Gusto na ni Gerald na ipagpatuloy ang laro dahil hindi na pinipigilan ni Xanry ang kanyang sarili. Hindi nagtaka si Xanry na lalong naging interesado si Gerald sa laro at sinabi niya, “Oo naman magpapatuloy tayo! Tutal, ilang rounds pa lang ang laro natin! Hindi ako magiging mabait sayo pagkatapos nito, Mr. Crawford!" Lalo rin naging focused si Gerald pagkatapos itong sabihin ni Xanry. Masyadong confident si Xanry para sa kanyang kapakanan. Gayunpaman, lalong lumalakas ang loob niya sa tuwing confident siya sa kanyang mga aksyon at kapag nangyari iyon, alam ni Gerald na hindi magiging maganda ang kanyang katapusan. Dahil dito ay mabilis nilang pinagulong ang kanilang mga dice. Habang inaalog ni Gerald ang kanyang dice sa loob ng humigit-kumulang dalawang segundo, si Xanry ay nagpatuloy sa pag-alog ng kanyang sariling dice nang mas matagal. Gayunpaman, madali pa ring nalaman ni Gerald kung ano ang mga dice ni Xanry. Kahit pa matagal niyang alugin ang kanyang dice, hindi makakata
“...Syempre magpapatuloy tayo sa paglalaro! Hindi ba one hundred fifty dollars lang ang nawala sa akin? Siguradong mapapanalunan ko ang perang iton mamaya!" confident na sinabi ni Xanry. Nang marinig iyon, agad na natuwa si Gerald habang iniisip niya, ‘Talagang sinusubukan niya pa rin akong takutin! Dahil ganyan ka, huawg mo akong sisihin kung uubusin ko ang pera mo!' May mga tao talaga na kailangang basagin ang bungo para lang maturuan sila ng leksyon. Pagkatapos nito ay nagsimula na silang dalawa sa susunod na round. Nakatutok si Xanry kay Gerald habang inaalog nila ang mga dice. Nainis siya dahil wala siyang nakitang nakatagong trick kay Gerald. Gayunpaman, ni Xanry na iba si Gerald, pero hindi niya alam kung ano ang espesyal kay Gerald... Dumating ang punto kung saan tumigil silang dalawa sa pag-alog ng kanilang dice. Sa pagkakataong ito, may apat na two at may isang one si Gerald. Sa mga termino ng laro, ang ganitong resulta ay kilala bilang 'leopard' dahil napakaramin
Habang puno siya ng sama ng loob, nanatili pa rin ang katotohanan na siya ay natalo kaya hindi niya kayang sumabog sa sobrang galit. Kung magagalit siya ngayon, nag-aalala si Xanry na baka sabihin ng iba na wala siyang sapat na pera para maglaro at iyon ay isang kahihiyan na ayaw niyang maranasan. Two hundred twenty five dollars lang naman ang nawala sa kanya. Pwede pa rin siyang magpatuloy dahil hindi ito malaking halaga para sa kanya…! Alam ni Gerald na ayaw nang magpatuloy ni Xanry dahil marami na siyang pagkatalo, kaya tumingin siya sa kanya bago siya nagtanong, “Maglalaro ka pa ba, monitor?” “Oo naman! Ipagpatuloy natin!" deklara ni Xanry. Makikita sa ugali ni Xanry na siya ay may ugali ng isang sugarol. Hindi mapapanatag ang loob niya hangga’t hindi siya nananalo laban kay Gerald. Hindi naman nagrereklamo dito si Gerald. Gusto niyang makita kung magkano pa ang kayang itaya ni Xanry. “Kung ‘yan ang gusto mo, monitor! Dahil ikaw ang nag-suggest ng unang laro, bakit hindi
Ngumiti si Xanry bago niya sinabing, "Bago natin gawin iyon, gusto ko munang pumunta sa washroom!" "Sige!" sagot ni Gerald sabay tango. Kahit na alam niyang sinusubukang tumakas ni Xanry, wala siyang plano na ilantad siya. Pagkatapos nito ay tumayo si Xanry at mabilis siyang umalis papuntang washroom. Ngayong nakatakas na siya mula kay Gerald, hindi na rin siya maglalakas-loob na hamunin ang lalaking ito. Di nagtagal, natapos ng maayos class party at umuwi na si Gerald kasama si Juno... Nang makapasok sila sa kanyang bahay, agad na napangiti si Juno nang lumingon siya kay Gerald bago niya sinabing, "Grabe, talagang pinag-tripan mo si Xanry kanina, Gerald!" Tumawa si Gerald bago siya sumagot, “Kasalanan niya iyon dahil bastos siya! Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na lang na gawin iyon, hindi ba? At saka, masaya ka na inasar ko rin siya, 'no?" Tumango si Juno bago niya tuwang-tuwa na sinabi, “Syempre masaya ako! Ang taong iyon ay ginugulo ako mula noong nasa university p
