Nang mangyari iyon, ang mga sniper—na nakahiga para simulan ang ambush—ay agad na sumugod patungo sa labas ng banquet hall, at mabilis nilang pinalibutan ang lugar habang naghihintay sa utos ni Maddox mula sa labas... Samantala, sa loob ng banquet hall, tumahimik ng sandali si Maddox bago niya sinabing, “Salamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi! May mga nagsabi na hindi pwedeng maging kasangkot ang military economy ng ating bansa, iba naman ang pananaw ko tungkol dito! Interesado talaga kaming malaman kung paano kayo uunlad! Dahil dito, simulan nating pag-usapan ang mga hakbang sa pagpapabuti ng ekonomiya ng Yanam!" Habang sinasabi niya ang lahat ng iyon, siniguro ni Maddox na hindi tumingin kay Gerald sa takot na mabunyag ang tunay niyang intensyon. Hawak na niya sa wakas ang mokong na ito...! Sa kasamaang palad para kay Maddox, nakita agad ni Gerald ang kanyang plano. Sa oras na ito ay lumingon si Maddox at tiningnan si Lucian—siniguro niyang sumulyap siya kay Gerald sa oras na
“Tama na ang pag-uusap! Pwede mong kontakin ang aking secretary pagdating ng oras, pero sa ngayon, kumain muna tayo! Hindi niyo kailangang pigilan ang inyong sarili dahil lang ako ang deputy captain!" sabi ni Maddox na ikinaway ang kanyang kamay, kasunod nito ay inihain ng mga katulong ang mga pagkain at inumin... "Hindi ito magiging ganun kasimple... Kung totoo ang mga sinasabi niya, ang Maddox na nasa harapan natin ay isang peke...!" malumanay na sinabi ni Lucian. Tingnan natin kung paano ito mangyayari. Pero sa tingin ko ay wala siyang lakas ng loob na magsinungaling sa harapan ng maraming tao,” sagot ni Gerald habang sinisimulan niyang kumain. "Hindi ka ba nag-aalala na susubukan ka niyang lasunin...?" nag-aalalang sinabi ni Lucian. "Kahit na gawin niya ito, hindi makakaapekto sa akin ang lason. Huwag mong kalimutan na hindi ako isang normal na tao,” nakangiting sinabi ni Gerald. "…Tama ka. Sa tingin ko ay kakain na rin ako!" sabi ni Lucian na hindi iyon naisip kanina. An
Biglang nagsimulang manginig ni Lucian, ngunit simple lamang ang naging sagot ni Gerald, "Bakit hindi? Malay mo ay kunin ko ang pagkakataon na ito para malaman ang higit pa tungkol sa Yanam! Nang marinig iyon ni Lucian ay bigla siyang bumulong, "Bakit mo ipinangako iyon sa kanya...?!" “Huwag kang mag-alala tungkol dito. Makikisama lang ako kung gusto niyang makipaglaro,” sagot ni Gerald habang nakangiti. “Pero… kailangan kong ipaalala sayo na medyo malapit pa rin tayo sa military base, kaya huwag kang gumawa ng mga bagay na hindi kinakailangang gawin sa kanya. Tandaan mo na hawak niya si Lindsay, kaya kung papatayin mo siya, baka hindi na natin siya makuha!" sabi ni Lucian, alam niyang hindi madaling pigilan si Gerald. “Copy that,” sagot ni Gerald bago siya tumango. "Mabuti naman... gagawin ko ang aking makakaya para lumayo sayo," sagot ni Lucian habang ipinagpatuloy niyang kumain, ayaw niyang masyadong maghinala sa kanya si Maddox. Maya-maya pa ay natapos naubos na ni Gera
“Umuwi ka muna. Uutusan ko ang isang tao na ihatid siya pauwi mamaya,” sagot ni Maddox sabay kaway ng kamay. Kahit na nag-aalala si Lucian, ang nagawa na lamang niya ay tumango habang dahan-dahang umalis sa lugar na ito. Nang makalabas siya, naalala niya ang sinabi ni Jobson tungkol sa lakas na meron si Gerald. Kung si Gerald ay sapat na malakas para pabagsakin ang tatlong mga elders ng malalaking pamilya sa Yanam, ang ibig sabihin lang nito ay walang kwenta sa kanya si Maddox. Dahil dito, gumaan ang loob ni Lucian... Nang makaalis na si Lucian, nagsindi si Maddox ng sigarilyo bago siya umubo at sinabi, “Alam mo ba kung bakit kita pinaiwan?”“Hmm? Hindi ko talaga alam,” walang pakialam na sinab ini Gerald habang sinisindihan niya ang kanyang sigarilyo, bago siya lumingon para tingnan si Maddox. “Alam ng lahat na tayong dalawa lang ang natira dito, at alam rin nila na ikaw ang bisita ni Lucian. Dahil dito, kung may mangyari man sa akin, ang pamilyang Grubb ang pahihirapan sa gaga
