi mahuli habang sinusubukan nating iligtas siya. Kung mabibigo tayo at mapapansin nila ito, lalo lang magiging mahirap ang pagligtas sa kanya.” Maya-maya pa ay naabutan nilang muli ang mga military cars, at agad namang binagalan ni Gerald ang kotse upang mapanatili ang isang ligtas na distansya mula sa kanila. Sa puntong iyon, pinakalma na ni Aiden ang kanyang sarili at dahil dito ay sinabi niya, "...Kahit papaano ay alam na natin ngayon na malamang ay nandoon si Lindsay..." "Base sa kakaibang k
“...Sige, isasama kita. Kailangan mong malaman na nag-imbita rin si Maddox ng mga tao mula sa iba pang mga pamilya at kumpanya. Kaya kung pahirapan man niya tayo, hindi natin siya basta-basta makakalaban doon…” nag-aalalang sinabi ni Lucian. Tumawa ng malakas si Gerald, bago siya sumagot, “Huwag kang mag-alala, alam ko ‘yan!” "Masaya akong marinig iyan. Isantabi muna natin ito, anong nangyari kanina? Nahanap mo ba kung saan nakakulong si Lindsay?" tanong ni Lucian, natutuwang marinig na hindi planong maging impulsive ni Gerald. Kasunod nito ay sinimulan ni Gerald na idetalye ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang oras. A;am ni Lucian na hindi si Gerald ang tipo ng tao na gagawa ng impulsive na aksyon, kaya sinabi niya, “Malamang nakakulong si Lindsay doon. Pero talagang natutuwa ako na hindi ka basta-bastang sumugod. Marami akong narinig na masamang balita tungkol sa malupit na lalaking iyon, at sigurado akong na-trigger mo ang isa sa kanyang mga trao kung sinubukan mo siya
Pagkatapos bumalik sa kanyang kwarto, sinimulang isipin ni Gerald ang lahat ng nangyari ngayong gabi... Samantala kay Maddox, makikita siya sa loob ng isang high-end villa malapit sa military base, at nakaupo siya sa harap ng ilan sa kanyang mga confidants na may hawak na isang baso ng red wine. Pagkatapos lunukin ito, sinenyasan siyang sabihin, “Sige, kapag nakabalik na kayo, gusto kong sabihin ninyong lahat sa inyong mga tauhan na magbihis nang maayos bukas, naiintindihan niyo ba iyon?” "Alam namin. Huwag kang mag-alala, nakahanda na ng mabuti ang lahat ng dapat ihanda. Paniguradong magiging perfect ang lahat bukas,” sagot ng isa sa mga confidant pagkatapos tumingin sa iba. “Sigurado ka ba na pupunta si Gerald bukas, deputy captain?” tanong ng isang kalbong confidant. “Bakit hindi naman siya pupunta?” sagot ni Maddox habang nagsasalin ng isa pang baso ng alak. "Mula nang makarating siya sa Yanam, nawala na ang lahat ng balita tungkol sa kanya..." nag-aalalang sinabi ng kalb
Hindi nagtagal ay sumapit ang gabi, at naglinis si Gerald bago nagpalit ng magandang set ng mga damit. Kahit pa si Maddox ang nag-organize ng event, ito ay isang party pa rin kaya kailangan niyang ayusin ang kanyang pananamit. Naging maging handa na si Lucian, pwede na silang umalis sa asyenda para dumiretso sa villa ni Maddox kung saan gaganapin ang party. Ang villa ay dalawang kalye lamang ang layo mula sa military base, kaya makikita ang mga sundalo na nagpapatrolya buong araw sa lugar na iyon. Bukod kay Maddox, ang high-end neighborhood ng villa na ito ay kung saan nananatili ang karamihan sa mga military leaders—kabilang si Carter. Ang bawat isa sa mga villa ay itinayo nang magkahiwalay, na may hiwalay na daanan at maliliit na garden… Nang makapasok ang grupo sa kotse, sa halip na sabihin ni Lucian sa driver na paandarin ang sasakyan— tumingin muna siya kay Gerald bago siya nagtanong, “Sa tingin mo ba dapat lang tayo magsama ng mga tauhan? Kung sinusubukan talaga ni Maddox n