Naintindihan na nila ang buong storya pagkatapos nilang marinig ang paliwanag ni Gerald. Lumalabas na may sinisimbolo talaga ang perfume bag. "...Pero… hindi ba maganda ang ‘importanteng bagay’ na pinapahiwatig nito?" tanong ni Ray. Umiling si Gerald saka sumagot, “Narinig ko na rin noon ang tungkol sa tales ng Grimhelm. Ito ay isang napakasamang lugar, kaya malamang ay may nakasalubong siyang ilang mga problema sa pagpunta niya doon." Alam din ni Gerald na matalino si Old Flint na hindi siya magpapadala ng ganoong bag ng pabango kung walang nangyaring masama sa kanya. Ibibigay lang niya ito kapag nangangailangan siya ng tulong... "…Naiintindihan ko! Tapos... kailan tayo aalis?" "Aalis tayo ng nine o’clock bukas ng umaga!" deklara ni Gerald dahil alam niyang importanteng pangyayari ito. Pagkatapos nito ay humarap siya kina Ray at Juno bago siya nagturo, “Ray, Juno, gisingin mo si Nori at idetalye mo sa kanya ang lahat ng nangyari. Kapag tapos na iyon, simulan ang pag-iimpak
Bandang eleven o’clock ng gabi nang tuluyang nakarating si Gerald at ang iba pa sa Emerald Realm. Ang vampire territory ay isang lumang kagubatan na matatagpuan sa isang ancient mountain doon, at mula noong sinaunang panahon, kakaunting tao lang ang nakikipagsapalaran sa kagubatan para salubungin sila… Sa kabutihang palad para sa grupong ito, mayroon pa ring ilang operating hotel at inn sa paligid nito. Dahil dito ay pwedeng tumira at makapagpahinga nang maayos ang kanilang grupo... Pagkatapos mag-book ng ilang mga kwarto, pinayagan niya ang lahat na pumunta sa kani-kanilang mga kwarto upang makapagpahinga. Pagkatapos ng lahat, kailangan nilang magpahinga bago sila makakapasok sa vampire territory kinaumagahan... Pagsapit ng madaling araw, lahat sila ay maagang nag-check out at agad na nagsimulang magmaneho patungo sa matandang kagubatan sa loob ng kabundukan... Matapos ang halos forty-minute drive, sa wakas ay huminto ang sasakyan sa paanan ng bundok. Dahil hindi na pwedeng ma
Tiningnan ni Gerald ang lalaking mataba, na nakatingin sa kanilang grupo, at doon niya nalaman na magiging problema siya. Sa madaling salita, naramdaman niya na ang mataba na ito ay isang magnanakaw at ang bully sa village. Ayaw ni Gerald na makipag-usap sa kanya o sa kanyang mga tauhan, ngunit ngumiti pa rin siya habang sumasagot ng, “Pagkain lang ang mga ito, pero lahat ng iyon ay ipinagpalit at nakuha na ng mga villagers!” Nang marinig iyon, itinaas ng matabang lalaki ang kanyang ulo bago niya sinabing, “Makinig ka! Ang pangalan ko ay Fane at ako ang boss ng baryong ito! Dahil nandito ka sa village ko, dapat kang mag-abot sa amin bilang isang welcome gift! Kung hindi, wala akong dahilan para payagan kang manatili dito!" Nang marinig iyon, nalaman ni Gerald na si Fane ay isa lamang gangster na sinusubukang i-blackmail sila para sa pera. Maloloko ang mga ordinaryong tao sa bantang ito, ngunit si Gerald ay may karanasan na sa mga taong tulad ni Fane. Dahil dito ay hindi niya papa
Hindi nagtagal, lumalim na ang gabi at ang buong lugar ay nilamon ng kadiliman. Dahil sa katahimikan, maririnig ang malulutong na kalaskas mula sa campfire na ginawa ni Gerald at ng kanyang grupo habang nakaupo sila sa isang bakuran... Nakakuha si Gerald ng mga pagkain para sa tag-ulan at makikita ito dahil may isang malaking karne na kasalukuyang niluluto sa gitna ng campfire. Siniguro rin niyang magtago ng ilang pagkain sa kanyang bag dahil inaasahan niya ang posibilidad na makikipag-trade ang mga villagers ng pagkain sa backpack ni Ray. Dahil malaki ang karne, silang lima ay busog na busog nang matapos ang hapunan. Pagkatapos nilang mabusog, nakaramdam si Ray ng pag-aalala, “…Sa tingin mo ba ay darating si Fane at ang kanyang grupo para maghanap ng gulo sa atin ngayong gabi, Mr. Crawford?” “Huwag kang mag-alala, magsasalitan tayo sa magbantay ngayong gabi. Matulog ka muna, at pagkatapos ng dalawang oras, lilipat tayo ng pwesto. Sa ganoong paraan, hindi sila makakalapit sa at