Sila Zack, Howard, at ang kanyang anak ay sabay na umakyat sa platform. Tumayo sila sa parehong hilera nang walang malay. Nagulat ang lahat, binigyan nila si Gerald ng 90-degree bow. "Masaya akong makilala ka, Mr. Crawford. Binabati kita sa matagumpay na pagbili ng Mountain Top Villa." Sinabi nila nang magkakasabay, na para bang napag-usapan nila ito at nakipagkasundo silang gawin ito. Isang malakas na putok ang narinig. Nang sabihin nila iyon, tila isang malaking dagok ang tumama sa ulo ng mga tao kaya gulat na gulat sila. "Mr. Crawford! Lumalabas na siya si Mr. Crawford! " “Oh my god! Siya ba talaga si Mr. Crawford na mula sa Mayberry? Siya ba ang kinikilala na pambansang milyonaryo, na si Mr. Crawford?" Napanganga sila sa sorpresa at nagkagulo. "Ano? Mr. Crawford? Si Gerald ay si Mr. Crawford! ” Napahinto at medyo napaatras si Rita. Noong nagsama-sama ang pamilya nila, may nakahula na si Gerald ay ang ganap na pambansang milyonaryo na si Mr. Crawford. Gayun
"D*mn it!" Parang sasakit ang ulo ni Gerald. Ang dalawang babaeng iyon ang pinaka walang hiyang mga babaeng nakilala ni Gerald sa buong buhay niya, higit pa sila kay Xavia. Hiniling niya sa kanila na tumahol tulad ng isang aso, at ginawa nila ito nang walang pag-aatubili. Sa totoo lang, binato nina Dawn at Nyla ang lahat na mayroon sila ngayon. Tiyak na makakapit sila ng mahigpit kay Mr. Crawford anuman ang hilingin ni Gerald sa kanila na gawin. Ito ay talagang isang mabisang taktika. Tahimik si Gerald ngayon. Kinaway niya ang kamay niya. "Sumama lang kayo kung gusto niyo!" "Mr. Crawford!" Sa sandaling iyon, sumigaw si Wyatt. Tinaas niya ang magkabilang kamay niya at niyuko ng bahagya ang kanyang katawan. Pagkatapos ay nakioagsiksikan siya sa mga tao at tumakbo papunta kay Gerald. "Mr. Crawford. Hindi ko alam kung sino ka kanina. Ako ay nagkamali. Patawarin mo ang aking masamang ugali. Ako si Wyatt Light. Ngayon lang natin nakilala ang isa't isa." Hinawakan ni Wyat
Hindi nagtagal, nakarating na sa eskwelahan si Gerald. Dumiretso siya sa kanilang department classroom. Nang marating niya ang west entrance, nakita niyang masikip ito. Maraming mga mag-aaral mula sa iba't ibang mga department ay nakaharang sa daanan. Nakita ni Gerald si Harper at ng iba pa na nakatayo sa crowd ng mga tao. Kaya nakipag siksikan siya sa daan ng crowd ng mga tao. Saka niya lang nakita ang nangyayari. Isang dalaga ang nakatayo sa west entrance na may hawak na isang nakakaawang sign. Ibinaba niya ng sobra ang kanyang ulo. Ngunit nakilala siya ni Gerald sa unang tingin pa lang. Ito ay walang iba kundi si Layla. Sa tabi niya, nandoon sila Cassandra, Victor, at ang president ng student union — si Whitney. Sa sandaling iyon, kumilos si Layla tulad ng isang imahe sa background, na binibigyan ang iba ng pagkakatao kumuha ng litrato sa kanya. “Gerald, nandito ka na pala. Sobrang nakakaawa! " Tinapik ng bahagya ni Harper ang balikat ni Gerald. Galit na sinabi
"Gerald, alam mo pa ba ang sinasabi mo ngayon? Binabalaan kita ngayon. Umalis ka na ngayon. Kung hindi man, patatalsikin ka sa school na ito." Sobrang pinahahalagahan ni Cassandra ang kanyang karangalan at katanyagan. Galit na galit siya nang marinig niya na pinapagalitan sila ni Gerald. Lalo na si Victor. "Isa kang mahirap na tao. 'Wag ka masyadong magmayabang dahil lamang sa nanalo ka sa lotto. Ang kapal ng mukha mo para itulak ako!" Pagkatapos, hinawakan ni Victor ang buhok ni Gerald at kinaladkad. Bigla niyang sinampal ang mukha ni Gerald. Si Victor ay tiyak na isang tao na may masamang ugali. Galing siya sa isang mayamang pamilya. Tinatrato rin ba siya ng ganoon sa kanilang pamilya? Bukod pa dito, hindi ganon kalakas si Gerald. Medyo nasaktan si Gerald dahil sa sampal niya. "Huwag mo na siyang bugbugin. Victor, nakikiusap ako sayo. Huwag mo siyang bugbugin! Ayoko na ng donasyong ito. Huwag mo lang siyang bugbugin!" Takot na takot si Layla. Sumugod siya patungo
