Pagkatapos mapaamo ang leon, naging tahimik ang kanilang gabi at wala masyadong pangyayari. Dahil doon, si Gerald at ang apat ay nakapagpahinga hanggang sumapit ang umaga. Dahil ang South Wastelands ay hindi isang lugar na matatawag nilang ligtas, ang grupo ay nagpasya na umalis nang maaga hangga't maaari. Sinuri muna ni Gerald ang mapa para malaman kung saan ang kanilang susunod na pupuntahan bago nila simulan ang kanilang paglalakbay. Di-nagtagal, sinabi niya sa kanila na sila ay pupunta sa Dragonblood City sa susunod. Umaasa siya na kahit papaano ay mahahanap nila ang gem sa lugar na iyon... Maraming tsismis ang nakapaligid sa ancient Dragonblood City, ang pinakasikat ay tungkol sa ancient Blood Dragon na matatagpuan sa loob ng city. Ayon sa sabi-sabi, matatagpuan raw sa loob ng dragon ang Dragonblood Ball, at kung sino man ang nakakuha ng item ay sinasabing makukuha
Pagdating nila sa entrance ng eskinita, nakita ng grupo ang apat na lalaki na pinunit-punit ang damit ng babae! Mga manyak! Nagalit silang lahat nang makita nila ito! Kinasusuklaman ni Gerald ang gayong mga taong mga manyak, kaya tinuro niya ang mga salarin bago siya umungol, "Itigil niyo 'yan!" Nang marinig ang sigaw ni Gerald, tumaas ang mga kilay ng mga lalaki habang nakatitig sila sa kanya. “Huwag kang mangialam, bata! Hindi ito bagay sayo!" nakangusong sinabi ng isa sa mga lalaki. "Gawin mo ang sinabi niya o tatapusin ko ang buhay mo!" sabi ng isa pa habang binubunot ang mahabang espada para takutin si Gerald at ang mga kasama niya. “Gumagawa kayo ng mga karumal-dumal na krimen laban sa babaeng ito kahit pa kitang-kita kayo! Isang kasalanan kung hahayaan lang namin kayong gawin ito!" galit na galit na sinabi ni Gerald. "Ano? Hindi mo yata alam kung sino ang kinakaharap mo, bata! Hindi mo ba alam na kami ay mula sa Hulkeroic Union?! Kulitin mo pa kami at hindi ka na a
Sa sandaling sinabi iyon, si Gerald at ang iba pa ay tumalikod upang umalis... Nakatitig ang babae habang dahan-dahan silang naglakad sa malayo, medyo maya-maya pa ay hinawakan ng babae ang mga gintong barya sa kanyang mga kamay bago siya umalis na din. Pagsapit ng gabi, si Gerald at ang iba pa ay nakahanap ng angkop na hotel na matutuluyan nila. Dahil magsasalo-salo silang lima ngayong gabi, nagsimulang mag-relax ang grupo pagkatapos nilang mag-unpack. Pagkaraan ng ilang sandali, biglang nagsalita si Ray na nakaupo sa isa sa mga kama, “...Sa totoo lang, Mr. Crawford, sa tingin ko ay kailangan na nating umalis sa Dragonblood City sa lalong madaling panahon. Ang Hulkeroic Union ay darating para patayin tayo pagkatapos ng ating ginawa!" Ang Hulkeroic Union ay napakalakas sa Dragonblood City, malalaman agad nila na apat sa mga disipulo nila ang namatay, at dahil doon ay labis na nag-aalala si Ray. Naintindihan ni Gerald na magiging abala para sa kanila ang magtagal sa loob ng
Sumimangot si Gerald nang makita niya ang pag-aalala ni Nori. Sa bagay, masyadong mabilis ang kilos ng mga mula sa Hulkeroic Union. Huminto ng saglit si Gerald bago siya nagdesisyon, “…Mag-impake na kayo. Aakyat tayo sa bubong ngayon!" Nang marinig iyon, mabilis na kumilos ang grupo para gawin ang inutos ni Gerald. Di-nagtagal, silang lima ay tumalon sa bubong mula sa bintana ng hotel. Ang plano ngayon ay ang manatili doon at obserbahan ang mga susunod na pangyayari... Wala pang ilang segundo matapos silang makaakyat sa bubong nang magsimulang pumasok si Xuio at ang kanyang mga tauhan sa hotel. Matapos tanungin ang may-ari ng hotel, nalaman ni Xuio na naririto pala ang mga hinahanap nila. Dahil doon, agad na inutusan ni Xuio ang may-ari ng hotel na ihatid sila sa kwarto ni Gerald. Pagdating nila sa pinto, sinipa ito ng malakas ni Xuio bago niya inutusan ang kanyang mga tauhan na sumugod! Gayunpaman, mabilis nilang napagtanto na wala palang laman ang kwartong ito! Nakataas
