Halos isang linggo na ang nakalipas mula nang huli niyang makita ang Yearning Island sa mapa. Ayaw na nitong magpakita kahit na maingat niya itong sinusuri sa bawat araw na lumipas... Habang patuloy na tumitingin si Gerald sa mapa, bigla niyang narinig ang isang tao na sinabing, “Ang lakas ng loob mo para gumawa ng gulo sa amin…!” Ibinalik ni Gerald sa kanyang bulsa ang mapa ng dagat at ngumiti lang siya bago siya lumabas... Paglabas niya, nakita niya sina Master Ghost at Aiden na nakaupo sa sala, habang nakatingin sa harapan ng pinto, malinaw na narinig rin nila ang parehong boses. Tatayo na sana si Aiden nang bigla siyang itinulak ni Gerald pabalik sa kanyang upuan. "Huwag kang aalis. Wala kang kinalaman dito,” kaswal na sinabi ni Gerald habang palabas siya ng bahay at isinara ang pinto sa likod niya. Ang boses na iyon ay walang iba kundi si Adler... "Ironic na sinasabi mo na naghahanap kami ng gulo kahit na ikaw ang gumagawa nito," sabi ni Gerald habang naningkit ang k
“…S-sino ka…?!” sabi Adler at makikita sa kanyang mga mata ngayon ang matinding takot. Sigurado na siya ngayon na walang kahit ano sa dibdib ni Gerald. Gayunpaman, nangangahulugan iyon na ang dulo ng blade ay nakadikit sa kanyang balat! Bakit hindi siya nasaksak nito? Bakal ba ang balat niya?! “Isa lang akong residente ng Weston,” sagot ni Gerald habang nakahawak sa leeg ni Adler, ayaw na niyang pansinin pa ang katanungan nito sa kanya. Bago pa man makalaban si Adler, isang malakas na 'snap' ang maririnig... at sa oras na iyon ay patay na si Adler. Matapos tingnan ang bangkay saglit, kinaladkad ito ni Gerald sa likod ng bahay. Pagkatapos nito ay ginamit niya ang Herculean Primordial Spirit para mag-ipon ng matinding init sa kanyang kamay... at sa isang kisap-mata, ang bangkay ni Adler ay nag-evaporate ng tuluyan. Dahil wala na ang katawan, pinunasan ni Gerald ang kanyang mga kamay at sinuri niya ang paligid kung may nakakita ba sa kanila. Dahil wala siyang nakita, pumasok ulit
Napakamot sa batok ang personnel bago siya bumuntong-hininga at sinabi, “Kakaiba ito... Hindi nakakatulong na nawala kaagad siya pagkatapos niyang makipag-away sa inyo kahapon... Ano na lang ang sasabihin ko sa Japanese military kung hindi naresolba ang kasong ito!" Noong una ay naisip niya na magkakasuntukan lang sila noong una niyang narinig ang tungkol sa pakikipag-away ni Adler kay Aiden. Kung tutuusin, normal lamang para sa mga competitors na maglaban bago pa man magsimula ang competition. Sa kasamaang palad, ngayong may nawawala, malamang ay kailangan na nilang tanggapin na meron ngang namatay at ang buong sitwasyon na ito ay masyado nang mabigat para maresolba. Bilang person-in-charge, alam niyang kailangan niyang managot anuman ang kahihinatnan. Malaki ang posibilidad na mawala ang kanyang trabaho kung hindi niya na-solusyonan ang gulong ito... “Trabaho mong imbestigahan ito. Sana naiintindihan mo na wala sa aming concern ang nangyari sa aknya,” sagot ni Aiden habang wina
"May nahanap ba kayo na kahit anong clues...?" tanong ng personnel habang nakatingin sa kanila. “Pagkatapos ng aming mahigpit na imbestigasyon, si Mr. Adler ay parang naglaho lang sa hangin! Wala man lang kaming nahanap na kahit isang clue!" sagot ng leader ng maliit na grupo. “Wala ni isa?!” sagot ni Komura habang inihampas ang kanyang kamao sa mesa. “Walaga talaga. S tingin mo ba ay bumalik na si Adler sa Yanam kagabi…?” tanong ng isa pang sundalo ng special forces. “Negative. Kahit pa nakakuha siya ng emergency mission at kailangan niyang bumalik sa Yanam, ipapaalam muna sa atin ito ng Yanam headquarters. Masyadong imposible na aalis siya na walang ibang sinasabi, lalo na't siya ay isang taong nagtatrabaho sa military. At saka, bakit niya iiwan lahat ng bagahe niya kung pumunta siya sa Yanam?” sagot ni Mr. Komura. “Ang ibig sabihin ba nito ay pinatay siya ng lalaking iyon mula sa Weston...? Kung tutuusin, natatandaan kong sinabi ni Adler na may tatlong malalaking pamilya s