Samantala naman kay Gerald, makikita silang dalawa ni Lucian na naglalakad papasok sa villa, naiwan ang kanilang driver sa kotse… Nang makita ng mga panauhin si Lucian, lahat ng tao sa villa ay agad pinagsama ang kanilang mga kamay para batiin siya, “Mr. Grubb!” Kahit pa hindi mahusay ang mga ari-arian ng pamilyang Grubb sa bansang ito, sila pa rin ay isang cultivating family, kaya karapat-dapat silang igalang... Kasunod nito ay ngumiti lang si Lucian habang sumasagot, “Magandang gabi sa inyong lahat.” “Sino ang lalaking iyon, Mr. Grubb? At nasaan si Frey?" tanong ng isa sa mga tao sa crowd, na nag-udyok sa lahat na tumingin kay Gerald. Nagtaka sila dahil dala parati ni Lucian si Frey sa mga ganitong kaganapan. Kahit ang kanyang mga biological na anak ay hindi binigyan ng ganoong karapatan... Pinigilan ni Lucian ang kanyang galit nang banggitin ang pangalan ng kanyang anak, at agad niyang pinakalma ang kanyang sarili habang sinasabi, “Siya si Gerald Crawford, at siya ang import
Nang mangyari iyon, ang mga sniper—na nakahiga para simulan ang ambush—ay agad na sumugod patungo sa labas ng banquet hall, at mabilis nilang pinalibutan ang lugar habang naghihintay sa utos ni Maddox mula sa labas... Samantala, sa loob ng banquet hall, tumahimik ng sandali si Maddox bago niya sinabing, “Salamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi! May mga nagsabi na hindi pwedeng maging kasangkot ang military economy ng ating bansa, iba naman ang pananaw ko tungkol dito! Interesado talaga kaming malaman kung paano kayo uunlad! Dahil dito, simulan nating pag-usapan ang mga hakbang sa pagpapabuti ng ekonomiya ng Yanam!" Habang sinasabi niya ang lahat ng iyon, siniguro ni Maddox na hindi tumingin kay Gerald sa takot na mabunyag ang tunay niyang intensyon. Hawak na niya sa wakas ang mokong na ito...! Sa kasamaang palad para kay Maddox, nakita agad ni Gerald ang kanyang plano. Sa oras na ito ay lumingon si Maddox at tiningnan si Lucian—siniguro niyang sumulyap siya kay Gerald sa oras na
“Tama na ang pag-uusap! Pwede mong kontakin ang aking secretary pagdating ng oras, pero sa ngayon, kumain muna tayo! Hindi niyo kailangang pigilan ang inyong sarili dahil lang ako ang deputy captain!" sabi ni Maddox na ikinaway ang kanyang kamay, kasunod nito ay inihain ng mga katulong ang mga pagkain at inumin... "Hindi ito magiging ganun kasimple... Kung totoo ang mga sinasabi niya, ang Maddox na nasa harapan natin ay isang peke...!" malumanay na sinabi ni Lucian. Tingnan natin kung paano ito mangyayari. Pero sa tingin ko ay wala siyang lakas ng loob na magsinungaling sa harapan ng maraming tao,” sagot ni Gerald habang sinisimulan niyang kumain. "Hindi ka ba nag-aalala na susubukan ka niyang lasunin...?" nag-aalalang sinabi ni Lucian. "Kahit na gawin niya ito, hindi makakaapekto sa akin ang lason. Huwag mong kalimutan na hindi ako isang normal na tao,” nakangiting sinabi ni Gerald. "…Tama ka. Sa tingin ko ay kakain na rin ako!" sabi ni Lucian na hindi iyon naisip kanina. An