Matapos maglakad ng medyo matagal, bigla nilang narinig na may tumawag, “Hmm? Si Miss Zorn pala ito!" Nang marinig iyon, napatigil silang anim bago sila lumingon para tingnan kung sino ang nagsalita... "…Ah! ikaw pala ‘yan. Anong maitutulong ko sayo, young master ng pamilyang Wroe?” sagot ng babae sabay nguso. Base sa kanyang sagot, mukhang hindi maganda ang impression ng babae sa lalaking ito. Hindi nahirapan si Gerald at ang iba pa na isipin kung bakit. Kung tutuusin, isang sulyap lang ang kailangan para maintindihan nila na isa siyang hedonistic na binata na may mayayamang magulang. Ang pangalan ng binatang ito ay Quaan Wroe, at tulad ng sinabi ng babae, siya ang young master ng pamilyang Wroe. Ang pamilyang Wroes ay sikat sa kanilang lakas sa loob ng Dragonblood City. Mula sa nakikita ni Gerald, nakapasok na si Quaan sa Third-soul-rank sa loob ng Sage Realm, at ito ang nagpapatunay na walang biro ang lakas ang pamilyang Wroe. “Huwag ka masyadong masungit, Miss Zorn! Nab
Hindi siya makakaalis sa sitwasyon na ito base sa kasalukuyang sitwasyon. Bago pa man makapagsalita si Gerald, palihim na kinindatan siya ni Meilani bago siya bumulong, “Turuan mo naman siya ng leksyon, Gerald! Mahilig talaga akong guluhin ng lalaking ito!" "Hayaan mo akong ipaalala sayo na hindi ako ang sarili mong for hire pimp!" "Pasensya na kung ganoon ang ginawa ko, pero please, please tulungan mo ako...! Huwag kang mag-alala, kung may mangyari man, sisiguraduhin kong pananagutan ko ito!" pakiusap ni Meilani habang naka-puppy dog eyes. Nang marinig iyon, napabuntong-hininga na lamang si Gerald nang pumayag siya sa kahilingan ni Meilani. “Hoy bata, siguro nag-cheat ka para talunin si Juno, di ba? Hindi mo siya pwedeng pabagsakin sa ibang paraan! Maghanda ka ngayon na makatanggap ng matinding pambubugbog!" mapangasari na sinabi ni Quaan habang confident niyang tinuro si Gerald. Bago pa man makasagot si Gerald, nagsimula nang sumugod si Quaan sa kanya! Gayunpaman, nap
Ang tuwang-tuwa na si Meilani ay hindi napigilang mapangiti nang makita niya si Quaan na bugbog sarado. Natuwa siya sa kanyang naging desisyon at karapatdapat lamang ang lahat ng nangyari sa kanya. Wala nang pakialam si Meilani kung ano ang mangyayari kay Quaan. Dahil doon sa isip, inakay ni Meilani si Gerald at ang iba pa palayo sa pinangyarihan... Hindi nagtagal pagkatapos nilang umalis nang si Quaan—na nawalan ng malay dahil sa sobrang sakit—ay dahan-dahang nagkamalay... Gumapang siya gamit ang kanyang mga tuhod at agad niyang inilagay ang kanyang kamay sa kanyang dibdib nang makaramdam siya ng matinding sakit! Nagkaroon siya ng internal injuries... Tumingin-tingin siya sa paligid kung nasaan sina Meilani at Gerald, at mabilis niyang napagtanto na matagal na silang nawala. Umatake na naman ang matinding sakit at hindi na namamalayan ni Quaan na tuluyan siyang bumagsak muli sa lupa hanggang sa nawalan na siya ng lakas... Di-nagtagal, dumating si Gerald at ang kanyang grupo
“Tama ka. Noong unang panahon ay imposibleng pagalingin ang isang tao na may nasirang martial arts skills, pero may paraan para magawa ito... Siguradong gagaling ang iyong anak kung makukuha natin ang isang secret ancient medicines na tinatawag na Guddegella! Kapag nainom ito ng young master, paniguradong maibabalik niya ang kakayahang gumamit ng martial arts!" paliwanag ni Quid. "At paano ko makukuha ang gamot na ito?" sabik na tinanong ni Quid. Hindi kailanman magiging madali ang pagkuha ng isang mahalagang gamot. "Ayon sa legend, ang Guddegella ay matatagpuan sa crisscross ng malalawak na ilog at sapa sa Treholm Highlands. Ito ang dahilan kung bakit hindi ito madaling makuha. Bilang patunay niyan, dalawang beses pa lang naging matagumpay na nakuha ang Guddegella sa buong kasaysayan!” sagot ni Lidorn. Nakakasira ng loob na marinig iyon, ngunit mas mabuti na ito kaysa walang paraan para pagalingin ang kanyang anak. Kahit papaano ay may tsansang bumalik sa normal ang kanyang an