Ang tuwang-tuwa na si Meilani ay hindi napigilang mapangiti nang makita niya si Quaan na bugbog sarado. Natuwa siya sa kanyang naging desisyon at karapatdapat lamang ang lahat ng nangyari sa kanya. Wala nang pakialam si Meilani kung ano ang mangyayari kay Quaan. Dahil doon sa isip, inakay ni Meilani si Gerald at ang iba pa palayo sa pinangyarihan... Hindi nagtagal pagkatapos nilang umalis nang si Quaan—na nawalan ng malay dahil sa sobrang sakit—ay dahan-dahang nagkamalay... Gumapang siya gamit ang kanyang mga tuhod at agad niyang inilagay ang kanyang kamay sa kanyang dibdib nang makaramdam siya ng matinding sakit! Nagkaroon siya ng internal injuries... Tumingin-tingin siya sa paligid kung nasaan sina Meilani at Gerald, at mabilis niyang napagtanto na matagal na silang nawala. Umatake na naman ang matinding sakit at hindi na namamalayan ni Quaan na tuluyan siyang bumagsak muli sa lupa hanggang sa nawalan na siya ng lakas... Di-nagtagal, dumating si Gerald at ang kanyang grupo
“Tama ka. Noong unang panahon ay imposibleng pagalingin ang isang tao na may nasirang martial arts skills, pero may paraan para magawa ito... Siguradong gagaling ang iyong anak kung makukuha natin ang isang secret ancient medicines na tinatawag na Guddegella! Kapag nainom ito ng young master, paniguradong maibabalik niya ang kakayahang gumamit ng martial arts!" paliwanag ni Quid. "At paano ko makukuha ang gamot na ito?" sabik na tinanong ni Quid. Hindi kailanman magiging madali ang pagkuha ng isang mahalagang gamot. "Ayon sa legend, ang Guddegella ay matatagpuan sa crisscross ng malalawak na ilog at sapa sa Treholm Highlands. Ito ang dahilan kung bakit hindi ito madaling makuha. Bilang patunay niyan, dalawang beses pa lang naging matagumpay na nakuha ang Guddegella sa buong kasaysayan!” sagot ni Lidorn. Nakakasira ng loob na marinig iyon, ngunit mas mabuti na ito kaysa walang paraan para pagalingin ang kanyang anak. Kahit papaano ay may tsansang bumalik sa normal ang kanyang an
"Maghanap ka ng matataguan, Meilani! Haharapin ko sila!" bilin ni Gerald. Naintindihan ni Meilani na ang pananatili rito ay magdudulot lamang ng problema kay Gerald dahil wala siyang alam sa martial arts, kaya tumango lang siya bago tumakbo. Kahit papaano ay makakahanap siya ng mga taong tutulong kay Gerald... Siniguro muna ni Gerald na nakaalis na siya bago niya tiningnan muli ang tatlong matatandang lalaki... at doon, nagsimula ang kanilang labanan! Nakaharap niya ang mababangis na atake sa tatlong tao na nakapasok na sa Avatar Realm, kaya lalo itong naging mahirap para kay Gerald na harapin sila. Dahil dito, kailangang pahabain ni Gerald ang oras para makahanap siya ng pagkakataon na umatake ... Gayunpaman, masyadong mabigat ang tatlo laban sa isa, kaya sa wakas ay nasaktan ni Lidorn si Gerald! Nang matamaan siya, agad na napaatras si Gerald at sumuka siya ng dugo sa kanyang bibig! Masyadong marahas ang kanyang pagbagsak sa lupa at alam na alam ni Gerald na walang alinlang
Noon ay bumalik si Meilani sa pinangyarihan kasama si Nori at ang iba pa. Nagulat si Meilani nang mapagtanto niyang pinatay ng master ni Gerald ang tatlong matatandang salarin. Napakalakas naman ng taong ito... Palibhasa'y napakalakas ng master, makatuwiran na ngayon kung bakit naging malakas si Gerald! Ibinalik ni Meilani ang kanyang atensyon kay Gerald bago siya sumugod dito habang sumisigaw, "Gerald...!" Kahit anong tawag niya, wala na talagang malay si Gerald... Pagkatapos niyang patumbahin ang tatlong matandang lalaki, sinuot ni Sumeru ang kanyang espada bago siya pumunta sa gilid ni Gerald at sinuri ang kanyang mga sugat. "...Ang kanyang inner breathing structure ay masyadong magulo... Kailangan ko siyang gamutin kaagad!" deklara ni Sumeru matapos suriin ang pulso ni Gerald. Kasunod nito, binuhat niya si Gerald at tumakbo—habang nangunguna si Meilani—hanggang sa makapunta sila sa kwarto ni Gerald. Matapos mailagay ang walang malay na si Gerald sa kanyang kama, bigla
