Hindi nagtagal, lumalim na ang gabi at ang buong lugar ay nilamon ng kadiliman. Dahil sa katahimikan, maririnig ang malulutong na kalaskas mula sa campfire na ginawa ni Gerald at ng kanyang grupo habang nakaupo sila sa isang bakuran... Nakakuha si Gerald ng mga pagkain para sa tag-ulan at makikita ito dahil may isang malaking karne na kasalukuyang niluluto sa gitna ng campfire. Siniguro rin niyang magtago ng ilang pagkain sa kanyang bag dahil inaasahan niya ang posibilidad na makikipag-trade ang mga villagers ng pagkain sa backpack ni Ray. Dahil malaki ang karne, silang lima ay busog na busog nang matapos ang hapunan. Pagkatapos nilang mabusog, nakaramdam si Ray ng pag-aalala, “…Sa tingin mo ba ay darating si Fane at ang kanyang grupo para maghanap ng gulo sa atin ngayong gabi, Mr. Crawford?” “Huwag kang mag-alala, magsasalitan tayo sa magbantay ngayong gabi. Matulog ka muna, at pagkatapos ng dalawang oras, lilipat tayo ng pwesto. Sa ganoong paraan, hindi sila makakalapit sa at
"Hindi ako lumabas ng bahay! Paano ko siya papatayin?" paliwanag ni Gerald. Totoo ang kanyang sinasabi ngunit alam ni Gerald na hindi maniniwala ang mga villagers sa kanya. Dahil dito, ang pinakamahusay na paraan para linisin ang kanyang pangalan ay sa pamamagitan ng pag-investigate sa pagkamatay ni Fane. Gayunpaman, ang pagkamatay rin ni Fane ang dahilan kung bakit hindi ginulo ng grupo nila ang grupo ni Gerald kagabi. Kahit pa si Fane ang tipo ng tao na handang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya, inamin ni Gerald na napaka-untimely ng kanyang pagkamatay. Pagkatapos nito ay sinabi ni Gerald, “...Bago tayo manisi ng ibang tao, kunin na lang muna natin ang bangkay para makita kung paano talaga siya namatay!” Nang marinig iyon, hindi na nakipagtalo ang mga villagers sa suggestion ni Gerald, kaya sinimulan nilang hilahin ang bangkay mula sa balon. Nang maiahon nila ang bangkay, nakita ng lahat na wasak na wasak na ang kanyang mukha. Halos wala nang natirang kapansin-pans
Hindi nagtagal ay nakarating silang tatlo sa balon. Itinuro ni Gerald ang bangkay ni Fane na ngayon ay nakahandusay sa lupa at sinabi, “Pakitingnan sana ang bangkay niya, Old Flint! May umatake sa kanya kahapon bago siya itinapon sa balon!" Gulat na gulat si Ray nang makita niya ang bangkay bago niya sinabi, “...Hin-hindi ba si Fane iyon, Mr. Crawford? Buhay pa siya kahapon noong nakita natin siya! Paano siya namamatay ng biglaan?" Hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong ni Ray, nanatiling nakatingin si Gerald kay Old Flint. Ang Old Flint mismo ay nakatitig lang sa bangkay para suriin ito ng mabuti. Pagkaraan ng maikling panahon, sinabi niya, “…Kagagawan ito ng isang mabangis na bampira!” “Mabangis na bampira?" sabi ni Gerald nang magulat siya sa sagot ni Old Flint. “Oo. Ang ganitong mga bampira ay may matatalas na kuko na madaling makapatay ng tao. Kung mapapansin mo, makikita mo ang mga marka ng kagat sa kanyang leeg! Ang ibig sabihin lamang nito ay sinipsip ang kan
“…Sino ang mga taong ito, Mr. Crawford?” bulong ni Ray habang umiiling si Gerald at makikita ang malalim na simangot sa kanyang mukha. Sa totoo lang, wala rin siyang ideya kung sino sila. Kasunod nito, isang lalaking may buzz cut ang lumapit habang tinititigan nito si Gerald at ang kanyang grupo bago siya nagtanong, "Sino kayo?" "Sir, kami ay mga merchants at nandito lamang kami bilang mga turista!" sagot ni Gerald. “…Mga merchants? Dito sa gitna ng kawalan? Sinong sinusubukan mong lokohin?" ganti ng lalaki habang nakatitig kay Gerald. "Bahala ka kung maniniwala ka sa akin. Anong ginagawa mo at ng iyong mga tauhan sa lugar na ito?” sagot ni Gerald. "Nandito kami para hanapin ang teritoryo ng mga bampira!" sabi ng lalaking may buzz cut dahil wala siyang nakitang dahilan para magsinungaling. “…Oh? Nandito ka rin para hanapin ang kanilang teritoryo?" gulat na tinanong ni Gerald. Hindi niya inasahan na pareho ang kanilang layunin sa pagpunta dito. “Hmm? Pareho pala tayo ng la
