Ngumiti si Xanry bago niya sinabing, "Bago natin gawin iyon, gusto ko munang pumunta sa washroom!" "Sige!" sagot ni Gerald sabay tango. Kahit na alam niyang sinusubukang tumakas ni Xanry, wala siyang plano na ilantad siya. Pagkatapos nito ay tumayo si Xanry at mabilis siyang umalis papuntang washroom. Ngayong nakatakas na siya mula kay Gerald, hindi na rin siya maglalakas-loob na hamunin ang lalaking ito. Di nagtagal, natapos ng maayos class party at umuwi na si Gerald kasama si Juno... Nang makapasok sila sa kanyang bahay, agad na napangiti si Juno nang lumingon siya kay Gerald bago niya sinabing, "Grabe, talagang pinag-tripan mo si Xanry kanina, Gerald!" Tumawa si Gerald bago siya sumagot, “Kasalanan niya iyon dahil bastos siya! Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na lang na gawin iyon, hindi ba? At saka, masaya ka na inasar ko rin siya, 'no?" Tumango si Juno bago niya tuwang-tuwa na sinabi, “Syempre masaya ako! Ang taong iyon ay ginugulo ako mula noong nasa university p
Naintindihan na nila ang buong storya pagkatapos nilang marinig ang paliwanag ni Gerald. Lumalabas na may sinisimbolo talaga ang perfume bag. "...Pero… hindi ba maganda ang ‘importanteng bagay’ na pinapahiwatig nito?" tanong ni Ray. Umiling si Gerald saka sumagot, “Narinig ko na rin noon ang tungkol sa tales ng Grimhelm. Ito ay isang napakasamang lugar, kaya malamang ay may nakasalubong siyang ilang mga problema sa pagpunta niya doon." Alam din ni Gerald na matalino si Old Flint na hindi siya magpapadala ng ganoong bag ng pabango kung walang nangyaring masama sa kanya. Ibibigay lang niya ito kapag nangangailangan siya ng tulong... "…Naiintindihan ko! Tapos... kailan tayo aalis?" "Aalis tayo ng nine o’clock bukas ng umaga!" deklara ni Gerald dahil alam niyang importanteng pangyayari ito. Pagkatapos nito ay humarap siya kina Ray at Juno bago siya nagturo, “Ray, Juno, gisingin mo si Nori at idetalye mo sa kanya ang lahat ng nangyari. Kapag tapos na iyon, simulan ang pag-iimpak
Bandang eleven o’clock ng gabi nang tuluyang nakarating si Gerald at ang iba pa sa Emerald Realm. Ang vampire territory ay isang lumang kagubatan na matatagpuan sa isang ancient mountain doon, at mula noong sinaunang panahon, kakaunting tao lang ang nakikipagsapalaran sa kagubatan para salubungin sila… Sa kabutihang palad para sa grupong ito, mayroon pa ring ilang operating hotel at inn sa paligid nito. Dahil dito ay pwedeng tumira at makapagpahinga nang maayos ang kanilang grupo... Pagkatapos mag-book ng ilang mga kwarto, pinayagan niya ang lahat na pumunta sa kani-kanilang mga kwarto upang makapagpahinga. Pagkatapos ng lahat, kailangan nilang magpahinga bago sila makakapasok sa vampire territory kinaumagahan... Pagsapit ng madaling araw, lahat sila ay maagang nag-check out at agad na nagsimulang magmaneho patungo sa matandang kagubatan sa loob ng kabundukan... Matapos ang halos forty-minute drive, sa wakas ay huminto ang sasakyan sa paanan ng bundok. Dahil hindi na pwedeng ma
Tiningnan ni Gerald ang lalaking mataba, na nakatingin sa kanilang grupo, at doon niya nalaman na magiging problema siya. Sa madaling salita, naramdaman niya na ang mataba na ito ay isang magnanakaw at ang bully sa village. Ayaw ni Gerald na makipag-usap sa kanya o sa kanyang mga tauhan, ngunit ngumiti pa rin siya habang sumasagot ng, “Pagkain lang ang mga ito, pero lahat ng iyon ay ipinagpalit at nakuha na ng mga villagers!” Nang marinig iyon, itinaas ng matabang lalaki ang kanyang ulo bago niya sinabing, “Makinig ka! Ang pangalan ko ay Fane at ako ang boss ng baryong ito! Dahil nandito ka sa village ko, dapat kang mag-abot sa amin bilang isang welcome gift! Kung hindi, wala akong dahilan para payagan kang manatili dito!" Nang marinig iyon, nalaman ni Gerald na si Fane ay isa lamang gangster na sinusubukang i-blackmail sila para sa pera. Maloloko ang mga ordinaryong tao sa bantang ito, ngunit si Gerald ay may karanasan na sa mga taong tulad ni Fane. Dahil dito ay hindi niya papa