Nang makita iyon, parehong nagmamadaling lumapit sa kanya sina Yeurquin at Meilani. “Kumusta po ang kalagayan ni Gerald, master?” nag-aalalang tinanong ni Yeurquin. "Okay naman siya sa ngayon, pero kakailanganin niyang magpagaling ng maayos para sa mga susunod na araw. Kailangan niyo siyang alagaan. Gusto kong manatili, kailangan kong umalis ngayon para harapin ang ilang mga gawain," sagot ni Sumeru bago siya tumalon at nawala na parang isang anino. Hindi sinabi ni Sumeru kung ano ang kailangan niyang gawin, ngunit si Yeurquin at ang kanyang anak na babae ay may kutob na ipaghihiganti niya si Gerald. Kung ano man ang nangyari, pareho silang mabilis na pumunta sa kwarto upang tingnan si Gerald. Nakaupo sila sa tabi ng kanyang kama at nag-aalala siya nang makita nila kung gaano siya kaputla at nanghihina ngayon. Masyadong matindi ang kanyang mga internal injuries. Sa kabutihang palad, matagumpay na napagaling ni Sumeru ang inner breathing sheild ni Gerald, at ang tanging disa
Nang magising si Gerald kinabukasan, sinalubong siya ng kanyang master na nakapikit habang nakaupo sa tabi ng kanyang kama. Sinubukang bumangon ni Gerald, ngunit mabilis niyang napagtanto na lalo lamang itong sumasakit... Kahit umupo ay hindi niya kayang gawin! Sa sandaling iyon, biglang iminulat ni Sumeru ang kanyang mga mata. Nakita niyang nakabukas na ang mga mata ni Gerald, kaya sinabi niya, “Gerald! Gising ka na!" “Master, ako…” “Huwag kang mag-alala, magiging maayos na ang kalagayan mo. May internal injuries ka lang sa ngayon. Babalik rin ang lakas mo sa lalong madaling panahon basta't gumaling ka nang maayos sa mga susunod na araw!" sagot ni Sumeru bago pa man natapos ni Gerald ang tanong niya. Nang marinig iyon, biglang nanahimik si Gerald... Maya-maya pa ay may narinig na katok mula sa pinto ng kwarto niya. Naglakad si Sumeru para buksan ito at nakita niya na si Meilani pala ang nandito para dalhin kay Gerald ang kanyang almusal. Pagkapasok sa kwarto, inilapag
“Siguraduhin mong makapagpahinga ka ng maayos sa mga darating na araw! Kami nang bahala sa ibang bagay!" dagdag ni Nori. Nang marinig iyon, naintindihan ni Gerald na wala talaga siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa kanila. Dahil doon, humiga siya para magpagaling... Kinaumagahan makalipas ang ilang araw, si Juno—ang nakatatandang kapatid ni Meilani—ay makikitang kumakatok sa pintuan ni Gerald bago siya nagtanong, “Gerald? Gising ka na ba…?" Naghintay ng sandali si Juno ngunit wala siyang nakuhang sagot, kaya tumaas ang kanyang kilay nang buksan niya ang pinto... ngunit walang tayo sa looban! 'Saan kaya siya pumunta? Hindi naman siya pwedeng umalis na lang basta-basta, hindi ba?’ natatarantang naisip ni Juno. Sumimangot siya at nagkaroon siya ng ideya siya saan makikita si Gerald… Dahil dito, mabilis siyang pumunta sa garden sa likod upang tingnan kung nandoon siya. Gaya nga ng hula niya, sinalubong kaagad si Juno sila Gerald at Leit Query na abala sa pag-meditate p
Nang marinig iyon, lumingon lamang si Juno kay Gerald bago siya diretsong sumagot, “Ano naman? Pinanganak ako na malakas kumain!" Umiling-iling si Gerald at nanatili siyang tahimik, nag-aalala siya na baliktarin ni Juno ang mesa kapag inasar niya pa ito. Ang dalawa ay pumunta sa training court ng Dragonblood City matapos ang kanilang almusal. Sa Leicom Continent, ang bawat city ay may sariling training court at ang mga nasabing lugar ay ginamit upang mag-host ng lahat ng uri ng annual competition. Ginagamit rin ang mga training court bilang mga formal venue para magsanay at makipaglaban ang mga training experts. Pagdating nila sa training court, marami na ang nag-sparring laban sa isa't isa. Napansin ng lahat na naroroon si Juno, kaya pinakita nila ang kanilang paggalang at inalok rin nila si Juno na makipaglaban sa kanila sa sparring area. Base sa kanilang mga inaasal, maliwanag na mayroong malaking impluwensya si Juno sa Dragonblood City. Pagkatapos ng lahat, ang mga maka