Hindi nag-abala si Gerald tungkol sa kanilang mga panunuya at sa mga malsasakit na salita. Kinuha lamang niya ang kanyang cellphone at pinadalhan ng message si Zack, na sinasabihan sa kanya kung ano ang nangyari kay Victor at sa mga gawain ng kanyang pamilya. Pagkatapos, hinila niya si Layla pabalik sa classroo. Alam ni Harper na si Gerald ay nahaharap ngayon sa matinding kaguluhan. Ang pamilyang Wright ay isang mayamang pamilya. Ang ama ni Victor ay may international na negosyo, at talagang mayaman sila. Bukod pa dito, ang kanyang ama ay isang lokal sa Mayberry, kaya maaari siyang maituring na isang malakas at maimpluwensyang tao roon. Ngunit si Harper at ang iba pa ay nanatili sa tabi ni Gerald, hindi pinapansin ang mga bagay na iyon. “Gerald, nagtatago ka ba sa classroom? Gusto kang makita ng department director!” Sa sandaling iyon, binuksan ni Whitney ang pinto ng classroom kung nasaan si Gerald. Pagkatapos ay nagcross ang kanyang mga kamay sa harapan niya at nagsal
”Bakit ka ba masyadong nagmamadali? Hindi pa nga ako tapos i-fill out yung form. Sasagutin ko yun kapag tapos na ako!”Maraming mga tao ang tumatawag sa kanya. Sa normal na araw, sasagutin agad ni Gerald ang tawag na natatanggap niya.Pero ngayon wala siyang plano na gawin ito pagkatapos makita kung gaano kabalisa si Jacob.Bukod pa dito, dalawang beses na nakasama kumain ni Gerald si Mr. Raine. Kilala nila ang isa’t-isa.Hindi na nila kinailangan pa na maging masyadong magalang sa isa’t-isa. “Bakit hindi mo pa sinasagutan yung form? Dalian mo at sagutin mo na! Bakit ka tinatawagan ni Mr. Raine? Dali sagutin mo na yung tawag!”Namatay ang tawag.Walang sumasagot sa tawag kaya diretso itong binaba ng tumawag.Nainis si Jacob. “Isa ka talagang inutil Gerald! Dapat lang sayo yan dahil isa kang…”Tumunog muli ang telepono.“Bilis! Sagutin mo na yung tawag!”Sa pagkakataong ito, agad na hinablot ni Jacob ang ballpen sa kamay ni Gerald.Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono par
”Mr. Crawford, pasensya na po! Isa lang po itong hindi pagkakaunawaan!” Balisang-balisa si Jacob.“Ano yung hindi napagkaintindihan? Hindi ko na ngayon magawang mag-survive sa Mayberry. Mas mabuti kung hahayaan ako na umalis nadin dito sa eskwelahan!”Gusto na pirmahan ni Gerald ang form.“Nagkakamali po ako Mr. Crawford. Nagkamali lang po ako. Sa katunayan, pwede ko naman kay bigyan ng maliit na parusa. Kaso nakinig ako sa iba at binalak na i-expel ka dito sa school.”Kapag nalaman ng chancellor na binalak niyang tanggalin si Mr. Crawfod ng Mayberry sa school, sa malamang ay tapos na ang kanyang kinabukasan.Kahit na hindi ito malaman ng chancellor, sigurado padin na mapaparusahan siya ng matindi dahil sinubukan niyang tanggalin si Mr. Crawford.“Sige. Ano pala ang susunod na binabalak mong gawin sa insidenteng ito? Inutusan ni Cassandra ang isang studyante na gawin iyon sa harap ng publiko. Siguradong nasaktan ng sobra ang self-esteem ng studyanteng ‘yon!”Hindi din alam ni
Sa mga sandaling iyon, nagsend si Cassandra ng isang mensahe sa kanyang isa pang social media account.“Nakakaasar! Ordinary Man! Gusto ko ng magpakamatay! Anong dapat kong gawin?”Sabi ni Cassandra.Sa katunayan, nagalit si Gerald ng makita ang pangalan ni Cassandra.“Kung ayaw mo ng mabuhay pa sa mundong ito, edi mag pakamatay ka na! Bakit naghahanap ka pa ng ibang gagawin?”Mabilis na sagot ni Gerald.“Oh! Nakakainis ka naman! Gusto ko lang naman magkwento ng mga problema ko.”Wala ng nasabi si Gerald.Dahil alam niyang hindi maganda at masakit ang kanyang sinabi.Pero paanong nagawa ni Cassandra na gamitan siya ng malambing na tono na parang isang spoiled na bata.Hindi alam ni Gerald kung ano ang kanyang isasagot sa mensahe.“Humph! Lagi kitang inaalala, pero kahit kailan wala kang pake sakin. Sobrang nakakalungkot isipin!”“Pero gusto ko padin sabihin sayo ang tungkol doon. Alam mo ba Ordinary Man. Sayo ko lang nalalabas ang mga nararamdaman ko at ikaw lang ang nakaka