Sa puntong ito, siguradong-sigurado na si Gerald na ang babae ay mula sa Seadom Tribe, kaya gagawin niya ang lahat para protektahan siya. Hindi niya alam kung bakit gustong siya tinulungan ni Gerald, pero pumayag na lang siya at nanatiling malapit sa kanyang likuran... “Sagutin mo ako! Bakit ka nakikialam sa ginagawa namin? Saang pamilya ka kabilang? Japanese ka ba?" sabi ng lalaki na naiinis ngayon dahil malapit na niyang matapos ang Futaba Fujiko kanina. Hindi siya pinansin ni Gerald ang lalaki at tumingin lang siya kay Fujiko bago siya nagtanong, "Gusto mo ba siyang patayin?" "Huwag mo siyang patayin... Pabagsakin mo lang siya..." bulong ni Fujiko. Tumango si Gerald saka siya humarap sa lalaki... at napabilis niya itong sinuntok sa dibdib! Hindi man lang nakapag-react sa tamang oras ang lalaki bago siya tumalsik ng 30 feet mula sa una niyang kinatatayuan! Nang mawala ang ulap ng alikabok, dahan-dahang tumayo ang lalaki habang nakahawak siya sa kanyang sugatang dibdib at
Nang pumasok ito sa isip niya, mabilis na tumakbo si Gerald sa washroom para wiwisikan ng tubig ang mukha. Ayaw niyang hubaran ang babae, pero ito ay isang life and death situation. Matagal bago siya nakahanap ng miyembro ng Seadom Tribe at dahil mayroon siyang espesyal na pendant na iyon, naramdaman ni Gerald na meron siyang special status sa kanyang pamilya. Kaya kung siya ay mamamatay, lalong mahihirapan si Gerald na makahanap ng miyembro ng Seadom Tribe na nasa parehong status… Matapos mag-isip, napabuntong-hininga si Gerald habang sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang tawag ng laman. Dahil doon, lumabas siya ng banyo at maingat na sinimulan siyang hubarin... Makalipas ang halos dalawang oras, doon niya tuluyang pinagaling ang kanyang mga internal injuries gamit ang kanyang Herculean Primordial Spirit. Pagkatapos nito ay mabilis niya itong binalot ng kumot bago naligo sa malamig na tubig para pakalmahin ang kanyang sarili. Sa ka
"Hindi ba sinabi mo na ang taong umatake sayo ay kaaway ng iyong pamilya?" tanong ni Gerald na tumatangging lumingon baka sakaling hindi pa siya nakabihis. “Oo... Ang kanyang pamilya ay galit na galit sa pamilya ko. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na nandito ako ngayon, pero kahit papaano ay nalaman niya at sinubukan talaga niya akong patayin…” sagot ni Fujiko habang umiiling. Alam niya na hindi rin ito alam ng kanyang pamilya dahil hindi siya binalaan ng mga ito... Napansin ni Fujiko na nakatalikod pa rin si Gerald, kaya natawa siya bago niya sinabing, “Nakabihis na ako ngayon kaya pwede ka nang tumalikod…” Nakahinga ng maluwag si Gerald nang marinig niya iyon at doon lamang siya muling humarap sa kanya... “Sinabi mo na pumunta ka dito para ayusin ang ilang bagay... Pasensya na pero base sa nakita ko kanina, parang mas malakas ka kaysa sa lalaking sinubukan akong patayin. Ikaw ba ang representative ng Weston sa competition…?" tanong ni Fujiko habang nakatitig kay Ger
"…Sige, sasabihan ko muna ang mga kaibigan ko! Bigyan mo ako ng ten minutes! Magkit na lang tayo ulit ako sa lobby ng hotel!" sagot ni Gerald habang tumtaayo at lumabas ng kwarto... Hindi nagtagal ay bumalik siya sa kanyang kwarto at sinabi kay Master Ghost at Aiden ang lahat ng nangyari. Pagkatapos niya silang i-update, sinuot niya ang kanyang coat bago pumunta sa lobby kung saan naghihintay si Fujiko sa kanya... Pagkatapos nilang mag-regroup, sumakay ang dalawa sa kanyang sasakyan at sa pangunguna ni Fujiko, nagsimula siyang magmaneho patungo sa kanilang bahay... Makalipas ang ilang minuto, may isang grupo ng mga lalaking nakaitim na may hawak na daggers ang makikitang sumusugod patungo sa likod ng hotel kung saan unang iniligtas ni Gerald si Fujiko... Kung susuriin sila ng maigi, maamoy ang pamilyar na dugo na namamasa sa kanilang katawan... Habang nakatingin ang leader nila sa mga basura sa paligid, doon siya nagsimulang magtanong, "...Ito ba ang lugar, Third?" "Ito nga i
