“Magtiwala ka sa akin, patriarch, malapit ko nang kailanganin ang tulong mo,” pabulong na sinabi ni Gerald. "Sabihin mo lang at tutulungan kita! Hindi ako mag-aatubili na ibigay sayo ang posisyon ko bilang patriarch!" deklara ni Takuya habang tinatapik ang kanyang dibdib, alam niya na masisira ang kanyang pamilya kung hindi dahil sa tulong ni Gerald. Malamang patay na si Fujiko kung hindi pumasok si Gerald para iligtas siya noon...! Makalipas ang ilang sandali, nakarating ang apat sa private room sa top floor… Nang makaupo na sila, si Derrick ay biglang tumahimik bago niya sinabing, “Um... Pasensya na at pinahintay ko kayo ng matagal... Kapag nakabalik ako sa opisina, kakausapin ko ng mtagal ang secretary ko kung bakit hindi niya ako ginising kanina!" “Huwag mo nang pagalitan ang kawawang secretary,” nakangiting sinabi ni Gerald. "…Sigurado ka ba…?" tanong ni Derrick. “Sinubukan niyang gisingin ka, pero pinigilan ko siya. Alam ko na ikaw pa rin ang isang chairman ng isang n
Ang rason kung bakit mainit ang kanyang ulo ay dahil hindi pa siya masyadong sober. Sa oras na ito, tinapik ni Derrick ang kanyang dibdib–para ipakita ang kanyang reliability kay Gerald— bago niya sinabi, “Huwag kang mag-alala, brother Gerald! Medyo marami kilala ko mula sa militar hanggang sa punto na ang kanilang leader ay gumagalang sa akin! Wala sa akin na si Chef Yamamota ang mag-serve sa atin!" “Ganoon ba…” sagot ni Gerald sabay tango. Alam ni Gerald na ang Japan ay isang bansa kung saan pinahahalagahan ang yaman. Kahit pa nagkaroon ng kaunting division sa pagitan ng mga Japanese at ng mga mula sa Western Union, hindi pa rin nagbago ang kalakaran ng dalawang bansa. Hangga't may pera at kapangyarihan ang isang tao, sila ay magiging malakas sa kanilang mga bansa… Hindi nagtagal ay bumalik ang waiter para ipaalam sa kanila na pumayag si Chef Yamamoto na unahin ang paghahanda ng kanilang mga pagkain. Sinabi rin niya sa kanila na in-estimate ng chef na handa na ang pagkain sa loob
Nang makaalis si Ichiro, biglang nakaramdam si Derrick ng matinding kahihiyan. Napansin ito ni Gerald, kaya klinaro niya ang kanyang lalamunan bago niya sinabi, “Totoo na big shot ka na dito hanggang sa punto na nirerespeto ka na ng military, pero mas mabuti kung hindi ka magmamayabang. Kung patuloy mong gagawin ito, sinisiguro ko sayo na magkakaroon ka ng napakaraming mga kalaban sa lalong madaling panahon." “…Alam ko… Sinusubukan ko lang na bigyan ka ng mas magandang treatment.” sagot ni Derrick habang tumatango, namumula ang kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. “Tratuhin mo lang sila ng normal,” sabi ni Gerald na parang wala siyang pakialam. Maya-maya pa ay bumalik na ang waiter dala ang kanilang pagkain. Habang nag-uusap sina Derrick at Takuya ng mas detalyado sa kontrota, tahimik lang sina Gerald at Aiden habang kumakain sila. Habang patuloy nilang pinga-uusapan ang kontata, lalong nahirapan si Takuya na hindi ngumiti sa kasalukuyang nangyayari. Ayon sa kanilang nap
Ngumiti si Takuya habang sinasabi, “...Okay lang kung ayaw mong sabihin sa akin. Talagang nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong mo. Sa tulong ng dalawang kontratang ito, makakabalik na ang pamilya ko!” Napagtanto ni Takuya na hindi mahalaga kung sino talaga si Gerald. Ang mahalaga ay hindi niya ginawan ng masama si Fujiko o ang mga miyembro ng kanyang pamilya, at sapat na iyon para sa kanya. Sa totoo lang, si Gerald ang biyayang kailangan ng kanyang pamilya noong sila ay nasa pinakamababang punto ng kanilang buhay… Sa sandaling ito, malapit nang mag-twelve o’clock nang sa wakas ay nakabalik na sila sa mansyon. Nang makapasok sila, hindi nag-aksaya ng oras si Takuya at nagsimula siyang magpadala ng mga message sa lahat ng miyembro ng kanyang pamilya, sinasabing magkakaroon sila ng isang family meeting. Halois kalahati ng pamilya niya ay naghihintay na kay Gerald sa labas ng manor, pero sumigaw sila sa sobrang tuwa nang makita nila ang message. Alam nila na kung may isa pang family