Dahil doon, kinuha ni Lech at ng kanyang mga kasamahan sa koponan ang kanilang mga pala kasama ang ilang kagamitan bago nila sinimulang maghukay. “Maging mapagmatyag kayo habang naghuhukay tayo! Makakapagpahinga tayo kapag nakarating na tayo sa kabilang side!" sabi ni Lech. Walang problema dito si Gerald dahil alam niyang hindi madaling maghukay ng daanan at matatagalan pa bago matapos si Lech at ang kanyang mga tauhan. Tumango siya at bumalik sa sarili niyang grupo para magsimulang magbantay. Nang makitang bumalik na si Gerald, nag-aalalang nagtanong si Ray sa kanya, “…Nagtitiwala ka ba sa mga taong ito, Mr. Crawford…?” Sumagot si Gerald dahil alam niya kung ano ang inaalala ni Ray, “Huwag kang mag-alala, nararamdaman ko na siya ay isang mabuting tao!” Nang marinig iyon, mabilis na nawala ang pag-aalala ni Ray. Naniniwala siya sa judgement ni Gerald sa lahat ng bagay. “Ano, Old Flint? Anong tingin mo kay Lech at sa mga tauhan niya?” tanong ni Gerald habang nakatingin sa
Nang marinig iyon, nagulat si Gerald at ang iba pa. Pagkatapos ng kanilang pagsisikap, sa wakas ay nakapasok na sila sa vampire territory! “...Base sa itsura ng kaninang mga bangkay, ang ibig sabihin lamang nito ay buhay pa ang mga bampira! Ang mga ito ay mga mapanganib na mga kalaban kaya dapat lang mag-ingat ang lahat!" dagdag ni Old Flint. Ang mga bampira ay isang independent race na halos hindi kailanman nakipag-ugnayan sa mga tao mula sa outside world. Ito ang dahilan kung bakit galit sila sa mga tao. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas nilang inaatake ang sinuman na hindi bampira. Ang mga bampira rin ay likas na mabilis at madali nilang patayin ang mga taong gusto nila. “Huwag kang mag-alala, sir! Hindi nila tayo kayang kalabanin dahil mahusay tayo sa pakikipaglaban! Dahil dito, naniniwala ako na hindi mangangahas ang mga bampira na kalabanin tayo!" confident na sinabi ni Lech. Hindi sumagot si Old Flint nang marinig niya iyon... Pagkatapos ng halos sampung minuton
Hindi nagtagal bago muling tumahimik ang buong lugar... Dahil wala nang arrow na bumabaril, naisip ng lahat na ang machine na nagpapagana nito ay natapos na... Nakahinga ng maluwag si Lech bago niya takot na takot na sinabi, "Mukhang maraming death traps dito, Mr. Crawford...!" Hindi ito inasahan ng kahit sinuman… pero hindi pa rin mawawala ang katotohanan na ang tauhan ni Lech ang nagpasimula nito. Ang salarin ay tinamaan ng dose-dosenang mga arrows at kasalukuyang nakahandusay sa kanyang mga dugo na dahan-dahang umaagos... Ito ang napakasamang paraan para mamatay... Gayunpaman, nangyari ito dahil random na hinawakan ng mga tao ang mga bagay dito. Dahil doon, tiningnan ng masama ni Lech ang kanyang mga tauhan bago niya sinabi, “Makinig kayo! Kayong lahat ay hindi pinapayagang gumalaw hangga't hindi ko sinasabi!" Nang marinig iyon, lahat ng mga tauhan ni Lech ay tumango lang at nanatiling nakatayo sa kanilang kinaroroonan... Kahit sinuman sa kanila ay hindi naglakas-loob na h
“Wow! May underground palace! Mas malaki ito kumpara sa kaninang palasyo!" sigaw ni Ray. “Mag-ingat po kayong lahat! At huwag kang gagawa ng kalokohan!" babala ni Gerald, umaasa siya na matututo na ang lahat mula sa kaninang pagkakamali. “Masusunod! Ano ang mga bagay na iyon, Mr. Crawford...? Mukhang luxurious ang mga iyon!" tanong ni Ray habang naglalakad patungo sa isa sa mga platform para mas makita ito ng mabuti. “Iyan ay mga Treasure Glaze Platform. Ginagamit ang mga ito para sindihan ang mga kandila na ginagamit para sa mga sacrifice rituals. Ang apoy mula dito ay kayang tumagal magpakailanman!" paliwanag ni Old Flint nang makita niyang hindi sumagot si Gerald. Nagulat si Ray nang marinig niya iyon. May mahiwagang bagay pala na makikita sa mundong ito... Naputol ang kanyang pagkamangha nang biglang marinig ng lahat ang isa sa mga tauhan ni Lech na sumisigaw na parang hirap na hirap siya! Nang lumingon sila, nakita nila na nasusunog na ang buong katawan niya! Ang kanya