“T-Takuya…! Hindi ka pwedeng gumawa ng mga unilateral decisions na tulad nito…! At itinaboy niya ang napakaraming tao sa labas ng pamilya nang sabay-sabay...?! Kahit na nakuha mo ang mga kontratang iyon, dapat mong malaman na ikaw ang nangunguna sa muling pagbagsak ng pamilya!" nakangusong sinabi ni Masaru matapos kumalma makalipas ang ilang sandali. “Second uncle, kung pipilitin mong panatilihin sila dito, sisimulan ko nang magtaka kung ano talaga ang intensyon mo sa pamilyang ito... Nakapag-desisyon na ako! Ayoko na ng mga peste sa pamilyang ito!" determinadong sinabi ni Takuya, makikita na seryoso siya tungkol sa bagay na ito. Kung hindi niya ito gagawin ngayon, ang mga bloodsucker na ito ay magiging mga linta lamang sa Fareast Consortium hanggang sa bumalik ang pamilya sa kasalukuyang nalulungkot na kalagayan nito! Natutunan ito ni Takuya sa mahirap na paraan, at hindi niya pwedeng hayaan na maulit ang nakaraan! Sa kabila nito, hindi pa rin inasahan ni Masaru na haharapin siy
Sa totoo lang ay hindi nila tinatanggihan ang idea na ipagpatuloy ang pagkuha ng benepisyo mula sa pamilya, pero walang sinuman ang nangahas na pukawin ang galit ni Takuya. Kung tutuusin, alam nila kung anong klaseng tao siya at pakiramdam nila ay babawiin niya ang mga sinabi sa lalong madaling panahon at hahayaan silang bumalik sa pamilya. Kung nangyari iyon, ilang panahon lang ang hihintayin nila bago nila makuha ang mga benepisyo...! Nang umalis sila, napasandal si Takuya sa kanyang upuan bago niya iwinagayway ang kanyang bahagyang nanginginig na kamay habang sinasabing, "Isara ang pinto..." Nang makita ni Takuya na tumango si Aiden, tiningnan ng patriarch ang iilang Futabas na pinayagan niyang manatili at nagmamalasakit sa kanyang pamilya, bago niya sinabi, “…Sa tingin niyo ba tama ang ginawa ko…?” “Opo, patriarch! Kung pinayagan mo silang manatili, paniguradong tatapusin nila ang negosyo na parang walang bukas! Hindi sila ang dapat mong pagtuunan ng pansin, patriarch! Dahi
“… Sa tingin ko ay highly confidential ang pangalan ko sa Japanese military. Bukod sa mga mula sa aming pamilya, walang ibang tao ang makakaalam na ako ay kasali sa kompetisyon!" nagtatakang sinabi ni Fujiko... "Medyo mataas ang tsansa na ang lahat ng impormasyon ay nagmumula sa loob ng pamilya natin... pero hindi tayo sigurado na si Suke iyon, kahit na masyadong kakaiba na wala siya..." sagot ni Takuya habang hinahaplos ang kanyang balbas. Makalipas ng ilang sandali na inisip ito ni Gerald ay bigla siyang nagtanong, “…Sa tingin mo ay nasa Hanyu manor siya? Kung talagang gusto niyang makaganti sa akin—dahil pinagapang ko siya sa ilalim ng aking crotch—, malakas ang kutob ko na pupunta siya sa pamilyang Hanyu. Binantaan ko sila noong kailan lang at sigurado ako na hindi sila gagawa ng hakbang laban sa akin. Dahil dito ay sigurado ako na nasa loob siya ng manor ng pamilyang Hanyu." Kung tutuusin, si Suke ang iisang tao na makakagawa ng lahat ng ito... “…Nagiging makahulugan na an
“Yung… pendant?” sabay na tinanong ni Takuya at Fujiko, halatang nalilito sila sa pinapahiwatig ni Gerald. “Pumunta talaga ako sa Japan para hanapin ang mga descendant ng Seadom Tribe. Pagkatapos ko itong maingat na pag-isipan, ako ay dumating sa konklusyon na ang pamilyang Futaba ay bahagi ng pamilyang iyon. Kung tutuusin, bakit hawak ni Miss Fujiko ang pendant na iyon?" paliwanag ni Gerald. Nang marinig iyon, hinawakan ni Fujiko ang kanyang pendant bago siya nagtanong, "...Hindi ba isa lamang itong regular na pendant...?" Kakaiba ang pakiramdam niya sa tuwing hawak niya ang cool na pendant na ito, pero hindi niya ito masyadong pinag-isipan. "...Alam mo pala ang tungkol sa Seadom Tribe..." sabi ni Takuya na mukhang mas kalmado kaysa sa kanyang anak. Habang pinapanood ni Gerald si Takuya na pinagdikit ang kanyang mga kamay, ay sumagot si Gerald, “Tama. Ito ang dahilan kung bakit ako pumunta dito noong una pa lamang." "…Naiintindihan ko, pag-usapan natin ito sa ibang lugar…”