“Huwag na natin siyang isipin. Tinipon ko kayong lahat dito ngayon para sabihin ang ilang magandang balita! Sa tulong ni kuya Gerald, nakakuha ako ng dalawang kontrata sa Fareast Consortium! Kung magiging maayos ang kalalabasan ng lahat, ang pamilyang Futaba ang kikita ng twelve million dollars kada taon!” sabi ni Takuya habang nakatingin sa iba pang miyembro ng kanyang pamilya. “…A-ano…?!” sigaw ng mga miyembro ng pamilya habang nakatingin sila kayla Gerald at Takuya. Alam ng lahat ang tungkol sa Fareast Consortium! Madaling sabihin na kahit ang pinakamayaman na pamilya ay makikinabang sa kanila...! Sa ganitong paraan ay masasamantala nila ang benepisyo na makukuha nila sa pamilya...! “Ako ang in-charge sa contracts noon, patriarch! Pwede mong ipaubaya sa akin ang mga kontrata! Kapag ako ang humarap sa Fareast Consortium, aasahan mo na makakakuha tayo ng fifteen million sa halip na twelve million lang!” “Bullsh*t! Huwag makinig sa kanya, patriarch! Siya ang naging dahilan kung b
Kasalukuyan naman kay Takuya na nagsisimula nang sumakit ang ulo sa lahat ng sigawan, hindi niya napigilang itaas ang kamay habang sumisigaw, “Manahimik kayo! Hindi ito ang oras para makipagtalo!" Tumahimik ang lahat nang marinig iyon. Malamang sasagot sila kay Takuya kung ito ang mga nakaraang meeting, pero dahil marami nang benepisyo ang nasa linya, alam nila na hindi nila pwedeng itakwil si Takuya. Kahit ang gustong kumuha ng patriarch position na si Takuya ay hindi nangahas na magsalita... “Hindi lang iyon ang announcement na kailangan kong gawin! Matagal ko nang pinag-iisipan ang isang bagay sa loob ng ating pamilya... at ngayon ay nakapag-desisyon na ako. Ladies and gentlemen, nag-desisyon ako na alisin ang lahat ng mga peste ng pamilya! Ang mga taong iyon ay hindi na sisirain ang pamilya natin!" deklara ni Takuya. “…A-ano…?!” sabay-sabay na sumigaw ang ilan sa mga Futaba. Alam na nila kung ano ang sinusubukang sabihin ni Takuya! Kapag sila ay tinanggal sa pamilya, hindi na
“T-Takuya…! Hindi ka pwedeng gumawa ng mga unilateral decisions na tulad nito…! At itinaboy niya ang napakaraming tao sa labas ng pamilya nang sabay-sabay...?! Kahit na nakuha mo ang mga kontratang iyon, dapat mong malaman na ikaw ang nangunguna sa muling pagbagsak ng pamilya!" nakangusong sinabi ni Masaru matapos kumalma makalipas ang ilang sandali. “Second uncle, kung pipilitin mong panatilihin sila dito, sisimulan ko nang magtaka kung ano talaga ang intensyon mo sa pamilyang ito... Nakapag-desisyon na ako! Ayoko na ng mga peste sa pamilyang ito!" determinadong sinabi ni Takuya, makikita na seryoso siya tungkol sa bagay na ito. Kung hindi niya ito gagawin ngayon, ang mga bloodsucker na ito ay magiging mga linta lamang sa Fareast Consortium hanggang sa bumalik ang pamilya sa kasalukuyang nalulungkot na kalagayan nito! Natutunan ito ni Takuya sa mahirap na paraan, at hindi niya pwedeng hayaan na maulit ang nakaraan! Sa kabila nito, hindi pa rin inasahan ni Masaru na haharapin siy
Sa totoo lang ay hindi nila tinatanggihan ang idea na ipagpatuloy ang pagkuha ng benepisyo mula sa pamilya, pero walang sinuman ang nangahas na pukawin ang galit ni Takuya. Kung tutuusin, alam nila kung anong klaseng tao siya at pakiramdam nila ay babawiin niya ang mga sinabi sa lalong madaling panahon at hahayaan silang bumalik sa pamilya. Kung nangyari iyon, ilang panahon lang ang hihintayin nila bago nila makuha ang mga benepisyo...! Nang umalis sila, napasandal si Takuya sa kanyang upuan bago niya iwinagayway ang kanyang bahagyang nanginginig na kamay habang sinasabing, "Isara ang pinto..." Nang makita ni Takuya na tumango si Aiden, tiningnan ng patriarch ang iilang Futabas na pinayagan niyang manatili at nagmamalasakit sa kanyang pamilya, bago niya sinabi, “…Sa tingin niyo ba tama ang ginawa ko…?” “Opo, patriarch! Kung pinayagan mo silang manatili, paniguradong tatapusin nila ang negosyo na parang walang bukas! Hindi sila ang dapat mong pagtuunan ng pansin, patriarch! Dahi