"May nahanap ba kayo na kahit anong clues...?" tanong ng personnel habang nakatingin sa kanila. “Pagkatapos ng aming mahigpit na imbestigasyon, si Mr. Adler ay parang naglaho lang sa hangin! Wala man lang kaming nahanap na kahit isang clue!" sagot ng leader ng maliit na grupo. “Wala ni isa?!” sagot ni Komura habang inihampas ang kanyang kamao sa mesa. “Walaga talaga. S tingin mo ba ay bumalik na si Adler sa Yanam kagabi…?” tanong ng isa pang sundalo ng special forces. “Negative. Kahit pa nakakuha siya ng emergency mission at kailangan niyang bumalik sa Yanam, ipapaalam muna sa atin ito ng Yanam headquarters. Masyadong imposible na aalis siya na walang ibang sinasabi, lalo na't siya ay isang taong nagtatrabaho sa military. At saka, bakit niya iiwan lahat ng bagahe niya kung pumunta siya sa Yanam?” sagot ni Mr. Komura. “Ang ibig sabihin ba nito ay pinatay siya ng lalaking iyon mula sa Weston...? Kung tutuusin, natatandaan kong sinabi ni Adler na may tatlong malalaking pamilya s
Gayunpaman, kung si Adler ay totoong pinatay ng lalaki mula sa Weston o kung sinumang iba pang special forces soldiers mula sa ibang makapangyarihang mga bansa, mapupunta sila sa bad side ng Japanese military... Magiging mas magulo kung ilalagay nila sa iba’t ibang accomodation ang mga kalahok, kahit papaano ay mababawasan ang responsibilidad ng Japanese military kapag nangyari ulit ang parehong bagay... Nahulaan agad ni Gerald kung bakit ito ginagawa ng Japanese military. Ngayong natanggap niya ang balita, ngumiti lamang siya habang sinasabi, "Mukhang nag-aalala na ang Japanese military." “Hindi ko sila masisisi. Sigurado ako na ang Japanese Military ay nakatagpo na ng isang kaso na tulad nito dati. Wala nga lang nag-akala na ang mawawala ay isang special forces soldier," sagot ni Master Ghost. “Mag-focus muna tayo sa paghahanap ng ating accommodation. Duda ako na magiging isyu ang kaligtasan dahil bukod sa mga mula sa Yanam, wala nang ibang tao dito na maghahanap ng gulo dito
Tumango si Gerald saka niya ipinagpatuloy ang pagmamasid sa babae na natapos na ang check-in process makalipas ang ilang sandali. Sumunod si Gerald sa babae sa elevator hanggang sa twelfth floor kung saan siya lumabas. Hindi niya ito sinundan palabas, ngunit naisip niya na ito ay isang magandang simula para sa kanyang pursuit. Kung tutuusin, alam ni Gerald na hindi siya dapat magsimulang makipag-usap sa isang random na tao. Kapag tinakot niya ito, mawawala na ang kanyang tsansa na malaman kung saan matatagpuan ang tribo... Pagkatapos nito ay bumalik si Gerald sa kanyang kwarto... Umupo sa sofa si Gerald at nagsimulang humihithit ng sigarilyo si Gerald habang iniisip ang susunod niyang hakbang. Nakita iyon ni Aiden at dahil hindi niya narinig ang pag-uusap nina Gerald at Master Ghost kanina dahil abala siya, doon niya naisipang magtanong, "Saan ba talaga niya-" “Hayaan mo muna siya. Kailangan nating mag-focus sa rest time natin,” sagot ni Master Ghost nang pinutol niya ang k
“...Huh? Ano pa pala ang hinihintay natin dito? Tanungin na natin siya tungkol sa Seadom Tribe habang nandito tayo! Paano kung bigla siyang mawawala?” kinakabahang tinanong ni Aiden.“Pakalmahin mo ang sarili mo,” sabi ni Gerald habang tinatapik ang braso ni Aiden. Inasahan na niyang magiging excited ang lalaking ito sa sandaling malaman niya ang tungkol sa balita…“Anong pakalmahin ko ang sarili ko? Ito ang magandang pagkakataon natin para mahanap ang isang tao mula sa Seadom Tribe! Hindi natin siya pwedeng hayaan na umalis dito! Anong gagawin natin kung mawala siya? Magtatagal pa tayo sa Japan?!” sabi ni Aiden nang bigla siyang umupo sa sofa.Sinindihan ni Aiden ang isa sa kanyang mag sigarilyo at hinithit ito bago nagsimulang magsalita si Gerald, “Unang-una sa lahat, nandito siya para sa competition dahil mula siya sa special forces. Dahil doon ay hindi siya agad aalis. Maliban doon, meron siyang record ng kanyang registration sa hotel. Kung nagpadalus-dalos tayo, sa tingin mo ba