“...Alam ko na ang mapa na ito ay pagmamay-ari ng Seadom Tribe, pero nalaman ko lamang ang tungkol dito mula sa aking mga ninuno... Ito rin ang unang pagkakataon na makita ko ang mapa na ito,” bulong ni Takuya na napabuntong-hininga bago niya tiningnan ng sandali ang mapa. “…Alam mo ba kung paano makarating sa… Yearning Island? Kahit papaano ay kung paano natin ito mahahanap? Mula sa aming kaalaman, ang isla ay tila lumulutang sa dagat at matatagpuan lamang sa pamamagitan ng isang special method. Tulad ng sinabi ni Master Ghost, minsang lumitaw ang isla sa mapa, pero hindi na ito naulit mula noon…” sagot ni Gerald na nakasimangot habang nakatingin sa mapa... “Tulad ng hula mo, ang Seadom Tribe ay nakatira sa isla na iyon, pero ilang taon nang nakalipas iyon... Hindi ko alam kung paano makarating doon, pero huwag mag-alala, brother! Dahil malaki ang naitulong mo sa pamilya ko, gagawa ako ng paraan para makapunta ka doon!" deklara ni Takuya habang sinimulan niyang i-recall ang kanyan
“Ngayong alam mo na ang tungkol sa sitwasyon ko, sana ay huwag mo itong sabihin sa kahit sinuman. May kinalaman ito sa aking pamilya at hindi ko mapapatawad ang sinumang magdulot ng aksidente sa kanila,” sabi Gerald habang mahigpit na nakasara ang kanyang mga kamao… "Naiintindihan!" sagot ni Takuya at ng kanyang anak habang tumatango. Pagkatapos nilang umupo sa isang sikretong kwarto ng ilang sandali, ang grupo ay tuluyang umalis nang magkakasama bago sila tuluyang maghiwalay ng landas... Pagdating ni Gerald sa kanyang kwarto, hinintay niyang makapasok din si Master Ghost at Aiden bago niya isinara ang pinto sa likuran niya. Pagkatapos nito, hindi niya maiwasang mapaupo sa kanyang kama at bigla siyang nalungkot. Mula sa simula, naisip niya na malalaman niya ang misteryo ng Yearning Island ay malalaman na niya ngayon. Napagtanto niya na nanaghinip lamang siya pagkatapos niyang mapagtanto na siya ay nagkamali. Ngayong naisip niya ito, napagtanto niya na ang Seadom Tribe ay isang
Makikita si Derrick na kinakabahan habang tumatakbo sa pintuan. Alam niya na masyadong abrupt ang kanyang pagbisita, at sa totoo lang ay nag-aalala siya na baka magalit si Gerald dahil dito. Gayunpaman, alam niyang kailangan niyang puntahan si Gerald dahil ilang taon na niyang hindi nakakasama si Gerald! Dahil ilang beses umalis si Gerald, si Derrick ay nag-aalala na hindi na niya makikita si Gerald pagkatapos ng ilang taon, kung hindi siya kikilos ngayon! Ang kanyang takot ay mabilis na nawala nang makita niya si Gerald na naglalakad palapit sa kanya. Malawak na nakangiti si Derrick nang tumakbo siya sa manor habang winawagayway ang kanyang kamay at sumisigaw ng, “Brother Gerald!” Pinanood ni Gerald si Derrick na kumukuha ng isang pakete ng sigarilyo bago ito nag-alok ng isa sa kanya, kaya tinanggap ni Gerald ang isa bago siya nakangiting sumagot, "Anong rason sa pagbisita mo?" “Gusto lang kitang makita. Kung palalampsin ko ang pagkakataong ito, sino ang nakakaalam kung gaano ka
Habang iniisip ni Gerald ang rough estimate, napagtanto ni Gerald na ang thirty percent share ay pwedeng umabot sa ten billion dollars... “Bingo. Ilang taon ko nang pinaplanong sabihin ito sayo, kahit na hindi kita mahanap… Dahil nagkita na tayo ulit, sana tanggapin mo ang aking offering. Nabili ko na ang ilan sa mga shares ng kumpanya at handa na akong i-transfer ang mga ito sayo," sagot ni Derrick bago siya tumango, makikita sa kanyang mga mata ang passion. Mukhang gusto niya talagang magkaroon ng pera si Gerald... Huminto ng sandali si Gerald nang marinig iyon, bago niya sinabi, “Hindi ka ba nag-aalala na kukunin ko ang kumpanya mo pagkatapos mong ibigay sa akin ang shares?” “Ano naman? Iniligtas mo ang buhay ko! Kung hindi mo ako binigyan ng pagkakataong mabuhay, hindi ko sana nasimulan ang Fareast Consortium sa simula pa lang! At saka, alam ko na hindi ikaw ang tipo ng tao na gagawin ang bagay na iyon!" sagot ni Derrick. Ilang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang i