Biglang napatahimik si Dawn."Tama iyan. Pero Dawn, mayroong isang kasabihan. Ang isang tao na pangit ang ugali o walang class ay hindi magkakaroon ng maayos na ugali o class. Gaano man sila kayaman, hindi na sila magkakaroon ng anumang class! Tingnan mo lang si Samuel. Hindi lamang siya mayaman sa bahay nila, ngunit mayroon din siyang napakahusay na ugali at klase. Ahh! Tingnan mo naman si Gerald. Nanalo siya sa lotto pero wala naman siyang kwenta.” Napatingin si Nyla kay Gerald at tuluyan siyang napatahimik habang umiiling. Kung hindi kilala ng isang tao ang kanyang sarili, ano ang pagkakaiba niya mula sa isang bangkay? Pareho nilang iniisip ito. Sa katunayan, si Gerald ay may nararamdaman na bigat sa kanyang dibdib ngayon. Talagang hindi siya komportable na minamaliit siya sa kabila ng pagpapakita ng mabuting hangarin. Gayunpaman, nagpasya siyang umupo na muna. Sabihin lang nila kung ano ang gusto nila! Naupo si Gerald. Syempre, nakaupo siya sa likuran. Sa oras n
”Ha? Imposible iyon, Uncle Light! Si Mr. Lyle ang pinakamayamang tao sa Mayberry City! Kaya sigurado ako na may kakayahan siyang bilhin ito!” Laking gulat ni Samuel. “Hehehe. Mali ka. Noon, si Mr. Lyle ay talagang may napakayaman. Pero, nakatanggap ako ng balita na si Mr. Lyle ay tinanggal na sa Mayberry Commercial Street. Ibang tao na ang hahawak sa Mayberry Commercial Street sa hinaharap!" "Kahit na inilipat na si Mr. Lyle, kinuha siya pa rin siya ni Mr. Crawford. Kaya, sa oras na ito, kahit na mayaman siya at kaya niyang bilhin ang villa, hindi niya ito bibilhin!" "Ahh? Si Mr. Lyle ay inilipat na? " "Oo. Kinuha pa rin siya ni Mr. Crawford sa kanyang tabi. Kaya sigurado na pipigilan niya ang kanyang sarili nang kaunti! " Patuloy na tumango si Samuel, pinapahiwatig na naintindihan niya ang sinasabi ni Wyatt. “Brother Samuel, papa, ano ang pinag-uusapan niying dalawa? Sino si Mr. Crawford? Bakit hindi mo siya nabanggit sa akin dati? " Tanong ni Melanie na nag-uusisa sa
”Hahaha! Walang talagang bibili! " Sagot ni Samuel habang nakangiti. Pilit na ngumiti si Wyatt. "Sinabi ko na sayo na hangga't ang tao ay isang matalinong negosyante, hindi niya sasayangin ang one hundred twenty million dollars sa villa, maliban na lang kung…" "Gusto ko itong bilhin!" Bago pa matapos ang pagsasalita ni Wyatt, nakarinig siya ng isang tinig na hindi gaanong malakas ngunit malakas pa rin para marinig ng lahat ng panauhin na nandoon ang kanyang mga salita. "Ha?!" Binalot ng pagdududa ang buong paligid. Lahat ay nakatingin sa gilid kung saan nanggaling ang boses. Napatulala din sina Wyatt at Samuel nang mapalingon sila upang tingnan ang tao. Ito ay dahil ang taong sumigaw ng pangungusap na ito ay walang iba kundi ang probinsyano na dinala ni Samuel. Si Gerald ang nagsabi nito! "D*mn it! Gerald, baliw ka ba? Bakit ang kapal ng mukha mo na sumigaw at magyabang? Alam mo ba kung ano ang mangyayari kung sinabi mo na bibilhin mo ang villa? May sapat na pera
Sila Zack, Howard, at ang kanyang anak ay sabay na umakyat sa platform. Tumayo sila sa parehong hilera nang walang malay. Nagulat ang lahat, binigyan nila si Gerald ng 90-degree bow. "Masaya akong makilala ka, Mr. Crawford. Binabati kita sa matagumpay na pagbili ng Mountain Top Villa." Sinabi nila nang magkakasabay, na para bang napag-usapan nila ito at nakipagkasundo silang gawin ito. Isang malakas na putok ang narinig. Nang sabihin nila iyon, tila isang malaking dagok ang tumama sa ulo ng mga tao kaya gulat na gulat sila. "Mr. Crawford! Lumalabas na siya si Mr. Crawford! " “Oh my god! Siya ba talaga si Mr. Crawford na mula sa Mayberry? Siya ba ang kinikilala na pambansang milyonaryo, na si Mr. Crawford?" Napanganga sila sa sorpresa at nagkagulo. "Ano? Mr. Crawford? Si Gerald ay si Mr. Crawford! ” Napahinto at medyo napaatras si Rita. Noong nagsama-sama ang pamilya nila, may nakahula na si Gerald ay ang ganap na pambansang milyonaryo na si Mr. Crawford. Gayun