Gayunpaman, kung si Adler ay totoong pinatay ng lalaki mula sa Weston o kung sinumang iba pang special forces soldiers mula sa ibang makapangyarihang mga bansa, mapupunta sila sa bad side ng Japanese military... Magiging mas magulo kung ilalagay nila sa iba’t ibang accomodation ang mga kalahok, kahit papaano ay mababawasan ang responsibilidad ng Japanese military kapag nangyari ulit ang parehong bagay... Nahulaan agad ni Gerald kung bakit ito ginagawa ng Japanese military. Ngayong natanggap niya ang balita, ngumiti lamang siya habang sinasabi, "Mukhang nag-aalala na ang Japanese military." “Hindi ko sila masisisi. Sigurado ako na ang Japanese Military ay nakatagpo na ng isang kaso na tulad nito dati. Wala nga lang nag-akala na ang mawawala ay isang special forces soldier," sagot ni Master Ghost. “Mag-focus muna tayo sa paghahanap ng ating accommodation. Duda ako na magiging isyu ang kaligtasan dahil bukod sa mga mula sa Yanam, wala nang ibang tao dito na maghahanap ng gulo dito
Tumango si Gerald saka niya ipinagpatuloy ang pagmamasid sa babae na natapos na ang check-in process makalipas ang ilang sandali. Sumunod si Gerald sa babae sa elevator hanggang sa twelfth floor kung saan siya lumabas. Hindi niya ito sinundan palabas, ngunit naisip niya na ito ay isang magandang simula para sa kanyang pursuit. Kung tutuusin, alam ni Gerald na hindi siya dapat magsimulang makipag-usap sa isang random na tao. Kapag tinakot niya ito, mawawala na ang kanyang tsansa na malaman kung saan matatagpuan ang tribo... Pagkatapos nito ay bumalik si Gerald sa kanyang kwarto... Umupo sa sofa si Gerald at nagsimulang humihithit ng sigarilyo si Gerald habang iniisip ang susunod niyang hakbang. Nakita iyon ni Aiden at dahil hindi niya narinig ang pag-uusap nina Gerald at Master Ghost kanina dahil abala siya, doon niya naisipang magtanong, "Saan ba talaga niya-" “Hayaan mo muna siya. Kailangan nating mag-focus sa rest time natin,” sagot ni Master Ghost nang pinutol niya ang k
“...Huh? Ano pa pala ang hinihintay natin dito? Tanungin na natin siya tungkol sa Seadom Tribe habang nandito tayo! Paano kung bigla siyang mawawala?” kinakabahang tinanong ni Aiden.“Pakalmahin mo ang sarili mo,” sabi ni Gerald habang tinatapik ang braso ni Aiden. Inasahan na niyang magiging excited ang lalaking ito sa sandaling malaman niya ang tungkol sa balita…“Anong pakalmahin ko ang sarili ko? Ito ang magandang pagkakataon natin para mahanap ang isang tao mula sa Seadom Tribe! Hindi natin siya pwedeng hayaan na umalis dito! Anong gagawin natin kung mawala siya? Magtatagal pa tayo sa Japan?!” sabi ni Aiden nang bigla siyang umupo sa sofa.Sinindihan ni Aiden ang isa sa kanyang mag sigarilyo at hinithit ito bago nagsimulang magsalita si Gerald, “Unang-una sa lahat, nandito siya para sa competition dahil mula siya sa special forces. Dahil doon ay hindi siya agad aalis. Maliban doon, meron siyang record ng kanyang registration sa hotel. Kung nagpadalus-dalos tayo, sa tingin mo ba
Sa huli, wala sila sa Weston at hindi siya isang superhero na obligadong iligtas ang mundo. Dahil doon, pinaalalahanan ni Gerald ang kanyang sarili na hindi niya kailangang makialam sa kanilang ginagawa at hindi niya kailangang ilagay ang kanyang sarili sa hindi kinakailangang gulo... Di-nagtagal pagkatapos niyang makapasok sa supermarket, bigla na namang nag-yelo si Gerald. Kung tutuusin, ang kanyang Herculean Primordial Spirit ay magre-react lamang sa mga mapanganib na away sa pagitan ng mga cultivators. Dahil doon ay hindi ito isang normal na laban...! Naglakad si Gerald sa counter at sinabing, “Isang pakete ng sigarilyo at pakibilisan na lang." Matapos bayaran ang kanyang binili, naglakad patungo sa lugar kung saan nagaganap ang laban. Kung may mga cultivators na nananatili sa malapit, makabubuti sa kanya na tahimik na suriin ang sitwasyon. Hangga’t malaman niya kung sino ang kanyang kalaban, mas pipiliin ni Gerald na manatiling tahimik na lamang... Nakadikit lamang siya sa