Pagkatapos bumalik sa kanyang kwarto, sinimulang isipin ni Gerald ang lahat ng nangyari ngayong gabi... Samantala kay Maddox, makikita siya sa loob ng isang high-end villa malapit sa military base, at nakaupo siya sa harap ng ilan sa kanyang mga confidants na may hawak na isang baso ng red wine. Pagkatapos lunukin ito, sinenyasan siyang sabihin, “Sige, kapag nakabalik na kayo, gusto kong sabihin ninyong lahat sa inyong mga tauhan na magbihis nang maayos bukas, naiintindihan niyo ba iyon?” "Alam namin. Huwag kang mag-alala, nakahanda na ng mabuti ang lahat ng dapat ihanda. Paniguradong magiging perfect ang lahat bukas,” sagot ng isa sa mga confidant pagkatapos tumingin sa iba. “Sigurado ka ba na pupunta si Gerald bukas, deputy captain?” tanong ng isang kalbong confidant. “Bakit hindi naman siya pupunta?” sagot ni Maddox habang nagsasalin ng isa pang baso ng alak. "Mula nang makarating siya sa Yanam, nawala na ang lahat ng balita tungkol sa kanya..." nag-aalalang sinabi ng kalb
Hindi nagtagal ay sumapit ang gabi, at naglinis si Gerald bago nagpalit ng magandang set ng mga damit. Kahit pa si Maddox ang nag-organize ng event, ito ay isang party pa rin kaya kailangan niyang ayusin ang kanyang pananamit. Naging maging handa na si Lucian, pwede na silang umalis sa asyenda para dumiretso sa villa ni Maddox kung saan gaganapin ang party. Ang villa ay dalawang kalye lamang ang layo mula sa military base, kaya makikita ang mga sundalo na nagpapatrolya buong araw sa lugar na iyon. Bukod kay Maddox, ang high-end neighborhood ng villa na ito ay kung saan nananatili ang karamihan sa mga military leaders—kabilang si Carter. Ang bawat isa sa mga villa ay itinayo nang magkahiwalay, na may hiwalay na daanan at maliliit na garden… Nang makapasok ang grupo sa kotse, sa halip na sabihin ni Lucian sa driver na paandarin ang sasakyan— tumingin muna siya kay Gerald bago siya nagtanong, “Sa tingin mo ba dapat lang tayo magsama ng mga tauhan? Kung sinusubukan talaga ni Maddox n
Samantala naman kay Gerald, makikita silang dalawa ni Lucian na naglalakad papasok sa villa, naiwan ang kanilang driver sa kotse… Nang makita ng mga panauhin si Lucian, lahat ng tao sa villa ay agad pinagsama ang kanilang mga kamay para batiin siya, “Mr. Grubb!” Kahit pa hindi mahusay ang mga ari-arian ng pamilyang Grubb sa bansang ito, sila pa rin ay isang cultivating family, kaya karapat-dapat silang igalang... Kasunod nito ay ngumiti lang si Lucian habang sumasagot, “Magandang gabi sa inyong lahat.” “Sino ang lalaking iyon, Mr. Grubb? At nasaan si Frey?" tanong ng isa sa mga tao sa crowd, na nag-udyok sa lahat na tumingin kay Gerald. Nagtaka sila dahil dala parati ni Lucian si Frey sa mga ganitong kaganapan. Kahit ang kanyang mga biological na anak ay hindi binigyan ng ganoong karapatan... Pinigilan ni Lucian ang kanyang galit nang banggitin ang pangalan ng kanyang anak, at agad niyang pinakalma ang kanyang sarili habang sinasabi, “Siya si Gerald Crawford, at siya ang import
Nang mangyari iyon, ang mga sniper—na nakahiga para simulan ang ambush—ay agad na sumugod patungo sa labas ng banquet hall, at mabilis nilang pinalibutan ang lugar habang naghihintay sa utos ni Maddox mula sa labas... Samantala, sa loob ng banquet hall, tumahimik ng sandali si Maddox bago niya sinabing, “Salamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi! May mga nagsabi na hindi pwedeng maging kasangkot ang military economy ng ating bansa, iba naman ang pananaw ko tungkol dito! Interesado talaga kaming malaman kung paano kayo uunlad! Dahil dito, simulan nating pag-usapan ang mga hakbang sa pagpapabuti ng ekonomiya ng Yanam!" Habang sinasabi niya ang lahat ng iyon, siniguro ni Maddox na hindi tumingin kay Gerald sa takot na mabunyag ang tunay niyang intensyon. Hawak na niya sa wakas ang mokong na ito...! Sa kasamaang palad para kay Maddox, nakita agad ni Gerald ang kanyang plano. Sa oras na ito ay lumingon si Maddox at tiningnan si Lucian—siniguro niyang sumulyap siya kay Gerald sa oras na
