"Oo naman! Magtanong ka lang!" sagot ni Lucian sabay tango. "Si Miss Lindsay... Hindi na siya bumalik simula noong umalis siya, tama ba?" medyo nakasimangot na tinanong ni Gerald, malakas ang kutob niya na walang kaalaman si Lucian tungkol dito pagkatapos niya itong makausap ng dalawang bese tungkol dito. Dahil masayang binanggit ni Licuan si Lindsay, mahirap isipin na si Lucian ang kidnapper niya... “…Ano ang ibig mong sabihin sa ‘bumalik’? Hindi ba kasama niyo siya ni Aiden?" sagot ni Lucian na halatang nagulat sa kanyang narinig. Umiling si Gerald bago siya sumagot, "Hindi, ang ibig kong sabihin pagkatapos noon..." "Mula nang umalis kayo nang magkasama, hindi na siya bumalik dito... At saka, hindi binanggit ni Mr. Lawrence ang anumang bagay tungkol sa pagbabalik ng kanyang pamangkin..." sabi ni Lucian bilang tugon. "Ganun ba…" "Bakit mo naman ito natanong? May nangyari ba kay Lindsay...?" seryosong tinanong ni Lucian. Hindi siya maituturing na patriarch kung mahina ang k
"Iyon nga sana ang kaso, pero..." sabi ni Gerald habang nakataas ang isang kilay. “…May itinatago ka pa ba sa akin, mister…?” tanong ni Lucian, bigla siyang naging curious sa sagot ni Gerald. "Ang totoo, sinubukan noon ni Frey na i-harass si Miss Lindsay, pero mabuti na lang at napigilan ko siya," sagot ni Gerald habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Lucian. “G*gong bata talaga ‘yon!” sigaw ni Lucian. “…Hmm? Hindi ka ba naghihinala sa akin na baka ako ay naninirang-puri...?" sagot ni Gerald na hindi maiwasang mapangiti. “Maraming magagandang qualities si Frey, pero ang isang bagay na hindi niya kaya ay ang pagpipigil sa kanyang sarili... Hindi ko na mabilang kung ilang babae ang nasaktan niya, at sa huli ay binabayaran ko ang katahimikan nila... Pero hindi ko inasahan na si Lindsay ang magiging target niya sa pagkakataong ito... Nawawalan na talaga ng konsensya ang batang iyon! Kung magtagumpay man siya sa binabalak niya, sa palagay ko ay hindi ko na mahaharap si Mr. Law
“Hindi ito tungkol kay Frey... Tungkol ito kay Lindsay. Nawala siya habang papunta dito! Isa pa, dahil hinarass siya ni Frey noon, gusto ni Gerald na makita ang mga tauhan niya para tingnan kung may kinalaman sila!" sagot ni Lucian sabay buntong hininga. “…A-ano? Nawala siya?!" sigaw ng butler, halatang gulat na gulat sa natanggap na balita. “Kung sinuman sa kanyang mga tauhan ang tumanggi magpakita ngayon, tumawag ng pulis para magsagawa ng search sa kanila! Kailangan nating siguraduhin na ang pagkawala ni Lindsay ay walang kinalaman sa ating pamilya!" sabi ni Lucian. Tumango butler bago niya mabilis na tinawag silang lahat, sinabihan niya silang lahat na magtipon doon. Pagkatapos niyang gawin ito ay biglang nagtanong ang butler, "Um... Bakit hindi ko nalaman na darating si Miss Lindsay, master...?" "Nalaman ko lang ito ngayon lang," sagot ni Lucian. “...Pero paano ito malalaman ng ibang miyembro ng pamilya? May kilala ba ang isa sa mga miyembro ng pamilyang Grubb mula sa pa
“…P-pero wala kaming ginawa!” “Oo! Hindi kami umalis sa manor sa buong oras na ito! Kung hindi ka naniniwala sa amin, pwede mong tingnan ang surveillance footage!" “Tungkol ba ito kay young master Frey? May balita na ba tungkol sa kanya?" tanong ng mga takot na lalaki habang sinusubukan nilang alalahanin kung hindi nila sinasadyang nilabag ang alinman sa mga rules ng pamilya. “Ilang araw na ang nakalipas, Gerald?” tanong ni Lucian. “Mga isang linggo na ang nakalipas,” sagot ni Gerald. "Magpadala ng isang tao para suriin ang lahat ng surveillance footage mula sa nakaraang linggo! Magsagawa ng masusing investigation sa sinumang umalis sa asyenda para sa mga personal affairs noong nakaraang linggo!" utos ni Lucian, at agad namang tinawagan ng butler ang isang tao upang suriin ang footage. Biglang napatulala ang mga tauhan ni Frey nang marinig iyon. Bukod sa pagiging seryoso sa mukha nila Lucian at ng kanyang butter, alam ng mga tauhan ni Frey na halos hindi hinihingi ni Lucian