Hindi nagtagal, lumalim na ang gabi at ang buong lugar ay nilamon ng kadiliman. Dahil sa katahimikan, maririnig ang malulutong na kalaskas mula sa campfire na ginawa ni Gerald at ng kanyang grupo habang nakaupo sila sa isang bakuran... Nakakuha si Gerald ng mga pagkain para sa tag-ulan at makikita ito dahil may isang malaking karne na kasalukuyang niluluto sa gitna ng campfire. Siniguro rin niyang magtago ng ilang pagkain sa kanyang bag dahil inaasahan niya ang posibilidad na makikipag-trade ang mga villagers ng pagkain sa backpack ni Ray. Dahil malaki ang karne, silang lima ay busog na busog nang matapos ang hapunan. Pagkatapos nilang mabusog, nakaramdam si Ray ng pag-aalala, “…Sa tingin mo ba ay darating si Fane at ang kanyang grupo para maghanap ng gulo sa atin ngayong gabi, Mr. Crawford?” “Huwag kang mag-alala, magsasalitan tayo sa magbantay ngayong gabi. Matulog ka muna, at pagkatapos ng dalawang oras, lilipat tayo ng pwesto. Sa ganoong paraan, hindi sila makakalapit sa at
"Hindi ako lumabas ng bahay! Paano ko siya papatayin?" paliwanag ni Gerald. Totoo ang kanyang sinasabi ngunit alam ni Gerald na hindi maniniwala ang mga villagers sa kanya. Dahil dito, ang pinakamahusay na paraan para linisin ang kanyang pangalan ay sa pamamagitan ng pag-investigate sa pagkamatay ni Fane. Gayunpaman, ang pagkamatay rin ni Fane ang dahilan kung bakit hindi ginulo ng grupo nila ang grupo ni Gerald kagabi. Kahit pa si Fane ang tipo ng tao na handang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya, inamin ni Gerald na napaka-untimely ng kanyang pagkamatay. Pagkatapos nito ay sinabi ni Gerald, “...Bago tayo manisi ng ibang tao, kunin na lang muna natin ang bangkay para makita kung paano talaga siya namatay!” Nang marinig iyon, hindi na nakipagtalo ang mga villagers sa suggestion ni Gerald, kaya sinimulan nilang hilahin ang bangkay mula sa balon. Nang maiahon nila ang bangkay, nakita ng lahat na wasak na wasak na ang kanyang mukha. Halos wala nang natirang kapansin-pans
Hindi nagtagal ay nakarating silang tatlo sa balon. Itinuro ni Gerald ang bangkay ni Fane na ngayon ay nakahandusay sa lupa at sinabi, “Pakitingnan sana ang bangkay niya, Old Flint! May umatake sa kanya kahapon bago siya itinapon sa balon!" Gulat na gulat si Ray nang makita niya ang bangkay bago niya sinabi, “...Hin-hindi ba si Fane iyon, Mr. Crawford? Buhay pa siya kahapon noong nakita natin siya! Paano siya namamatay ng biglaan?" Hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong ni Ray, nanatiling nakatingin si Gerald kay Old Flint. Ang Old Flint mismo ay nakatitig lang sa bangkay para suriin ito ng mabuti. Pagkaraan ng maikling panahon, sinabi niya, “…Kagagawan ito ng isang mabangis na bampira!” “Mabangis na bampira?" sabi ni Gerald nang magulat siya sa sagot ni Old Flint. “Oo. Ang ganitong mga bampira ay may matatalas na kuko na madaling makapatay ng tao. Kung mapapansin mo, makikita mo ang mga marka ng kagat sa kanyang leeg! Ang ibig sabihin lamang nito ay sinipsip ang kan
“…Sino ang mga taong ito, Mr. Crawford?” bulong ni Ray habang umiiling si Gerald at makikita ang malalim na simangot sa kanyang mukha. Sa totoo lang, wala rin siyang ideya kung sino sila. Kasunod nito, isang lalaking may buzz cut ang lumapit habang tinititigan nito si Gerald at ang kanyang grupo bago siya nagtanong, "Sino kayo?" "Sir, kami ay mga merchants at nandito lamang kami bilang mga turista!" sagot ni Gerald. “…Mga merchants? Dito sa gitna ng kawalan? Sinong sinusubukan mong lokohin?" ganti ng lalaki habang nakatitig kay Gerald. "Bahala ka kung maniniwala ka sa akin. Anong ginagawa mo at ng iyong mga tauhan sa lugar na ito?” sagot ni Gerald. "Nandito kami para hanapin ang teritoryo ng mga bampira!" sabi ng lalaking may buzz cut dahil wala siyang nakitang dahilan para magsinungaling. “…Oh? Nandito ka rin para hanapin ang kanilang teritoryo?" gulat na tinanong ni Gerald. Hindi niya inasahan na pareho ang kanilang layunin sa pagpunta dito. “Hmm? Pareho pala tayo ng la