Nagtaka ang binata, kaya naglakad siya papunta kay Gerald bago siya bumulong, "Alam mo na ayaw ni master na pumapasok ang ibang tao sa ating bahay, miss..." Bumulong man ang lalaki, narinig naman ni Gerald ang bawat salitang sinasabi niya. Dahil dito ay napangiti siya. Base sa sinabi ng lalaking iyon, mas malaki ang pagkakataon na ang pamilyang Futaba ang parte ng Seadom Tribe. Kumunot ang noo ni Fujiko habang sumasagot, “Inatake ako ng isang miyembro ng pamilyang Hanyu noong nakaraan! Kung hindi pumasok ang lalaking ito para iligtas ako kanina, patay na sana ako ngayon!" Agad na nanlaki ang mga mata ng binata nang marinig niya iyon. Gayunpaman, mabilis siyang natauhan bago siya lumingon kay Gerald at magalang na sinabing, “Ganun ba! Please, pasok ka sir!" Pagbaba ng sasakyan, naudyukang magsalita si Gerald, "Mukhang napakataas ng rank mo sa iyong pamilya..." Awkward na ngumiti si Fujiko saka sinabi, "Tatay ko ang master ng aming pamilya..." Sa totoo lang, iyon ang dahilan
“Kaya pala parang pamilyar ang pangalan mo! Ikaw pala ng taong nag-iisang pinabagsak ang tatlong malalaking pamilya sa Yanam! Kung tama ang alaala ko, gumawa ka rin ng kaunting kaguluhan sa Yanam military!" sabi ng ama ni Fujiko. Nag-iba ang tingin ni Fujiko kay Gerald nang malaman ito. Napagtanto niya rin na parang pamilyar ang pangalan nito noong una niyang nalaman ito. Ito pala ang Gerald na naghasik ng lagim sa Yanam! Napagtanto ng tatay ni Fujiko na awkward ang bagay na sinabi niya, kaya tumahimik siya bago niya iwinagayway ang kanyang kamay habang sinasabi, “...Hindi mo na kailangang magpaliwanag kung bakit mo ginawa iyon. Wala akong kahit anong interes sa mga nangyari sa Yanam at sigurado ako na mayroon ka ring mga dahilan para gawin iyon. Regardless sa lahat ng iyon, ang mahalaga ay nailigtas mo ang aking pinakamamahal na anak na babae... Kung hindi ka pumasok sa laban, malamang ang aking anak ay... Mula ngayon, ikaw ay isang benefactor ng aking pamilya! Kung sakaling kaila
Dahil hindi ito pinipilit ni Takuya, natapos agad ang meal nang walang anumang sagabal. Hinanda ni Takuya na manatili si Gerald sa isa sa mga main guest house ng manor. Nagpaalam si Gerald kay Fujiko bago sumunod sa isang butler sa kanyang guest house... Pagdating nila doon, hindi napigilan ni Gerald na sumipol. Simple lang ang bahay pero luxurious ang decorations ng mga ito... Sinuri niya ang kanyang paligid at nakita niya na may dalawang hall at tatlong kwarto sa buong bahay, kasama ang lahat ng mga basic living facilities. Matapos isara ang pinto ng kanyang kwarto sa likod niya, inilapag ni Gerald ang kanyang bag at tinawagan si Aiden… Nang kumonekta ang tawag, agad namang tinanong ni Gerald, "Kumusta ang pagbalik sa hotel?" Mabilis na naglakad si Aiden sa may bintana bago tumingin sa ibaba at bumulong, "Maraming nagpa-patrol sa hotel natin... Malakas ang kutob ko na ikaw ang hinahanap nila." Tumango lang si Gerald nang marinig niya iyon. Katulad nga ito ng inaasahan niya.
“Routine ko na ito,” nakangiting sinabi ni Gerald. “Gusto mo bang magkaroon uminom ng tsaa sa aking tea room? Ang tsaa ay delivered dito mula sa Mount Wellyork sa Weston. May mga updates rin ako sayo,” sabi ni Takuya habang itinuro ang tea room sa hindi kalayuan. Hindi tumanggi sa kanya si Gerald, at maya-maya, pareho silang naupo sa tea room... Habang inihahanda ni Takuya ang tsaa, sinabi niya kay Gerald na nag-report ang mga tauhan niya sa kanya at kasunod nito ay sinabi niya, "Pagkatapos kong sabihan ang aking mga tauhan na pumunta sa kung saan mo iniligtas ang aking anak kagabi, nalaman nila na naghahanap ng impormasyon tungkol sayo ang Hanyu. Dahil doon, suggestion ko na manatili ka muna sa amin dito hanggang sa mawala ang panganib…” Humigop muna ng tsaa si Gerald bago siya sumagot, “Ganun ba… salamat sa update. Pero bakit gustong patayin ng Hanyu si Miss Fujiko…?” Ayaw ni Gerald na lalo pang mag-provoke ng isang assassin family, pero matapos itong pag-isipan noong nakar