Alam ni Lucian na ang paghahanap sa kanya sa ganitong paraan ay hindi naiiba sa paghahanap ng karayom sa loob ng maraming haystack, kaya naramdaman ni Lucian na parang wala siyang magawa. Habang tumatagal ang paghahanap sa kanya, mas mataas ang posibilidad na malalagay sa panganib ang kanyang buhay... “Tatawagan na lang ba natin si Mr. Lawrence para makakuha ng paliwanag...?" tanong ng butler. "Sinubukan ko kanina, pero pinigilan ako ni Gerald kanina. Sinabi niya na kung ang pamilyang Lawrence ay tumatangging magpaliwanag sa mga special forces ng Weston, maliit ang pagkakataon na bigyan nila tayo ng higit pang mga detalye. Pero naniniwala ako na si Mr. Lawrence ay nasa isang mahirap na posisyon ngayon. Dahil hindi niya tayo bibigyan ng anumang kinakailangang impormasyon, subukan lang natin ang lahat para mailigtas si Lindsay. Kahit mabigo man tayong gawin ito, kahit papaano ay masasabi natin na sinubukan natin ang lahat. Sa ganoong paraan, hindi na magiging nakakahiya kapag nakit
Matapos matapakan ang ilang mga buto, hindi nagtagal ay nakarating si Gerald sa pinakaloob na bahagi ng kweba... Paglabas ng stone chamber, ang matanda ay tumingin ng sandali sa basang-basang lalaki, bago siyang umiling habang sinasabi, "Pambihira ang lakas ng ulan na iyon..." "Oo nga... Nandito nga pala ako dahil-" “Tumigil ka. Halika dito at magpainit ka muna. Kukuha ako ng tuyong mga damit para sayo,” sabi ng lalaki habang inilagay ang kanyang daliri sa labi niya bago siya dumiretso sa stone chamber. Hindi nag-abala si Gerald sa kanyang kasalukuyang kondisyon, pero dahil ang matanda ang nag-offer, napailing na lang siya bago siya sumunod dito. Habang naglalakad siya papunta sa chamber, hindi niya maiwasang mapansin na halos hindi nagbago ang chamber mula sa huling pagkakataon na nandito siya. Hindi nagtagal ay nakita niya ang matanda na naghahalungkat sa isang stone cabinet. Paglabas ng kanyang ulo, binato ng matanda ang isang bag kay Gerald habang sinasabing, “Subukan mo
"Huwag kang mag-alala, hindi pa nasusuot ang mga ito," walang pakialam na sinabi ng matanda. Nahihiyang tumango si Gerald, saka niya sinabit ang kanyang damit sa tabi ng apoy bago umupo sa harap ng matanda habang nagtatanong, "Alam mo ba kung bakit ako nandito, senior?" "Sa tingin mo ba alam ko ang divination techniques?" sagot ng matanda habang iniikot ang kanyang mga mata. “...Well... Nandito ako para malaman ang mga sikreto ng Yearning Island. Mula sa sinabi sa akin ng mga descendant ng Seadom Tribe, lahat ng mahahalagang records ng kanilang tribo ay inilagay dito…” napabuntong-hininga si Gerald nang sabihin ito. “…Yearning Island? Seadom Tribe?" nalilitong sinabi ng matanda. Naudyukan na magtanong si Gerald nang marinig iyon, “…Siguro… pwede naman akong magtingin-tingin dito…?” "Gaya ng sinabi ko noon, lahat ng naririto ay sayo dahil nasa loob mo ang Herculean Primordial Spirit. Nandito lang ako para bantayan ang mga gamit mo,” sagot ng matanda habang patuloy na nagpapa
Habang nagsisimula na siyang manigarilyo at nang ipikit niya ang kanyang mga mata para makapag-pahinga ng sandali, narinig ni Gerald ang sinabi ng matanda, “Nahanap mo na ang hinahanap mo?” "Hindi pa," sagot ni Gerald sabay buntong-hininga. "Halos isang libong libro ang makikita dito, na karamihan sa mga ito ay tungkol sa mga cultivation skills at ang iba ay mga historical records. Kaya kung gusto mo ng impormasyon tungkol sa island, sa tingin ko ay kakailanganin mo ng halos kalahating buwan,” sabi ng matanda habang gumulong-gulong sa kanyang kama. "Wala na bang mas magandang paraan para gawin ito...?" sabi ni Gerald habang pinagmamasdan ang matanda na naglalakad palapit sa kanya. "Syempre wala! Kahit pa halos one thousand years nang nakatayo ang ancient ruins, ako ay nakarating lang dito sixty years ago. Kahit noon pa man, wala pa akong nahawakang libro dito!" sagot ng matanda habang nakaupo sa tabi ni Gerald bago siya tumingala. Pinatay ni Gerald ang kanyang sigarilyo, bag