"Malakas ang ulan ngayon, kaya masasabi ko na ito ang pinakamagandang panahon para umalis ka sa isla ngayon. Kung hindi, baka magkaroon ng delay at ayaw mo naman ma-miss ang unang araw ng auction, hindi ba?" sabi ng butler. Nang marinig iyon, lumingon si Lucian kay Gerald bago siya nagtanong, "Okay lang ba na umalis tayo ngayon?" “Walang problema sa akin,” sagot ni Gerald sabay kibit-balikat. Tumango si Lucian nang bigla niyang maalala ang kahilingan ni Gerald. Dahil dito ay lumingon siya para tingnan muli ang kanyang butler bago niya sinabing, "Gamitin ang mga koneksyon ng aming pamilya para makakuha ng ilang baril. Mas mabuti kung mas marami ang makuha mo.” “…Mahirap iyan, pero susubukan ko ang aking makakaya,” sagot ng butler na may problemadong emosyon sa kanyang mukha. "Wala akong pakialam kahit na gumastos ka ng malaking pera para makakuha ng mga smuggled na baril. Kailangan ito sa rescue mission,” sabi ni Lucian. Dahil dito ay walang magawa ang butler kundi sumang-ay
"Mabuti naman," sabi ni Gerald. "May bibilhin ka ba?" curious na tinanong ni Lucian. “Wala naman, pero kung may nakita akong maganda, baka maisipan kong bilhin ito,” sagot ni Gerald habang umiiling. Hindi siya isang malaking fan ng mga auction, pero naramdaman niya na may item na makukuha ang kanyang atensyon dahil ginaganap ito isang beses kada limang taon. Kapag may nakita siyang isang magandang bagay, paniguiradong magbi-bid siya dito. Kung tutuusin, ano bang halaga ng pera kay Gerald? “…Well, okay, pero gusto ko lang sabihin na ang auction na ito ay hindi tulad ng anumang auction na makikita sa Weston. Kapag nasa isla na tayo, kahit ang mga random na item sa street stall ay maaaring nagkakahalaga ng milyun-milyong dolyar! Kailangan mong gumastos ng milyon para makabili ng isang gamit…” paliwanag ni Lucian, umaasa siya na ang kanyang mga babala ay makatutulong kay Gerald na maiwasan ang pagkadismaya sa kanyang kawalan ng purchasing power mamaya... “Naiintindihan ko,” sagot n
Makalipas ang kalahating oras nang dumaong ang bangka sa pampang sa harap ng ilang lalaking nakasuot ng mahabang damit. Pagbaba nila, ipinakita agad ni Lucian ang kanilang mga tiket bago niya sinabing, "Kaming tatlo ay mula sa pamilyang Grubb sa Yanam." "Sundan niyo ako," sagot ng isa sa mga lalaki pagkatapos tingnan ng sandali ang tatlo. Tumango si Lucian saka niya itinago ang kanilang mga tiket bago niya sinenyasan sina Gerald at Aiden na manatiling malapit habang sinasabi niya, “Sige, kain muna tayo bago magpahinga. Malapit nang dumilim ang langit, kaya malamang mabubuhay na ang mga kalye." Kahit na maliit ang isla, agad na napagtanto ni Gerald na malamang na mas malaki pa ito kaysa sa Gong Island. Hindi modern ang itsura nito dahil ang isla ay parang isang sinaunang bayan ng Weston. Naramdaman tuloy ni Gerald na parang bumalik siya ilang daang taon sa past... Biglang naging curious si Gerald sa isla kaya naudyukan siyang magtanong, "Totoo bang nakatira ang mga tao sa islang
Pagkatapos tumingin-tingin sa paligid para masigurong walang nakikinig, biglang bumulong si Gerald, “Sasabihin ko ito sayo sa ibang pagkakataon. Mayroong pang mahahalagang isyu na nasa kamay natin ngayon." “…Hmm? Tulad ng ano? Sabihin mo ito sa akin, baka makatulong ako!" sagot ni Lucian. “Pag-usapan natin ito kapag nasa private area na tayo. May tenga ang mga dingding at mas gugustuhin kong itago ito sa iba," sabi ni Gerald, dahil dito ay tumango si Lucian bago magpatuloy sa paglalakad gamit ang lokasyon sa invitation card... Makalipas ang halos twenty minutes nang dumating ang tatlo sa isang wooden three-floor building na napapaligiran ng mga food stall at makikita dito ang dalawang pawn shop na tila ginto at pilak lamang ang tinatanggap bilang pera. Naisip ni Gerald kung paano naitatag ang mga pawnshop at food stalls sa islang ito. Kahit nalilito siya, isinantabi muna niya ang kanyang isip habang paakyat siya sa itaas... Hinanda ng organizer na manatili sila sa pinaka-easter