Sa huli, wala sila sa Weston at hindi siya isang superhero na obligadong iligtas ang mundo. Dahil doon, pinaalalahanan ni Gerald ang kanyang sarili na hindi niya kailangang makialam sa kanilang ginagawa at hindi niya kailangang ilagay ang kanyang sarili sa hindi kinakailangang gulo... Di-nagtagal pagkatapos niyang makapasok sa supermarket, bigla na namang nag-yelo si Gerald. Kung tutuusin, ang kanyang Herculean Primordial Spirit ay magre-react lamang sa mga mapanganib na away sa pagitan ng mga cultivators. Dahil doon ay hindi ito isang normal na laban...! Naglakad si Gerald sa counter at sinabing, “Isang pakete ng sigarilyo at pakibilisan na lang." Matapos bayaran ang kanyang binili, naglakad patungo sa lugar kung saan nagaganap ang laban. Kung may mga cultivators na nananatili sa malapit, makabubuti sa kanya na tahimik na suriin ang sitwasyon. Hangga’t malaman niya kung sino ang kanyang kalaban, mas pipiliin ni Gerald na manatiling tahimik na lamang... Nakadikit lamang siya sa
Sa puntong ito, siguradong-sigurado na si Gerald na ang babae ay mula sa Seadom Tribe, kaya gagawin niya ang lahat para protektahan siya. Hindi niya alam kung bakit gustong siya tinulungan ni Gerald, pero pumayag na lang siya at nanatiling malapit sa kanyang likuran... “Sagutin mo ako! Bakit ka nakikialam sa ginagawa namin? Saang pamilya ka kabilang? Japanese ka ba?" sabi ng lalaki na naiinis ngayon dahil malapit na niyang matapos ang Futaba Fujiko kanina. Hindi siya pinansin ni Gerald ang lalaki at tumingin lang siya kay Fujiko bago siya nagtanong, "Gusto mo ba siyang patayin?" "Huwag mo siyang patayin... Pabagsakin mo lang siya..." bulong ni Fujiko. Tumango si Gerald saka siya humarap sa lalaki... at napabilis niya itong sinuntok sa dibdib! Hindi man lang nakapag-react sa tamang oras ang lalaki bago siya tumalsik ng 30 feet mula sa una niyang kinatatayuan! Nang mawala ang ulap ng alikabok, dahan-dahang tumayo ang lalaki habang nakahawak siya sa kanyang sugatang dibdib at
Nang pumasok ito sa isip niya, mabilis na tumakbo si Gerald sa washroom para wiwisikan ng tubig ang mukha. Ayaw niyang hubaran ang babae, pero ito ay isang life and death situation. Matagal bago siya nakahanap ng miyembro ng Seadom Tribe at dahil mayroon siyang espesyal na pendant na iyon, naramdaman ni Gerald na meron siyang special status sa kanyang pamilya. Kaya kung siya ay mamamatay, lalong mahihirapan si Gerald na makahanap ng miyembro ng Seadom Tribe na nasa parehong status… Matapos mag-isip, napabuntong-hininga si Gerald habang sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang tawag ng laman. Dahil doon, lumabas siya ng banyo at maingat na sinimulan siyang hubarin... Makalipas ang halos dalawang oras, doon niya tuluyang pinagaling ang kanyang mga internal injuries gamit ang kanyang Herculean Primordial Spirit. Pagkatapos nito ay mabilis niya itong binalot ng kumot bago naligo sa malamig na tubig para pakalmahin ang kanyang sarili. Sa ka
"Hindi ba sinabi mo na ang taong umatake sayo ay kaaway ng iyong pamilya?" tanong ni Gerald na tumatangging lumingon baka sakaling hindi pa siya nakabihis. “Oo... Ang kanyang pamilya ay galit na galit sa pamilya ko. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na nandito ako ngayon, pero kahit papaano ay nalaman niya at sinubukan talaga niya akong patayin…” sagot ni Fujiko habang umiiling. Alam niya na hindi rin ito alam ng kanyang pamilya dahil hindi siya binalaan ng mga ito... Napansin ni Fujiko na nakatalikod pa rin si Gerald, kaya natawa siya bago niya sinabing, “Nakabihis na ako ngayon kaya pwede ka nang tumalikod…” Nakahinga ng maluwag si Gerald nang marinig niya iyon at doon lamang siya muling humarap sa kanya... “Sinabi mo na pumunta ka dito para ayusin ang ilang bagay... Pasensya na pero base sa nakita ko kanina, parang mas malakas ka kaysa sa lalaking sinubukan akong patayin. Ikaw ba ang representative ng Weston sa competition…?" tanong ni Fujiko habang nakatitig kay Ger