“Hindi ba parang masyado kang overprepared?” sabi ni Gerald bago siya tumawa.“Hindi mo ako masisisi. Marami akong mga prestigious guest dito kanina. Kailangan kong siguraduhin na ligtas sila. Tumabi muna kayo at hayaan siyang makaalis,” sabi ni Maddox.“Roger!” sabi ng mga sniper bago sila gumawa ng daan para kay Gerald. Umiling lamang si Gerald, bago siya umalis sa villa habang pinapanood siyang umalis ng mga tao…Ilang sandali pa, lumapit ang confidant ni maddoc bago niya sinabi, “...Um… Deputy captain…? Ito na ang pinakamagandang pagkakataon para patayin siya…! Bakit mo siya hinayaang umalis ng napakadali…?”Hinampas ni Maddox ang likod ng confidant, bago siya nagreklamo, “Kailangan ko bang i-detalye ang lahat sayo? Kailangan lang nating malaman ngayon kung saan tumutuloy si Gerald! Ayokong ipagpatuloy niya na wala siya sa ating radar! Maliban doon, kapag pinatay natin siya ngayon, hindi lang ang pamilyang Grubb ang makikipaglaban sa atin, kasama na rin sa magiging kalaban na
"Sinabi niya na mahuhulog ako sa mga kamay niya sa loob ng susunod na mga araw, kaya ano pa ba ang sinusubukan niyang sabihin?" sagot ni Gerald, natatawa siya sa confidence na pinapamalas ni Maddox. “Iyon na ang kumpirmasyon nito. Ang lahat ng mga bagay na nalaman mo noong gabing iyon ay sinasabi na siya ang salarin. Ano na ang susunod nating hakbang? Huwag kang magpadalos-dalus lalo na’t napakaingat ng planong ginawa niya…” nag-aalalang sinabi ni Lucian. "Hihintayin ko na lang siyang sabihin sa lahat ang balita," sagot ni Gerald habang nakatingin sa labas ng bintana... Malapit nang maghatinggabi nang sa wakas ay nakabalik na sila sa mansyon. Pagkababa nila ng kotse, mabilis na lumabas si Aiden bago siya sumigaw, "Gerald!" Ang butler, na may dalang dalawang payong, ay mabilis na tumakbo sa labas bago niya sinabi, “ “Master!” Nang makatayo si Aiden sa harap ni Gerald ay sinabi niya, “Bakit hindi mo sinabi sa akin na umalis ka? Pwede akong sumunod para protektahan ka!" "Salam
“Ano pa ba ang magagawa natin? Naghihintay lang tayo na dumating ang balita! Sa tingin mo ba napakadaling i-expose si Maddox? Tingin mo ba ay isa siyang tanga?" sagot ni Gerald habang ginugulo ang buhok ni Aiden. Tinanggal niya ang kamay ni Gerald, at sinabi ni Aiden, "...Ang ibig sabihin ba nito ay... wala na talaga tayong magagawa...?" “Oo. Kahit papaano ay kumpirmado na nating kasama na ni Maddox si Lindsay ngayon, kaya ang magagawa na lang natin ngayon ay maghintay para sa kanyang balita. Hindi na ito magtatagal dahil gustong-gusto na niya akong patayin,” natatawang sinabi ni Gerald habang umiinom ng tubig. "...Ihanda na natin ang sarili natin," sabi ni Aiden na nakahinga ng maluwag. “Hindi natin kailangang maghanda. Hindi ka tutulong laban sa kanya,” sagot ni Gerald. “…Huh? Bakit mo sinabi ‘yan?” nagtatakang tinanong ni Aiden. “Aiden, iisa lang ang army dagger mo. Si Maddox ay may twenty snipers at hindi bababa sa one hundred soldiers sa ilalim ng kanyang utos kanina.
"Malakas ang ulan ngayon, kaya masasabi ko na ito ang pinakamagandang panahon para umalis ka sa isla ngayon. Kung hindi, baka magkaroon ng delay at ayaw mo naman ma-miss ang unang araw ng auction, hindi ba?" sabi ng butler. Nang marinig iyon, lumingon si Lucian kay Gerald bago siya nagtanong, "Okay lang ba na umalis tayo ngayon?" “Walang problema sa akin,” sagot ni Gerald sabay kibit-balikat. Tumango si Lucian nang bigla niyang maalala ang kahilingan ni Gerald. Dahil dito ay lumingon siya para tingnan muli ang kanyang butler bago niya sinabing, "Gamitin ang mga koneksyon ng aming pamilya para makakuha ng ilang baril. Mas mabuti kung mas marami ang makuha mo.” “…Mahirap iyan, pero susubukan ko ang aking makakaya,” sagot ng butler na may problemadong emosyon sa kanyang mukha. "Wala akong pakialam kahit na gumastos ka ng malaking pera para makakuha ng mga smuggled na baril. Kailangan ito sa rescue mission,” sabi ni Lucian. Dahil dito ay walang magawa ang butler kundi sumang-ay