Nang makaalis si Gerald, bigla namang nagsalita si Lucian, "... Posible na malaman niya ang sikreto ng isla kung nakipag-ugnayan siya sa organizer ng auction, pero ang mga iyon ay hindi madaling makilala!" Gusto talagang tulungan ni Lucian si Gerald hindi lang dahil sasabihin ni Gerald sa kanya ang sikreto sa likod ng Devotion Mirror—sa sandaling nalaman niya ito, ngunit nagkusa rin si Gerald na ibuwis ang kanyang buhay para iligtas si Lindsay! Gayunpaman, hindi niya alam kung paano tumulong, dahil hindi niya alam kung paano makikipag-usap sa organizers para kay Gerald. Kahit isang organizer ay hindi niya pa nakita sa loob ng isang dekada! “Huwag kang masyadong mag-alala tungkol diyan. May mga bagay lang talaga na hindi ka namin matutulungan,” sabi ni Aiden nang makita niya ang pagkataranta ni Lucian. Bumuntong-hininga si Lucian bago siya sumagot, "Alam ko... Gusto ko lang siyang tulungan kahit minsan lang..." Nagi-guilty si Lucian dahil hindi niya matulungan si Gerald, ngunit
Malapit na sana silang kumain, ngunit narinig ang isang malakas na 'kulog', na sinundan ng isang 'kalabog'! Natural na napalingon ang lahat para tingnan ang pinanggalingan ng tunog... at mabilis nilang nakita ang nakabalbas na lalaki—na mukhang nasa thirties—na nakahiga sa sarili niyang dugo! Nanlaki ang mga mata niya sa takot, makikitang nagpupumiglas ang lalaki ng saglit, pilit niyang sinusubukang humingi ng tulong. Kahit na nanghihina na ang kanyang katawan, mukhang walang may pakialam sa kanila. Nagpatuloy lang sila sa pagkain na para bang isang daga lamang ang namatay... Inilapit ni Lucian ang bowl ng soup sa kanyang bibig, ngunit halatang nawalan na siya ng gana. Ibinaba muli ni Lucian ang bowl bago niya sinabing, “Iyon ang magandang halimbawa ng sinabi ko kanina. Siguro sinaktan ng kawawang lalaking iyon ang isang tao at hinintay ng taong iyon ang pagkakataon na ito para patayin siya…” “Posible. Ito ang pinakamagandang lugar para pumatay ng tao…” sagot ni Gerald na parang wa
Nabigla si Gerald dahil ang mga mata ng matanda ay kumikinang na parang ito ay mga mata ng mas batang babae…“Ang mga tao na hindi nakikinig sa advice at madalas na may nangyayaring masama sa kanila…” sabi ng matanda nang tumingin siya sa gilid.“Salamat sa concern mo pero aalis na ako,” sabi ni Gerald nang yumuko siya sa harap ng babae, bago siya nagmadaling umalis… Nang mawala si Gerald, dahan-dahang dineretso ni Gerald ang kanyang likuran… at lumalabas na hindi pala siya hunch-backed! Umiling siya at nagsalita siya gamit ang mas malinaw na boses, “Iyon pala ang Herculean Primordial Spirit na sinasabi ng tatay ko… Hindi ko inasahan na mapupunta ito sa katawan ng isang batang lalaki! Magiging delikado ito kung mula siya sa isang makapangyarihang background…”Walang alam si Gerald sa lahat ng ito, at patuloy niyang inisip na sinabi lang iyong ng matanda dahil sinusubukan niyang maging mabait. Sa kabila ng kanyang babala at sa katotohanan na maraming malalakas na tao sa islang ito,
Gamit ang liwanag ng buwan para gabayan siya sa paligid, hindi nagtagal ay narating ni Gerald ang isang napakalaking bundok na nakatayo mga isang kilometro ang layo mula sa kanya. Naguluhan siya nang makita ito. Kung tutuusin, dapat nakita na niya ang bundok na ito sa sandaling makarating sila sa isla! Ngayon lamang lumitaw ang bundok na ito sa harapan ng kanyang mga mata. Naisip niya na may isang sikreto na matatagpuan sa bundok—na posibleng may kaugnayan sa mga secret island—, kaya excited na nagsimulang tumakbo si Gerald patungo sa lugar. “Pambihira talaga…” bulong ni Gerald habang iniisip kung pwede ba niyang laktawan ang paghahanap sa isla—na nilipatan ng tribong Seadom—at sa wakas ay makakarating na siya sa Yearning Island… Makalipas ang halos limang minuto nang huminto si Gerald sa paanan ng bundok. Tumingin siya sa taas, bago huminga ng malalim si Gerald at naglakad pasulong... ngunit ang kanyang mukha ay tumama sa isang bagay! “…Ano iyon…?” nakasimangot na sinabi ni Gera