"D*mn it!" Parang sasakit ang ulo ni Gerald. Ang dalawang babaeng iyon ang pinaka walang hiyang mga babaeng nakilala ni Gerald sa buong buhay niya, higit pa sila kay Xavia. Hiniling niya sa kanila na tumahol tulad ng isang aso, at ginawa nila ito nang walang pag-aatubili. Sa totoo lang, binato nina Dawn at Nyla ang lahat na mayroon sila ngayon. Tiyak na makakapit sila ng mahigpit kay Mr. Crawford anuman ang hilingin ni Gerald sa kanila na gawin. Ito ay talagang isang mabisang taktika. Tahimik si Gerald ngayon. Kinaway niya ang kamay niya. "Sumama lang kayo kung gusto niyo!" "Mr. Crawford!" Sa sandaling iyon, sumigaw si Wyatt. Tinaas niya ang magkabilang kamay niya at niyuko ng bahagya ang kanyang katawan. Pagkatapos ay nakioagsiksikan siya sa mga tao at tumakbo papunta kay Gerald. "Mr. Crawford. Hindi ko alam kung sino ka kanina. Ako ay nagkamali. Patawarin mo ang aking masamang ugali. Ako si Wyatt Light. Ngayon lang natin nakilala ang isa't isa." Hinawakan ni Wyat
Hindi nagtagal, nakarating na sa eskwelahan si Gerald. Dumiretso siya sa kanilang department classroom. Nang marating niya ang west entrance, nakita niyang masikip ito. Maraming mga mag-aaral mula sa iba't ibang mga department ay nakaharang sa daanan. Nakita ni Gerald si Harper at ng iba pa na nakatayo sa crowd ng mga tao. Kaya nakipag siksikan siya sa daan ng crowd ng mga tao. Saka niya lang nakita ang nangyayari. Isang dalaga ang nakatayo sa west entrance na may hawak na isang nakakaawang sign. Ibinaba niya ng sobra ang kanyang ulo. Ngunit nakilala siya ni Gerald sa unang tingin pa lang. Ito ay walang iba kundi si Layla. Sa tabi niya, nandoon sila Cassandra, Victor, at ang president ng student union — si Whitney. Sa sandaling iyon, kumilos si Layla tulad ng isang imahe sa background, na binibigyan ang iba ng pagkakatao kumuha ng litrato sa kanya. “Gerald, nandito ka na pala. Sobrang nakakaawa! " Tinapik ng bahagya ni Harper ang balikat ni Gerald. Galit na sinabi
"Gerald, alam mo pa ba ang sinasabi mo ngayon? Binabalaan kita ngayon. Umalis ka na ngayon. Kung hindi man, patatalsikin ka sa school na ito." Sobrang pinahahalagahan ni Cassandra ang kanyang karangalan at katanyagan. Galit na galit siya nang marinig niya na pinapagalitan sila ni Gerald. Lalo na si Victor. "Isa kang mahirap na tao. 'Wag ka masyadong magmayabang dahil lamang sa nanalo ka sa lotto. Ang kapal ng mukha mo para itulak ako!" Pagkatapos, hinawakan ni Victor ang buhok ni Gerald at kinaladkad. Bigla niyang sinampal ang mukha ni Gerald. Si Victor ay tiyak na isang tao na may masamang ugali. Galing siya sa isang mayamang pamilya. Tinatrato rin ba siya ng ganoon sa kanilang pamilya? Bukod pa dito, hindi ganon kalakas si Gerald. Medyo nasaktan si Gerald dahil sa sampal niya. "Huwag mo na siyang bugbugin. Victor, nakikiusap ako sayo. Huwag mo siyang bugbugin! Ayoko na ng donasyong ito. Huwag mo lang siyang bugbugin!" Takot na takot si Layla. Sumugod siya patungo
Hindi nag-abala si Gerald tungkol sa kanilang mga panunuya at sa mga malsasakit na salita. Kinuha lamang niya ang kanyang cellphone at pinadalhan ng message si Zack, na sinasabihan sa kanya kung ano ang nangyari kay Victor at sa mga gawain ng kanyang pamilya. Pagkatapos, hinila niya si Layla pabalik sa classroo. Alam ni Harper na si Gerald ay nahaharap ngayon sa matinding kaguluhan. Ang pamilyang Wright ay isang mayamang pamilya. Ang ama ni Victor ay may international na negosyo, at talagang mayaman sila. Bukod pa dito, ang kanyang ama ay isang lokal sa Mayberry, kaya maaari siyang maituring na isang malakas at maimpluwensyang tao roon. Ngunit si Harper at ang iba pa ay nanatili sa tabi ni Gerald, hindi pinapansin ang mga bagay na iyon. “Gerald, nagtatago ka ba sa classroom? Gusto kang makita ng department director!” Sa sandaling iyon, binuksan ni Whitney ang pinto ng classroom kung nasaan si Gerald. Pagkatapos ay nagcross ang kanyang mga kamay sa harapan niya at nagsal