“Tama na ang pag-uusap! Pwede mong kontakin ang aking secretary pagdating ng oras, pero sa ngayon, kumain muna tayo! Hindi niyo kailangang pigilan ang inyong sarili dahil lang ako ang deputy captain!" sabi ni Maddox na ikinaway ang kanyang kamay, kasunod nito ay inihain ng mga katulong ang mga pagkain at inumin... "Hindi ito magiging ganun kasimple... Kung totoo ang mga sinasabi niya, ang Maddox na nasa harapan natin ay isang peke...!" malumanay na sinabi ni Lucian. Tingnan natin kung paano ito mangyayari. Pero sa tingin ko ay wala siyang lakas ng loob na magsinungaling sa harapan ng maraming tao,” sagot ni Gerald habang sinisimulan niyang kumain. "Hindi ka ba nag-aalala na susubukan ka niyang lasunin...?" nag-aalalang sinabi ni Lucian. "Kahit na gawin niya ito, hindi makakaapekto sa akin ang lason. Huwag mong kalimutan na hindi ako isang normal na tao,” nakangiting sinabi ni Gerald. "…Tama ka. Sa tingin ko ay kakain na rin ako!" sabi ni Lucian na hindi iyon naisip kanina. An
Biglang nagsimulang manginig ni Lucian, ngunit simple lamang ang naging sagot ni Gerald, "Bakit hindi? Malay mo ay kunin ko ang pagkakataon na ito para malaman ang higit pa tungkol sa Yanam! Nang marinig iyon ni Lucian ay bigla siyang bumulong, "Bakit mo ipinangako iyon sa kanya...?!" “Huwag kang mag-alala tungkol dito. Makikisama lang ako kung gusto niyang makipaglaro,” sagot ni Gerald habang nakangiti. “Pero… kailangan kong ipaalala sayo na medyo malapit pa rin tayo sa military base, kaya huwag kang gumawa ng mga bagay na hindi kinakailangang gawin sa kanya. Tandaan mo na hawak niya si Lindsay, kaya kung papatayin mo siya, baka hindi na natin siya makuha!" sabi ni Lucian, alam niyang hindi madaling pigilan si Gerald. “Copy that,” sagot ni Gerald bago siya tumango. "Mabuti naman... gagawin ko ang aking makakaya para lumayo sayo," sagot ni Lucian habang ipinagpatuloy niyang kumain, ayaw niyang masyadong maghinala sa kanya si Maddox. Maya-maya pa ay natapos naubos na ni Gera
“Umuwi ka muna. Uutusan ko ang isang tao na ihatid siya pauwi mamaya,” sagot ni Maddox sabay kaway ng kamay. Kahit na nag-aalala si Lucian, ang nagawa na lamang niya ay tumango habang dahan-dahang umalis sa lugar na ito. Nang makalabas siya, naalala niya ang sinabi ni Jobson tungkol sa lakas na meron si Gerald. Kung si Gerald ay sapat na malakas para pabagsakin ang tatlong mga elders ng malalaking pamilya sa Yanam, ang ibig sabihin lang nito ay walang kwenta sa kanya si Maddox. Dahil dito, gumaan ang loob ni Lucian... Nang makaalis na si Lucian, nagsindi si Maddox ng sigarilyo bago siya umubo at sinabi, “Alam mo ba kung bakit kita pinaiwan?”“Hmm? Hindi ko talaga alam,” walang pakialam na sinab ini Gerald habang sinisindihan niya ang kanyang sigarilyo, bago siya lumingon para tingnan si Maddox. “Alam ng lahat na tayong dalawa lang ang natira dito, at alam rin nila na ikaw ang bisita ni Lucian. Dahil dito, kung may mangyari man sa akin, ang pamilyang Grubb ang pahihirapan sa gaga
“Hindi ba parang masyado kang overprepared?” sabi ni Gerald bago siya tumawa.“Hindi mo ako masisisi. Marami akong mga prestigious guest dito kanina. Kailangan kong siguraduhin na ligtas sila. Tumabi muna kayo at hayaan siyang makaalis,” sabi ni Maddox.“Roger!” sabi ng mga sniper bago sila gumawa ng daan para kay Gerald. Umiling lamang si Gerald, bago siya umalis sa villa habang pinapanood siyang umalis ng mga tao…Ilang sandali pa, lumapit ang confidant ni maddoc bago niya sinabi, “...Um… Deputy captain…? Ito na ang pinakamagandang pagkakataon para patayin siya…! Bakit mo siya hinayaang umalis ng napakadali…?”Hinampas ni Maddox ang likod ng confidant, bago siya nagreklamo, “Kailangan ko bang i-detalye ang lahat sayo? Kailangan lang nating malaman ngayon kung saan tumutuloy si Gerald! Ayokong ipagpatuloy niya na wala siya sa ating radar! Maliban doon, kapag pinatay natin siya ngayon, hindi lang ang pamilyang Grubb ang makikipaglaban sa atin, kasama na rin sa magiging kalaban na